Anong punto ng kagwapuhan sa harap ng panganib? May magpapalampas ba sa buhay ng isang tao dahil lang gwapo siya? Baka nga sila pa ang maunang tumakbo pag nagkaroon ng problema. Hindi maaasahan ang mga ganung lalaki. Mapangutyang tinapik ni Soren si Frank sa balikat. “Pare, magpakalalaki ka at aminin mong wala kang tapang para pigilan ang away, o masasaktan ka. At tumatawa ka kanina, di ba? Hindi ba dapat nagpapasalamat ka at magsasalita ka pagkatapos kitang iligtas?”Ngumiti lang si Frank at umiling—mas mababa sa kanya ang mga batang ito at mapapahiya lang siya kung papatulan niya si Soren. Mabilis na namagitan si Nash. “Ayos lang yun! Nakalimutan na namin ang buong bagay na'to. Umalis na tayo.”Pagkatapos, lumingon siya kay Kat at nagdagdag, “Sinabi ko sa'yong wag lang lalabas nang ganitong oras. Napakadelikado ng mga ganitong lugar. Halika na, aalis na tayo.”Nang inabot niya ang kamay niya, pinalo ni Kat ang kamay niya at galit na sumigaw, “Wag mo kong hawakan! Umalis ka k
Talagang nakakatuwa si Nash, hindi siya nanlaban pagkatapos siyang pagalitan ng sarili niyang anak.Kahit na nakangiti si Soren, nagwala ang inis niya para kay Kat. “Sige. Umaasa ako sa'yo.” Pinilit ni Nash na ngumiti at tumango kay Frank. “Sila yun! Palibutan niyo ang mga batang yun ngayon din!” May biglang sumigaw mula sa hallway nang paalis na sila. Nagbalik si Cid nang may higit sa tatlompung lalaking nakasunod sa kanila sa loob. Talagang nakakatakot silang tignan habang sumugod sila hawak ang mga machete nila. Bumagsak ang ekspresyon ng mga estudyante at nilamon sila ng pagkataranta—hindi sila mananalo sa mga kampong ito!“Sandali!” Kahit na ganun, lumapit pa rin si Soren. “Binabalaan kita—lungga ito ni Mr. Darman, at kaibigan siya ng tatay ko. Saktan mo kami, at mamamatay ka!”“Puta, pinagbabantaan mo ba ako?” Sinampal ni Cid si Soren sa mukha. “Ano naman ngayon?! Kapatid niya ko, alam mo ba yun?!”Nanahimik ang kwarto sa sandaling iyon, lahat sila maliban kay Frank a
“Oh, nagkakamali ka.” Umiling si Frank at ngumiti. “Nandito lang ako para manood. Hindi ko nga kilala ang mga batang to.”Namuhi ang mga estudyante sa komento niya—isa talagang duwag si Frank kagaya ng inisip nila. Lumingon rin si Cid kay Frank ngunit di niya siya pinansin dahil hindi niya siya hinamon. Wala siyang oras na iligpit ang isang usyusero lang—umaasa pa nga siyang may magkakalat ng balita tungkol sa nakakatakot na gawain niya. Lumingon si Cid pabalik kay Soren, hinablot siya sa buhok, at binuhat siya nang nakangiti. “Pinagbabantaan mo kong babaliin mo raw ang binti ko kanina, tama? Dali, hahayaan kitang gawin yun.”Nag-itsa ang isa sa mga tao ni Cid ng bakal na pamalo sa tabi ni Soren sa sandaling iyon. “Oh, nagkamali lang ako…” Mapagpaumanhing ngumiti si Soren, na hindi nagtangkang magsalita tungkol sa sama ng loob niya. “Masyado lang akong ignorante para makilala ka… Bakit di mo ko hayaang magsagawa ng handaan para sa'yo bilang paghingi ng tawad?”“Tigilan mo ko
“Hah! Ikaw na naman?!” Sigaw ni Cid na sawang-sawa na kay Nash. “Hindi ako maghihintay—kailangan ko talaga ng mapagbubuntunan ng galit ngayon, at nagpasya akong piliin ang dalaga mo! Kukunin ko siya ngayong gabi, at walang pwedeng magreklamo!”Kumaway siya, at dalawang tauhan ang mabilis na lumapit para hawakan si Kat. Sinubukan silang pigilan ni Nash, ngunit tinulak siya sa lapag. “Bitawan niyo ko!” Sumigaw si Kat sa takot dahil seryoso ang mga lalaki at si Cid. Kahit na nanlaban siya nang malakas, lumingon siya nang nagmamakaawa kay Soren—ang prinsipe niya at nag-iisang tagapagligtas niya. Sa wakas ay umubo si Soren, tinaas ang ulo niya at hinanda ang sarili nang sinabi niyang, “Pakiusap, pag-usapan natin to. Kaibigan ko siya—pakawalan mo na lang siya! Kukuha ako ng mas maganda—”Sinampal siya ulit ni Cid at sumigaw, “Nagsasalita ka ngayong di pa ako tapos sa'yo?! Lumayas ka rito, kundi ay kakarnehin kita nang parang baboy!”Nanghina si Soren sa sandaling iyon at yumuko na
“Pa!”Nanlumo ang mukha ni Kat, pero pinigilan na naman siya bago siya nakatalon papunta kay Cid. “Langyang maganda ka! Pinagbabantaan mo ba ako?!”Takot pa rin si Cid nang hinawakan niya ang leeg niya at nakaramdam ng dugo, pero di nagtagal ay naging galit ang takot niya. “Dapat ikarangal mo na babayuhin ko ang anak mo, pero pinagbantaan mo pa ako, ha?! Hiwain niyo siya!”Isang tauhan ang naglakad at tinutok ang machete sa braso ni Nash habang nakahiga siya sa lapag nang walang kadepe-depensa.“Pa!” Sigaw ni Kat.Klang!Nang inakala ng lahat ay mapuputol na ang braso ni Nash, naiwang nakatitig ang tauhan sa kamay na pumipigil sa machete. Gulat na gulat siya—hindi natitinag ang Machete kahit anong gawin niya, at bakit hindi dumudugo and kamay na nakahawak sa talim?!Hindi makapaniwala ang lahat kay Frank—natural na siya ang nakahawak sa machete. “Tama na yan,” sigaw niya. Ngayong nakumpleto na niya ang Birthright rank, kahit bala ay hindi kayang sumuot sa purong vigor ni
"Huh…"Natulala ang lahat habang walang lakas na nakahiga si Cid sa lapag—hindi makapaniwala ang lahat lalo na ang mga tauhan niya. Hindi lang sa kung gaano kalakas si Frank—ang katotohanang nagtapang siyang atakihin si Cid ay para bang isang panaginip!May dami ng tao at kapangyarihan si Cid, at dahil kapatid siya ni Hux, ibig sabihin nito ay hindi pa siya nagdusa nang ganito!Hindi biro kung sasabihing walang kahit na sinong magtatangkang hamunin si Cid sa teritoryo ni Hux—kahit ang isang taong mula sa Lionheart family kagaya ni Soren ay titiklop. Sa kabilang banda, hindi lang bastos magsalita si Frank kay Cid, naging bayolente pa siya!“Baliw ba siya? Inatake niya ang kapatid ni Hux Darman!”“Kapag ginulo nga si Mr. Darman, ginulo niya na rin ang Sunblazers… Katapusan na niya.”“Ito ba ang tinatawag nating hibang? Hindi niya alam kung sinong binangga niya.”“Nakikita mo kaagad na hindi siya tagarito…”Hindi lang ang mga tauhan ni Cid—kahit ang mga estudyante ay naaawang
“S-Sino ka?!” Nangiwi si Cid sa takot sa isang sulok nang nakita niya si Frank na ilampaso ang mga tao niya sa lapag nang ganun kabilis. Ang lahat ng mga tao niya ay mga bayolente at salbahe na hindi magpipigil, at hindi niya maintindihan na kaya silang pabagsakin ni Frank. Takot na takot sya na baka tapusin siya ni Frank… pero malinaw na natataranta lang siya. Hindi mahilig pumatay si Frank at mga pangkaraniwang sanggano lang ang mga tao ni Cid—wala siyang interes na tapusin sila. Higit pa roon, naalala ni Frank ang banta ni Titus Lionheart—kapag nalaman ni Titus na nandito siya, susugurin siya nito. Kung kaya't kailangang yumuko ni Frank. Ang totoo, hindi siya sasabi kundi lang napahamak si Nash.“May dalawa kang pagpipilian.” Ngumiti si Frank kay Cid sa sandaling iyon at ngumiti bago nagpatuloy, “Papatayin kita, o hihingi ka ng tawad kay Nash. Ayos ba yun?”“A-Alam kong isa kang martial artist!” Sigaw ni Cid na hindi nagpakita ng kahinaan sa kabila ng takot niya kay Fran
“Sinong…”Handa nang sigawan ni Cid ang kung sinomang iyon nang nakabalanse siya—galit na galit na siya. Paanong naging ganito siya kamalas na para bang kaya siyang paglaruan ng lahat?!“Ano? Anong nangyayari rito?”Huminto si Cid sa gitna ng pangungusap niya nang narinig niya ang malamig na boses at tumingala. Nakita niya si Hux, ang sarili niyang kapatid na tinatawag ng lahat bilang Mr. Darman.Kaagad siyang natuwa at mabilis na nagsumbong, “Kuya, tulong! May gumagawa ng gulo sa teritoryo mo, at binugbog niya pa ako!”“Ano?! Sino ang nanggulo sa teritoryo ko at nanakit sa kapatid ko?!”Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pasilyo. Lumabas ang lahat at nakita ang isang malaking lalaking nakasuot ng sando, shades, at gintong kadena na pumasok sa loob kasama ng ilang matatangkad na bodyguards sa likod niya. “Mr. Darman?!” Natulala ang lahat ng mga estudyante—anong ginagawa niya rito?Kaagad silang nagsiksikan sa isang sulok ng kwarto nang alerto dahil takot silang sila