Share

Kabanata 764

Author: Chu
last update Last Updated: 2024-08-05 16:00:00
Napairap si Frida sa kaprangkahan ni Frank, sabay natulala. “Pwede ba maging mas pasensyoso ka? Hindi ka pwedeng makita ni Ms. Turnbull sa ngayon, kaya kailangan mong manatili rito nang ilang araw. Kapag tama na ang oras, dadalhin kita sa kanya.”

“Kung ganun, sabihin mo sa'kin kung anong nangyayari sa mga Turnbull.” Suminghal sa inis si Frank. “O dapat ba akong maghintay na lang dito habangbuhay?”

“Hindi nakakatulong ang maging mainipin, at malabo pa ang bagay-bagay ngayon.” Umiling si Frida. “Walang magagawang mabuti kung masyado kang maraming malalaman, kaya nagmamakaawa ako sa'yo ngayon na magtiwala ka lang kay Ms. Turnbull at habaan mo ang pasensya mo, pwede?”

Walang nagawa si Frank kundi tumango dahil ginawa na ni Frida ang magagawa niya.

At dahil nasa Morhen naman ba siya, bibisitahin na lang niya nang direkta ang mga Turnbull kung talagang may problema.

“Urgh…” bumuntong-hininga si Frida nang sumakay si Frank at mahinang nagsalita. “Ngayong may kasunduan tayo, gawin mo an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Bob Choy
chu is a man or woman?
goodnovel comment avatar
Cejay Paran
next chapter pls.
goodnovel comment avatar
Nald Catipon
i mean chapter not character
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 765

    Ngumunguya ng chewing gum ang babae, pinaparating ng puting buhok niya na isa siyang delingkwente. “Hoy, kausap kita,” sabi niya kay Frank. “Pipi ka ba?”“Umayos ka, Kat!” Lumabas ng kusina si Nash sa sandaling iyon at tinitigan siya nang masama. “Ayos lang—natural lang na magtatanong siya dahil may biglang lumitaw na estranghero sa bahay niya.” Bahagyang ngumiti si Frank. “Hello. Ako si Frank Lawrence.”“Sige…” Humikab si Kat Yego, tinignan si Nash nang walang pakialam at malamig na nagsabi, “Sa totoo lang, wala akong pake kung saan mo man nahahanap ang lahat ng tangang to…”“Ayusin mo ang pananalita mo, bata!” Sigaw ni Nash habang nakatitig nang masama sa kanya. “Siya si Me. Lawrence. Isa siyang mahalagang panauhin ng mga Turnbull!”“Kung ganun, anong ginagawa niya rito sa halip na manatili siya sa mga Turnbull?” Suminghal si Kat sa pagkamuhi. “Sige, wag mo lang akong idamay sa kalokohan mo. Kailangan ko ng pera ngayon—lalabas ako kasama ng mga kaibigan ko mamaya.”“Ngayon

    Last Updated : 2024-08-06
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 766

    Sabi ng kapitbahay, “Nagtatrabaho ang anak ko sa karaoke bar, alam mo ba yun? Tumawag siya, sabi niya may nakaaway si Kat doon! Magmadali ka na!”Nangiwi si Nash—wala talagang kapayapaan sa anak niyang ito. Nang nagsimula siyang tumakbo palabas, lumingon siya pabalik at humingi ng tawad kay Frank. “Pasensya na, Mr. Lawrence! Iwan muna kita rito—kailangan kong tignan ang anak ko agad-agad.”Gayunpaman, nilapag ni Frank ang tinidor at kutsilyo niya at pinunasan niya ang bibig niya. “Sasama ako sa'yo.”Hindi niya gustong wala siyang gagawin lalo na't tumutuloy siya sa bahay ni Nash at tiyak na tutulong siya sa anomang paraang kaya niya. “Pero…” Mukhang nahiya si Nash dahil hindi makatwirang tutulungan siya ng panauhin ng mga Turnbull. “Wag kang mag-alala—hindi ako gagawa ng mas malaking gulo.” Tumawa si Frank nang makita ang pagdadalawang-isip niya. “Mas magandang may kasama ka.”“Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Nash! Dalian mo!” pilit ng kapitbahay sa sandaling iyon. “Sige.”

    Last Updated : 2024-08-06
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 767

    “N-Nagsisinungaling ka!” Nagtapang na magsalita ang isang babaeng may maikling buhok na nagngangalang Mandy. “Hinipuan mo si Kat! Kaya ka niya sinampal!”Tinitigan nang masama ni Cid ang babae at sobra itong natakot na magsalita muli. “Hinawakan ko lang ang mukha niya. Kasalanan ko bang tumanggi siyang respetuhin ako?!”Pinilit ni Nash na ngumiti nang sinabi niyang, “Isa lang itong hindi pagkakaunawaan, at hindi natin kailangang palalain ang sitwasyon. Bakit di tayo umatras?”“Umatras?” Tumawa si Cid sa matinding pagkamuhi at tumalon para sampalin si Nash sa mukha. “Sino ka ba sa tingin mo?! Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang sabihan ako kung anong gagawin ko?!”Napaatras si Nash at muntik nang tumumba sa sampal. “Ang kapal ng mukha mo!” Nagwala si Kat, dumampot ng isang bote ng beer at handang atakihin si Cid. Ngunit pinigilan siya ni Nash. “Babae ka, Kat! Wag mong gawin yan!”“Ano, gusto mo ng away?! Sige, hampasin mo ko!” Ngumisi si Cid. “Wala sa inyo ang makakaalis sa lu

    Last Updated : 2024-08-06
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 768

    Nang natauhan siya, nanlaki ang mga mata ni Cid at sumigaw siya, “Papatayin kita!”“Tigil!”Bago magwala si Cid sa galit, isang grupo ng mga lalaking estudyante ang may dala ng mga bakal na baseball bat. Nasa anim na talampakan ang taas ng lider at mayroon siyang maskuladong katawan. Nang may isang dosena sa mga kaibigan niyang pumasok sa kwarto, talagang nakakatakot siya. “Oh, ligtas na tayo! Nandito na si Soren!”Mukhang natuwa ang mga babae kabilang na si Kat na makita ang lider, puno ng papuri ang mga mata nila nang parang nakatingin sila sa kanilang tagapagligtas. Lalo na't kilala si Soren sa school. Mayaman ang pamilya niya at siya ang gwapong baseball team captain ng school. Nakatingin ang mga mata niya kay Kat sa sandaling dumating siya at mukhang nag-alala siya para sa kanya. “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako.” Tumango si Kat. Kumislap ang mga mata niya sa tuwa nang lumitaw talaga siya. Sa tabi niya, para bang maiiyak na si Mandy. “Salamat at umabot kayo, Soren

    Last Updated : 2024-08-06
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 769

    Sa kabila ng pagkamuhi niya kay Nash, kahit papaano ay nagpakita si Soren ng respeto para sa tatay ni Kat.“Salamat.” Nakahinga nang maluwag si Nash at yumuko kay Soren.Pagkatapos ay lumingon si Soren kay Cid at sumigaw, “Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Layas! Wag ka nang magpapakita sa'kin, naiintindihan mo?!”Nagngitngit ang ngipin ni Cid at suminghal. “Sige, maghintay ka lang! Wag kang tatakbo ngayon!”Nang nagpaika-ika siya paalis kasama ng mga lasing na kaibigan niya, nagmadali si Mandy sa tabi ni Soren. “Talaga bang patatakasin mo sila nang basta-basta? Paano kung magtawag sila ng mas maraming tao?”“Wag kang mag-alala—hindi na sila babalik.” Ngumisi si Soren. “Hindi niyo siguro alam, pero kay Mr. Darman ang lugar na'to. Kapag bumalik ang mga hayop na yun at gumawa ng gulo, malalagot lang sila.”“Mr. Darman? Ang lider ng Sunblazers?”Nanlumo ang mukha ng lahat sa piraso ng impormasyong iyon—maliban kay Frank. Ang Sunblazers ay isang grupo na namuno sa South Morhen, at

    Last Updated : 2024-08-07
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 770

    Anong punto ng kagwapuhan sa harap ng panganib? May magpapalampas ba sa buhay ng isang tao dahil lang gwapo siya? Baka nga sila pa ang maunang tumakbo pag nagkaroon ng problema. Hindi maaasahan ang mga ganung lalaki. Mapangutyang tinapik ni Soren si Frank sa balikat. “Pare, magpakalalaki ka at aminin mong wala kang tapang para pigilan ang away, o masasaktan ka. At tumatawa ka kanina, di ba? Hindi ba dapat nagpapasalamat ka at magsasalita ka pagkatapos kitang iligtas?”Ngumiti lang si Frank at umiling—mas mababa sa kanya ang mga batang ito at mapapahiya lang siya kung papatulan niya si Soren. Mabilis na namagitan si Nash. “Ayos lang yun! Nakalimutan na namin ang buong bagay na'to. Umalis na tayo.”Pagkatapos, lumingon siya kay Kat at nagdagdag, “Sinabi ko sa'yong wag lang lalabas nang ganitong oras. Napakadelikado ng mga ganitong lugar. Halika na, aalis na tayo.”Nang inabot niya ang kamay niya, pinalo ni Kat ang kamay niya at galit na sumigaw, “Wag mo kong hawakan! Umalis ka k

    Last Updated : 2024-08-07
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 771

    Talagang nakakatuwa si Nash, hindi siya nanlaban pagkatapos siyang pagalitan ng sarili niyang anak.Kahit na nakangiti si Soren, nagwala ang inis niya para kay Kat. “Sige. Umaasa ako sa'yo.” Pinilit ni Nash na ngumiti at tumango kay Frank. “Sila yun! Palibutan niyo ang mga batang yun ngayon din!” May biglang sumigaw mula sa hallway nang paalis na sila. Nagbalik si Cid nang may higit sa tatlompung lalaking nakasunod sa kanila sa loob. Talagang nakakatakot silang tignan habang sumugod sila hawak ang mga machete nila. Bumagsak ang ekspresyon ng mga estudyante at nilamon sila ng pagkataranta—hindi sila mananalo sa mga kampong ito!“Sandali!” Kahit na ganun, lumapit pa rin si Soren. “Binabalaan kita—lungga ito ni Mr. Darman, at kaibigan siya ng tatay ko. Saktan mo kami, at mamamatay ka!”“Puta, pinagbabantaan mo ba ako?” Sinampal ni Cid si Soren sa mukha. “Ano naman ngayon?! Kapatid niya ko, alam mo ba yun?!”Nanahimik ang kwarto sa sandaling iyon, lahat sila maliban kay Frank a

    Last Updated : 2024-08-07
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 772

    “Oh, nagkakamali ka.” Umiling si Frank at ngumiti. “Nandito lang ako para manood. Hindi ko nga kilala ang mga batang to.”Namuhi ang mga estudyante sa komento niya—isa talagang duwag si Frank kagaya ng inisip nila. Lumingon rin si Cid kay Frank ngunit di niya siya pinansin dahil hindi niya siya hinamon. Wala siyang oras na iligpit ang isang usyusero lang—umaasa pa nga siyang may magkakalat ng balita tungkol sa nakakatakot na gawain niya. Lumingon si Cid pabalik kay Soren, hinablot siya sa buhok, at binuhat siya nang nakangiti. “Pinagbabantaan mo kong babaliin mo raw ang binti ko kanina, tama? Dali, hahayaan kitang gawin yun.”Nag-itsa ang isa sa mga tao ni Cid ng bakal na pamalo sa tabi ni Soren sa sandaling iyon. “Oh, nagkamali lang ako…” Mapagpaumanhing ngumiti si Soren, na hindi nagtangkang magsalita tungkol sa sama ng loob niya. “Masyado lang akong ignorante para makilala ka… Bakit di mo ko hayaang magsagawa ng handaan para sa'yo bilang paghingi ng tawad?”“Tigilan mo ko

    Last Updated : 2024-08-07

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1101

    Sa kabilang banda, masama ang mukha ni Frank nang nakita niya si Zorn. Ang una niyang naisip ay trinaydor siya ni Gene, ngunit napagtanto niya ring imposible ito. Lalo na't alam ni Gene na nagsabwatan sina Rory at Zorn para patayin siya. Hindi siya magtatraydor kay Frank maliban na lang kung tanga siya, at hindi siya magiging pinakamayamang lalaki sa east coast sa pagiging tanga. Sa kabilang banda, sumama ang ekspresyon ni Zorn sa pagtanto at sumigaw siya, “Naiintindihan ko na! Sinusubukan mong samantalahin si Mr. Pearce habang may salita siya, ano?!”“Ano?”Kumunot ang noo ni Helen sa tabi ni Frank. May tiwala siya kay Frank, ngunit sa katotohanang hindi alam ng valet ni Gene ang tungkol sa deed transfer, nagmukhang sinungaling si Frank at nabuking na siya. At ngayon, inakusahan pa nga si Frank na sinasamantala ang sakit ni Gene…“Frank, bakit di muna tayo umalis sa ngayon? Bumalik na lang tayo mamaya,” sabi niya habang hila ang braso ni Frank at inaalok siya ng daan palaba

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1100

    Nang nakatapos si Bob, napasigaw sa gulat si Rob, na kanina pa nakatitig kay Helen, “Teka, hindi ba alam na nilang si Mr. Pearce ang nagmamay-ari sa'tin ngayon? Ano pa palang ginagawa nila rito?”Kumunot nanam ang noo ni Bob kay Frank. “Oo nga, ano? Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba ito tungkol sa mga lote?”“Tungkol nga ito sa mga lote,” tumango si Frank. Pinatunog ni Bob ang dila niya at bumuntong-hininga. “Ano pa palang ginagawa niyo rito kung alam mo naman pala yun? Ano, bibilhin niyo ba ito mula kay Mr. Pearce?”“Oo nga. Baliw ka ba?” Sumingit si Rob, na nakangisi kay Frank habang pinapaikot ang daliri niya sa sentido niya. “Kita mo, Helen?” Masayang sabi ni Cindy. “Hindi man lang nila tayo kilala—nagsisinungaling si Frank! At inanunsyo pa niyang kusa itong binenta ni Mr. Pearce sa kanya… Baliw na siguro siya!”Nabigla si Rob at lumingon kay Frank. “Hindi maganda ang babaeng yan, pero tama siya. Mas may tyansa ka pang makabili ng unan para makuha mo ang mga lupang iyon sa

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1099

    Sa sumunod na araw, handa na sina Frank at Helen nang maaga at nagmaneho papunta sa opisina ng Drenam Limited. Nagpumilit na sumunod si Cindy. Nagwala siya dahil pinagpilitan niyang gusto niyang makita kung anong gagawin ni Frank para makuha ang mga loteng iyon mula kay Gene. Ang hindi ikinagulat ng lahat, ang Drenam Limited ay isang maliit na local contruction company na binili ni Gene bilang intermediary. “Hello. May hinahanap kayo?” Lumapit sa kanila si Rob, isang sigang binatang may toothpick sa pagitan ng ngipin niya, at pinigilan sila. Tumingin siya sa pagitan nila, hindi man lang siya huminto para tignan muli si Cindy nang napanganga siya kay Helen at nalaglag ang toothpick niya. “Puta!” Napamura siya habang nakatulala. “Anong nangyayari rito?” Lumapit din sa kanila ang isang matabang lalaking si Bob nang nakakunot ang noo. “Kung nandito kayo para makipag-usap, pasensya na, pero binili lang kami at… Puta!”Hindi naiba ang reaksyon niya kay Rob nang nakita niya si He

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1098

    "Pfft…"Si Cindy ang naunang bumasag sa katahimikan. Ngumisi siya kay Frank at sarkastikong nagtanong, “Ayos ka lang ba, Frank? Kailangan mo bang magpatingin ng utak? Ibibigay ng pinakamayamang lalaki sa east coast ang mga lote sa isang kung sinong kagaya mo dahil lang nanghingi ka… Ano ka ba niya, anak, apo, o baka… kalaguyo?”Hindi nagsayang ng oras si Frank sa sagutin ang mga pang-iinsulto niya. Sa halip, kalmado siyang tumingin kay Helen at nagsabing, “Wag kang mag-alala. Maayos na ang isyu—kailangan na lang nating pumunta sa Drenam Limited bukas kasama ng transfer agreement.”“Talaga…?” Nabigla si Helen sa biglaang balita at hindi siya sigurado kung paano kikibo. Lalo na't nanlulumo na siya kanina… ngunit nakaramdam naman siya ng pag-asa ngayon. Pabago-bago nga ang emosyon niya at talagang nabigla siya, habang nakahawak ang isang kamay niya sa dibdib niya. “Syempre.” Ngumisi si Frank. “Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?”“Frank, n-napaka… napaka…” Hindi nahanap ni Helen

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1097

    Nagpatuloy si Helen, “At binibili ni Gene ang lahat ng loteng iyon gamit ng blangkong tseke. Dapat bang gamitin ng Lanecorp ang bawat isang patak ng kapital para manalo laban sa pinakamayamang lalaki sa east coast? Sabihin mo na lang nang diretso na gusto mo kaming magsara!”Paulit-ulit na tumango ang bawat isang staff member ng Lanecorp. Tama si Helen—hindi nauubusan ng pera si Gene, at hindi matalinong lumaban sa kanya sa ganitong sitwasyon. “Hah! Wala akong pake!”Kahit na ganun, umirap si Kallum at tumawa—wala siyang pakialam sa kahit na ano at mas nahibang siya pagkatapos mamatay ang anak niya. “Ibig sabihin pa rin nito ay nabigo kayong magawa ang pangalawang bagay na pinagagawa ko sa'yo, di ba?”Kumunot ang noo ni Helen. “Totoo yun, pero—”“Walang pero-pero.” Ngumisi si Kallum. “Ang pakialam ko lang ay ang resulta. Nabigo ka, at yun na yun. Sasabihin ko pa nga sa'yo kung magkano na ang nakuha ko sa kumpanyang to ngayon… Labindalawang bilyon!”Napanganga ang Lanecorp staff

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1096

    Pinanood ni Zorn na umalis si Frank habang ngumisi ang mga labi niya. “Kung ganun, katapusan na niya bukas? Talagang kakampi ko ang tadhana…”"Rory… Zorn…"Mahinang tumawag si Gene mula sa banyo sa sandaling iyon. Masayang nagngitian sina Zorn at Rory ngunit mabilis nilang pinakalma ang mga sarili nila para magmukhang nag-aalala. -Pagkatapos sumakay ni Frank ng taxi pabalik ng Lanecorp, nakita niya si Cindy na nagwawala sa isa sa mga pasilyo. Dumampot siya ng plorera, ibinato ito kay Will, at sumigaw, “Nangako kang tutulungan mo si Helen na makuha ang mga loteng iyon! Ano, tignan mo ang ginawa mo ngayon, hindi mo nakuha ang kahit isa sa mga yun pagkatapos mong magyabang nang sobra! Alam mo ba kung anong nararamdaman ko? Hindi ko man lang kayang harapin si Helen!”Natural na natawag ang atensyon ng marami sa pagwawala niya kahit na iniwasan ni Will ang paparating na plorera. Nagpunta siya para kausapin si Frank at ipaliwanag ang sarili niya, ngunit nakasalubong niya ang bal

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1095

    Nagsikap si Gene nang higit isang dosenang minto at biglang sumigaw, “Argh!!!”Nagmadali sina Rory at Zorn papunta sa banyo, pero nagtaas ng kamay si Frank para pigilan sila. Lumapit siya at kumatok sa pinto nang nakangiti. “Kumusta, Mr. Pearce?”“Mr. Lawrence, ang galing mo! I-Ikaw…”Halatang nakita ni Gene ang lumabas sa kanya kanina at natulala siya. “Haha!” Tumawa si Frank. “Aalis na ako ngayong maayos ka na, Mr. Pearce… pero pwede ko bang matanong kung kailan ko aasahan ang bayad?”“Bukas—teka, argh!!! Hindi!!! Mr. Lawrence, tulong… ang sakit na naman! Mas malala ngayon! Argh!!!”Inisip ni Frank na magaling na si Gene at handa na siyang umalis, ngunit nagsimula na namang sumigaw ang lalaki!“Ano?!” Sigaw niya sa gulat—may nalampasan ba siya?Nang walang ibang sinabi, pumasok siya sa banyo at nakita niyang nakasandal si Gene sa pader. Mukha pa ring mahina si Gene, pero hindi siya mukhang nasasaktan kagaya ng pinapahiwatig ng mga sigaw niya. Ang totoo, naglagay siya n

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1094

    Hinila ni Zorn si Rory papunta sa kanya nang nakangisi. “Wala nang makakapaghiwalay sa'ting dalawa.”“Pero… nag-aalala ako.”Kumunot ang noo ni Rory habang lumingon sa direksyon kung nasaan sina Frank at Gene. “Sinasamba ni Noel York si Frank Lawrence. Hindi siya masyadong kagwapuhan, pero nakapunta na ako sa farm resort niya sa Riverton. Nakakamangha talaga ito, at—”“Tama na!”Naging strikto ang ekspresyon ni Zorn, ngunit pinagaan niya ang loob niya, “Dahil ayaw na ayaw mo sa kanya, mag-iisip na lang ako ng plano para burahin siya. Birthright rank ako, alam mo ba—napakadali lang iligpit ng isang batang kagaya niya!”Ngumiti si Rory. “Sige, nangako ka!”“Hehe, syempre.” Ngumiti si Zorn. “Basta't mapasaya ka lang, tatawirin ang impyerno at karagatan—”“Ahem!” Biglang umubo nang malakas si Frank. “Huh?!” Kaagad na napalingon si Zorn sa direksyon ni Frank at kaagad na nagduda. Gayunpaman, may pader sa pagitan nila, at dapat aligaga si Frank na gamutin si Gene, kung kaya't naku

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1093

    Naghinala na noon si Gene, ngunit nawala ang lahat ng pagdududa niya salamat sa sinabi ni Frank nang napagtanto niya kung sino ang may gawa nito. Wala siyang tagapagmana, kaya maaga niyang sinulat ang will niya, na nagsabing sina Zorn at Rory ang magkasamang magmamana ng estate niya. “Rory Thames… Zorn Woss…” Nalukot sa galit ang mukha ni Gene habang sinara niya ang kamao niya. May pakiramdam na siyang ‘napakamalapit’ nina Zorn at Rory sa isa't-isa, at sa totoo lang, dapat magkaaway sila para sa estate niya kung sakaling mamatay siya. Ngunit ang kakaiba rito, mas naging malapit pa nga sila sa isa't-isa at hindi nagpakita ng senyales ng pag-aaway. Naisip ni Gene na sinusubukan lang nilang panatilihin payapa ang lahat para sa kanya bago siya mamatay, ngunit kaduda-duda na lang ang lahat ngayon. Ayaw niya talaga itong aminin, pero siguradong-sigurado na siya ngayong nagtutulungan ang dalawang iyong patayin siya para sa pera niya! Nakita ni Frank ang sari-saring ekspresyong n

DMCA.com Protection Status