Nagulat si Kenny na ganun kasikat ang panacea polypore. At dahil nangako siya kay Frank na kukunin niya ito para sa kanya, nakakahiya kapag may ibang taong nakabili nito. Gayunpaman, lumapit si Frank sa empleyado at sinabing, “Pwede ba naming makita ang may-ari ng store? Nakahanda akong bilhin ito sa mataas na halaga.”“Oo… Oo!” Tumango si Kenny bilang tugon, naglabas siya ng tumpok ng pera at iniabot niya ito sa empleyado. “Sayo na ‘to—dalhin mo kami sa may-ari ng store ngayon din.”Tinitigan ng empleyado ang tumpok ng pera sa harap niya, agad na napalitan ng ngiti ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. “Sumunod kayo sa'kin, mga ginoo.”-Sa likod ng Vintagers, nagsalita si Cindy ng may pananabik, “Mr. Wicker, ipakita mo sa'min ang panacea polypore!”Si Johnny Wicker, ang medyo may kaliitang may-ari ng Vintagers, ay nakangiti habang kinukuha niya ang isang kahon na gawa sa kahoy. “Huminahon ka, miss—ito na ‘yun, ang panacea polypore. Limang milyong dolyar, wala nang tawad.”A
Terakhir Diperbarui : 2024-03-29 Baca selengkapnya