“Hah! Ikaw na naman?!” Sigaw ni Cid na sawang-sawa na kay Nash. “Hindi ako maghihintay—kailangan ko talaga ng mapagbubuntunan ng galit ngayon, at nagpasya akong piliin ang dalaga mo! Kukunin ko siya ngayong gabi, at walang pwedeng magreklamo!”Kumaway siya, at dalawang tauhan ang mabilis na lumapit para hawakan si Kat. Sinubukan silang pigilan ni Nash, ngunit tinulak siya sa lapag. “Bitawan niyo ko!” Sumigaw si Kat sa takot dahil seryoso ang mga lalaki at si Cid. Kahit na nanlaban siya nang malakas, lumingon siya nang nagmamakaawa kay Soren—ang prinsipe niya at nag-iisang tagapagligtas niya. Sa wakas ay umubo si Soren, tinaas ang ulo niya at hinanda ang sarili nang sinabi niyang, “Pakiusap, pag-usapan natin to. Kaibigan ko siya—pakawalan mo na lang siya! Kukuha ako ng mas maganda—”Sinampal siya ulit ni Cid at sumigaw, “Nagsasalita ka ngayong di pa ako tapos sa'yo?! Lumayas ka rito, kundi ay kakarnehin kita nang parang baboy!”Nanghina si Soren sa sandaling iyon at yumuko na
“Pa!”Nanlumo ang mukha ni Kat, pero pinigilan na naman siya bago siya nakatalon papunta kay Cid. “Langyang maganda ka! Pinagbabantaan mo ba ako?!”Takot pa rin si Cid nang hinawakan niya ang leeg niya at nakaramdam ng dugo, pero di nagtagal ay naging galit ang takot niya. “Dapat ikarangal mo na babayuhin ko ang anak mo, pero pinagbantaan mo pa ako, ha?! Hiwain niyo siya!”Isang tauhan ang naglakad at tinutok ang machete sa braso ni Nash habang nakahiga siya sa lapag nang walang kadepe-depensa.“Pa!” Sigaw ni Kat.Klang!Nang inakala ng lahat ay mapuputol na ang braso ni Nash, naiwang nakatitig ang tauhan sa kamay na pumipigil sa machete. Gulat na gulat siya—hindi natitinag ang Machete kahit anong gawin niya, at bakit hindi dumudugo and kamay na nakahawak sa talim?!Hindi makapaniwala ang lahat kay Frank—natural na siya ang nakahawak sa machete. “Tama na yan,” sigaw niya. Ngayong nakumpleto na niya ang Birthright rank, kahit bala ay hindi kayang sumuot sa purong vigor ni
"Huh…"Natulala ang lahat habang walang lakas na nakahiga si Cid sa lapag—hindi makapaniwala ang lahat lalo na ang mga tauhan niya. Hindi lang sa kung gaano kalakas si Frank—ang katotohanang nagtapang siyang atakihin si Cid ay para bang isang panaginip!May dami ng tao at kapangyarihan si Cid, at dahil kapatid siya ni Hux, ibig sabihin nito ay hindi pa siya nagdusa nang ganito!Hindi biro kung sasabihing walang kahit na sinong magtatangkang hamunin si Cid sa teritoryo ni Hux—kahit ang isang taong mula sa Lionheart family kagaya ni Soren ay titiklop. Sa kabilang banda, hindi lang bastos magsalita si Frank kay Cid, naging bayolente pa siya!“Baliw ba siya? Inatake niya ang kapatid ni Hux Darman!”“Kapag ginulo nga si Mr. Darman, ginulo niya na rin ang Sunblazers… Katapusan na niya.”“Ito ba ang tinatawag nating hibang? Hindi niya alam kung sinong binangga niya.”“Nakikita mo kaagad na hindi siya tagarito…”Hindi lang ang mga tauhan ni Cid—kahit ang mga estudyante ay naaawang
“S-Sino ka?!” Nangiwi si Cid sa takot sa isang sulok nang nakita niya si Frank na ilampaso ang mga tao niya sa lapag nang ganun kabilis. Ang lahat ng mga tao niya ay mga bayolente at salbahe na hindi magpipigil, at hindi niya maintindihan na kaya silang pabagsakin ni Frank. Takot na takot sya na baka tapusin siya ni Frank… pero malinaw na natataranta lang siya. Hindi mahilig pumatay si Frank at mga pangkaraniwang sanggano lang ang mga tao ni Cid—wala siyang interes na tapusin sila. Higit pa roon, naalala ni Frank ang banta ni Titus Lionheart—kapag nalaman ni Titus na nandito siya, susugurin siya nito. Kung kaya't kailangang yumuko ni Frank. Ang totoo, hindi siya sasabi kundi lang napahamak si Nash.“May dalawa kang pagpipilian.” Ngumiti si Frank kay Cid sa sandaling iyon at ngumiti bago nagpatuloy, “Papatayin kita, o hihingi ka ng tawad kay Nash. Ayos ba yun?”“A-Alam kong isa kang martial artist!” Sigaw ni Cid na hindi nagpakita ng kahinaan sa kabila ng takot niya kay Fran
“Sinong…”Handa nang sigawan ni Cid ang kung sinomang iyon nang nakabalanse siya—galit na galit na siya. Paanong naging ganito siya kamalas na para bang kaya siyang paglaruan ng lahat?!“Ano? Anong nangyayari rito?”Huminto si Cid sa gitna ng pangungusap niya nang narinig niya ang malamig na boses at tumingala. Nakita niya si Hux, ang sarili niyang kapatid na tinatawag ng lahat bilang Mr. Darman.Kaagad siyang natuwa at mabilis na nagsumbong, “Kuya, tulong! May gumagawa ng gulo sa teritoryo mo, at binugbog niya pa ako!”“Ano?! Sino ang nanggulo sa teritoryo ko at nanakit sa kapatid ko?!”Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pasilyo. Lumabas ang lahat at nakita ang isang malaking lalaking nakasuot ng sando, shades, at gintong kadena na pumasok sa loob kasama ng ilang matatangkad na bodyguards sa likod niya. “Mr. Darman?!” Natulala ang lahat ng mga estudyante—anong ginagawa niya rito?Kaagad silang nagsiksikan sa isang sulok ng kwarto nang alerto dahil takot silang sila
Gayunpaman, nanatiling walang takot si Frank na nagtanong pa pabalik, “Talaga? Ang galing naman… pero alam mo kung anong mangyayari kapag binangga mo ako?”“Oh, at ano naman yun?” Natatawang ngumiti si Hux. “Papatayin kita rito mismo kapag nagpakatino ka, pero hihilingin mong sana'y namatay ka na lang kung hindi.”“Hahaha!” Tumawa nang malakas si Hux habang umiling. “Mukhang tama nga sila sa kabataan… Wala talaga silang alam! Mukhang hindi mo napapansin kung gaano katindi ang problema mo ngayon—kung sana makakapagyabang ka pa nang ganyan habang pinipira-piraso ka ng mga tao ko!”Gayunpaman, hindi nagtagal ay naging salbahe ang ekspresyon niya at kinaway niya ang kamay niya. “Sugod! Linisin niyo ang kalat na'to!”Nanlumo ang mukha mukha ng mga estudyante—nang sinabi ni Hux na maglinis, ibig sabihin niya ay walang matitirang testigo. Iyon ang patakaran ng mob. Dadanak ang dugo at may mawawalan ng buhay. At sa kung gaano katindi ang impluwensya ni Hux, hindi malaking bagay ang m
Ang mga bodyguard na iyon ay ang pinakamalakas sa pakikipaglaban sa Sunblazers matapos magsanay mula pagkabata. Natatalo nila ang mga martial artist—maski vigor wielders—at madali lang sa kanilang lumaban sa isandaang tao nang walang sandata. “Mag-ingat ka, Hux,” sabi ni Cid na nag-alangan sa sandaling iyon. “Magaling siya at napabagsak niya ang mga tao ko nang walang problema at napakabilis. Sigurado ka bang kaya siya ng mga tao mo?”Lalo na't natatakot pa rin siya sa matinding lakas na pinakita ni Frank kanina. “Hah! Ano naman kung ganun?” Tumawa lang si Hux sa babala ng kapatid niya. “Sila ang pinakamagagaling na tao ng Sunblazers, mga henyong sinanay mula pagkabata—manood ka lang, kawawa ang batang yan mamaya.”“Martial elites sila?! Magaling!” Ngumisi nang mabangis si Cid. Sariwa pa sa isipan niya ang sakit na binigay sa kanya ni Frank. Kahit na ganun, ibabalik niya ang sakit na ito nang isandaang beses kapag hindi nakakalaban si Frank!Ang Sunblazers ay isa sa top gangs
Nanlumo ang mukha ni Hux sa eksena sa harapan niya at napaatras siya. Kahit na mob boss lang siya, nagsaliksik siya at alam niya ang tungkol sa bawat isang batang martial elite sa Morhen. Lalo na't hindi lang siya sumandal sa sarili niyang impluwensya para makarating sa kinatatayuan niya—kailangan niyang basahin ang mga tao at ang sitwasyon, kundi ay mamamatay siya bago pa niya nalaman kung may nakabangga siyang hindi niya dapat banggain. Kahit na ganun, may ideya siya kung sino si Frank—hindi mula si Frank sa Four Families ng Morhen at hindi niya nakilala ang mukha ni Frank mula sa Skyrank.Isa siguro siyang martial elite mula sa labas?Habang nag-aalangan, pinakalma ni Hux ang sarili niya kasunod ng gulat niya. Kuminang nang matalim ang mga mata niya nang sumagot siya, “Kaya mong lumaban, bata—aaminin ko yun. Pero hindi ka pwedeng maghari-harian dahil lang marunong kang sumuntok. Kaya mo pa rin bang lumaban sa mga baril? O sapat ba ang bilis mo para makaiwas sa bala? Marami na
Sa kabilang banda, masama ang mukha ni Frank nang nakita niya si Zorn. Ang una niyang naisip ay trinaydor siya ni Gene, ngunit napagtanto niya ring imposible ito. Lalo na't alam ni Gene na nagsabwatan sina Rory at Zorn para patayin siya. Hindi siya magtatraydor kay Frank maliban na lang kung tanga siya, at hindi siya magiging pinakamayamang lalaki sa east coast sa pagiging tanga. Sa kabilang banda, sumama ang ekspresyon ni Zorn sa pagtanto at sumigaw siya, “Naiintindihan ko na! Sinusubukan mong samantalahin si Mr. Pearce habang may salita siya, ano?!”“Ano?”Kumunot ang noo ni Helen sa tabi ni Frank. May tiwala siya kay Frank, ngunit sa katotohanang hindi alam ng valet ni Gene ang tungkol sa deed transfer, nagmukhang sinungaling si Frank at nabuking na siya. At ngayon, inakusahan pa nga si Frank na sinasamantala ang sakit ni Gene…“Frank, bakit di muna tayo umalis sa ngayon? Bumalik na lang tayo mamaya,” sabi niya habang hila ang braso ni Frank at inaalok siya ng daan palaba
Nang nakatapos si Bob, napasigaw sa gulat si Rob, na kanina pa nakatitig kay Helen, “Teka, hindi ba alam na nilang si Mr. Pearce ang nagmamay-ari sa'tin ngayon? Ano pa palang ginagawa nila rito?”Kumunot nanam ang noo ni Bob kay Frank. “Oo nga, ano? Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba ito tungkol sa mga lote?”“Tungkol nga ito sa mga lote,” tumango si Frank. Pinatunog ni Bob ang dila niya at bumuntong-hininga. “Ano pa palang ginagawa niyo rito kung alam mo naman pala yun? Ano, bibilhin niyo ba ito mula kay Mr. Pearce?”“Oo nga. Baliw ka ba?” Sumingit si Rob, na nakangisi kay Frank habang pinapaikot ang daliri niya sa sentido niya. “Kita mo, Helen?” Masayang sabi ni Cindy. “Hindi man lang nila tayo kilala—nagsisinungaling si Frank! At inanunsyo pa niyang kusa itong binenta ni Mr. Pearce sa kanya… Baliw na siguro siya!”Nabigla si Rob at lumingon kay Frank. “Hindi maganda ang babaeng yan, pero tama siya. Mas may tyansa ka pang makabili ng unan para makuha mo ang mga lupang iyon sa
Sa sumunod na araw, handa na sina Frank at Helen nang maaga at nagmaneho papunta sa opisina ng Drenam Limited. Nagpumilit na sumunod si Cindy. Nagwala siya dahil pinagpilitan niyang gusto niyang makita kung anong gagawin ni Frank para makuha ang mga loteng iyon mula kay Gene. Ang hindi ikinagulat ng lahat, ang Drenam Limited ay isang maliit na local contruction company na binili ni Gene bilang intermediary. “Hello. May hinahanap kayo?” Lumapit sa kanila si Rob, isang sigang binatang may toothpick sa pagitan ng ngipin niya, at pinigilan sila. Tumingin siya sa pagitan nila, hindi man lang siya huminto para tignan muli si Cindy nang napanganga siya kay Helen at nalaglag ang toothpick niya. “Puta!” Napamura siya habang nakatulala. “Anong nangyayari rito?” Lumapit din sa kanila ang isang matabang lalaking si Bob nang nakakunot ang noo. “Kung nandito kayo para makipag-usap, pasensya na, pero binili lang kami at… Puta!”Hindi naiba ang reaksyon niya kay Rob nang nakita niya si He
"Pfft…"Si Cindy ang naunang bumasag sa katahimikan. Ngumisi siya kay Frank at sarkastikong nagtanong, “Ayos ka lang ba, Frank? Kailangan mo bang magpatingin ng utak? Ibibigay ng pinakamayamang lalaki sa east coast ang mga lote sa isang kung sinong kagaya mo dahil lang nanghingi ka… Ano ka ba niya, anak, apo, o baka… kalaguyo?”Hindi nagsayang ng oras si Frank sa sagutin ang mga pang-iinsulto niya. Sa halip, kalmado siyang tumingin kay Helen at nagsabing, “Wag kang mag-alala. Maayos na ang isyu—kailangan na lang nating pumunta sa Drenam Limited bukas kasama ng transfer agreement.”“Talaga…?” Nabigla si Helen sa biglaang balita at hindi siya sigurado kung paano kikibo. Lalo na't nanlulumo na siya kanina… ngunit nakaramdam naman siya ng pag-asa ngayon. Pabago-bago nga ang emosyon niya at talagang nabigla siya, habang nakahawak ang isang kamay niya sa dibdib niya. “Syempre.” Ngumisi si Frank. “Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?”“Frank, n-napaka… napaka…” Hindi nahanap ni Helen
Nagpatuloy si Helen, “At binibili ni Gene ang lahat ng loteng iyon gamit ng blangkong tseke. Dapat bang gamitin ng Lanecorp ang bawat isang patak ng kapital para manalo laban sa pinakamayamang lalaki sa east coast? Sabihin mo na lang nang diretso na gusto mo kaming magsara!”Paulit-ulit na tumango ang bawat isang staff member ng Lanecorp. Tama si Helen—hindi nauubusan ng pera si Gene, at hindi matalinong lumaban sa kanya sa ganitong sitwasyon. “Hah! Wala akong pake!”Kahit na ganun, umirap si Kallum at tumawa—wala siyang pakialam sa kahit na ano at mas nahibang siya pagkatapos mamatay ang anak niya. “Ibig sabihin pa rin nito ay nabigo kayong magawa ang pangalawang bagay na pinagagawa ko sa'yo, di ba?”Kumunot ang noo ni Helen. “Totoo yun, pero—”“Walang pero-pero.” Ngumisi si Kallum. “Ang pakialam ko lang ay ang resulta. Nabigo ka, at yun na yun. Sasabihin ko pa nga sa'yo kung magkano na ang nakuha ko sa kumpanyang to ngayon… Labindalawang bilyon!”Napanganga ang Lanecorp staff
Pinanood ni Zorn na umalis si Frank habang ngumisi ang mga labi niya. “Kung ganun, katapusan na niya bukas? Talagang kakampi ko ang tadhana…”"Rory… Zorn…"Mahinang tumawag si Gene mula sa banyo sa sandaling iyon. Masayang nagngitian sina Zorn at Rory ngunit mabilis nilang pinakalma ang mga sarili nila para magmukhang nag-aalala. -Pagkatapos sumakay ni Frank ng taxi pabalik ng Lanecorp, nakita niya si Cindy na nagwawala sa isa sa mga pasilyo. Dumampot siya ng plorera, ibinato ito kay Will, at sumigaw, “Nangako kang tutulungan mo si Helen na makuha ang mga loteng iyon! Ano, tignan mo ang ginawa mo ngayon, hindi mo nakuha ang kahit isa sa mga yun pagkatapos mong magyabang nang sobra! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko? Hindi ko man lang kayang harapin si Helen!”Natural na natawag ang atensyon ng marami sa pagwawala niya kahit na iniwasan ni Will ang paparating na plorera. Nagpunta siya para kausapin si Frank at ipaliwanag ang sarili niya, ngunit nakasalubong niya ang bal
Nagsikap si Gene nang higit isang dosenang minto at biglang sumigaw, “Argh!!!”Nagmadali sina Rory at Zorn papunta sa banyo, pero nagtaas ng kamay si Frank para pigilan sila. Lumapit siya at kumatok sa pinto nang nakangiti. “Kumusta, Mr. Pearce?”“Mr. Lawrence, ang galing mo! I-Ikaw…”Halatang nakita ni Gene ang lumabas sa kanya kanina at natulala siya. “Haha!” Tumawa si Frank. “Aalis na ako ngayong maayos ka na, Mr. Pearce… pero pwede ko bang matanong kung kailan ko aasahan ang bayad?”“Bukas—teka, argh!!! Hindi!!! Mr. Lawrence, tulong… ang sakit na naman! Mas malala ngayon! Argh!!!”Inisip ni Frank na magaling na si Gene at handa na siyang umalis, ngunit nagsimula na namang sumigaw ang lalaki!“Ano?!” Sigaw niya sa gulat—may nalampasan ba siya?Nang walang ibang sinabi, pumasok siya sa banyo at nakita niyang nakasandal si Gene sa pader. Mukha pa ring mahina si Gene, pero hindi siya mukhang nasasaktan kagaya ng pinapahiwatig ng mga sigaw niya. Ang totoo, naglagay siya n
Hinila ni Zorn si Rory papunta sa kanya nang nakangisi. “Wala nang makakapaghiwalay sa'ting dalawa.”“Pero… nag-aalala ako.”Kumunot ang noo ni Rory habang lumingon sa direksyon kung nasaan sina Frank at Gene. “Sinasamba ni Noel York si Frank Lawrence. Hindi siya masyadong kagwapuhan, pero nakapunta na ako sa farm resort niya sa Riverton. Nakakamangha talaga ito, at—”“Tama na!”Naging strikto ang ekspresyon ni Zorn, ngunit pinagaan niya ang loob niya, “Dahil ayaw na ayaw mo sa kanya, mag-iisip na lang ako ng plano para burahin siya. Birthright rank ako, alam mo ba—napakadali lang iligpit ng isang batang kagaya niya!”Ngumiti si Rory. “Sige, nangako ka!”“Hehe, syempre.” Ngumiti si Zorn. “Basta't mapasaya ka lang, tatawirin ang impyerno at karagatan—”“Ahem!” Biglang umubo nang malakas si Frank. “Huh?!” Kaagad na napalingon si Zorn sa direksyon ni Frank at kaagad na nagduda. Gayunpaman, may pader sa pagitan nila, at dapat aligaga si Frank na gamutin si Gene, kung kaya't naku
Naghinala na noon si Gene, ngunit nawala ang lahat ng pagdududa niya salamat sa sinabi ni Frank nang napagtanto niya kung sino ang may gawa nito. Wala siyang tagapagmana, kaya maaga niyang sinulat ang will niya, na nagsabing sina Zorn at Rory ang magkasamang magmamana ng estate niya. “Rory Thames… Zorn Woss…” Nalukot sa galit ang mukha ni Gene habang sinara niya ang kamao niya. May pakiramdam na siyang ‘napakamalapit’ nina Zorn at Rory sa isa't-isa, at sa totoo lang, dapat magkaaway sila para sa estate niya kung sakaling mamatay siya. Ngunit ang kakaiba rito, mas naging malapit pa nga sila sa isa't-isa at hindi nagpakita ng senyales ng pag-aaway. Naisip ni Gene na sinusubukan lang nilang panatilihin payapa ang lahat para sa kanya bago siya mamatay, ngunit kaduda-duda na lang ang lahat ngayon. Ayaw niya talaga itong aminin, pero siguradong-sigurado na siya ngayong nagtutulungan ang dalawang iyong patayin siya para sa pera niya! Nakita ni Frank ang sari-saring ekspresyong n