“Gayunpaman, pinatay mo si Zam Sorano, ang head steward ng Sorano family, at punong-puno sila ng galit sa'yo. Kung kaya't nakapako na ang tadhana mo.”Huminto si Frank sa mga salita ni Gus. “Zam Sorano? Yung matandang pumasok sa bahay ni Noel York sa gabing iyon kasama ni Willy?”Tumayo si Gus nang magkasalikop ang mga kamay sa likuran niya nang tumango siya. “Tama ka.”“Hindi, nagkakamali kayo.” Umiling si Frank. “Aaminin kong pinatay ko si Hubert Sorano dahil hindi siya nakinig sa mga banta ko at ininsulto ako. Pero di ko pinatay si Zam Sorano.”"Hmm…?"Mukhang nagdalawang-isip si Gus at tumaas ang isang kilay niya. “Anak lang naman sa labas si Hubert. Kung siya lang ang pinatay mo, wala akong dahilan para mangialam…”Nakikita niyang mataas ang ranggo ni Frank at wala siyang dahilan para magsinungaling sa ilalim ng sitwasyong ito. “Manahimik ka, Frank Lawrence!” Kaagad na sigaw ni Willy sa takot na baka lumabas ang katotohanan. “Gaano ka ba kababaw para isiping maloloko mo si
Binuhos ni Gus ang lahat mula sa pinakaunang atake niya, at sinalo ni Frank ang mga suntok niya nang hindi natitinag. Ang laban nila ay lampas sa nauunawaan ng pangkaraniwang tao—ang bawat isang atake nila ay kasing bilis ng anino at kasing lakas ng pangil ng isang viper… At nagpalitan sila ng tatlompung atake sa loob ng ilang sandali lang!“Ano?!” Sa kabilang banda, naiwang nakatulala si Willy sa gulat nang napatunayang magkapantay sina Frank at Gus, nakaramdam pa nga siya ng masamang kutob. Pagkatapos ng limampung atake, tumalon si Gus palayo mula kay Frank, pinakalma sandali ang paghinga niya, at tinitigan nang maigi ang lalaki. “Nagulat ako…” Tumango siya. “Hindi ka Ascendant rank, pero napakalakas mo na. Nakikita ko nang kung gusto mong patayin ang mentor ko, hindi ka gagamit ng pailalim na paraan kagaya ng pagsaksak sa leeg niya gamit ng patalim.”Huminto si Gus, pagkatapos ay lumingon kay Willy at malamig na nagsabing, “May kailangan kang ipaliwanag, Willy Sorano.”“A
Tumango si Frank habang lumingon si Gus sa kanya nang may matalim na titig. “Syempre—tiyak na tatanggapin ko ang alok mo.”Pagkatapos, lumingon siya kay Willy at nagsabing, “Pasensya na sa nangyari noon, Mr. Sorano.”Gayunpaman, walang bakas ng sinseridad sa paghingi ng tawad ni Frank. Ang totoo, para itong isang insulto. Dumilim ang mukha ni Willy, pero natakot siyang magwala. Sa halip, nagbanggit na lang siya ng pangalan. “Makakarating to sa tatay ko, Gus Zeller!” “Sige.” Tumango lang si Gus. “Pero makakapaghintay yan pagkatapos mabunyag ang pumatay sa mentor ko.”Nanigas si Willy sa mga salita ni Gus, pero suminghal siya nang tumalikod siya at naglakad papalayo. “Mr. Lawrence.” Sumaludo si Gus kay Frank, na malaki ang pagkakaiba sa naiinis na reaksyon ni Willy. Habang sinabihan ni Gus ang mga tao ng Sorano na umalis kasama niya, nabigla pa rin si Helen sa mabilis na pagbabago ng ugali ni Gus at ng mga Sorano.“Anong nangyayari, Frank?” tanong niya—talaga bang umatras s
Nagpatuloy si Mark, “Si Helen man ang nagdala nito sa’tin, siya lang ang hindi natakot sa mga Sorano at nanlaban. Siya ang testamento ng dignidad ng pamilya natin, at kailangan natin ng leader na kagaya niya.”Kaagad na nataranta si Fleur sa mga salita ni Mark—mawawalan siya ng lugar kung talagang pinili si Helen na maging susunod na head ng Lane family!“Tumatanda ka na, tanda!” putol niya sa sandaling iyon. “Kung alam mong siya ang nagsanhi nito, dapat maiintindihan mo na hindi sana kayo nabugbog ni Luna. Kasalanan niya tong lahat!”“Tama siya!” nataranta rin si Luna. “Kailangan mong pag-isipan ito nang maigi, Lolo!”“Manahimik ka!” Sumigaw si Mark at naghintay hanggang sa manahimik ang lahat. “Naiintindihan kong hindi kayo natutuwa, at wala akong intensyong sirain ang dating patakaran,” sabi niya, sabay tumingin sa kanilang lahat habang nagpasya siyang magkompromiso. “Pero mas gusto ko pa rin ang ugali ni Helen, kaya paano kung ganito? Tuloy pa rin ang kondisyon kay Helen noon
Pagkatapos marinig ang tungkol sa incubation technique ng Hundred Bane Sect, nagkaroon ng matapang na ideya si Frank na bisitahin ang sect. Gamit ng technique na ito, hindi na niya kailangang gumastos ng napakaraming pera at iba pang kagamitan sa paghahanap ng iba pang natural wonders. Gayunpaman, may iba rin siyang inaalala, lalo na si Vicky. Nang lumipas ang isang linggo at inihahanda na ang farm resort para magbukas, nakaramdam si Frank ng masamang kutob. Simula noon ay hindi nakausap si Vicky, hindi niya pinapansin ang lahat ng tawag at mensahe niya. Habang nag-iisip siya kung dapat ba siyang bumiyahe papuntang Morhen, isang itim na sedan ang huminto sa labas ng mansyon. Bumaba mula rito si Frida Blue, na medyo matagal na niyang hindi nakikita. Siya na ngayon ang personal na bodyguard ni Vicky pagkatapos siyang iligtas ni Vicky noon, habang nanatili si Yara Quill sa Riverton dahil hindi siya pwedeng pumunta sa Morhen kasama ni Vicky. Natural na medyo dismayado si Fr
Malamig na tumawa si Frank. “Tama si Vicky—mauubos na ang pasensya ko. Pero nagkakamali rin siya! Hindi ko to palalampasin nang dahil lang ayaw niyong sabihin sa'kin ang nangyayari, kaya wag niyo kong sabihang kalimutan ko na lang siya. Personal akong bibisita sa Morhen Turnbulls at manghihingi ng sagot, at wag mo kong sisihin kapag nag-iwan ako ng gulo pag nangyari yun!”Sumakit ang ulo ni Frida sa hindi makatuwirang hiling ni Frank. “Makinig ka… Hindi mo ko pwedeng pilitin gamit ng utang na loob ko sa'yo. Inililihim to sa'yo ni Ms. Turnbull para sa kapakanan mo, kundi ay mamamatay ka! Bakit ka na lang makinig?!”“Hah!” Suminghal si Frank. “Hindi pa ba sapat ang naranasan ko? Ano naman kung kalabanin ko ang mga Turnbull? Wala akong pakialam kung mga Lionheart man o mga Sorano man sila!” Kahit na malakas at determinado ang mga salita niya, inisip lang ni Frida na nasabi niya lang iyon sa init ng sandali. Nanggalaiti siya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin habang umiling s
Napairap si Frida sa kaprangkahan ni Frank, sabay natulala. “Pwede ba maging mas pasensyoso ka? Hindi ka pwedeng makita ni Ms. Turnbull sa ngayon, kaya kailangan mong manatili rito nang ilang araw. Kapag tama na ang oras, dadalhin kita sa kanya.”“Kung ganun, sabihin mo sa'kin kung anong nangyayari sa mga Turnbull.” Suminghal sa inis si Frank. “O dapat ba akong maghintay na lang dito habangbuhay?”“Hindi nakakatulong ang maging mainipin, at malabo pa ang bagay-bagay ngayon.” Umiling si Frida. “Walang magagawang mabuti kung masyado kang maraming malalaman, kaya nagmamakaawa ako sa'yo ngayon na magtiwala ka lang kay Ms. Turnbull at habaan mo ang pasensya mo, pwede?”Walang nagawa si Frank kundi tumango dahil ginawa na ni Frida ang magagawa niya. At dahil nasa Morhen naman ba siya, bibisitahin na lang niya nang direkta ang mga Turnbull kung talagang may problema. “Urgh…” bumuntong-hininga si Frida nang sumakay si Frank at mahinang nagsalita. “Ngayong may kasunduan tayo, gawin mo an
Ngumunguya ng chewing gum ang babae, pinaparating ng puting buhok niya na isa siyang delingkwente. “Hoy, kausap kita,” sabi niya kay Frank. “Pipi ka ba?”“Umayos ka, Kat!” Lumabas ng kusina si Nash sa sandaling iyon at tinitigan siya nang masama. “Ayos lang—natural lang na magtatanong siya dahil may biglang lumitaw na estranghero sa bahay niya.” Bahagyang ngumiti si Frank. “Hello. Ako si Frank Lawrence.”“Sige…” Humikab si Kat Yego, tinignan si Nash nang walang pakialam at malamig na nagsabi, “Sa totoo lang, wala akong pake kung saan mo man nahahanap ang lahat ng tangang to…”“Ayusin mo ang pananalita mo, bata!” Sigaw ni Nash habang nakatitig nang masama sa kanya. “Siya si Me. Lawrence. Isa siyang mahalagang panauhin ng mga Turnbull!”“Kung ganun, anong ginagawa niya rito sa halip na manatili siya sa mga Turnbull?” Suminghal si Kat sa pagkamuhi. “Sige, wag mo lang akong idamay sa kalokohan mo. Kailangan ko ng pera ngayon—lalabas ako kasama ng mga kaibigan ko mamaya.”“Ngayon