“S-Sino ka?!” Nangiwi si Cid sa takot sa isang sulok nang nakita niya si Frank na ilampaso ang mga tao niya sa lapag nang ganun kabilis. Ang lahat ng mga tao niya ay mga bayolente at salbahe na hindi magpipigil, at hindi niya maintindihan na kaya silang pabagsakin ni Frank. Takot na takot sya na baka tapusin siya ni Frank… pero malinaw na natataranta lang siya. Hindi mahilig pumatay si Frank at mga pangkaraniwang sanggano lang ang mga tao ni Cid—wala siyang interes na tapusin sila. Higit pa roon, naalala ni Frank ang banta ni Titus Lionheart—kapag nalaman ni Titus na nandito siya, susugurin siya nito. Kung kaya't kailangang yumuko ni Frank. Ang totoo, hindi siya sasabi kundi lang napahamak si Nash.“May dalawa kang pagpipilian.” Ngumiti si Frank kay Cid sa sandaling iyon at ngumiti bago nagpatuloy, “Papatayin kita, o hihingi ka ng tawad kay Nash. Ayos ba yun?”“A-Alam kong isa kang martial artist!” Sigaw ni Cid na hindi nagpakita ng kahinaan sa kabila ng takot niya kay Fran
“Sinong…”Handa nang sigawan ni Cid ang kung sinomang iyon nang nakabalanse siya—galit na galit na siya. Paanong naging ganito siya kamalas na para bang kaya siyang paglaruan ng lahat?!“Ano? Anong nangyayari rito?”Huminto si Cid sa gitna ng pangungusap niya nang narinig niya ang malamig na boses at tumingala. Nakita niya si Hux, ang sarili niyang kapatid na tinatawag ng lahat bilang Mr. Darman.Kaagad siyang natuwa at mabilis na nagsumbong, “Kuya, tulong! May gumagawa ng gulo sa teritoryo mo, at binugbog niya pa ako!”“Ano?! Sino ang nanggulo sa teritoryo ko at nanakit sa kapatid ko?!”Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pasilyo. Lumabas ang lahat at nakita ang isang malaking lalaking nakasuot ng sando, shades, at gintong kadena na pumasok sa loob kasama ng ilang matatangkad na bodyguards sa likod niya. “Mr. Darman?!” Natulala ang lahat ng mga estudyante—anong ginagawa niya rito?Kaagad silang nagsiksikan sa isang sulok ng kwarto nang alerto dahil takot silang sila
Gayunpaman, nanatiling walang takot si Frank na nagtanong pa pabalik, “Talaga? Ang galing naman… pero alam mo kung anong mangyayari kapag binangga mo ako?”“Oh, at ano naman yun?” Natatawang ngumiti si Hux. “Papatayin kita rito mismo kapag nagpakatino ka, pero hihilingin mong sana'y namatay ka na lang kung hindi.”“Hahaha!” Tumawa nang malakas si Hux habang umiling. “Mukhang tama nga sila sa kabataan… Wala talaga silang alam! Mukhang hindi mo napapansin kung gaano katindi ang problema mo ngayon—kung sana makakapagyabang ka pa nang ganyan habang pinipira-piraso ka ng mga tao ko!”Gayunpaman, hindi nagtagal ay naging salbahe ang ekspresyon niya at kinaway niya ang kamay niya. “Sugod! Linisin niyo ang kalat na'to!”Nanlumo ang mukha mukha ng mga estudyante—nang sinabi ni Hux na maglinis, ibig sabihin niya ay walang matitirang testigo. Iyon ang patakaran ng mob. Dadanak ang dugo at may mawawalan ng buhay. At sa kung gaano katindi ang impluwensya ni Hux, hindi malaking bagay ang m
Ang mga bodyguard na iyon ay ang pinakamalakas sa pakikipaglaban sa Sunblazers matapos magsanay mula pagkabata. Natatalo nila ang mga martial artist—maski vigor wielders—at madali lang sa kanilang lumaban sa isandaang tao nang walang sandata. “Mag-ingat ka, Hux,” sabi ni Cid na nag-alangan sa sandaling iyon. “Magaling siya at napabagsak niya ang mga tao ko nang walang problema at napakabilis. Sigurado ka bang kaya siya ng mga tao mo?”Lalo na't natatakot pa rin siya sa matinding lakas na pinakita ni Frank kanina. “Hah! Ano naman kung ganun?” Tumawa lang si Hux sa babala ng kapatid niya. “Sila ang pinakamagagaling na tao ng Sunblazers, mga henyong sinanay mula pagkabata—manood ka lang, kawawa ang batang yan mamaya.”“Martial elites sila?! Magaling!” Ngumisi nang mabangis si Cid. Sariwa pa sa isipan niya ang sakit na binigay sa kanya ni Frank. Kahit na ganun, ibabalik niya ang sakit na ito nang isandaang beses kapag hindi nakakalaban si Frank!Ang Sunblazers ay isa sa top gangs
Nanlumo ang mukha ni Hux sa eksena sa harapan niya at napaatras siya. Kahit na mob boss lang siya, nagsaliksik siya at alam niya ang tungkol sa bawat isang batang martial elite sa Morhen. Lalo na't hindi lang siya sumandal sa sarili niyang impluwensya para makarating sa kinatatayuan niya—kailangan niyang basahin ang mga tao at ang sitwasyon, kundi ay mamamatay siya bago pa niya nalaman kung may nakabangga siyang hindi niya dapat banggain. Kahit na ganun, may ideya siya kung sino si Frank—hindi mula si Frank sa Four Families ng Morhen at hindi niya nakilala ang mukha ni Frank mula sa Skyrank.Isa siguro siyang martial elite mula sa labas?Habang nag-aalangan, pinakalma ni Hux ang sarili niya kasunod ng gulat niya. Kuminang nang matalim ang mga mata niya nang sumagot siya, “Kaya mong lumaban, bata—aaminin ko yun. Pero hindi ka pwedeng maghari-harian dahil lang marunong kang sumuntok. Kaya mo pa rin bang lumaban sa mga baril? O sapat ba ang bilis mo para makaiwas sa bala? Marami na
Pinakalma ni Hux ang mga kamao niya habang suminghal siya at tumango. “Sige. Mga estudyante lang sila—pwede ko silang pakawalan bilang para sa kabutihan ng puso ko.”Kailangan niyang magmukhang matatag kahit na malinaw na pinagbabantaan siya. At malinaw na walang pakialam si Frank tungkol doon habang lumingon siya kina Kat. “Narinig niyo yun? Pwede na kayong umalis.”“Pero paano ka?”Nakikita ni Kat na ginawa ito ni Frank para iligtas sila pero nagdadalawang-isip siya dahil pinagdudahan niya si Frank at nagsisisi siyang iwanan si Frank nang ganito na lang. Siya na ngayon ang imahe ng bayaning nakikita sa mga pelikula, na nagpapakita ng lakas at ere na nagpapahumaling sa mga kababaihan. “Wag kang mag-alala. Umuwi ka na lang kasama ni Nash—susunod ako sa inyo.” Bahagyang ngumiti si Frank. Ang paraan ng pananalita niya ay hindi naiiba sa kung paano pinabakante ni Hux ang buong karaoke bar kanina dahil hindi matatanggap ng mga estudyante ang susunod niyang gagawin. Maging si Cid
Pagkatapos kumuha ng upuan at umupo, nagpatuloy si Hux, “Pumasok ako sa buhay na'to para maghanap ng posisyon at pera, hindi para magpakasasa sa kasakiman. Hindi na ako isang baguhang kagaya mo—tapos na kong ibuwis ang buhay ko para sa kahit na ano, at doon ko narating kung nasaan ako ngayon.“Nitong mga nagdaang araw, kung may gusto akong makuha, gagamitin ko to,” sabi niya habang tinapik ang ulo niya bago tinaas at pinakita ang isang kamao niya, “sa halip na ito. Kaya, interesado ka ba, bata?”“Mukhang ayos ‘to…” Hinimas ni Frank ang baba niya habang iniisip na ibang-iba ang mga gang sa Morhen kaysa sa Riverton—marunong silang mag-isip."Kung ganun, tatapatin kita.” Tumawa siya. “Pinaalis ko ang mga estudyante hindi dahil sa hindi ko gustong maistorbo, kundi handa akong linisin ang lugar na'to. Pero dahil naging interesado ako sa alok mo, nagbago na ang isip ko.”Sa ngiti niyang may bakas ng intensyong pumatay, nanigas si Hux at napahinto ang puso niya habang napamura siya. Gay
Natatawang ngumiti si Frank kay Hux. “Kumusta? Kampante ka pa rin ba ngayon?”Naubo nang walang tigil sina Hux at Cid sa alikabok na lumipad mula sa bangin. “M-Mukhang… Mukhang wala kang magiging problema kung tutulungan mo kong makuha ang Sunblazers,” sabi ni Hux na pinunasan ang pawis sa mukha niya habang bumuntong-hininga siya. “Iyon nga lang… Hindi sapat ang pakikipaglaban nang mag-isa, at tatanggi ang mga tao kung bigla akong itinalaga bilang boss.”“Edi papayagin mo sila.” Ngumiti si Frank. “Responsibilidad mo na ang mga detalye—sigurado akong naiintindihan mo ang benepisyo ng pagiging boss, pero siguro naman hindi mo iniisip na hindi ka rin kikilos, tama?”Sumimangot si Hux at tinitigan nang masama ang kapatid niya. Ano bang problema ng batang ito?! Pwede siyang mang-away ng kahit na sino, bakit ang kampon ng Kamatayan pang ito ang pinili niya…?“Siya nga pala, anong pangalan mo?” Biglang tanong ni Frank.“Oh… Ako si Hux Darman, Mr. Lawrence,” sagot ni Hux na biglang in
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah