Habang nanigas si Mel, hindi rin mas maganda ang kalagayan ni Matis. Nakasandal siya sa pader nang may blangkong mga mata at miserableng ekspresyon. “Ma… Sa tingin ko patay na tayo…” bulong niya. “Kaya niyang pasunurin ang mga Sorano, at maging si Emilio Sorano ay nagpunta rito para humingi ng tawad… Ano palang halaga natin…”Pakiramdam ni Matis ay isa siyang payaso—yung tipong bulag, dahil naalala niya kung gaano niya sinubukang ipagyabang ang pagiging mataas niya kay Frank. Sa sandaling iyon, nagsalita si Emilio mula sa loob ng ward ni Nash, “Mr. Lawrence, sinabi sa'kin ng tatay ko na dalhin si Willy rito at humingi ng tawad nang personal. Sana'y mapatawad mo ang kasamaan ng walanghiya kong anak, at naghanda kami ng naaayon na danyos—heto ang tsekeng nagkakahalaga ng 500 milyong dolyar. Sana'y tanggapin mo ito.”Nang makitang sinsero si Emilio, tumango si Frank kay Kat. “Sige. Kunin mo.”“Sige.”Walang takot si Kat dahil sa kawalan niya ng karanasan at kinuha ang tseke ni E
Mabuti na lang ay si Kat ang tipo ng babaeng walang kinakatakutan at talagang gagawin ito sa kahit na anong sitwasyon. Tumango siya kay Frank, pagkatapos ay sinampal si Willy nang dalawang beses. Nagulat naman ang lahat ng punong miyembro ng Sorano family. Marami sa kanila ay lumingon kay Emilio, sapagkat kilala ang lalaking ito sa sobrang pagpoprotekta sa anak niya. Ang dalawang sampal na iyon ay para na ring sampal sa mukha niya! Gayunpaman, habang inisip nilang lahat na tapos na ang mga sampal, nanood ang mga Sorano nang huminga nang malalim si Kat. Pagkatapos, inipon niya ang vigor niya, sabay nagsimulang bugbugin si Willy habang nakahiga siya sa lapag!Hindi siya nagpigil, magmura pa nga siya habang patuloy niyang sinaktan si Willy, “Papatayin kitang hayop ka! Ano, sa tingin ko ikakalalaki mo ang pang-aapi mo sa tatay ko?! Pwes, ipapakita ko sa'yo ngayon!”Para bang may langaw ba nakapasok sa lalamunan ni Emilio habang pinanood niyang walang habas na bugbugin ni Kat ang
Si Emilio, na huling umalis, ay tumango kay Frank. “Magkikita tayong muli.”Habang umalis siya, kumislap nang mapanganib ang mga mata niya na para bang tinatatak niya sa isip niya ang mukha ni Frank. Gayunpaman, hindi nabahala si Frank, binugaw niya pa siya nang parang langaw at hindi man lang tumingin sa kanya. “Master Lawrence… Ang galing-galing mo!” Nagmadali si Kat sa tabi ni Frank nang nakaalis na ang mga Sorano. Kuminang ang mga mata niya sa pagsamba at halos hindi niya maipaliwanag ang sabik na naramdaman niya. Matagal na niyang inisip na napakalakas niya, nakagawa pa siya ng mga koneksyon sa mga kagaya ng Four Families ng Morhen… Pero sa kung anong paraan, napatunayan niya pang higit pa siya sa inakala niya, napilit niya ang mga Sorano na pumunta rito at humingi ng tawad. At nagawa pa niyang bugbugin mismo si Willy para makapaghiganti. Walang tao sa Morhen ang magtatangkang saktan ang lalaking iyon! Pero nagawa niya siyang bugbugin nang husto habang hindi nagtangkang
Parehong yumuko sina Matis at Mel sa takot nang makitang nanggagalaiti si Lobo. “Ano? Bakit di kayo nagsasalita?” Naiinip na sabi ni Lobo. “Mga pipi ba kayo?”“A-Ang totoo, binibiro ka lang namin.” Umubo si Matis at naiilang na ngumiti. “Wala talagang nangnakaw sa'kin.”“Oo, oo, oo… Nagbibiro lang ang anak ko!” Nakangiti si Mel at paulit-ulit ding tumango. “Mga walanghiya!”Galit na sumigaw si Lobo at sinampal niya sa mukha si Matis. “Umaasa pa naman akong may pagbubuntunan ako ng galit ko, tapos ngayon sasabihin mo sa'king niloloko mo lang ako? Kahit ang mga kagaya mo ay nag-iisip na pwede mo kong tapak-tapakan, ha?”“Sige,” sabi niya habang binugaw si Matis. “Hindi mo na kailangang pumasok sa trabaho bukas. Magkakaroon na ng bagong CEO sa Jundo Showtown. Ngayon, lumayas ka sa paningin ko!”Nataranta si Matis sa sandaling iyon nang marinig na natanggal siya sa trabaho niyang pinaghirapan niyang makuha. Habang hindi pinapansin ang pagsingit ng nanay niya, nagmadali siyang na
Sa kabilang banda, hindi nagulat si Frank.Alam na niyang nakikinig sina Matis at Mel kanina sa kanila ng mga Sorano sa loob. Gayunpaman, nagulat pa rin siya na bumalik sila dahil inasahan niyang tumakas na sila. “Siya yun!”Nang makita ang pagtataka sa mukha ni Frank, kaagad na tinuro ni Mel si Lobo. “Hindi ka sana namin guguluhin, Mr. Lawrence, pero pinilit ng lalaking yun ang anak kong apihin ka!”“Bwisit…”Nagdilim ang mukha ni Lobo sa sigaw ni Mel—paano niya aakalaing binangga nina Matis at Mel si Frank?!Kung alam niya lang, hindi siya babalik kahit na mamatay pa siya!Pagkatapos ay naalala ni Lobo na sinabi ni Matis na maging si Lobo mismo ay hindi kayang labanan ang taong iyon. Gayunpaman, natural lang para sa kanyang isiping lahat ng tao ay mas mababa sa kanya dahil nasa likod niya ang mga Sorano. Gusto niyang pumatay roon, pero biglang lumuhod din si Matis nang nanginginig. “Hindi namin to gustong gawin.”“Ganun ba?”Nilaktawan ng tingin ni Frank para tignan si Lo
Sa pambihirang pagkakataon, sa wakas ay walang nangyari sa susunod na mga araw para kay Frank at pinalipas niya ito kasama ni Helen na pambihira ring nakapagpahinga. Nanood sila ng sine, namili, at naglakad sa Morhen Park at iba pang sikat na tanawin sa Morhen. Kahit na sa wakas ay nanumbalik ang bakas ng tuwang pinagsamahan nila sa kasal nila noon, hindi naman nagtagal ang mga kalmadong araw na iyon. Tatlong araw lang pagkatapos maospital ni Nash, tinext ni Cirian Zobel si Frank. [Mamayang gabi. The Dark Life. West Morhen.] Naningkit ang mga mata ni Frank sa maikling mensahe. Ngayong gabi ay ang importanteng sandali para mahuli sa akto ang mga Lionheart at mabago ang isipan ni Glen Turnbull. Pagkatapos sabihan si Helen na wag aalis sa cottage ni Nash, lumabas siya sa hapon, nang handang palayain si Vicky sa mga kadena ng mga Turnbull. Sumunod si Helen habang sinabihan siyang mag-ingat. -Ang Dark Life ay isang bar, pero sa ibabaw lang. Habang naghintay roon si Frank
“Ano pa bang meron?” Naiinis na tanong ni Sif. “Nag-aalala kasi ako na baka atakihin ka sa puso rito. Mr. Lawrence?” Tawag ng South Sea Crow, sabay lumingon sa dilim. “Mr. Lawrence…? Ibig mong sabihin… si Frank Lawrence?!”Lumitaw ang gulat sa mukha ni Sif. Natulala siya habang tumingin siya sa pagitan ng South Sea Crow at ng lalaking lumabas mula sa dilim. Matapos marinig ang pagtawag sa kanya, mayabang na nagpakita si Frank. Hindi na niya kailangang magtago ngayon—tinanggal niya ang mask at salamin niya, pagkatapos ay pinatay ang recorder sa bulsa niya habang pormal na binati si Sif. “Magandang gabi, Ms. Lionheart.”“Ikaw… Kayong dalawa…”May napagtanto si Sif sa eksenang nangyari sa harapan niya—hindi siya tanga at tumalikod siya para tumakbo pagkatapos ng isang sandali ng gulat. “Tumatakas ka, Ms. Lionheart? Hindi ba huli na ang lahat?”Lumitaw si Frank sa likod ni Sif sa isang iglap, sabay pinalo siya sa batok at pinatulog siya. Uminom ng cocktail ang South Sea Cro
Nanatiling walang emosyon si Titus habang naglakad siya papasok ng The Dark Life. “Anong nangyari? Nasaan si Sif?” tanong niya sa bartender. Nanginig ang mga binti ng bartender habang nautal siya, “H-Hindi ko alam, Mr. Lionheart. Ang naaalala ko lang ay ang pagkikita nila ng South Sea Crow, tapos nawalan ako ng malay. Wala na siya nang nagising ako.”Naningkit ang mga mata ni Titus, halatang nainis siya sa natatarantang pagkekwento ng bartender. Ang pamilya niya ang may-ari ng The Dark Life, pero wala itong opisyal na koneksyon dahil si Titus mismo ang nagtayo ng lugar na ito. Ginagamit nila ito para magbigay ng misyon sa mga indibidwal ng Blackrank, at isa ito ng napakaligtas na lugar. Natural na walang ideya ang publiko tungkol doon—ang alam lang nila ay ang The Dark Life ay isang bar, kahit na hindi ito nakakatawag ng pansin. Kahit na ganun, hindi pa rin lohikal para sa isang tao na maglaho nang parang bula. “Paano naman ang mga kamera?” Tanong ni Titus nang kumalma na
Pagkatapos ay nagpasa si Clarity ng papel kay Frank, at may dala ring natatanging pabango ang maliit na piraso ng papel. “Heto ang address,” sabi niya. Pumunta ka roon at ikaw mismo ang tumingin, pero depende ito sa kakayahan mo kung mahahanap mo ang kailangan mo.”“Bakit mo ko tinutulungan?” Tanong ni Frank habang nakatitig nang malamig at nagdududa kung talagang gusto lang ba talaga siya nito. “Oh, bakit ayaw mong maniwala sa'kin? Matagal na panahon na kitang mahal,” mapang-akit na tumawa si Clarity. “Natural na baka may hingiin akong pabor sa'yo sa hinaharap… Kaya pwede mo tong isipin na investment ko, Mr. Lawrence. Isipin mo na lang na may utang na loob ka sa'kin.”Sandaling nanahimik si Frank bago nagtanong, “Sigurado ka ba talagang ibabalik ko ang pabor na'to?”“Hehe. Tumutupad ka sa pangako mo, pogi. Alam ko yun higit sa kahit na sino.”“Hmm. Kung ganun…”Dinampot ni Frank ang baso ng wine at ininom ito. “May utang na loob ako sa'yo ngayon at babayaran ko yan sa ibang
“Huminahon ka. Bantayan mo ang sinasabi mo, Clarity,” mahinang sabi ng lider. “Si Ms. Lionheart ay isang heiress ng direktang lahi. Magdurusa ka sa mga bastos na salita mo kapag narinig ng mga Lionheart ang sinabi mo.”Sa ikinagulat niya, para bang walang pakialam si Clarity. “Heh…” Suminghal siya, sabay kinawayan siya sa inis. “Tama na yan. Maganda ang timpla ko, kaya hindi ko pa dadamdamin ang pagpasok niyo. Gayunpaman, gusto ko ang lalaking ito, at nagpasya akong walang pwedeng humawak sa kanya basta't nasa Waver Street siya. Ngayon, lumayas na kayo.”“Ano?” Nagdalawang-isip ang lider, na halatang natakot kay Clarity. Bakit pa sila magtitinginan ng mga tao niya at halatang nag-aalangan tungkol sa susunod nilang hakbang?"Hah!"Lumapit ang isa sa mga tauhan—na nasa peak Birthright rank—habang nakaturo kay Clarity nang sumigaw siya, “Talnamese ka, kaya wag kang magpumilit! Makukuha namin si Frank Lawrence, at walang pwedeng tumanggi sa mga Lionheart!”“Oo nga! Kung gusto mo
Kahit na ganun, aaminin ni Frank na kahit na nakatago ang mukha niya, ang katawan ng babaeng ito ay kayang makalamang kina Helen at Vicky. Nakadekwatro ang mahahaba at mapuputing binti niya sa ilalim ng mesa habang patag ang nakalabas na tiyan niya at makinis ang balat niya. Kahit ang lakad niya ay magpapainit na sa ibabang bahagi ng lalaki at walang pangkaraniwang lalaki ang kayang tiisin ang karisma niya—mahuhulog sila sa kanya agad-agad. Gayunpaman, kahit na mahilig sa babae si Frank at hindi pinigilang magtagal ang titig niya sa kanya, wala siyang pwedeng sayanging oras ngayon, lalo na't hindi sigurado ang kung ligtas si Vicky. “Ano ba. Alam kong marami kang tanong, pero dapat mo tong inumin kundi ay hindi ako sasagot.”Tumingin ang babae sa baso ng wine na iniabot niya kay Frank habang lumitaw ang mapanganib na pagnanasa sa mga mata niya. Bigla na lang, para bang napuno ng mistikal na kapangyarihan ang boses niya nang inulit niya, “Uminom ka.”Iniunat ni Frank ang kamay
Matapos ang mga salitang iyon, lumingon si Glen kay Jet at nagsabing, “Tawagin mo ang blackguards at pumunta kayo sa Waver Street kasama ni Frank. Kailangan nating maging seryoso tungkol dito.”Mas gusto ni Frank na magtrabaho nang mag-isa, ngunit hindi siya pamilyar sa Morhen at kinailangan niyang pumayag sa suhestiyon ni Glen. Hindi nagtagal, nagtipon na ang blackguards at umalis. Gayunpaman, napakalayo ng Waver Street mula sa Turnbull Estate, at gabi na sa oras na dumating sila. Isa talaga itong masiglang lugar kung saan malayang nakikipagsalamuha ang mga tao, ang iba pa nga ay may ginagawa na sa eskinita. Narinig sa bawat isang sulok ang mga mura, kasayahan, at kantyawan, at para bang naliligaw si Frank. Humiwalay siya kina Jet bago naglakad sa kalsada kagaya ng napagkasunduan. “Uy, pogi. Gusto mo ba akong samahan?” Isang babaeng may pansining kasuotan ang nangibabaw sa daan, na kumindat kay Frank habang may hawak na sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri. “Pasok ka
Walang kaalam-alam ang mga miyembro ng Martial Alliance kung anong pinag-uusapan nina Frank at Silverbell, pero narinig nila ang huling parte kung saan pumayag si Silverbell sa pakiusap ni Frank na protektahan si Walter nang dalawang araw. Imposible ito sa kapangyarihang mayroon ang mayor ng Morhen. Minolestiya ang anak niya sa harapan ng publiko, at hindi siya maghihintay ng dalawang para maghiganti!Baka nga patayin si Walter sa sandaling ipadala nila siya sa bahay ng mayor. Kahit na may pagrespeto at awtoridad sa posisyon ni Silverbell, bilang guardian ng Morhen—ang puso ng Draconia—isa lang siyang pinabangong bodyguard. Paparusahan rin siya kapag ininsulto niya ang mayor ng Morhen, kung kaya't mabilis siyang pinigilan ng mga miyembro ng Martial Alliance. “Hinding-hindi, Lady Silverbell!”“Iinsultuhin mo ang mayor ng Morhen kapag ginawa mo yan… Masisira ang kinabukasan mo!”Gayunpaman, mas alam ni Silverbell higit sa kahit na sino ang magiging kapalit kapag prinotektahan
Kahit na walang nagawa ang mga Turnbull kundi manood habang lumapit ang dalawang miyembro ng Martial Alliance at hinila si Walter paalis, hinabol sila ni Susan habang sumisigaw, “Walter!”Pinigilan siya ni Glen nang may nanlulumong ekspresyon at hindi nakakakumbinsing mga salita, “Alam kong masakit, Susan… Pero kailangan mong magpakatatag. Makakahanap din kami kaagad ng ebidensya…”Gayunpaman, ang hindi napansin ng mga Turnbull ay nagmadaling lumabas si Frank habang sumisigaw, “Silverbell!”Huminto si Silverbell sa paglalakad at matigas na ngumiti habang lumingon siya. Hindi niya talaga gustong makita si Frank sa ganitong sitwasyon, dahil walang dudang malamig siyang tignan. Ayaw na ayaw niyang mag-iwan ng masamang impresyon sa kanya pagkatapos magkahiwalay nang pagkatagal-tagal. “Frank… Lawrence. May iba ka pa bang sasabihin?”“Na-set up siya, at walang duda roon.” Tinuro ni Frank si Walter nang may striktong tono. “Isang nerve agent ang ginamit sa kanya, at hindi niya makontr
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s