Ilang sandali ang lumipas bago nagising ang diwa ni Helen. “Cindy? Kailan ka bumalik sa bansa?”Dapat ay nag-aaral sa ibang bansa si Cindy at sa susunod na taon pa dapat ang balik niya.Gayunpaman, ngumiti ng matamis si Cindy noong sandaling iyon, “Yung totoo, nagsimula ako ng isang kumpanya kasama ang isang partner, at balak naming pasukin ang Riverton market. Kailangan mo akong tulungan, Helen—maganda ang takbo ng Lane Holdings, kaya hindi mo kami pwedeng kalimutan.”“Oh, anong sinasabi mo?” Ang sabi ni Gina. “Kung gusto mong magsimula ng business, pwedeng ibigay sayo ni Helen ang isa sa mga subsidiary namin. Bakit ka pa makikipag-partner sa iba?”“Mom.” Agad siyang pinatahimik ni Helen. “Malamang may sariling mga plano si Cindy kaya nakipag-partner siya sa mga kaibigan niya.”Maging ang Lane Holdings ay nangangailangan ng pera ngayon, at ang ipamigay ang isa sa kanilang mga subsidiary ngayon ay walang pinagkaiba sa pagputol ng isang piraso ng katawan nila. Higit pa rito, alam n
Nagulat si Kenny na ganun kasikat ang panacea polypore. At dahil nangako siya kay Frank na kukunin niya ito para sa kanya, nakakahiya kapag may ibang taong nakabili nito. Gayunpaman, lumapit si Frank sa empleyado at sinabing, “Pwede ba naming makita ang may-ari ng store? Nakahanda akong bilhin ito sa mataas na halaga.”“Oo… Oo!” Tumango si Kenny bilang tugon, naglabas siya ng tumpok ng pera at iniabot niya ito sa empleyado. “Sayo na ‘to—dalhin mo kami sa may-ari ng store ngayon din.”Tinitigan ng empleyado ang tumpok ng pera sa harap niya, agad na napalitan ng ngiti ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. “Sumunod kayo sa'kin, mga ginoo.”-Sa likod ng Vintagers, nagsalita si Cindy ng may pananabik, “Mr. Wicker, ipakita mo sa'min ang panacea polypore!”Si Johnny Wicker, ang medyo may kaliitang may-ari ng Vintagers, ay nakangiti habang kinukuha niya ang isang kahon na gawa sa kahoy. “Huminahon ka, miss—ito na ‘yun, ang panacea polypore. Limang milyong dolyar, wala nang tawad.”A
Ang sabi ni Frank, “Wala ring kwenta kahit bilhin mo ang polypore, Cindy. Matutulungan kita sa kahit anong kondisyon na mayroon ka at babayaran pa kita.”Suminghal si Cindy. “Ikaw, tutulungan ako? Sino ka ba sa akala mo?! Tsaka, wala akong sakit!”Noon pa man ay minamaliit na niya si Frank dahil wala siyang kahit ano at iniisip niya na bulag si Helen noong pinakasalan niya si Frank. Talagang napakatalino ni Helen para hiwalayan si Frank! Sa kabilang banda, walang masabi si Frank. “Bakit mo ito bibilhin kung wala kang sakit?”Pinagmataasan siya ni Cindy. “Ibibigay ko ‘tong regalo para kay Ms. Salazar. Kailangan niya ito, at baka gawin niya akong direct broker kapag sinimulan na ng pamilya niya na ibenta ang Beauty Pill.”“Hindi ‘yun bebenta.” Tumawa si Frank. “Ibenta mo sa’kin ang polypore, at gagawin kitang broker ng isang pill na magiging mas mabenta.”Hindi siya nagbibiro—siguradong mas magiging mabili ang kanyang Reinvigoration Pill kaysa sa Beauty Pill, o baka nga mawalan
Ayaw na ayaw ni Gina na mapahiya sa harap ng kanyang pamangkin, kahit na masakit para sa kanya na magbayad ng apatnapung milyon para sa isang halaman.Maging si Johnny ay nagulat.Naibenta niya ang isang panacea polypore sa halagang apatnapung milyong dolyar? Malamang ay hindi na mauulit ito!Agad siyang humarap sa kanila Frank at Kenny. “Mga ginoo, tataasan niyo ba ang bid?”Parehong nakasimangot ang dalawang lalaki.Tataasan? Mayroon lang silang tatlumpung milyong dolyar.Gayunpaman, hindi nila inasahan na ganito katanga si Gina at ang pamangkan niya para bumili ng isang polypore sa halagang apatnapung milyong dolyar!At dahil walang umimik sa dalawang lalaki, humarap si Johnny kay Gina at Cindy ng nakangiti. “Sa inyo na ito, Ms. Zonda.”Inilabas ni Gina ang kanyang card habang nakatingin siya kay Frank ng may tuwa at tagumpay sa kabila ng nagdurugo niyang puso.At nang makapagbayad na sila, nakuha ni Cindy ang kanyang kahilingan at kinuha niya ang kahon na gawa sa kahoy na
Agad na nakuha ng gulong ginagawa ni Gina ang atensyon ng mga customer sa Vintagers, ngunit hindi isang baguhan si Johnny, ilang taon na niyang pinapatakbo ang negosyong ito!Dahil alam niyang sinusubukan ni Gina na magpaawa sa mga tao, sumigaw si Johnny, “Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo sa teritoryo ko! Guards!”Nagmadaling lumapit ang mga security officer nang marinig nila ang utos niya!Nang makita ni Helen na lumalala na ang sitwasyon, agad sinabi ni Helen na, “Huminahon ka, Mr. Wicker. Hindi na kami hihingi ng refund, okay?”Imposibleng manalo ang tatlong babae laban sa isang dosenang security guard, higit pa rito ay agad na tumahimik si Gina noong dumating sila.“Kung ganun, talian mo ‘yang nanay mo,” galit na nagsalita si Johnny. “Siraan niyo pa ako ulit at tingnan natin kung ano ang mangyayari.”Sa malapit, halos humalakhak ng malakas si Frank.Kahit na totoong isang kaduda-dudang negosyante si Johnny, natutuwa pa rin siyang makita na nagdurusa si Gina.Apanapung
Mayroong kulay dugong parte sa loob ng panacea polypore—isa itong maliit at kulay dugong polypore na tumutubo mula sa loob nito!Ang lahat ng nanonood sa paligid ni Frank ay hindi makapaniwala.“Ano?!”“Hindi ba isang bloody polypore ‘yun?”“Buhay din ito…”“Kaya pala namamatay na yung polypore. May humihigop ng buhay nito mula sa loob!”Takang-taka si Gina.Wala siyang kahit anong alam tungkol sa herbology, kaya tinanong niya si Cindy, “Ano ang isang bloody polypore?”Napuno ng inggit ang mga mata ni Cindy. “Isa itong parasitic polypore na tumutubo sa loob ng mga normal na polypore. Hinihigop nito ang buhay ng polypore sa labas, na dahilan kung bakit ito itinuturing na isang kayamanan sa mga polypore.”Sa tabi ni Frank, lumiwanag ang mga mata ni Kenny habang pinagmamasdan niya ang bloody polypore. “Diyos ko… kasing talas talaga ng pag-iisip mo ang mga mata mo, Mr. Lawrence! Nakita mo agad ang isang bloody polypore na nakatago sa loob nito!”Siguradong-sigurado siya na napans
Ang sabi ni Gina, "Kung alam kong may duguang polypore sa loob, hindi ko na sana ibinenta sa iyo!""Tama iyan!" sigaw ni Cindy. "Give us the bloody polypore. You can have your two million back."Nagulat talaga ang lahat sa paligid nila.Maging si Johnny, na walang prinsipyo, ay hindi humiling na ibalik ang kanyang naibentang paninda. Gaano kaya kasuklam-suklam ang mga babaeng ito na talagang sabihin ito nang malakas?"Haha!" Tumawa ng malakas si Frank. "Bakit ko sasabihin sayo na may duguang polypore sa loob? Sino ka ba sa akin? The polypore isn't yours the instant you took my money.""Tama na, Nay!" katwiran ni Helen. "Ito ay sa kanya kapag ang pera ay nagbago ng mga kamay, at parehong partido ay payag. Walang takeies backsies!"Nahihiya din siya at mas gugustuhin pa niyang huminto ang kanyang ina sa paggawa ng eksena, lalo na sa dami ng nanonood!"You ingrate! How could you side against your family?!" Binatukan na lang ni Gina si Helen, galit na galit na mas gugustuhin niyang
Nakahawak pa rin sa mukha, biglang lumingon si Cindy kay Helen. "Tingnan mo lang siya! Anong klaseng mga kaibigan ang ginagawa ng dati mong asawa?!"Malinaw na sinisisi siya ni Cindy, ngunit walang pakialam na nagkibit-balikat si Helen. "We're divorced—the friends he makes nothing to do with me. Isa pa, aalis na ako ngayon since may gagawin pa ako."With that, she strode off, leaving Gina and Cindy behind.Tiyak na ayaw niyang mapahiya pa ang sarili niya!-Kinuha ni Frank ang madugong polypore pabalik sa Skywater Bay matapos makipaghiwalay kay Kenny.Tatawagan pa lang sana niya si Vicky tungkol dito nang una itong tumawag sa kanya. "Hoy, Frank? Nasaan ka?""Skywater Bay."Saglit na natigilan si Vicky bago nagtanong, "Skywater Bay? Kailan ka lumipat doon?!""Noong binisita ko ang Quills," sagot ni Frank. "Binigyan ako ni Robert Quill ng mansion."Napabuntong hininga si Vicky. "Ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao lang ang nakatira doon, at binigyan ka ni Robert ng
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang