Home / Urban / The Girlboss Begs for Remarriage / Chapter 741 - Chapter 750

All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 741 - Chapter 750

1101 Chapters

Kabanata 741

“Naiintindihan ko na, Lolo Zam!”Doon nagngitngit sa sakit si Willy na hawak pa rin ang dumudugong pulo niya. “Kaninang umaga, sinabihan kami na walang bisa ang pagkuha namin sa Lycoris Entertainment pagkatapos may nagsalita tungkol sa pekeng accounts.”Habang nakatitig nang masama sa walang emosyong si Frank, galit siyang sumigaw, “At ang kumpanya na nakakuha sa Lycoris Entertainment hindi nagtagal ay isang maliit na kumpanyang tinatawag na Lane Holdings… at naalala kong isa sa mga executives si Frank Lawrence!”“Hmm?” Kumunot ang noo ni Zam nang lumingon siya kay Frank. “Ikaw ang nangialam sa pagkuha ng apo ko sa Lycoris Entertainment?”“Tatlo.”Hindi nagsayang ng hininga si Frank na wala pa ring pakialam habang nagbilang siya. “Hayop ka!” Sigaw ni Zam. Ito ang unang beses na minaliit siya—mas mataas sa pang-apatnapu ang ranggo niya sa Skyrank at isa siyang Birthright rank, na isa nang malaking karangalan sa kanya… ngunit minaliit lang siya sa isang probinsya?!“Frank Lawre
last updateLast Updated : 2024-07-31
Read more

Kabanata 742

“At sino namang gagawa niyan? Ikaw?”Dahan-dahang naglakad si Frank na hindi natinag kahit na sumugod si Zam sa kanya. “Sumasabog ang vigor mo habang lumalabas ito sa acupoints mo bilang purong vigor, na nagpapatindi sa timbang ng suntok mo… May kakayahan ka, pero masyado kang mahina.”Umiling si Frank sa dismaya nang makita ang buod ng technique ni Zam sa isang iglap. “Mamatay ka na, bata!”Mas lalong nagalit si Zam at kayang gibain ng sigaw niya ang mansyon!Habang lumipad ang golden shockwave niya papunta kay Frank, pumutok ang ere nang may malakas na sonicboom!At mas mataas ka sa pang-apatnapu sa Skyrank… Talagang pinapapasok na nila ang kahit na sino ngayon,” nagpatuloy na nagsalita si Frank sa sarili niya habang minamata si Zam, pagkatapos ay biglang sumigaw, “Ganito ang Bright Sun Fist!”Habang pinanood ang ginintuang kamao na paparating sa kanya, hininto ni Frank ang komento niya at dahan-dahang tinaas ang kamao niya. Sinara niya ang kamao niya at isang gintong lik
last updateLast Updated : 2024-07-31
Read more

Kabanata 743

Kaagad na pinaandar ng mga bodyguard ng Sorano family ang kotse, takot na takot na baka habulin sila ng Ascendant rank at burahin silang lahat. “Ascendant rank… Nasa Ascendant rank talaga siya?!” Natakot si Willy, ngunit di nagtagal, tinamaan rin siya nang matinding inis. Mayroon ring mga taong nasa Ascendant rank ang pamilya niya. Gayunpaman, isa sa isang bilyon lang ang mga taong iyon. Kahit na siya ang third in line ng pamilya, hindi niya sila mauutusan, at wala silang gagawin nang biglaan… maliban na lang kung magbibigay ng utos ang head ng pamilya. "Ugh…" Narinig ni Willy ang mga ungol na nagmula sa bubong ng kotse sa sandaling iyon. Nang makalayo na sila sa mansyon ni Noel, kaagad na sinigawan ni Willy ang driver na ihinto ang kotse at bumaba.Napansin niyang kahit na bali ang lahat ng buto niya at sira ang meridians niya, milagroso pa ring buhay si Zam. Nang may tulong, tiyak na mabubuhay siya!Masaya sandali si Willy, ngunit nilamon na naman siya ng inis. Ito
last updateLast Updated : 2024-07-31
Read more

Kabanata 744

Sumigaw si Willy, “Ipaghihihanti kita at pagdurusahin ko si Frank Lawrence!”Nakatitig nang maigi si Zam kay Willy habang bumula ang dugo sa bibig niya. Hindi niya inakalang ang batang pinalaki niya sa layaw buong buhay niya ay handa siyang patayin para sa kalibugan niya!Hindi ito kapanipaniwala!Pero iyon lang ang magagawa niya—mag-isip. Hindi siya makapanlaban!Sa kabilang banda, nakita ni Willy na hindi pa namamatay si Zam kahit na sinaksak niya si Zam sa leeg. Mabangis na kumislap ang mga mata niya. Binunot niya ang patalim at sinaksak si Zam sa dibdib. Shunk! Shunk! Shunk!Dumugo si Zam na parang kinakatay na baboy habang patuloy siyang pinagtataga ni Willy, na para bang binubunton sa kanya ang lahat ng poot niya habang humihiyaw, “Walang kwentang matanda! Sobrang walang kwenta mo hindi mo kayang talunin ang isang bata! Ikaw ang dahilan kung bakit kinailangan kong tumakas nang parang talunan! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!!!”Sa huli, tinaga ni Willy ang
last updateLast Updated : 2024-07-31
Read more

Kabanata 745

Hindi nanatili si Noel sa mansyon niya dahil natatakot siyang baka bumalik ang mga Sorano. Kahit na binalak niyang manatili sa isang hotel, nag-alala si Frank sa kaligtasan niya. Pagkatapos itong pag-isipan, inimbitahan niya siyang manatili sa hilltop mansion niya sa Skywater Bay hanggang sa kumalma ang lahat. Hindi niya talagang ginustong mangyari muli kay Noel ang kagaya ng nangyari ngayong araw, dahil isa siyang partner para sa farm resort project niya na malapit nang magbukas. At muntik-muntikan na talaga siya—kung hindi umabot si Frank, mapagsasamantalahan ni Willy si Noel. “Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Noel nang hindi nagdalawang-isip na tanggapin ang alok niya kahit na nailang siya sa pag-iyak niya kanina. Masasabi niya pa ngang nasasabik siya tungkol dito, dahil si Frank na ngayon ang imahe ng isang perpektong boyfriend. Hindi siya magdadalawang-isip na iwan ang sarili niya sa pangangalaga niya…Gabi na nang nakarating sila sa Skywater Bay, at nagbigay si Frank
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more

Kabanata 746

Sa ibang salita, isang perfectionist si Noel—hindi nakakagulat na nagawa niyang maging isang top star sa Draconia. Pagkatapos tignan ang mga pasa, ngumiti si Frank at tumango. “Wag kang mag-alala—hindi malaking problema to. Kaya ko tong burahin kaagad.”“Magaling!” Sabi ni Noel sa saya at muntik nang yakapin at halikan si Frank. Naiilang na hinimas ni Frank ang ilong niya—nakasuot lang si Noel ng puting shirt at muntik siyang mahubaran sa masiglang pagtalon niya. Pinigilan niyang muli ang sarili niya at napagod siya—kung magpapatuloy sila ni Noel nang ganito, magkakasakit siya sa pagpipigil niya. -Hindi nagtagal, nakahiga si Noel sa sofa ng drawing room habang nagdala si Frank ng isang patak ng longevity essence na gagamitin niya sa hot springs ng farm resort. Hindi na kailangang sabihin kung gaano ito kaepektibo—sobra-sobra nang ganitong ito sa panggagamot ng isang pasa. Gayunpaman, gagamitin naman ito ni Frank kay Noel para maranasan niya mismo ang essence at magpakita
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more

Kabanata 747

Pinakalma ni Frank ang sarili niya at naglagay pa ng essence sa palad niya habang dahan-dahan niya itong minasahe sa likod ni Noel. “Ah…” Napakunot ang noo niya—mas malaki ang pasa sa likod niya kumpara sa nasa ibang bahagi ng katawan niya, at aksidenteng nahawakan ni Frank ang parteng masakit. “Tiisin mo to. Matatapos din ito maya-maya lang,” sabi ni Frank at naglagay ng liquid vigor sa mga daliri niya para tanggalin ang mga pasa. Sa loob lang nang ilang segundo, sumuko si Noel at umungol sa paraang kayang magpaligaw sa isipan ng isang tao. Wala na ang lahat ng sakit na naramdaman niya at napalitan ng marahang init na sobrang nagpaginhawa sa kanya. “Darling, may hihingiin akong pabor…”Isang pamilyar na boses ang biglang narinig mula sa pintuan, at iyon ay walang iba kundi si Vicky Turnbull na pumasok sa loob. Sabay na napalingon sina Frank at Noel habang natigilan si Vicky. Nagtagal nang isang sandali ang pagtititigan sa pagitan nang tatlo bago para bang nagliyab ang e
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more

Kabanata 748

“Ms. Turnbull, nagkakamali ka lang talaga ng akala.” Ipinagtanggol ni Noel si Frank nang makitang nabanggit maging si Don Juan. “Sinusubukan niya lang ang longevity essence na gagamitin niya sa farm resort.”“Oh, masahe ba? Oof, may masakit din sa'kin! Bigyan mo ko ng masahe!” Sigaw ni Vicky habang umupo siya sa sofa sa tabi ni Frank hawak ang mga kamay niya at nilagay ang mga ito sa dibdib niya. Kaagad na binawi ni Frank ang mga kamay niya. “Anong ginagawa mo, Vicky? Tigilan mo yan.”Nanatiling inis na inis si Vicky. “Ano, minamasahe mo ang isang babaeng hindi mo kilala nang walang pakialam sa mundo, pero hindi mo man lang ako hahaplusin?!”“Hindi ka nasaktan—hindi mo to kailangan. At saka ginagamit ko ang essence na ito para sa farm resort at di ko pwedeng sayangin ito.” Pagod na buntong-hininga ni Frank sa heiress na umaastang parang isang nagseselos na pasaway na bata. “Anong ibig mong sabihin hindi ako nasaktan?” Patuloy na tinuro ni Vicky ang dibdib niya sa inis. “Heto. In
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more

Kabanata 749

Bihirang makita ni Frank na maging seryoso si Vicky at malaking bagay ito base sa tono niya. “Ano yun? Kailangan mo ba ang tulong ko?”“Hindi.” Pinilit ni Vicky na ngumiti. “Pribadong usapin ito, at ako lang ang makakapag-ayos nito.”Kahit na nakaramdam siya ng kagustuhang sabihin kay Frank ang tungkol sa pag-uutos ng mga Lionheart na ipagpatuloy niya ang engagement niya kay Titus, hindi niya ito magawa. May pride si Vicky, at maraming ginagawa si Frank—hindi niya gustong maging pabigat pa sa kanya. At kahit na magaling sa pakikipaglaban si Frank, hindi siya sapat para lumaban sa mga Lionheart, na isa sa Four Families ng Morhen. Hindi sila mahihina at umabot ang impluwensya nila sa pulitika, negosyo, at maging sa militar. Nasa negosyo lang ang mga Turnbull, habang nakakatakot naman ang awtoridad ng mga Lionheart, at parang sila na ang may-ari ng East Coast. Hindi talaga gusto ni Vicky na saluhin ni Frank ang problemang ito para sa kanya. “Kailangan mong sabihin sa'kin kun
last updateLast Updated : 2024-08-02
Read more

Kabanata 750

Lumipas ang tatlong araw pagkatapos umalis ni Vicky. Kinagabihan, magkakasamang kumain sina Frank, Helen, at ang iba pa sa hapag-kainan nang sinipa pabukas ang front door. “Nasaan ka, Helen Lane?!” Sumugod si Fleur Lang papasok kasama ng dalawang maskuladong bodyguards. Pareho silang higit sa dalawang metro ang taas at may pagkakahawig ang mukha nila, habang mukhang matigas as inukit ang muscles nila. Mukha silang dalawang bundok na nakatayo roon, na nagdala ng takot sa itsura pa lang nila. “Lumabas na rito, Helen!” Sumigaw ulit si Fleur dahil walang sumagot sa kanya. “Madam Lang?” Mukhang nagtaka si Helen nang nakita niya ang mabangis na mukha ni Fleur at nilapag niya ang tinidor at kutsilyo niya. Lumabas si Carol Zims sa sandaling iyon at nabigla siya sa nakakatakot na eksena. “Nasaan si Frank Lawrence?! Dalhin mo siya rito!” Sigaw muli ni Fleur sabay tumingin kay Frank na nanatili sa mesa. Napansin na ni Frank ang pagdating ni Fleur isandaang metro pa lang ang layo
last updateLast Updated : 2024-08-02
Read more
PREV
1
...
7374757677
...
111
DMCA.com Protection Status