"Mark?"“Lolo?”Nabigla ang Southstream Lanes sa malakas na sigaw na nagmula sa taas. Natulala si Fleur kagaya ng iba, pagkatapos ay sumigaw, “Manahimik ka, gurang! Ginagawa ko to para iligtas ang buhay mo!”“Hindi niyo ko mapapatahimik!” Patuloy na sigaw ni Mark mula sa taas. “Mas gugustuhin ko pang mamatay ngayon kaysa mabuhay sa kalungkutan! Hinihintay ko kung may kahit sino sa inyong maglalakas ng loob laban sa mga sigang to… pero tumakas sina Clark at Gable sa sandaling narinig nilang nandito ang mga Sorano! Tanging sina Gavin at Helen ang lumaban sa kanila! Kaya iaanunsyo ko to ngayon din: sina Gavin at Helen na lang ang magiging kandidato para sa susunod na head ng Lane family—Oof!”Biglang umangil si Mark nang matatapos na siya nang para bang sinaktan siya. “Sir!” Gulat na sigaw ni Helen. Humakbang paharap si Frank at tinignan nang malamig si Willy sa sandaling iyon. “Ako ang sugurin mo kung may problema ka. Mas maraming nasasabi tungkol sa'yo ang pang-aapi sa isang m
“Gayunpaman, pinatay mo si Zam Sorano, ang head steward ng Sorano family, at punong-puno sila ng galit sa'yo. Kung kaya't nakapako na ang tadhana mo.”Huminto si Frank sa mga salita ni Gus. “Zam Sorano? Yung matandang pumasok sa bahay ni Noel York sa gabing iyon kasama ni Willy?”Tumayo si Gus nang magkasalikop ang mga kamay sa likuran niya nang tumango siya. “Tama ka.”“Hindi, nagkakamali kayo.” Umiling si Frank. “Aaminin kong pinatay ko si Hubert Sorano dahil hindi siya nakinig sa mga banta ko at ininsulto ako. Pero di ko pinatay si Zam Sorano.”"Hmm…?"Mukhang nagdalawang-isip si Gus at tumaas ang isang kilay niya. “Anak lang naman sa labas si Hubert. Kung siya lang ang pinatay mo, wala akong dahilan para mangialam…”Nakikita niyang mataas ang ranggo ni Frank at wala siyang dahilan para magsinungaling sa ilalim ng sitwasyong ito. “Manahimik ka, Frank Lawrence!” Kaagad na sigaw ni Willy sa takot na baka lumabas ang katotohanan. “Gaano ka ba kababaw para isiping maloloko mo si
Binuhos ni Gus ang lahat mula sa pinakaunang atake niya, at sinalo ni Frank ang mga suntok niya nang hindi natitinag. Ang laban nila ay lampas sa nauunawaan ng pangkaraniwang tao—ang bawat isang atake nila ay kasing bilis ng anino at kasing lakas ng pangil ng isang viper… At nagpalitan sila ng tatlompung atake sa loob ng ilang sandali lang!“Ano?!” Sa kabilang banda, naiwang nakatulala si Willy sa gulat nang napatunayang magkapantay sina Frank at Gus, nakaramdam pa nga siya ng masamang kutob. Pagkatapos ng limampung atake, tumalon si Gus palayo mula kay Frank, pinakalma sandali ang paghinga niya, at tinitigan nang maigi ang lalaki. “Nagulat ako…” Tumango siya. “Hindi ka Ascendant rank, pero napakalakas mo na. Nakikita ko nang kung gusto mong patayin ang mentor ko, hindi ka gagamit ng pailalim na paraan kagaya ng pagsaksak sa leeg niya gamit ng patalim.”Huminto si Gus, pagkatapos ay lumingon kay Willy at malamig na nagsabing, “May kailangan kang ipaliwanag, Willy Sorano.”“A
Tumango si Frank habang lumingon si Gus sa kanya nang may matalim na titig. “Syempre—tiyak na tatanggapin ko ang alok mo.”Pagkatapos, lumingon siya kay Willy at nagsabing, “Pasensya na sa nangyari noon, Mr. Sorano.”Gayunpaman, walang bakas ng sinseridad sa paghingi ng tawad ni Frank. Ang totoo, para itong isang insulto. Dumilim ang mukha ni Willy, pero natakot siyang magwala. Sa halip, nagbanggit na lang siya ng pangalan. “Makakarating to sa tatay ko, Gus Zeller!” “Sige.” Tumango lang si Gus. “Pero makakapaghintay yan pagkatapos mabunyag ang pumatay sa mentor ko.”Nanigas si Willy sa mga salita ni Gus, pero suminghal siya nang tumalikod siya at naglakad papalayo. “Mr. Lawrence.” Sumaludo si Gus kay Frank, na malaki ang pagkakaiba sa naiinis na reaksyon ni Willy. Habang sinabihan ni Gus ang mga tao ng Sorano na umalis kasama niya, nabigla pa rin si Helen sa mabilis na pagbabago ng ugali ni Gus at ng mga Sorano.“Anong nangyayari, Frank?” tanong niya—talaga bang umatras s
Nagpatuloy si Mark, “Si Helen man ang nagdala nito sa’tin, siya lang ang hindi natakot sa mga Sorano at nanlaban. Siya ang testamento ng dignidad ng pamilya natin, at kailangan natin ng leader na kagaya niya.”Kaagad na nataranta si Fleur sa mga salita ni Mark—mawawalan siya ng lugar kung talagang pinili si Helen na maging susunod na head ng Lane family!“Tumatanda ka na, tanda!” putol niya sa sandaling iyon. “Kung alam mong siya ang nagsanhi nito, dapat maiintindihan mo na hindi sana kayo nabugbog ni Luna. Kasalanan niya tong lahat!”“Tama siya!” nataranta rin si Luna. “Kailangan mong pag-isipan ito nang maigi, Lolo!”“Manahimik ka!” Sumigaw si Mark at naghintay hanggang sa manahimik ang lahat. “Naiintindihan kong hindi kayo natutuwa, at wala akong intensyong sirain ang dating patakaran,” sabi niya, sabay tumingin sa kanilang lahat habang nagpasya siyang magkompromiso. “Pero mas gusto ko pa rin ang ugali ni Helen, kaya paano kung ganito? Tuloy pa rin ang kondisyon kay Helen noon
Pagkatapos marinig ang tungkol sa incubation technique ng Hundred Bane Sect, nagkaroon ng matapang na ideya si Frank na bisitahin ang sect. Gamit ng technique na ito, hindi na niya kailangang gumastos ng napakaraming pera at iba pang kagamitan sa paghahanap ng iba pang natural wonders. Gayunpaman, may iba rin siyang inaalala, lalo na si Vicky. Nang lumipas ang isang linggo at inihahanda na ang farm resort para magbukas, nakaramdam si Frank ng masamang kutob. Simula noon ay hindi nakausap si Vicky, hindi niya pinapansin ang lahat ng tawag at mensahe niya. Habang nag-iisip siya kung dapat ba siyang bumiyahe papuntang Morhen, isang itim na sedan ang huminto sa labas ng mansyon. Bumaba mula rito si Frida Blue, na medyo matagal na niyang hindi nakikita. Siya na ngayon ang personal na bodyguard ni Vicky pagkatapos siyang iligtas ni Vicky noon, habang nanatili si Yara Quill sa Riverton dahil hindi siya pwedeng pumunta sa Morhen kasama ni Vicky. Natural na medyo dismayado si Fr
Malamig na tumawa si Frank. “Tama si Vicky—mauubos na ang pasensya ko. Pero nagkakamali rin siya! Hindi ko to palalampasin nang dahil lang ayaw niyong sabihin sa'kin ang nangyayari, kaya wag niyo kong sabihang kalimutan ko na lang siya. Personal akong bibisita sa Morhen Turnbulls at manghihingi ng sagot, at wag mo kong sisihin kapag nag-iwan ako ng gulo pag nangyari yun!”Sumakit ang ulo ni Frida sa hindi makatuwirang hiling ni Frank. “Makinig ka… Hindi mo ko pwedeng pilitin gamit ng utang na loob ko sa'yo. Inililihim to sa'yo ni Ms. Turnbull para sa kapakanan mo, kundi ay mamamatay ka! Bakit ka na lang makinig?!”“Hah!” Suminghal si Frank. “Hindi pa ba sapat ang naranasan ko? Ano naman kung kalabanin ko ang mga Turnbull? Wala akong pakialam kung mga Lionheart man o mga Sorano man sila!” Kahit na malakas at determinado ang mga salita niya, inisip lang ni Frida na nasabi niya lang iyon sa init ng sandali. Nanggalaiti siya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin habang umiling s
Napairap si Frida sa kaprangkahan ni Frank, sabay natulala. “Pwede ba maging mas pasensyoso ka? Hindi ka pwedeng makita ni Ms. Turnbull sa ngayon, kaya kailangan mong manatili rito nang ilang araw. Kapag tama na ang oras, dadalhin kita sa kanya.”“Kung ganun, sabihin mo sa'kin kung anong nangyayari sa mga Turnbull.” Suminghal sa inis si Frank. “O dapat ba akong maghintay na lang dito habangbuhay?”“Hindi nakakatulong ang maging mainipin, at malabo pa ang bagay-bagay ngayon.” Umiling si Frida. “Walang magagawang mabuti kung masyado kang maraming malalaman, kaya nagmamakaawa ako sa'yo ngayon na magtiwala ka lang kay Ms. Turnbull at habaan mo ang pasensya mo, pwede?”Walang nagawa si Frank kundi tumango dahil ginawa na ni Frida ang magagawa niya. At dahil nasa Morhen naman ba siya, bibisitahin na lang niya nang direkta ang mga Turnbull kung talagang may problema. “Urgh…” bumuntong-hininga si Frida nang sumakay si Frank at mahinang nagsalita. “Ngayong may kasunduan tayo, gawin mo an
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah