Kasalanan itong lahat ni Luna, sisisihin niya pa rin si Frank—kanya ang gulong ito na nagdala sa mga Sorano sa pintuan nila, at nauwi sa pagkakabugbog sa kanya!Hindi siya maniniwala na nararapat sa kanya ang pagkabugbog na iyon pagkatapos niyang yumabang sa pagmamana niya ng billion-dollar investment company, kung kaya't nagsalita siya nang may pambabastos sa ilang estranghero. Habang nakatitig nang masama kay Helen, sumigaw siya, “Sa huli ay dadalhin niya taong lahat sa kamatayan natin basta't mananatili siya sa pamilya! Itakwil mo na siya kung gusto mong manatili ang pagiging kandidato mo bilang susunod na head ng Lane family!”Nagsimula ring bulyawan ni Gina si Frank. “Mag-isip ka na at lumuhod ka, Frank! Pumunta ka sa Laneville ngayon din at ipaliwanag mo ang sarili mo sa mga Sorano—sabihin mo sa kanilang wala kang kinalaman sa'min!” Sa kabilang banda, hindi interesado si Fleur sa usapan nila at lumingon sa maskuladong bodyguards kasama niya. “Sige, Deedle. Itali mo ang pest
Hindi makapaniwala si Fleur nang parehong napaluhod sina Deedle at Deedum sa harapan ni Frank. “Ano?!” sigaw niya.Si Deedle at Deedum ang pinakamalakas sa Lane family bodyguards—hindi sila ipapakita ni Fleur sa kahit na sino maliban na lang kung kailangang-kailangan. Kahit na ganun, lumabas na walang kwenta ang mga alas niya laban kay Frank!Doon lang naalala ni Fleur ang sinabi sa kanya ni Jade Zahn bago siya nagpunta rito—kung gusto niyang pabagsakin si Frank, kailangan niyang unahin si Helen. Kailangan niyang gamitin ang impluwensya ng kamukha nila para pilitin si Frank sa halip na gumamit ng dahas—hindi sila mananalo roon. Kahit na lumitaw ang pagsisisi sa mukha ni Fleur nang naaalala niya ang babala ni Jade sa wakas, hindi niya ito palalampasin. Lumingon siya kay Helen at nagwala, “Tignan mo ang ex-husband mo! Isa siyang tunay na salbahe, para bang wala siyang pakialam sa batas! Makinig ka—kinulong ng mga Sorano si Mark, kaya talian mo na yang si Frank ngayon din! Kan
Sa kung anong paraan, namangha talaga si Frank sa kung paano nagagawa ni Mona na magpatuloy na kumain nang walang pakialam sa nangyayari sa labas. Habang iniisip niya kung paano siya nakakuha ng isang matakaw na simple lang mag-isip, tinignan niya si Mona. “Ikaw ang aasahan ko rito. Tawagan mo ko kaagad kapag nagpunta rito ang mga Sorano… at kung may kahit na sinong manggulo sa mansyong ito, bugbugin mo sila hanggang nasa bingit na sila ng kamatayan.”“Sige!” Masiglang tango ni Mona. Sa kabila ng lahat ng ito, isa pa rin siyang Birthright rank at may proteksyon ng misteryosong Haply Hall—maaasahan ang kakayahan niya. Ngayong handa na ang lahat, dinala ni Frank si Helen palabas ng hilltop mansion kasama ng mga Southstream Lanes. Doon pasimpleng lumingon si Fleur at tinignan sina Deedle at Deedum. Nang matanggap ang utos sa kanila, nagdahan-dahan sila at nanatili sa likod ng grupo. Pagkatapos, nang inakala nilang hindi nakatingin si Frank, tumalikod sila at bumalik sa hilltop
Pow!"Argh!"Sumigaw si Deedum habang nabasag ang mga buto niya at lumaylay ang mga braso niya sa gilid niya. “Ngayon, umalis na kayo!” sigaw ni Mona. Nang umatras siya nang ilang hakbang habang gulat na nakatingin ang ibang babae, tumalon siya paharap, sinipa ang baba ni Deedum, at pinalipad din siya palayo. Humiyaw sa sakit si Deedum habang sumama siya kay Deedle at bumagsak nang malakas sa lapag sa labas. Hindi alam ang kinahantungan niya. "Huh…" Hindi kagaya ni Winter na nakita nang lumaban si Mona noon, parehong natulala sina Noel at Carol, at biglang nag-iba ang tingin nila kay Mona. -Nagmaneho sina Frank at ang iba pa nang higit isang oras para sa wakas ay makarating sa Laneville sa Southstream. Bago pa siya nakapasok, nakita niya ang mga pamilyar na lalaking nakaputi—ang bodyguard ng mga Sorano. At sa hindi ikinagulat ng lahat, mayabang na nakaupo si Willy Sorano, na tumakas mula sa mansyon ni Noel kagabi, sa drawing room ng Laneville. Wala roon si Gavin L
Natural na hindi mahalaga kung gaano kahigpit ang pagkakatali ng Lane family bodyguards kay Frank—nasa kanya kung gusto niyang pakawalan ang sarili niya, at nakisakay siya para iligtas si Roth sa galit ni Gus. “Hahaha!!!” Mas lalong nabawasan ang pag-iingat ni Willy ngayong nakatali si Frank, bumaba siya ng basahan at mayabang na tinuro si Frank. “Kumusta, gago ka?! Hindi ka na gaanong mayabang ngayon, ano?! Sige, magbibilang ako ng lima… Haha…”Ginaya niya si Frank, at nagtaas pa ng limang mga daliri para asarin siya. Gayunpaman, nanatiling hindi naapektuhan si Frank. “Gusto mong malaman kung paano namatay si Hubert Sorano? Sasabihin ko sa'yo ngayon din,” tahimik niyang sabi, sabay humakbang papunta kay Willy at tinitigan siya sa mata habang suminghal siya, “Pinatay ko siya. Mashado siyang mayabang… kagaya ng inaasta mo ngayon mismo.”Hindi natinag ang mga Sorano sa banga niya, pero hindi ganun ang masasabi kay Fleur. “Walanghiya ka!” tili niya, handa niyang pagalitan si Fra
Gayunpaman, nanatiling walang pakialam si Fleur kahit na nagmakaawa si Gina. Hindi siya nagpakita ng intensyong magkompromiso. Maging si Helen ay natakot. “Frank, mayroon bang hindi pagkakaunawaan rito…?”Naniniwala siyang hindi kayang lumaban ni Frank sa maraming martial elites nang sabay-sabay. Totoo iyon lalo na kay Gus, ang lalaking nakatayo sa taas nila na halata sa itsura niyang hindi siya isang talunan. Ito na ba talaga ang katapusan nila? Hindi napigilan ni Helen na pagsisihan ang mga ginawa niya sa sandaling iyon—kung alam niya lang sana ang lugar niya at tinanggihan niya ang nominasyon ni Gavin sa kanya bilang susunod na head ng Lane family.Malinaw na hindi ito gustong makitang mangyari ni Fleur at nagpunta siya rito para patayin siya. Gayunpaman, habang naligaw ang isipan niya ay bumulong si Frank sa tabi ng tainga niya. “Wag kang mag-alala. Walang mananakit sa'yo bastat nasa paligid ako.”“Oo,” sumagot si Helen na dahan-dahang kumalma nang napuno siya ng hin
"Mark?"“Lolo?”Nabigla ang Southstream Lanes sa malakas na sigaw na nagmula sa taas. Natulala si Fleur kagaya ng iba, pagkatapos ay sumigaw, “Manahimik ka, gurang! Ginagawa ko to para iligtas ang buhay mo!”“Hindi niyo ko mapapatahimik!” Patuloy na sigaw ni Mark mula sa taas. “Mas gugustuhin ko pang mamatay ngayon kaysa mabuhay sa kalungkutan! Hinihintay ko kung may kahit sino sa inyong maglalakas ng loob laban sa mga sigang to… pero tumakas sina Clark at Gable sa sandaling narinig nilang nandito ang mga Sorano! Tanging sina Gavin at Helen ang lumaban sa kanila! Kaya iaanunsyo ko to ngayon din: sina Gavin at Helen na lang ang magiging kandidato para sa susunod na head ng Lane family—Oof!”Biglang umangil si Mark nang matatapos na siya nang para bang sinaktan siya. “Sir!” Gulat na sigaw ni Helen. Humakbang paharap si Frank at tinignan nang malamig si Willy sa sandaling iyon. “Ako ang sugurin mo kung may problema ka. Mas maraming nasasabi tungkol sa'yo ang pang-aapi sa isang m
“Gayunpaman, pinatay mo si Zam Sorano, ang head steward ng Sorano family, at punong-puno sila ng galit sa'yo. Kung kaya't nakapako na ang tadhana mo.”Huminto si Frank sa mga salita ni Gus. “Zam Sorano? Yung matandang pumasok sa bahay ni Noel York sa gabing iyon kasama ni Willy?”Tumayo si Gus nang magkasalikop ang mga kamay sa likuran niya nang tumango siya. “Tama ka.”“Hindi, nagkakamali kayo.” Umiling si Frank. “Aaminin kong pinatay ko si Hubert Sorano dahil hindi siya nakinig sa mga banta ko at ininsulto ako. Pero di ko pinatay si Zam Sorano.”"Hmm…?"Mukhang nagdalawang-isip si Gus at tumaas ang isang kilay niya. “Anak lang naman sa labas si Hubert. Kung siya lang ang pinatay mo, wala akong dahilan para mangialam…”Nakikita niyang mataas ang ranggo ni Frank at wala siyang dahilan para magsinungaling sa ilalim ng sitwasyong ito. “Manahimik ka, Frank Lawrence!” Kaagad na sigaw ni Willy sa takot na baka lumabas ang katotohanan. “Gaano ka ba kababaw para isiping maloloko mo si
Hindi alam ni Zorn kung paanong nagawa ni Frank na iwasan ang obserbasyon niya kanina, ngayon kit nakahinga pa rin siya nang maluwag pagkatapos maramdaman ang tunay na hangganan ng lakas ni Frank. Kahit na malakas ang isang tunay na Birthright rank, wala pa ring laban si Frank sa kanya!“Mamatay ka na!!!” Sigaw ni Zorn habang binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa pinakamalakas na atake niya at ayaw niya ng karagdagang problema. Nakasalalay dito kung mapapatay niya si Frank. Natural na ginagawa niya lang ito dahil nakita niyang mamamatay talaga si Frank para ipagtanggol si Gene. Kapag nagpasya si Frank na umiwas, tatama naman kay Gene ang atake ni Zorn at tiyak na mamamatay siya. Dahil dito, kung gustong mabuhay ni Frank si Gene, kailangan niyang saluhin ang atake niya!Lumabas ang itim at puting pure vigor mula sa palad ni Zorn, naghalo sa isang kulay abo na gumawa ng bagyo. Yumanig ang buong building—ganito ang pinakamalakas na atake ng isang Ascendant rank. "Hmph…"
Kalmadong binasa ni Gene ang sitwasyon. Dahil bata pa si Frank at magaling sa panggagamot, tiyak na wala siyang oras para magsanay ng martial arts nang maigi. Baka nga ang pagsalag niya sa atake ni Zorn kanina ay umubos sa lakas niya—kapag nagtagal siya rito, magiging masaklap ang kamatayan niya kagaya ng nangyari sa mga martial artist na dinala ni Gene. At dahil iniligtas na ni Frank ang buhay niya, ayaw makita ni Gene na ibuwis ni Frank ang buhay niya nang ganito. Dahil dito, sabi niya, “Mr. Lawrence, sa pagitan naming dalawa ito ni Mr. Lawrence. Wag kang mangialam—umalis ka na habang pwede pa.”“Hehe…” Tumawa si Frank sa halip na umalis, na lumingon pa nga kay Gene para magtanong, “Sigurado ka bang di ako mananalo, Mr. Pearce?”“Oh…” Napatunganga si Gene sa tanong niya. Hindi niya masasabing naniniwala siya kay Frank dahil ayaw niyang ibuwis ni Frank ang buhay niya. At pagkatapos mag-isip nang matagal, umiling si Gene sa pagsuko. “Mr. Lawrence, magkaibigan kami ni Zorn
Sumama ang ekspresyon ni Zorn nang nakita niyang kayang harapin ni Gene ang kamatayan nang ganito kakalmado, trinato niya pa si Zorn na parang susunod siya sa lahat ng sinasabi niya. Pakiramdam niya ay parang siya ang natalo kasi pinatay niya si Gene nang ganyan!At nang nakita ang kaseryosohan sa mga mata ni Gene, nagdalawang-isip siya. “Ah, naaalala ko kung paano ka nangakong susundan mo ko habangbuhay isang dekada ang nakaraan…” Biglang bumuntong-hininga si Gene nang inalala niya ito, nakangiti pa siya na parang binisita niya ang alaala ng sandaling iyon. “Matalik tayong magkaibigan simula noong mga bata pa tayo, at kahit na naghiwalay tayo sandali, lumapit ka sa'kin sa depression… may humahabol sa'yo. Kahit na ganun, pinagkatiwalaan kita nang walang kapalit. “Sa sobrang tapat ng mga salitang sinabi mo noon ay nakatatak ito sa alaala ko… Naaalala ko pa ito hanggang ngayon. Ikaw ang nag-iisang kaibigang pinagkatiwalaan ko sa buhay ko, tapos—”Habang mapait na tumatawa, pagt
“Ano?!”Hindi nakakibo kaagad ang martial artist na pinakamalapit kay Zorn at tumama ang kamao ni Zorn sa kanya. Sumabog ang ulo niya nang parang pakwan sa sandaling iyon, at nag-iwan ng kadiring pulang eksena. “Ano?! Ascendant rank siya?!”Kaagad na naramdaman ng ibang martial artist sa paligid ni Zorn na may mali. Lalo na't ang mga Ascendant rank ay mas malakas kaysa sa Birthright rank, kasama ng napakakapal na pure vigor nila na malaya nilang ginagamit. Natural na mayroong mga halimaw na kagaya ni Frank na hindi saklaw ng patakarang ito—nasa Birthright rank lang siya, pero karamihan ng mga nasa Ascendant rank ay mahihirapan sa kanya. Tanging mga nasa peak Ascendant rank ang kayang pumilit kay Frank na gamitin ang mga alas niya, at dahil iyon sa paghina niya tatlong taon ang nakaraan. Salamat sa pagdating niya sa Birthright rank nang dalawang beses, mas dumami at mas makapal ang pure vigor ni Frank, na walang binatbat sa mga nasa Ascendant rank. At ngayon, nakatago mism
Nang hindi nakakagulat, umiling si Gene sa pagkamuhi. “Oo,” kalmado niyang sabi. “Nobya ko siya, pero mabangis din siya… Nilason niya ako at nanood habang unti-unti akong nanghina hanggang sa araw na butasin ng mga insekto ang tiyan ko? Napakasama niya!”“Ako…”Sinubukang makipagtalo ni Zorn, ngunit wala siyang nasabi. Tahimik siyang yumuko, ngunit hindi nagtagal ay tumingala ulit siya nang determinado. “Ako ang nagplano ng lahat ng ito. Ako ang may kasalanan—ngayon, pakawalan mo si Rory. Pwede mong gawin ang kahit na ano sa'kin basta't pakawalan mo siya.”“Huli na ang lahat,” mahinang sabi ni Gene. “Kagaya ng sabi ko, tapos ko na siyang iligpit.”“Ano… Seryoso ka?!” Napanganga si Zorn at naglaho ang pag-asa sa mga mata niya. Pagkatapos, nagsimula siyang tumawa nang nahihibang at palakas ito nang palakas hanggang sa nakakabingi na ito. “Napakalamig mo talaga, Gene!” sigaw niya. “Hindi ako ang malamig dito. Kayo yun no Rory yun.” Nanatiling walang pakialam si Gene nang sum
Kahit na nagdala si Gene ng maraming martial artists, hindi sila magiging sapat kapag naipit si Zorn—baka baliktarin niya ang sitwasyon at ubusin sila. Kung kaya't nagpasya si Frank na magpaiwan nang mag-isa. Hindi niya hahayaang mapatay si Gene, kundi magiging imposible nang makuha ang mga loteng iyon. Nang isinantabi niya ang document folder niya, tahimik siyang pumuslit sa hallway. Ang hindi nakakagulat, nakita niya sina Zorn at Gene na nakatayo sa labas ng opisina. Malinaw na naramdaman ni Zorn ang poot laban sa kanya, ngunit nagtanong siya, “Mr. Pearce, sinabihan mo kong tignan ang mga numero ng Drenam Limited, di ba? Bakit ka nagpunta rito mismo at nagdala ng napakaraming tao?”Sa kabilang banda, maayos na sinanay ang mga tao ni Gene. Bago pa napansin ni Zorn, nakakilos na silang lahat para harangan ang lahat ng daan palabas. “Heh… Ngayong umabot na sa ganito ang lahat, magiging tapat na lang ako sa'yo, Zorn.”Nakangiti si Gene habang tinulungan siyang maglakad n
Dahil nasa Birthright rank si Zorn, natural na kailangang mag-ingat ni Gene at magtipon ng sapat na tao para tapusin siya. Sa maikling salita, bumangga si Frank sa isang pader. Masyadong maaga siyang dumating sa Drenam Limited bago pa natapos ni Gene si Zorn, kung kaya't nagkamali ng pagkakaintindi si Zorn at naisip niyang pumunta si Frank para manloko. “Siya si Gene Pearce,” sabi niya habang nakaturo sa sakiting lalaking kailangan ng tulong para makalakad.”“Siya yun? Mukha siyang… sakitin,” bulong ni Helen, kahit na nakikita ng kahit na sino na hindi malusog si Gene. “Oo. May ilang malapit na tao sa kanyang nanglason sa kanya gamit ng isang insekto. Ginamot ko siya kahapon, kaya pumayag siyang ipasa ang land deeds na yun sa'kin.”Nabigla si Helen. “Sinasabi mo bang hindi tumupad si Gene sa pangako niya?”“Hindi sa ganun—masyadong maaga ang dating natin, bago pa niya naayos ang personal na problema niya,” sagot ni Frank habang pinanood ang higit isang dosenang lalaking puma
“Maging pabigat sa inyo nang tatlong taon?”Natawa si Frank sa ideyang iyon, ngunit hindi siya nagsayang ng oras para makipagtalo kay Cindy. Sa halip, lumingon siya kay Helen nang may seryosong ekspresyon. Gusto niyang alamin ang opinyon niya. Tahimik sandali si Helen, ngunit hindi nagtagal ay mahina siyang nagsabi, “Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo at inisip mo yan, Frank… Pero sasabihin ko sa'yo nang walang pagdududa na huwag ka nang mag-iisip nang ganyan kahit kailan! Hindi kita iiwan, at walang makakapigil sa'kin!”Pagkatapos, inalis niya ang kamay ni Cindy at malamig na sumigaw, “Inuutusan kita, Cindy. Bumalik ka sa Riverton at sabihin mo kay mama na wag siyang mag-alala sa'kin. At ikaw naman, alam kong galit kang hiniwalayan ka ng nobyo mo, pero wala sa'min ni Frank ang pwede kong pagbuntunan ng galit mo, at hindi kailangan ng Lanecorp ng basurang kagaya mo na walang alam kundi magmayabang na akala mo kung sinong magaling.”“Ano?!” Napaatras si Cindy sa gulat. “Anon
“M-Maghintay ka lang!” Sigaw nina Bob at Rob, ngunit mabilis silang tumayo para tumakas sa opisina. Sa kabilang banda, kinilabutan si Zorn nang sinalag ni Frank ang atake niya. “Martial artist din siya?” bulong niya sa sarili niya. “Bakit di ko naramdaman ang vigor niya?”Higit pa roon, nakikita niyang sanay si Frank sa pakikipaglaban nang pinatumba niya sina Rob at Bob nang napakabilis. Kumbinsido siya kaninang simpleng tao lang si Frank, ngunit naramdaman na niya ngayon ang walang hugis na bigat na nakabalot kay Frank. Nag-ingat si Zorn sa bigat na ito at bigla siyang hindi nakasiguro kung kaya niyang talunin si Frank. Sa lakas niya sa kabila ng kabataan niya, talagang napaisip si Zorn kung saan siya nanggaling. Habang naningkit ang mga mata, umatras si Zorn at nagtanong, “Pwede ko bang matanong kung saang clan o sect ka nanggaling?”Gayunpaman, umiling si Frank at mahinang nagsabi, “Pangkaraniwang tao lang ako. Ano? Magpapatuloy ba tayo? Hindi ako magpipigil kung oo, at