Si Emilio, na huling umalis, ay tumango kay Frank. “Magkikita tayong muli.”Habang umalis siya, kumislap nang mapanganib ang mga mata niya na para bang tinatatak niya sa isip niya ang mukha ni Frank. Gayunpaman, hindi nabahala si Frank, binugaw niya pa siya nang parang langaw at hindi man lang tumingin sa kanya. “Master Lawrence… Ang galing-galing mo!” Nagmadali si Kat sa tabi ni Frank nang nakaalis na ang mga Sorano. Kuminang ang mga mata niya sa pagsamba at halos hindi niya maipaliwanag ang sabik na naramdaman niya. Matagal na niyang inisip na napakalakas niya, nakagawa pa siya ng mga koneksyon sa mga kagaya ng Four Families ng Morhen… Pero sa kung anong paraan, napatunayan niya pang higit pa siya sa inakala niya, napilit niya ang mga Sorano na pumunta rito at humingi ng tawad. At nagawa pa niyang bugbugin mismo si Willy para makapaghiganti. Walang tao sa Morhen ang magtatangkang saktan ang lalaking iyon! Pero nagawa niya siyang bugbugin nang husto habang hindi nagtangkang
Parehong yumuko sina Matis at Mel sa takot nang makitang nanggagalaiti si Lobo. “Ano? Bakit di kayo nagsasalita?” Naiinip na sabi ni Lobo. “Mga pipi ba kayo?”“A-Ang totoo, binibiro ka lang namin.” Umubo si Matis at naiilang na ngumiti. “Wala talagang nangnakaw sa'kin.”“Oo, oo, oo… Nagbibiro lang ang anak ko!” Nakangiti si Mel at paulit-ulit ding tumango. “Mga walanghiya!”Galit na sumigaw si Lobo at sinampal niya sa mukha si Matis. “Umaasa pa naman akong may pagbubuntunan ako ng galit ko, tapos ngayon sasabihin mo sa'king niloloko mo lang ako? Kahit ang mga kagaya mo ay nag-iisip na pwede mo kong tapak-tapakan, ha?”“Sige,” sabi niya habang binugaw si Matis. “Hindi mo na kailangang pumasok sa trabaho bukas. Magkakaroon na ng bagong CEO sa Jundo Showtown. Ngayon, lumayas ka sa paningin ko!”Nataranta si Matis sa sandaling iyon nang marinig na natanggal siya sa trabaho niyang pinaghirapan niyang makuha. Habang hindi pinapansin ang pagsingit ng nanay niya, nagmadali siyang na
Sa kabilang banda, hindi nagulat si Frank.Alam na niyang nakikinig sina Matis at Mel kanina sa kanila ng mga Sorano sa loob. Gayunpaman, nagulat pa rin siya na bumalik sila dahil inasahan niyang tumakas na sila. “Siya yun!”Nang makita ang pagtataka sa mukha ni Frank, kaagad na tinuro ni Mel si Lobo. “Hindi ka sana namin guguluhin, Mr. Lawrence, pero pinilit ng lalaking yun ang anak kong apihin ka!”“Bwisit…”Nagdilim ang mukha ni Lobo sa sigaw ni Mel—paano niya aakalaing binangga nina Matis at Mel si Frank?!Kung alam niya lang, hindi siya babalik kahit na mamatay pa siya!Pagkatapos ay naalala ni Lobo na sinabi ni Matis na maging si Lobo mismo ay hindi kayang labanan ang taong iyon. Gayunpaman, natural lang para sa kanyang isiping lahat ng tao ay mas mababa sa kanya dahil nasa likod niya ang mga Sorano. Gusto niyang pumatay roon, pero biglang lumuhod din si Matis nang nanginginig. “Hindi namin to gustong gawin.”“Ganun ba?”Nilaktawan ng tingin ni Frank para tignan si Lo
Sa pambihirang pagkakataon, sa wakas ay walang nangyari sa susunod na mga araw para kay Frank at pinalipas niya ito kasama ni Helen na pambihira ring nakapagpahinga. Nanood sila ng sine, namili, at naglakad sa Morhen Park at iba pang sikat na tanawin sa Morhen. Kahit na sa wakas ay nanumbalik ang bakas ng tuwang pinagsamahan nila sa kasal nila noon, hindi naman nagtagal ang mga kalmadong araw na iyon. Tatlong araw lang pagkatapos maospital ni Nash, tinext ni Cirian Zobel si Frank. [Mamayang gabi. The Dark Life. West Morhen.] Naningkit ang mga mata ni Frank sa maikling mensahe. Ngayong gabi ay ang importanteng sandali para mahuli sa akto ang mga Lionheart at mabago ang isipan ni Glen Turnbull. Pagkatapos sabihan si Helen na wag aalis sa cottage ni Nash, lumabas siya sa hapon, nang handang palayain si Vicky sa mga kadena ng mga Turnbull. Sumunod si Helen habang sinabihan siyang mag-ingat. -Ang Dark Life ay isang bar, pero sa ibabaw lang. Habang naghintay roon si Frank
“Ano pa bang meron?” Naiinis na tanong ni Sif. “Nag-aalala kasi ako na baka atakihin ka sa puso rito. Mr. Lawrence?” Tawag ng South Sea Crow, sabay lumingon sa dilim. “Mr. Lawrence…? Ibig mong sabihin… si Frank Lawrence?!”Lumitaw ang gulat sa mukha ni Sif. Natulala siya habang tumingin siya sa pagitan ng South Sea Crow at ng lalaking lumabas mula sa dilim. Matapos marinig ang pagtawag sa kanya, mayabang na nagpakita si Frank. Hindi na niya kailangang magtago ngayon—tinanggal niya ang mask at salamin niya, pagkatapos ay pinatay ang recorder sa bulsa niya habang pormal na binati si Sif. “Magandang gabi, Ms. Lionheart.”“Ikaw… Kayong dalawa…”May napagtanto si Sif sa eksenang nangyari sa harapan niya—hindi siya tanga at tumalikod siya para tumakbo pagkatapos ng isang sandali ng gulat. “Tumatakas ka, Ms. Lionheart? Hindi ba huli na ang lahat?”Lumitaw si Frank sa likod ni Sif sa isang iglap, sabay pinalo siya sa batok at pinatulog siya. Uminom ng cocktail ang South Sea Cro
Nanatiling walang emosyon si Titus habang naglakad siya papasok ng The Dark Life. “Anong nangyari? Nasaan si Sif?” tanong niya sa bartender. Nanginig ang mga binti ng bartender habang nautal siya, “H-Hindi ko alam, Mr. Lionheart. Ang naaalala ko lang ay ang pagkikita nila ng South Sea Crow, tapos nawalan ako ng malay. Wala na siya nang nagising ako.”Naningkit ang mga mata ni Titus, halatang nainis siya sa natatarantang pagkekwento ng bartender. Ang pamilya niya ang may-ari ng The Dark Life, pero wala itong opisyal na koneksyon dahil si Titus mismo ang nagtayo ng lugar na ito. Ginagamit nila ito para magbigay ng misyon sa mga indibidwal ng Blackrank, at isa ito ng napakaligtas na lugar. Natural na walang ideya ang publiko tungkol doon—ang alam lang nila ay ang The Dark Life ay isang bar, kahit na hindi ito nakakatawag ng pansin. Kahit na ganun, hindi pa rin lohikal para sa isang tao na maglaho nang parang bula. “Paano naman ang mga kamera?” Tanong ni Titus nang kumalma na
Patuloy ni Glen, “Kung sakaling nagtataka ka, kakampi na namin ngayon ang South Sea Crow. Sinabi niya sa'min ang lahat.”Lumagatok nang malakas ang kamao ni Titus nang napagtanto niyang nadurog ang planong pinaghandaan niya nang pagkatagal-tagal. Hindi na siya nagpanggap at malamig na nagtanong, “Nasaan si Sif?”“Hawak namin siya,” sagot ni Glen. “Hahayaan namin siyang makabalik kapag tuluyan nang umatras ang pamilya mo mula sa mga estate at negosyo namin.”Muntik nang basagin ni Titus ang salamin na mesa sa harapan niya. Hindi niya inakalang may tapang ang mga Turnbull na lumaban sa kanila. Hindi, sa ibabaw lang ang paglalarawang iyon… Talagang nagawa nilang mandukot ng isang miyembro ng pamilya nila at pagbantaan sila pabalik!“Sige. Kung ganun, wala na akong ibang masasabi, Mr. Turnbull,” sabi niya. “Hindi rin kami magtitimpi kung may mangyari kay Sif habang hawak niyo siya.”“Wag mo nang sayangin ang hininga mo, Mr. Lionheart,” sagot ni Glen sa pagkamuhi. “Alam na ng tat
Nakahinga nang maluwag si Frank sa sinabi ni Glen. Salamat naman at tumupad ang lalaking ito sa pangako niya—kung pinaikot na naman ng lalaking ito ang usapan, talagang handa siyang talikuran ang mga Turnbull sa sandaling iyon. Pag-alis nila ng Turnbull Estate, nagbalik na naman si Vicky sa pagiging malambing na heiress ng mga Turnbull. Isinalambay niya ang mga braso niya sa leeg ni Frank, pagkatapos ay diniin ang labi niya sa pisngi niya. “Oh, darling… Ang galing mo! Paano mo nagawang makakuha ng ebidensiya laban kay Titus?”“Uh…” Magpapaliwanag na sana si Frank nakita niya si Helen sakay ng kotse niya, kanina pa naghihintay. Bumaba siya at naglakad para tumayo sa pagitan nina Frank at Vicky habang magkapatong ang mga braso niya sa dibdib niya. “Umuwi na tayo, darling. Ikaw ang magmamaneho.”“Sige…” Maamong tumakbo si Frank para kunin ang sasakyan habang pinupunasan ang bakas ng lipstick sa pisngi niya sa pinakamadiing paraang magagawa niya. Hindi na talaga siya mananatili
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang