Napairap si Frida sa kaprangkahan ni Frank, sabay natulala. “Pwede ba maging mas pasensyoso ka? Hindi ka pwedeng makita ni Ms. Turnbull sa ngayon, kaya kailangan mong manatili rito nang ilang araw. Kapag tama na ang oras, dadalhin kita sa kanya.”“Kung ganun, sabihin mo sa'kin kung anong nangyayari sa mga Turnbull.” Suminghal sa inis si Frank. “O dapat ba akong maghintay na lang dito habangbuhay?”“Hindi nakakatulong ang maging mainipin, at malabo pa ang bagay-bagay ngayon.” Umiling si Frida. “Walang magagawang mabuti kung masyado kang maraming malalaman, kaya nagmamakaawa ako sa'yo ngayon na magtiwala ka lang kay Ms. Turnbull at habaan mo ang pasensya mo, pwede?”Walang nagawa si Frank kundi tumango dahil ginawa na ni Frida ang magagawa niya. At dahil nasa Morhen naman ba siya, bibisitahin na lang niya nang direkta ang mga Turnbull kung talagang may problema. “Urgh…” bumuntong-hininga si Frida nang sumakay si Frank at mahinang nagsalita. “Ngayong may kasunduan tayo, gawin mo an
Ngumunguya ng chewing gum ang babae, pinaparating ng puting buhok niya na isa siyang delingkwente. “Hoy, kausap kita,” sabi niya kay Frank. “Pipi ka ba?”“Umayos ka, Kat!” Lumabas ng kusina si Nash sa sandaling iyon at tinitigan siya nang masama. “Ayos lang—natural lang na magtatanong siya dahil may biglang lumitaw na estranghero sa bahay niya.” Bahagyang ngumiti si Frank. “Hello. Ako si Frank Lawrence.”“Sige…” Humikab si Kat Yego, tinignan si Nash nang walang pakialam at malamig na nagsabi, “Sa totoo lang, wala akong pake kung saan mo man nahahanap ang lahat ng tangang to…”“Ayusin mo ang pananalita mo, bata!” Sigaw ni Nash habang nakatitig nang masama sa kanya. “Siya si Me. Lawrence. Isa siyang mahalagang panauhin ng mga Turnbull!”“Kung ganun, anong ginagawa niya rito sa halip na manatili siya sa mga Turnbull?” Suminghal si Kat sa pagkamuhi. “Sige, wag mo lang akong idamay sa kalokohan mo. Kailangan ko ng pera ngayon—lalabas ako kasama ng mga kaibigan ko mamaya.”“Ngayon
Sabi ng kapitbahay, “Nagtatrabaho ang anak ko sa karaoke bar, alam mo ba yun? Tumawag siya, sabi niya may nakaaway si Kat doon! Magmadali ka na!”Nangiwi si Nash—wala talagang kapayapaan sa anak niyang ito. Nang nagsimula siyang tumakbo palabas, lumingon siya pabalik at humingi ng tawad kay Frank. “Pasensya na, Mr. Lawrence! Iwan muna kita rito—kailangan kong tignan ang anak ko agad-agad.”Gayunpaman, nilapag ni Frank ang tinidor at kutsilyo niya at pinunasan niya ang bibig niya. “Sasama ako sa'yo.”Hindi niya gustong wala siyang gagawin lalo na't tumutuloy siya sa bahay ni Nash at tiyak na tutulong siya sa anomang paraang kaya niya. “Pero…” Mukhang nahiya si Nash dahil hindi makatwirang tutulungan siya ng panauhin ng mga Turnbull. “Wag kang mag-alala—hindi ako gagawa ng mas malaking gulo.” Tumawa si Frank nang makita ang pagdadalawang-isip niya. “Mas magandang may kasama ka.”“Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Nash! Dalian mo!” pilit ng kapitbahay sa sandaling iyon. “Sige.”
“N-Nagsisinungaling ka!” Nagtapang na magsalita ang isang babaeng may maikling buhok na nagngangalang Mandy. “Hinipuan mo si Kat! Kaya ka niya sinampal!”Tinitigan nang masama ni Cid ang babae at sobra itong natakot na magsalita muli. “Hinawakan ko lang ang mukha niya. Kasalanan ko bang tumanggi siyang respetuhin ako?!”Pinilit ni Nash na ngumiti nang sinabi niyang, “Isa lang itong hindi pagkakaunawaan, at hindi natin kailangang palalain ang sitwasyon. Bakit di tayo umatras?”“Umatras?” Tumawa si Cid sa matinding pagkamuhi at tumalon para sampalin si Nash sa mukha. “Sino ka ba sa tingin mo?! Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang sabihan ako kung anong gagawin ko?!”Napaatras si Nash at muntik nang tumumba sa sampal. “Ang kapal ng mukha mo!” Nagwala si Kat, dumampot ng isang bote ng beer at handang atakihin si Cid. Ngunit pinigilan siya ni Nash. “Babae ka, Kat! Wag mong gawin yan!”“Ano, gusto mo ng away?! Sige, hampasin mo ko!” Ngumisi si Cid. “Wala sa inyo ang makakaalis sa lu
Nang natauhan siya, nanlaki ang mga mata ni Cid at sumigaw siya, “Papatayin kita!”“Tigil!”Bago magwala si Cid sa galit, isang grupo ng mga lalaking estudyante ang may dala ng mga bakal na baseball bat. Nasa anim na talampakan ang taas ng lider at mayroon siyang maskuladong katawan. Nang may isang dosena sa mga kaibigan niyang pumasok sa kwarto, talagang nakakatakot siya. “Oh, ligtas na tayo! Nandito na si Soren!”Mukhang natuwa ang mga babae kabilang na si Kat na makita ang lider, puno ng papuri ang mga mata nila nang parang nakatingin sila sa kanilang tagapagligtas. Lalo na't kilala si Soren sa school. Mayaman ang pamilya niya at siya ang gwapong baseball team captain ng school. Nakatingin ang mga mata niya kay Kat sa sandaling dumating siya at mukhang nag-alala siya para sa kanya. “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako.” Tumango si Kat. Kumislap ang mga mata niya sa tuwa nang lumitaw talaga siya. Sa tabi niya, para bang maiiyak na si Mandy. “Salamat at umabot kayo, Soren
Sa kabila ng pagkamuhi niya kay Nash, kahit papaano ay nagpakita si Soren ng respeto para sa tatay ni Kat.“Salamat.” Nakahinga nang maluwag si Nash at yumuko kay Soren.Pagkatapos ay lumingon si Soren kay Cid at sumigaw, “Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Layas! Wag ka nang magpapakita sa'kin, naiintindihan mo?!”Nagngitngit ang ngipin ni Cid at suminghal. “Sige, maghintay ka lang! Wag kang tatakbo ngayon!”Nang nagpaika-ika siya paalis kasama ng mga lasing na kaibigan niya, nagmadali si Mandy sa tabi ni Soren. “Talaga bang patatakasin mo sila nang basta-basta? Paano kung magtawag sila ng mas maraming tao?”“Wag kang mag-alala—hindi na sila babalik.” Ngumisi si Soren. “Hindi niyo siguro alam, pero kay Mr. Darman ang lugar na'to. Kapag bumalik ang mga hayop na yun at gumawa ng gulo, malalagot lang sila.”“Mr. Darman? Ang lider ng Sunblazers?”Nanlumo ang mukha ng lahat sa piraso ng impormasyong iyon—maliban kay Frank. Ang Sunblazers ay isang grupo na namuno sa South Morhen, at
Anong punto ng kagwapuhan sa harap ng panganib? May magpapalampas ba sa buhay ng isang tao dahil lang gwapo siya? Baka nga sila pa ang maunang tumakbo pag nagkaroon ng problema. Hindi maaasahan ang mga ganung lalaki. Mapangutyang tinapik ni Soren si Frank sa balikat. “Pare, magpakalalaki ka at aminin mong wala kang tapang para pigilan ang away, o masasaktan ka. At tumatawa ka kanina, di ba? Hindi ba dapat nagpapasalamat ka at magsasalita ka pagkatapos kitang iligtas?”Ngumiti lang si Frank at umiling—mas mababa sa kanya ang mga batang ito at mapapahiya lang siya kung papatulan niya si Soren. Mabilis na namagitan si Nash. “Ayos lang yun! Nakalimutan na namin ang buong bagay na'to. Umalis na tayo.”Pagkatapos, lumingon siya kay Kat at nagdagdag, “Sinabi ko sa'yong wag lang lalabas nang ganitong oras. Napakadelikado ng mga ganitong lugar. Halika na, aalis na tayo.”Nang inabot niya ang kamay niya, pinalo ni Kat ang kamay niya at galit na sumigaw, “Wag mo kong hawakan! Umalis ka k
Talagang nakakatuwa si Nash, hindi siya nanlaban pagkatapos siyang pagalitan ng sarili niyang anak.Kahit na nakangiti si Soren, nagwala ang inis niya para kay Kat. “Sige. Umaasa ako sa'yo.” Pinilit ni Nash na ngumiti at tumango kay Frank. “Sila yun! Palibutan niyo ang mga batang yun ngayon din!” May biglang sumigaw mula sa hallway nang paalis na sila. Nagbalik si Cid nang may higit sa tatlompung lalaking nakasunod sa kanila sa loob. Talagang nakakatakot silang tignan habang sumugod sila hawak ang mga machete nila. Bumagsak ang ekspresyon ng mga estudyante at nilamon sila ng pagkataranta—hindi sila mananalo sa mga kampong ito!“Sandali!” Kahit na ganun, lumapit pa rin si Soren. “Binabalaan kita—lungga ito ni Mr. Darman, at kaibigan siya ng tatay ko. Saktan mo kami, at mamamatay ka!”“Puta, pinagbabantaan mo ba ako?” Sinampal ni Cid si Soren sa mukha. “Ano naman ngayon?! Kapatid niya ko, alam mo ba yun?!”Nanahimik ang kwarto sa sandaling iyon, lahat sila maliban kay Frank a
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l
Sa isip na iyon, tumingin si Frank pataas at sumigaw, "Sir, wala sa akin ang spiritron vein, pero alam ko kung nasaan ito. Hinihiling ko ang iyong pag-unawa bilang aking senior na bigyan ako ng pabor na palayain ang aking pamilya, at dadalhin kita kung nasaan ito!"Tumahimik ang paligid ng sirang templo sa mga salita ni Frank, habang nag-iisip ang taong nagkukubli sa mga anino.Di nagtagal, muling nagsalita ang kanyang matandang boses."Sige. Dahil isa kang tao ng mga prinsipyo, may tiwala ako sa iyo."Lumabas siya mula sa mga anino, isang matandang lalaki na may kulay-abong buhok at may bakal na maskara na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang naglakad palabas.Ang kanyang ekspresyon ay malamig, at may dala siyang kwintas ng mga butil ng dasal sa isang kamay.Tumigil ang tibok ng puso ni Frank nang makita niya siya—ang nakakatakot na presyon na ipinapakita ng lalaking iyon ay malinaw na nagpapakita na siya ay Transcendentrank!Hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni