"Sige." Maamong tumango si Helen.“Hoy bata, bingi ka ba? Hindi mo ba ko narinig?” Lumapit si Brody at tinulak si Frank. “Ayos lang yan, boss. Baka bingi at bulag siya.” Nagmadaling lumapit ang isa sa mga tao niya para panatilihin ang kapayapaan. “M-Manahimik ka!” Sinampal siya ni Brody sa mukha at galit na sumigaw, “Hindi ako bulag o bingi! Hindi mo ko kailangang sabihan!”Sa kabilang banda, hindi umatake kaagad si Frank kahit na tinulak siya, malamig lang siyang nagsabing, “Umalis na kayo bago ako magalit, kundi ay mamamatay kayong lahat dito.”Natawa si Brody sa banta niya at tinuro niya ang sarili niya nang napasinghal. “Hoy, bulag ka ba talaga? Ang dami-dami namin, tapos sinasabihan mo kaming umalis? Dapat umalis ka na ngayon—pero maiiwan ang kasintahan mo!”“Urgh, nakasalubong pa natin tong mga tangang to.” Bumuntong-hininga si Frank habang sinara ang kamao niya. “Huling pagkakataon niyo na'to. Umalis na kayong lahat.” Habang dahan-dahan siyang tumingala nang kumikisla
Mahinahong nagtanong si Helen, "Pwede ba kitang tapatin?"Nabigla si Frank, ngunit kaagad siyang sumagot, “Sige lang.”“Na-miss talaga kita… Kaya gusto kong magpaiwan. Ayaw kong iwan ka,” sabi ni Helen at nahihiyang tinago ang mukha niya sa dibdib niya. Tumingin nang masama sa inggit ang mga lalaking kaklase ni Kat, pero wala silang nagawa—nasa ibang lebel lang talaga si Frank. Maging ang kotseng minamaneho niya ay bihirang makita ng karamihan sa kanila, at wala silang pag-asang tatakbo sa mga bisig nila ang isang magandang babae. Suminghal si Soren habang tinitigan nang masama si Frank sa inggit, ngunit kaagad siyang nagkaideya. Kasabay nito, tumatawa si Frank at inaasar si Helen. “Tsk, tsk… Nakakagulat naman! Si Ms. Helen Lane, ang CEO ng Lane Holdings na tinatawag na ice queen ng bawat Rivertonian, ay magsasabi ng ganun sa isang batugang kagaya ko. Sinong makakapaniwala roon? Naantig ang damdamin ko… Talagang biniyayaan ako…”Namula si Helen hanggang sa leeg niya, pagkata
“Tama si Soren. Walang maganda sa hayop na yun!” Mabilis na sumang-ayon ang mga binata sa malapit. “Nakikita mo na ngayon ang tunay niyang ugali, di ba, Kat?” Mayabang na ngumiti si Soren—ito ang gusto niyang mangyari—ang dungisan ang imahe ni Frank habang isinasalba ang impresyon ni Kat tungkol sa kanya. Gayunpaman, hindi niya naintindihang nakita na ni Kat ang binabalak niya. Habang pinalo ang kamay niya paalis, malamig siyang sumigaw, “Wala ka nang pakialam kung anoman si Master Lawrence. Hindi mo siya pwedeng siraan!”“Kat!” Halos hindi naitago ni Soren ang galit niya at sumigaw siya, “Nag-aalala lang ako sa'yo at ayaw kitang maloko, lalo na sa mga kagaya niya!”Nang matapos siya, lumingon siya kay Frank. “Oh, talaga?!” Ngumisi si Kat sa pagkamuhi. “Kung kaya dapat sa'yo pala ako magpaloko? Oras na para maintindihan mo kung anong ginawa mo—nakakadiri talaga kung kailangan pa itong ipaliwanag sa'yo. At mabuti nga mabait si Master Lawrence at hindi siya nagtanim ng galit sa
Sumigaw si Soren sa galit, “Sigurin niyo siya! Makakakuha kayo ng limampung libo!”“Limampung libo?!”Wala nang pakialam sa pagiging maginoo ang mga sipsip pagkatapos isigaw ni Soren ang gantimpala niya at lahat sila ay sumugod kay Kat. “Mga hayop… Bwisit!” Mura ni Kat, ngunit sumuko na siya. Kaagad siyang nadehado. Hindi niya lang kailangang labanan ang tatlong bodyguard na nasa likod niya, pati rin ang sarili niyang mga kaklaseng nakatayo sa pagitan nilang dalawa ni Soren. Alam niya rin ang hangganan ng kakayahan niya—ilang araw pa lang simula noong nagsimula siyang maging martial artist, at hindi sapat ang vigor niya para talunin ang lahat ng mga lalaking ito. Sa halip, nakaramdam siya ng hapdi sa pisngi niya at lumingon para sugurin si Mandy—babawi siya sa kanila, kahit na hindi niya maabot si Soren sa ngayon!"Argh!"Habang sumigaw si Mandy sa pagkataranta, pinabagsak siya ni Kat sa isang sampal at namaga ang pisngi niya nang parang tinapay. Nang matapos iyon, tumayo
"Hmph."Suminghal si Frank habang kumilos nang sobrang bilis ang mga paa niya na hindi makita ng mata. Naglaho siya sa mga paningin nila nang parang isang multo, at naiwan silang palinga-linga sa paligid. “Ano? Saan siya nagpunta?”“Paano niya nagawa yun?!”Nasa likuran na nila si Frank. Krak.Lumipad ang pure vigor mula sa daliri niya, pagkatapos ay bumagsak at sumigaw ang mga siga dahil nabarahan ang mga ugat at litid nila, at hindi sila makakatayo nang higit dalawang linggo.Si Brody lang ang natira, at nakaluhod siya sa takot. Hindi nagsayang ng oras si Frank sa kanya at lumingon kay Kat, na dinadaganan na sa lapag ng isa sa mga bodyguard. Nabalot ng mantsa ng dugo ang mukha niya, ngunit nagpatuloy siyang manlaban nang hindi sumusuko. Gayunpaman, mahina ang panlalaban niya at para lang itong kiliti para sa bodyguard. “Talagang sinusubukan niyo ko!” Sumigaw si Frank at sumugod sa bodyguard nang parang isang bagyo. Bago pa man siya nakatingala sa gulat, sinuntok si
Natural na nakatayo si Frank sa harapan niya at naghihintay. Pagkatapos siyang buhatin, sinampal niya siya nang dalawang beses at ibinato siya pabalik sa mga kaibigan niya. “Humingi kayo ng tawad!” Sigaw ni Frank habang nakatayo siya sa harapan ng nakaluhod na si Soren. Napaatras ang mga binata sa nakamamatay na tingin niya. “P-Patawad, Kat… Sumusunod lang kami sa utos… Patawad…”Isang pambihirang eksenang makita ang bawat isang binata at bodyguard na umatake kay Kat kanina na lumuhod at magmakaawa ngayon. Magsasalita sana si Pico, pero nagtago siya sa likod ng bar niya sa takot nang nakayuko habang tumawag siya sa isang numero. “Hello, Mr. Blackfive? May nanggugulo sa bar ninyo. Oo, oo, oo… Dapat kayong pumunta kaagad!”Sa kabilang banda, habang lumuhod ang bawat isang binata at bodyguard na umatake kay Kat, hindi ito ginawa ni Soren kahit na siya ang pinuno nila. Pinagngitngit niya ang panga niya at sinarang maigi ang kamao niya, hindi siya nagpakita ng intensyong sumuko.
Bumuntong-hininga si Frank. “Dapat tigilan mo nang pumunta sa mga ganitong lugar.”“Oo,” sumagot si Kat at tumingin kay Helen na lumapit para tumulong nang may pagod na ngiti. “Tutugtog sana ako para sa'yo. Hindi ko inakalang mangyayari to.”“Ayos lang. Wag kang magsalita.” Ngumiti si Helen at pinunasan ang dugo sa pisngi ni Kat. “Tara na.” Tumingin si Frank sa paligid at tumango kay Lily bago nagsimulang umalis. “Sinong nagsabi sa'yong pwede kang umalis?!” Isang malakas na boses ng narinig mula sa likod ng bar at pumasok ang isang maskuladong lalaking dalawang metro kataas at nakasuot ng itim na sando. Pinangunahan niya ang isang grupo ng mga lalaki habang pumasok sila mula sa pinto sa likuran, at kaagad namang yumuko ang may-ari ng bar na si Pico. “Welcome, Mr. Blackfive.”“Uh-huh.” Tumango si Blackfive, pagkatapos ay tumingin sa magulong bar bago lumingon papunta kay Frank, “Hindi ka ba magbabayad sa mga pinsala rito pagkatapos ng kaguluhang ginawa mo? Hindi naman yata maka
"Frank…"Kumunot ang noo ni Helen nang napagtanto niyang siya na ngayon ang pakay ng Blackfive. Ayaw niyang lumaban si Frank, pero hindi niya rin hahayaang mapunta sa mga maduduming kamay ni Blackfive ang sarili niya. Tumango si Frank. “Wag kang mag-alala, ako nang bahala rito.”“Ano? Lalaban ba tayo, master?” Tanong ni Kat.Hindi niya pagdududahan ang lakas ni Frank—kahit na nabugbog siya ngayon, handa siyang lumusob.Mabilis silang pinalibutan ng mga tao ng Blackfive nang narinig nila si Kat habang binatukan siya nang mahina ni Frank. “Tigilan mo nang gumawa ng gulo.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi pa ba sapat ang problemang dinala mo sa'kin?”“Kung ganun, anong dapat nating gawin?” Miserableng umangal si Kat. “Halatang hindi tayo palalampasin ng hayop na yan.”“P-Pa!”Bigla na lang, nagkamalay si Baldie pagkatapos siyang paliparin ni Frank sa isang mesa gamit ng isang sipa. Sa sandaling nakita niyang nakaupo ang tatay niya sa isang upuan, umiyak siya habang nagmadali
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy