Nang nakita ni Mel ang ekspresyon sa mukha ng anak niya, kaagad niya siyang ipinagtanggol. “Bakit mo kami sinisigawan, Kat? Hindi kami ang nanakit sa tatay mo,” katwiran niya, hindi niya nakalimutang ilipat ang usapan. “Hindi mo ba dapat tinatanong kung sinong may gawa nito sa tatay mo?”“Oo nga,” kaagad na sumingit si Matis. “Ginagawa namin ito sa kabutihan ng puso namin para sa kapakanan ng tatay mo. Nag-aalala kami.”“Hindi namin kailangan ng tulong o pag-aalala niyo!” Prangkang sagot ni Kat. “Wag kang mag-alala,” pinagaan ni Frank ang loob niya, sapagkat wala siyang nagawa sa sandaling iyon. “Nagpunta ako mismo sa Sorano Estate kahapon. Personal na pupunta rito si Willy para humingi ng tawad ngayong araw—mamamatay siya kung hindi.”“Ano?!”Nagulat si Matis, ngunit hindi nagtagal ay tinapik si Frank sa balikat habang tumawa siya. “Oh, ano ka ba… dapat mo talagang malaman kung kailan susuko!” Ngumisi siya habang sumilip kay Kat sa simpatya. “Kita mo, Kat? Magaling talagang
Pagkatapos bumuntong-hininga nang matagal at pinilit na ngumiti, nagsabi si Kat, “Master Lawrence, alam kong magaling ka… Wag kang mag-alala. Hindi kita sisisihin sa nangyari sa tatay ko, at kakaunti lang ang magagawa natin. Basta't buhay siya at nagpapagaling.” “Hindi ako nagsisinungaling,” seryosong sabi ni Frank nang nakakunot ang noo, pero hindi niya alam kung paano niya siya papaniwalain. “Oh, naniniwala ako sa'yo, pare.” Tumawa si Matis, sabay lumapit para akbayan si Frank. “Wag kang mag-alala—tatawagan ko si Mr. Sorano mismo at sasabihan siyang pumunta rito kaagad, pagkatapos, kukuhanan kita ng maganda at komportableng kwarto sa mental asylum. Baka bumalik ka sa realidad sa kaunting shock therapy.”“Wala akong magagawa kung di kayo naniniwala sa'kin.” Bumuntong-hininga si Frank at umiling. Inaasahan niyang darating ang mga Sorano at hihingi ng tawad, o magpapadala sila ng tao rito. Iyon ang dahilan kaya ayaw ni Frank ng ibang tao rito—kung nagpasya ang mga Sorano na ibu
Ang biglaang pagtaas ng boses ni Nash ay tiyak na isang bagong mukha para kina Frank at Kat. “Pa, ano…?” bulong ni Kat. “Alam ko. Hindi ko to dapat inilihim sa'yo,” sabi ni Nash habang malambing na hinaplos ang ulo ni Kat at bumuntong-hininga. “Ang nanay mo ay isang dating martial elite. Halos mamatay siya pagkatapos biglang atakihin ng ilang masasamang tao, pero nagkataong nakita ko siya at iniligtas ko siya. “Pagkatapos noon, nagpasya siyang ibaon ang nakaraan niya, at dumating ka sa buhay namin… pero sa kung anong paraan, nahanap siya ng dati niyang mga kalaban. Ipinagkatiwala ka niya sa'kin bago umalis at pinatay nila siya. Kung kaya't ginawa ko ang lahat para maging mapagpakumbaba—ang lahat ng iyon ay para sa kapakanan mo.”Bumuntong-hininga siya, pagkatapos ay kinawayan si Mel para paalisin siya. “Pwede ka nang umalis. Hindi naman sa hindi ko ibibigay sa'yo ang huling pamana ni Io—hindi ko lang talaga kaya. Hindi ko hahayaang makuha mo ito kahit na subukan mo pa tong nakaw
Natural lang para sa martial elites kagaya ni Io na makaipon ng malaking kayamanan. Dahil dito, gustong-gusto itong makuha ni Mel at pinipilit si Nash na ibigay sa kanya ang lahat. Sumunod si Nash at isinuko niya kaagad ang kayamanan ng asawa niya. Kahit na nabubuhay nang parang hari sina Mel at ang anak niyang si Matis, hindi nabahala si Nash—ang pinahahalagahan niya lang ay si Kat. Gayunpaman, naging sobrang sakim si Mel sa pagkokompromiso niya at gusto nitong kunin ang bawat isang patak nito. “Lumayas kayo, o magbibilang ako hanggang tatlo,” sabi ni Frank na nagtaas ng tatlong daliri habang kumilos siya para tumayo sa tabi ni Kat. “Ano, sa tingin mo kaya mo kaming pigilan?!” Sigaw ni Matis. “Sige! Baliin niyo ang binti niya!”Sumugod ang mga bodyguard niya kay Frank bago pa siya nagbilang, at tumayo rin naman si Kat. “Master Lawrence! Ako nang bahala sa dalawang to. Ikaw nang bahala sa tatlo!” sigaw niya, determinado siya habang pinunasan ang mga luha niya. “Ang dami kon
Gayunpaman, hindi inasahan ni Mel o ni Matis na naging martial artist pala si Kat, at malakas pa nga siya sa kabila ng maliit na katawan niya. At ang tinatawag niyang Master Lawrence—ang mayabang at hindi nababagay na bisita—ay isang martial artist din. Ang totoo, ang limang bodyguard ay ang pinakamagaling sa mga tao ni Matis, pero hindi man lang sila tumagal ng kahit isang minuto!“M-Maghintay ka lang!” Sigaw ni Matis at tumalikod para umalis ng ward. Galit na galit din si Mel, pero hindi niya ito sinabi habang hinabol niya ang anak niya. Nang mahabol niya siya sa pasilyo, nagtanong siya nang may malinaw na inis, “Matis… Anong gagawin natin? Hahayaan na lang ba natin to?!”“Syempre hindi, Ma—kumalma ka lang sandali.” Ngumisi nang malagim si Matis. “Hindi ito problema. Tatawag ako ng mas maraming tao ngayon… martial artists man sila, pero kahit gaano pa sila kagaling, kaya ba talaga nilang lumaban sa isandaang tao?!”Mayabang namang ngumisi si Mel. “Ang galing talaga ng anak
Dahil pinagyayabang ni Frank na pumasok siya ng Sorano Estate nang hindi napigilan at pinilit si Willy na humingi ng tawad, ayos lang kay Matis na bigyan siya ng pagkakataong patunayan ang sarili niya. Tinitigan ni Matis nang may kaunting takot si Emilio sa gitna ng grupo, pagkatapos ay nagsabi kay Lobo, “Oo, pero wala siyang pakialam. Talagang minamata niya tayo.”“Ano?!” Nagalit kaagad si Lobo, pero mabilis niyang pinigilan ang sarili niya dahil nagpunta siya sa ibang dahilan. Tinapik ni Lobo si Matis sa balikat at nagsabing, “May mahalagang gagawin ang mga importanteng tao ngayon rito, pero wag kang mag-alala—tatawagan ko ang mga tao ko pagkatapos nila.”Natuwa si Matis sa sinabi niya at paulit-ulit siyang pinasalamatan. “Maghintay ka lang,” sabi ni Lobo sa kanya. “Pagkatapos namin, dadalhin ko ang mga tao ko!”“Sige! Maraming salamat, Lobo!”Habang pinanood nilang umalis ang mga Sorano, nagmadali si Mel papunta sa anak niya at nagtanong, “Ano? Anong sinabi ni Lobo?”“Heh
Kagaya ng inasahan ni Frank, pumasok ang mga punong miyembro ng Sorano family sa ward ni Nash nang may maayos na pormasyon. Salamat sa paghahanda ni Frank, hinanda ni Jim Loggins ang pinakamagandang ward para kay Nash. Kahit matapos pumasok ng higit isang dosenang punong miyembro ng Sorano family at ng stretcher ni Willy, hindi sila nagsiksikan sa loob. “Master Lawrence…?” Natulala si Kat habang pinanood niya ang malaking grupo ng mga taong biglang pumasok sa ward ng tatay niya. “Kumalma ka lang,” pagpapagaan ni Frank sa loob niya, sabay na sabay na siya sa ganitong okasyon. Tumayo siya, pagkatapos ay lumapit kay Emilio at mahinang nagtanong, “Ano, nakapag-isip ka na ba? Magiging giyera na ba, o luluhod si Willy para humingi ng tawad?”“Ano?!” Sigaw ni Kat at mabilis na tinakpan ang bibig niya gamit ng kamay niya. Ang mga Sorano talaga ang mga taong ito?!At ang medyo may edad na lalaki ay may kakaibang ere sa kanya… Biglang naalala ni Kat na nakita niya siya noon sa dy
Habang nanigas si Mel, hindi rin mas maganda ang kalagayan ni Matis. Nakasandal siya sa pader nang may blangkong mga mata at miserableng ekspresyon. “Ma… Sa tingin ko patay na tayo…” bulong niya. “Kaya niyang pasunurin ang mga Sorano, at maging si Emilio Sorano ay nagpunta rito para humingi ng tawad… Ano palang halaga natin…”Pakiramdam ni Matis ay isa siyang payaso—yung tipong bulag, dahil naalala niya kung gaano niya sinubukang ipagyabang ang pagiging mataas niya kay Frank. Sa sandaling iyon, nagsalita si Emilio mula sa loob ng ward ni Nash, “Mr. Lawrence, sinabi sa'kin ng tatay ko na dalhin si Willy rito at humingi ng tawad nang personal. Sana'y mapatawad mo ang kasamaan ng walanghiya kong anak, at naghanda kami ng naaayon na danyos—heto ang tsekeng nagkakahalaga ng 500 milyong dolyar. Sana'y tanggapin mo ito.”Nang makitang sinsero si Emilio, tumango si Frank kay Kat. “Sige. Kunin mo.”“Sige.”Walang takot si Kat dahil sa kawalan niya ng karanasan at kinuha ang tseke ni E
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy