Malamig na suminghal si Ghent. “Ang kapal ng mukha mo, Frank Lawrence! Pinatay mo ang isang tao ng Sorano family!”Tumalon siya sa ere, sabay tumakbo sa pader habang sumugod siya sa pasilyo papunta kay Frank nang parang isang agila. Nakaunat ang mga daliri niya nang may pulang pure vigor na umiikot rito na parang mga kuko. Maingay itong dumaraan sa hangin. Kinailangang takpan ng Sorano bodyguards ang mga tainga nila!Hindi nakakagulat na kampante si Ghent sa sarili niya dahil nasa Ascendant rank siya. Gayunpaman, nasa early phase pa lang siya—hindi talaga ito sapat laban kay Frank!“Hmph. Talagang ito ang hanap mo…”Hindi lumingon si Frank—alam na niyang sumusugod si Ghent papunta sa kanya. Pinakalma niya ang sarili niya at huminga nang malalim bago lumingon. Pagkatapos, nagpakawala siya ng isang suntok na nababalot ng gintong pure vigor na bumangga sa claw attack ni Ghent. Nagbanggaan ang kamao sa kamao, sumunod naman ang isang malakas na shockwave na mabilis na nagpaw
Bago pa man nakakibo ang dalawang bodyguard sa harapan, nakatalon na si Frank. Pagkatapos, hinawakan niya sila sa leeg at dinurog ito nang may malutong na tunog!“Sugod! Patayin niyo siya!”Nang makitang umatake si Frank, alam na ng mga bodyguard na katapusan na nila. Dahil hindi naman makakatakas, binunot nila ang mga machete at pamalo nila habang sumugod sila papunta kay Frank. "Hmph!"Ibinato ni Frank ang dalawang patay na bodyguard sa kanila at tumakbo sa pader habang sumugod sila sa hallway at kaagad siyang tumalon sa likuran nila. “Sinusubukan niyong tumakas? Wala kayong magagawa,” sabi ni Frank sa bodyguard na handa nang tumakas. Ito ang huling narinig ng bodyguard. Sumigaw rin ang bodyguard na iyon sa iba para sugurin si Frank, balak niyang gamitin sila bilang pain habang tumatakas siya. Thud!Sinuntok siya ni Frank sa leeg at nabali ito. Nanood siya habang bumagsak siya sa lapag sa takot nang hindi na humihinga. Nang makitang hinarangan ni Frank ang daan nila
Tama ang ideya ni Jim—nagpunta si Frank sa Sorano Estate para maghiganti. Sa tuwing naaalala niya ang paghihirap na pinagdaanan ni Nash, napapalakas lang nito ang kanyang galit, kagustuhang pumatay, at ang malalim na pagsisisi niya. Hindi lang siya pinatuloy ng lalaking iyon sa bahay niya, nasaktan pa siya nang dahil sa kanya. Kapag nalaman ito ni Kat, tiyak na maging siya ay hindi magiging maganda ang reaksyon sa kanya. “Mamamatay ka na, Willy Sorano!” Sigaw ni Frank, hinigpitan niya ang kamao niya habang kumislap ang mga mata niya sa galit. Pagbabayarin niya silang lahat sa ginawa nila kay Nash, si Willy man o kahit na sinong sangkot sa pagpapahirap kay Nash!Hindi siya magpipigil, kahit na mangangahulugan ito ng isang giyera laban sa mga Sorano!Lumabas siya ng ospital at sumakay sa isang taxi na nagdala sa kanya diretso sa Sorano Estate dahil umalis si Helen sakay ng kotse niya. Nagkataon lang na nakasalubong niya ang bodyguard na nakwento ni Nash. “Anong ginagawa m
Tiyak na walang kailangang sabihin si Frank sa basurang iyon at dinurog niya ang leeg nito nang may malutong na lagatok. Binagsak niya ang bodyguard sa sarili niyang dugo. Nakadilat ang mga mata niya habang namatay siya at wala siyang ideya kung paano iyon nangyari. Paanong may nagtangka talagang gumawa ng gulo sa Sorano Estate?"Phew…"Nang matapos iyon, naglakad si Frank papunta sa front gates ng Sorano Estate at huminga nang malalim bago ito sinipa. Bumagsak ang mataas na bakal na gate kasama ng isang bahagi ng pader na kinakabitan nito.“Ano? Ano yun?”“Lindol?”Mabilis na nagtipon ang Sorano bodyguards sa gate at napatitig sila sa gulat sa binatang lumabas mula sa alikabok nang may malamig na ekspresyon. Pagkatapos ay nanigas sila nang nakita nilang nakahandusay ang bangkay ng kasamahan nila sa sarili niyang dugo. “A-Ano to?”“I-Inaatake ba tayo?”“Imposible, totoo ba'to?”Kahit na nagkatinginan ang mga bodyguard dahil sa kalabuan ng buong sitwasyon, nagsalita an
Seryoso ang batang ito!Nataranta ang lahat ng Sorano bodyguards habang tinitigan nila ang kalmadong pagkilos ni Frank. Pinatay niya ang bodyguard captain sa isang atake, at naging vigor wielder pa naman siya nitong nakaraan…Kasing lakas siya ng Sorano retainers, at hindi siya isang taong kaya nilang labanan!“Dali… tawagin niyo ang mga retainer!”Mabilis na tumalikod ang isa sa mga bodyguard para tumakas at pinanood lang siya ni Frank nang walang sabi-sabi. Sa sandaling iyon, may sumigaw sa kanya, “Wag kang masyadong mayabang, walanghiya ka! Patay ka na sa sandaling nagpunta ka rito!”Isa iyon sa mga bodyguard, na hindi napigilang sumigaw habang pinanood niyang bumagsak nang walang buhay ang bodyguard captain sa lapag. "Hmm…?"Lumingon si Frank sa bodyguard, tinitigan siya sa mata, at nagtanong kalahating metro lang ang layo sa kanya. “Sinabi mo bang patay na ako?”Lumunok ang bodyguard, pinagsisihan niyang nagsalita siya roon. Lumingon siya sa higit isandaang Sorano b
Nanatiling walang pakialam si Frank habang tinitigan niya ang nanginginig na Sorano bodyguard. “Tapos na ang limang minuto mo. Dahil hindi mo dinala sa'kin si Willy Sorano, pwede mo kong dalhin sa kanya.”Pinili niya lang ang bodyguard na iyon dahil halatang duwag siya—habang mas takot silang mamatay, mas madali silang kontrolin. Masasayang lang lalo ang oras niya sa matatapang. “Ano? Kay Mr. Sorano?” Lumingon ang duwag na Sorano bodyguard sa iba ang bodyguards. Gayunpaman, malinaw na takot silang baka patayin lang ni Frank ang duwag nilang kasama, pagkatapos ay lumipat sa kanila. Nagtatrabaho lang sila rito, at tiyak na ayaw nilang mamatay! At habang ang opinyon lang ni Frank sa lalaki ay isa siyang ‘duwag’, hindi masisisi ang lalaking ito. Ang mga Sorano ay hindi isang dinastiya ng mga martial artist hindi kagaya ng mga Lionheart, at ang tunay na lakas lang nila ay ang mga retainer. At habang ang trabaho ng mga Sorano bodyguard ay ang pagiging bodyguard, mga pinagandan
Pagkatapos ng sampung minuto, napatitig si Frank sa isang malaki at maluhong mansyon na may pitong luxury cars na nakahilera sa courtyard. Ang bawat isa sa mga ito ay limited edition na kaiinggitan kapag nakita sa publiko—base rito, mukhang ito ang sariling koleksyon ni Willy. Pagkatapos ay bumaba siya nang hindi na pinahirapan pa ang duwag na Sorano bodyguard. Sa ibang tao ang galit niya at pumatay lang siya kanina sa galit at para patunayan ang sarili niya. Ngayong nahanap na niya ang mansyon ni Willy, wala siyang dahilan para gawin iyon—hindi niya kailanman magustuhan ang pagpatay at palagi siyang pasensyoso sa mga taong alam ang lugar nila. “Alis.” Tinaboy niya ang duwag na Sorano bodyguard. Inisip ng duwag na Sorano bodyguard ay mamamatay na siya at natuwa siya nang hindi siya pinatay ni Frank. Lalo na't walang mas masaya sa pagtakas sa kamatayan, at pinasalamatan niya pa nang sobra si Frank kahit na isa siyang kalabang pumasok sa Sorano Estate. Napailing si Frank—ta
Tumawa si Willy. “Ang katotohanang nagpunta ka rito ay nangangahulugang—”Pak!Walang sinabi si Frank habang sinampal niya nang malakas si Willy. Natulala siya. Hinablot niya si Willy sa leeg at kumislap ang mga mata niya habang sumigaw siya, “Tinatanong kita, kaya sumagot ka!”Halos hindi makahabol ang isipan ni Willy—hinawakan niya ang mukha niya at nakaramdam ng hapdi, sa wakas ay napagtanto niyang hindi ito isang panaginip.Nalukot sa galit at pagkapahiya ang mukha niya habang tumingala siya at tinitigan nang masama si Frank. “S-Sinaktan mo ko?! Sa pamamahay ko?! Hindi mo ba alam kung anong ginagawa mo?!”Pak!“Ang sabi ko, sagutin mo ang tanong ko!” Sumigaw si Frank habang sinampal niya siyang muli. Nakakita ng bituin si Willy habang dumugo ang labi niya. Inabot ng ilang segundo si Willy bago nahimasmasan.“Frank Lawrence, ikaw—”“Sagutin mo ang tanong ko!”Nang makita ang galit ni Frank, nakaramdam ng pagkataranta si Willy. Wala siyang ideya kung paano nakapasok si
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang