Nanatiling walang pakialam si Frank habang tinitigan niya ang nanginginig na Sorano bodyguard. “Tapos na ang limang minuto mo. Dahil hindi mo dinala sa'kin si Willy Sorano, pwede mo kong dalhin sa kanya.”Pinili niya lang ang bodyguard na iyon dahil halatang duwag siya—habang mas takot silang mamatay, mas madali silang kontrolin. Masasayang lang lalo ang oras niya sa matatapang. “Ano? Kay Mr. Sorano?” Lumingon ang duwag na Sorano bodyguard sa iba ang bodyguards. Gayunpaman, malinaw na takot silang baka patayin lang ni Frank ang duwag nilang kasama, pagkatapos ay lumipat sa kanila. Nagtatrabaho lang sila rito, at tiyak na ayaw nilang mamatay! At habang ang opinyon lang ni Frank sa lalaki ay isa siyang ‘duwag’, hindi masisisi ang lalaking ito. Ang mga Sorano ay hindi isang dinastiya ng mga martial artist hindi kagaya ng mga Lionheart, at ang tunay na lakas lang nila ay ang mga retainer. At habang ang trabaho ng mga Sorano bodyguard ay ang pagiging bodyguard, mga pinagandan
Pagkatapos ng sampung minuto, napatitig si Frank sa isang malaki at maluhong mansyon na may pitong luxury cars na nakahilera sa courtyard. Ang bawat isa sa mga ito ay limited edition na kaiinggitan kapag nakita sa publiko—base rito, mukhang ito ang sariling koleksyon ni Willy. Pagkatapos ay bumaba siya nang hindi na pinahirapan pa ang duwag na Sorano bodyguard. Sa ibang tao ang galit niya at pumatay lang siya kanina sa galit at para patunayan ang sarili niya. Ngayong nahanap na niya ang mansyon ni Willy, wala siyang dahilan para gawin iyon—hindi niya kailanman magustuhan ang pagpatay at palagi siyang pasensyoso sa mga taong alam ang lugar nila. “Alis.” Tinaboy niya ang duwag na Sorano bodyguard. Inisip ng duwag na Sorano bodyguard ay mamamatay na siya at natuwa siya nang hindi siya pinatay ni Frank. Lalo na't walang mas masaya sa pagtakas sa kamatayan, at pinasalamatan niya pa nang sobra si Frank kahit na isa siyang kalabang pumasok sa Sorano Estate. Napailing si Frank—ta
Tumawa si Willy. “Ang katotohanang nagpunta ka rito ay nangangahulugang—”Pak!Walang sinabi si Frank habang sinampal niya nang malakas si Willy. Natulala siya. Hinablot niya si Willy sa leeg at kumislap ang mga mata niya habang sumigaw siya, “Tinatanong kita, kaya sumagot ka!”Halos hindi makahabol ang isipan ni Willy—hinawakan niya ang mukha niya at nakaramdam ng hapdi, sa wakas ay napagtanto niyang hindi ito isang panaginip.Nalukot sa galit at pagkapahiya ang mukha niya habang tumingala siya at tinitigan nang masama si Frank. “S-Sinaktan mo ko?! Sa pamamahay ko?! Hindi mo ba alam kung anong ginagawa mo?!”Pak!“Ang sabi ko, sagutin mo ang tanong ko!” Sumigaw si Frank habang sinampal niya siyang muli. Nakakita ng bituin si Willy habang dumugo ang labi niya. Inabot ng ilang segundo si Willy bago nahimasmasan.“Frank Lawrence, ikaw—”“Sagutin mo ang tanong ko!”Nang makita ang galit ni Frank, nakaramdam ng pagkataranta si Willy. Wala siyang ideya kung paano nakapasok si
Hindi man lang kumibo si Frank habang pinanood niyang humagalpak si Willy at kalmado siyang nagtanong, “Ano, tapos ka na?”"Eh?" Nabigla si Willy sa kawalan ng reaksyon ni Frank at nagtanong pa nga, “Hindi ka ba natatakot? Alam ko ang lahat ng tungkol sa'yo at sa pamilya mo sa Riverton—Oof!”Hindi man lang nakasigaw si Willy habang sinuntok ni Frank ang baba niya. Nadurog ang lahat kabilang na ang ngipin niya. Ang nagawa niya lang ay mamilipit sa lapag sa matinding sakit. “Siguro nga…”Nanatiling walang pakialam si Frank habang pinanood niya siyang magkombulsyon, at kalmado siyang nagsalita, “Siguro nga magdurusa ang pamilya ko kagaya ng banta mo, pero gagawin ko ang lahat para pigilan to bago mangyari yun. Kung giyera ang gusto niyang mga Sorano, ayos lang sa'king ipakita ang kakayahan ko at punuin ng dugo ang bahay mo.”“Walanghiya!”Isang matandang lalaking nakaputing suit ang lumabas mula sa pintuan sa likod ni Frank sa sandaling iyon. Tumingin siya kay Willy bago tiniti
“Wala akong sama ng loob sa'yo, Mr. Sorano,” sagot ni Gus. “Paano akong naging hindi patas sa'yo? Sa totoo lang, walang magandang maidudulot sa Sorano family kung magsisimula tayo ng away nang hindi alam ang dahilan. Lalo na't ang pinag-uusapan natin rito ay isang martial elite na malinaw na nagalit nang todo para sumugod sa teritoryo natin.”“Sige. Kung ganun, gusto kong marinig ang kwento ng batang ito.”Tumango si Tony at pinigilan ang galit niya habang lumingon siya kay Frank nang may malamig na mga mata. “Anong sama ng loob mo sa pamilya ko, Mr. Lawrence? Kailangan naming maintindihan kung bakit ka nagsisimula ng giyera rito.”“Tama.” Tumango si Gus. “Hmph. Sa wakas may nagsalita nang parang tao rito.” Suminghal si Frank habang ginaanan niya ang paa niya sa tuhod ni Willy. Lumingon siya kay Gus, pagkatapos ay nagtanong, “Nang kumonsulta ka sa'kin, nag-usap tayo na dadhan kita ng gamot para gamutin ang pabalik-balik na kondisyon mo, di ba?”“Totoo ba yan?” Lumingon si Tony
“Gus Zeller…!” Galit na sigaw ni Willy, pero wala siyang nagawa. “Willy,” mahinang sabi ni Tony, “Tama si Gus. Hindi ka pa napapatunayang inosente sa pagkamatay ni Zam, at ngayon, nagdala ka ng dagdag na problema sa pintuan natin. Ikaw ang mali rito, kaya humingi ka ng tawag kay Mr. Lawrence ngayon din.”“Ano?!”Sobrang nanlaki ang mga mata ni Willy na halos lumuwa ang mga ito, pagkatapos ay tumili siya habang tumingala siya sa kanila, “Mali ba ko ng rinig?! Ang… Ang Frank Lawrence na'to ang sumugod sa bahay natin, pumatay sa bodyguards natin, at nanakit sa'kin! Tapos palalampasin niyo to?! Kailan pa naging ganito kanina ang pamilya natin?! O hindi na ba tayo lumalaban kapag inaagrabyado tayo ng iba ngayon?!”“Manahimik ka!” Malamig na sigaw ni Gus habang humakbang siya paharap. “Lilinawin ko to sa'yo—problema lang ang dinadala mo sa’min, at isa kang suspek sa pagkamatay ng sarili mong granduncle! Wag mong isiping makakatakas ka sa pag-iyak-iyak mo rito!”Pagkatapos, tinuro ni Gu
Nagwala si Willy habang umiyak siya, “Iligtas mo ko, Granduncle!!!”Kaagad na lumapit si Tony at sinigawan si Frank, “Tigil! Kinakausap ka namin nang maayos, pero sa halip ay sasaktan mo si Willy?! Mas gugustuhin mo bang di kami makausap nang maayos?!”“Kumalma ka, Mr. Lawrence,” nangatwiran rin si Gus, hindi niya gustong makalaban si Frank. "Heh…" Tumawa lang si Frank sa kabila ng nag-iingat na tayo nina Tony at Gus. “Kayo ang dapat na nagmamakaawa. Bago pa ako dumating, dalawang pagpipilian lang ang iaalok ko kay Willy.”Habang nagsalita, dinurog niya ang kabilang tuhod ni Willy gamit ng paa niya—sa sobrang sakit ay ilang beses siyang nawalan ng malay, ngunit ang nagawa niya lang ay magmura at isigaw ang pangalan ni Frank. “Papatayin ko siya pag lumapit pa kayo,” sabi ni Frank nang makitang handa nang umatake si Tony. Kaagad na tumuwid nang tayo si Tony—nakikita na niyang malakas si Frank, at kaya niyang patayin si Willy kung gusto niya.“Kung ganun, ano palang gusto mo?!
Ngumisi si Frank. “Kung gusto mo siyang mabuhay, dalhin mo siya sa Loggins Apothecary at paluhurin mo siya kay Nash para humingi ng tawad… Iyon, o kung kaya nitong maghintay na mamatay siya kakasigaw nang tatlong araw. At makakaasa kayo kapag sinabi kong pagsisisihan niyang nabuhay pa siya sa sandaling iyon.”Sa mga salitang iyon, tumalon si Frank mula sa pangalawang palapag bago nakasagot ang kahit na sino sa kanila at lumapag sa ibabaw ng isa sa mga luxury car ni Willy. Habang napatunganga ang Sorano bodyguards sa paligid niya, sumakay siya sa isang dome car at nagmaneho paalis. “Pigilan niyo siya! Pigilan niyo!” Nagwawalang sumigaw si Emilio Sorano—ang tatay ni Willy—sa mga bodyguard sa baba pagkatapos niyang sumugod matapos marinig ang nangyari. “Oh… Opo!”Sa wakas ay natauhan ang mga bodyguard at hinabol nila siya. Gayunpaman, nakalayo na si Frank sa kanila at wala silang pag-asang matalo siya kahit na mahabol pa nila siya. Dahil dito, pinagmukha lang nilang aligaga si
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang