Nagwala si Willy habang umiyak siya, “Iligtas mo ko, Granduncle!!!”Kaagad na lumapit si Tony at sinigawan si Frank, “Tigil! Kinakausap ka namin nang maayos, pero sa halip ay sasaktan mo si Willy?! Mas gugustuhin mo bang di kami makausap nang maayos?!”“Kumalma ka, Mr. Lawrence,” nangatwiran rin si Gus, hindi niya gustong makalaban si Frank. "Heh…" Tumawa lang si Frank sa kabila ng nag-iingat na tayo nina Tony at Gus. “Kayo ang dapat na nagmamakaawa. Bago pa ako dumating, dalawang pagpipilian lang ang iaalok ko kay Willy.”Habang nagsalita, dinurog niya ang kabilang tuhod ni Willy gamit ng paa niya—sa sobrang sakit ay ilang beses siyang nawalan ng malay, ngunit ang nagawa niya lang ay magmura at isigaw ang pangalan ni Frank. “Papatayin ko siya pag lumapit pa kayo,” sabi ni Frank nang makitang handa nang umatake si Tony. Kaagad na tumuwid nang tayo si Tony—nakikita na niyang malakas si Frank, at kaya niyang patayin si Willy kung gusto niya.“Kung ganun, ano palang gusto mo?!
Ngumisi si Frank. “Kung gusto mo siyang mabuhay, dalhin mo siya sa Loggins Apothecary at paluhurin mo siya kay Nash para humingi ng tawad… Iyon, o kung kaya nitong maghintay na mamatay siya kakasigaw nang tatlong araw. At makakaasa kayo kapag sinabi kong pagsisisihan niyang nabuhay pa siya sa sandaling iyon.”Sa mga salitang iyon, tumalon si Frank mula sa pangalawang palapag bago nakasagot ang kahit na sino sa kanila at lumapag sa ibabaw ng isa sa mga luxury car ni Willy. Habang napatunganga ang Sorano bodyguards sa paligid niya, sumakay siya sa isang dome car at nagmaneho paalis. “Pigilan niyo siya! Pigilan niyo!” Nagwawalang sumigaw si Emilio Sorano—ang tatay ni Willy—sa mga bodyguard sa baba pagkatapos niyang sumugod matapos marinig ang nangyari. “Oh… Opo!”Sa wakas ay natauhan ang mga bodyguard at hinabol nila siya. Gayunpaman, nakalayo na si Frank sa kanila at wala silang pag-asang matalo siya kahit na mahabol pa nila siya. Dahil dito, pinagmukha lang nilang aligaga si
Nang malapit nang magkasundo ang mga executive at retainer ng mga Sorano, isang makapangyarihang boses ang sumigaw mula sa pintuan, “Anong nangyayari rito?!”Manahimik sila kaagad, at karamihan sa kanila ay yumuko sa paggalang habang pumasok ang isang matandang lalaki. Nakabaluktot ang likod niya at matanda na ang itsura niya, pero napakalakas ng pagdala niya sa sarili niya. Tumayo siya sa gitna ng mga tao at sinuri ng matatalas niyang mga mata silang lahat. Siya ay walang iba kundi si Zico Sorano, ang head mismo ng Sorano family. “Kapatid.” Lumapit sa kanya si Tony at sinabi sa kanya ang lahat ng nangyari. Pinanatili niyang walang pinapanigan ang kwento niya habang iniulat niya ang mga katotohanan sa nakita niya. “Hmm… isang Ascendsnt rank na nagngangalang Frank Lawrence?”Pinagtuunan ng pansin ni Zico si Frank at halos hindi pinansin ang namimilipit na si Willy habang tahimik siyang nag-isip. Hindi nagtagal, misteryoso siyang ngumiti, na maging ang mga lukot sa mukha ni
“Oh, hindi mo kailangang mag-alala.”Ngumiti si Zico. “Narinig kong mayroong mga isyu sa arranged engagement ng mga Turnbull at Lionheart, at umiikot ang lahat ng ito kay Frank Lawrence.”Napagtanto ito ni Emilio. “Sinasabi mo bang…”“Oo.” Suminghal si Zico. “Mananatili tayo sa likod ng eksena at hahayaan siyang tapusin ng mga Turnbull at mga Lionheart. Maganda kung mananatiling lihim ang pagkatao niya at masasaktan silang lahat sa gulo nila. Doon naman tayo papasok…”Tumawa nang malamig si Zico, pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Ang Five-Peat Archaeus ay isang disiplinang sinasabing magdadala sa isang tao sa Transcendent rank, isang daan sa walang-hanggang buhay. Anong opinion ng mga mortal kumpara sa kanila?”“Naiintindihan ko na ngayon… Salamat sa gabay mo, Papa.”“D-Dad? Iligtas mo ko… Ang sakit-sakit na… Ang sakit ng lahat…” Iniunst ni Willy ang isang kamay niya kay Emilio habang gumulong-gulong siya. Gayunpaman, nagpapantasya na si Emilio sa pagkuha sa Five-Peat Archaeus
Habang nilapag ni Matis ang basket ng prutas na dala niya at kumunot ang noo niya, nanatiling tahimik si Nash. “Iyon ay…”Sa huli, bumuntong-hininga siya nang hindi nagbabanggit ng pangalan. “Kalimutan mo na lang. Hindi natin sila kayang banggain.”“Naman. Minamaliit mo si Matis, Nash!” sabi ng isang matinis na boses sa labas ng pinto. Hindi nagtagal, isang babaeng medyo may edad na na nakasuot ng dilaw, nakakulot ang buhok, at may makapal na make-up ang pumasok habang nagpatunog ng dila. Siya si Mel Gunnar, ang hipag ni Nash. “Ang lala… Anong ginawa mo para mangyari sa'yo to, Nash?” sigaw niya bago mapagmalaking ngumiti kay Matis. “Pero wag kang mag-alala—habang nandito ang anak ko, hahanapan ka niya ng hustisya, kahit sino pa yan!”“Tama.” Tumango si Matis. “Sabihin mo lang kung sino. Tiyak na tutulungan kita!”“Hindi mo talaga kailangan.” Umiling si Nash. Hindi niya gustong idamay sila at masyadong nakakarindi ang boses ni Mel para sa kanya. “Sabihin mo na lang sa'min,
“Dapat nagsabi ka na lang sa'min kung kailangan mo ng pera… Ngayon, kita mo? Inatake ang tatay mo at di man lang niya masabi kung sino yun o manghingi man lang ng hustisya. Kinailangan mong magdusa dahil sa pride mo dahil sumama ka sa mga hindi matitino.”Kahit na may simpatya sa mga salita ni Mel, hindi ito nakita sa ekspresyon niya—sa halip, may bakas pa ng pagkamuhi rito. Nakikita ni Frank na kakaiba ang trato ng mga kamag-anak nina Nash at Kat sa kanila. Huminto siya sandali, pagkatapos ay lumingon pabalik kay Matis at mahinang nagsabi, “Makinig ka sa'kin. Ang taong umatake kay Nash ay hindi isang taong kaya mong banggain.”“Talaga?”Suminghal naman si Matis, binitawan si Frank, at naglakad papunta sa nanay niya habang suminghal sa pagkamuhi. “Narinig mo ba yun, Ma? Sabi niya hindi ko raw kayang banggain ang lalaking nanakit kay Tito Nash.”Lumapit si Kat kay Frank sa sandaling iyon. Pinanood niya siya nang kinakabahan habang nagtanong siya, “Sinong may gawa nito, Master Lawr
“Ano?! Si Willy Sorano?!” Parehong nagulat sina Matis at Mel. Gayunpaman, pagkatapos ng nakakailang na katahimikan, umubo si Mel at sumigaw, “Gamitin mo naman ang isip mo kung gusto mong magsinungaling! Bakit gugustuhing saktan ni Willy Sorano si Nash? Mabait siya—hindi niya gagalitin si Mr. Sorano!”“Tama!” Sumang-ayon si Matis. “Nakita ko na si Mr. Sorano sa personal. Mula iyon sa malayo, pero mabait siya at mapagpakumbaba. Hindi siya mananakit ng kahit na sino! Nagsisinungaling ka lang!”“Oh, iba talaga ang anak ko! Ang galing-galing niya, nakita na niya sa personal si Willy Sorano!”Kumislap ang mga mata ni Mel habang pinuri niya siya bago lumingon kay Frank. “Wala ka nang masabi ngayon, ano? Nagsinungaling ka tungkol sa taong nakita na ng anak ko… Nakakahiya! Magtatago na ako kung ako sa'yo! Bakit di mo tignan ang sarili mo sa salamin? Sino ka ba sa tingin mo at dinadamay mo ang isa sa Four Families ng Morhen?”Ngumisi si Matis habang umiiling. “Mayroon talagang mga taong so
Nang nakita ni Mel ang ekspresyon sa mukha ng anak niya, kaagad niya siyang ipinagtanggol. “Bakit mo kami sinisigawan, Kat? Hindi kami ang nanakit sa tatay mo,” katwiran niya, hindi niya nakalimutang ilipat ang usapan. “Hindi mo ba dapat tinatanong kung sinong may gawa nito sa tatay mo?”“Oo nga,” kaagad na sumingit si Matis. “Ginagawa namin ito sa kabutihan ng puso namin para sa kapakanan ng tatay mo. Nag-aalala kami.”“Hindi namin kailangan ng tulong o pag-aalala niyo!” Prangkang sagot ni Kat. “Wag kang mag-alala,” pinagaan ni Frank ang loob niya, sapagkat wala siyang nagawa sa sandaling iyon. “Nagpunta ako mismo sa Sorano Estate kahapon. Personal na pupunta rito si Willy para humingi ng tawad ngayong araw—mamamatay siya kung hindi.”“Ano?!”Nagulat si Matis, ngunit hindi nagtagal ay tinapik si Frank sa balikat habang tumawa siya. “Oh, ano ka ba… dapat mo talagang malaman kung kailan susuko!” Ngumisi siya habang sumilip kay Kat sa simpatya. “Kita mo, Kat? Magaling talagang
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy