Ayaw na ayaw ni Gina na mapahiya sa harap ng kanyang pamangkin, kahit na masakit para sa kanya na magbayad ng apatnapung milyon para sa isang halaman.Maging si Johnny ay nagulat.Naibenta niya ang isang panacea polypore sa halagang apatnapung milyong dolyar? Malamang ay hindi na mauulit ito!Agad siyang humarap sa kanila Frank at Kenny. “Mga ginoo, tataasan niyo ba ang bid?”Parehong nakasimangot ang dalawang lalaki.Tataasan? Mayroon lang silang tatlumpung milyong dolyar.Gayunpaman, hindi nila inasahan na ganito katanga si Gina at ang pamangkan niya para bumili ng isang polypore sa halagang apatnapung milyong dolyar!At dahil walang umimik sa dalawang lalaki, humarap si Johnny kay Gina at Cindy ng nakangiti. “Sa inyo na ito, Ms. Zonda.”Inilabas ni Gina ang kanyang card habang nakatingin siya kay Frank ng may tuwa at tagumpay sa kabila ng nagdurugo niyang puso.At nang makapagbayad na sila, nakuha ni Cindy ang kanyang kahilingan at kinuha niya ang kahon na gawa sa kahoy na
Agad na nakuha ng gulong ginagawa ni Gina ang atensyon ng mga customer sa Vintagers, ngunit hindi isang baguhan si Johnny, ilang taon na niyang pinapatakbo ang negosyong ito!Dahil alam niyang sinusubukan ni Gina na magpaawa sa mga tao, sumigaw si Johnny, “Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo sa teritoryo ko! Guards!”Nagmadaling lumapit ang mga security officer nang marinig nila ang utos niya!Nang makita ni Helen na lumalala na ang sitwasyon, agad sinabi ni Helen na, “Huminahon ka, Mr. Wicker. Hindi na kami hihingi ng refund, okay?”Imposibleng manalo ang tatlong babae laban sa isang dosenang security guard, higit pa rito ay agad na tumahimik si Gina noong dumating sila.“Kung ganun, talian mo ‘yang nanay mo,” galit na nagsalita si Johnny. “Siraan niyo pa ako ulit at tingnan natin kung ano ang mangyayari.”Sa malapit, halos humalakhak ng malakas si Frank.Kahit na totoong isang kaduda-dudang negosyante si Johnny, natutuwa pa rin siyang makita na nagdurusa si Gina.Apanapung
Mayroong kulay dugong parte sa loob ng panacea polypore—isa itong maliit at kulay dugong polypore na tumutubo mula sa loob nito!Ang lahat ng nanonood sa paligid ni Frank ay hindi makapaniwala.“Ano?!”“Hindi ba isang bloody polypore ‘yun?”“Buhay din ito…”“Kaya pala namamatay na yung polypore. May humihigop ng buhay nito mula sa loob!”Takang-taka si Gina.Wala siyang kahit anong alam tungkol sa herbology, kaya tinanong niya si Cindy, “Ano ang isang bloody polypore?”Napuno ng inggit ang mga mata ni Cindy. “Isa itong parasitic polypore na tumutubo sa loob ng mga normal na polypore. Hinihigop nito ang buhay ng polypore sa labas, na dahilan kung bakit ito itinuturing na isang kayamanan sa mga polypore.”Sa tabi ni Frank, lumiwanag ang mga mata ni Kenny habang pinagmamasdan niya ang bloody polypore. “Diyos ko… kasing talas talaga ng pag-iisip mo ang mga mata mo, Mr. Lawrence! Nakita mo agad ang isang bloody polypore na nakatago sa loob nito!”Siguradong-sigurado siya na napans
Ang sabi ni Gina, "Kung alam kong may duguang polypore sa loob, hindi ko na sana ibinenta sa iyo!""Tama iyan!" sigaw ni Cindy. "Give us the bloody polypore. You can have your two million back."Nagulat talaga ang lahat sa paligid nila.Maging si Johnny, na walang prinsipyo, ay hindi humiling na ibalik ang kanyang naibentang paninda. Gaano kaya kasuklam-suklam ang mga babaeng ito na talagang sabihin ito nang malakas?"Haha!" Tumawa ng malakas si Frank. "Bakit ko sasabihin sayo na may duguang polypore sa loob? Sino ka ba sa akin? The polypore isn't yours the instant you took my money.""Tama na, Nay!" katwiran ni Helen. "Ito ay sa kanya kapag ang pera ay nagbago ng mga kamay, at parehong partido ay payag. Walang takeies backsies!"Nahihiya din siya at mas gugustuhin pa niyang huminto ang kanyang ina sa paggawa ng eksena, lalo na sa dami ng nanonood!"You ingrate! How could you side against your family?!" Binatukan na lang ni Gina si Helen, galit na galit na mas gugustuhin niyang
Nakahawak pa rin sa mukha, biglang lumingon si Cindy kay Helen. "Tingnan mo lang siya! Anong klaseng mga kaibigan ang ginagawa ng dati mong asawa?!"Malinaw na sinisisi siya ni Cindy, ngunit walang pakialam na nagkibit-balikat si Helen. "We're divorced—the friends he makes nothing to do with me. Isa pa, aalis na ako ngayon since may gagawin pa ako."With that, she strode off, leaving Gina and Cindy behind.Tiyak na ayaw niyang mapahiya pa ang sarili niya!-Kinuha ni Frank ang madugong polypore pabalik sa Skywater Bay matapos makipaghiwalay kay Kenny.Tatawagan pa lang sana niya si Vicky tungkol dito nang una itong tumawag sa kanya. "Hoy, Frank? Nasaan ka?""Skywater Bay."Saglit na natigilan si Vicky bago nagtanong, "Skywater Bay? Kailan ka lumipat doon?!""Noong binisita ko ang Quills," sagot ni Frank. "Binigyan ako ni Robert Quill ng mansion."Napabuntong hininga si Vicky. "Ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang tao lang ang nakatira doon, at binigyan ka ni Robert ng
Hiniwa ni Frank ang kanyang steak habang sinabi niya, "Maaari tayong lumipat ng bahay kung gusto mo.""Hindi, maraming kwarto sa mansion mo. Hayaan mo na lang ako sa isa sa mga guest room." Ngumiti si Vicky, nakapatong ang kanyang baba sa kanyang mga kamay habang masuyong kumindat kay Frank."Kung hindi ka masyadong abala, maaari mo akong bigyan ng full-body check up. Kamakailan lamang ay pagod na pagod ako..."Nanatiling tahimik si Frank, at tumingala si Vicky upang mapagtantong siya ay nakatitig sa malayo sa halip na sa kanya."Ano ngayon ang nakakuha ng atensyon mo?" Tanong ni Vicky na sinundan ng tingin ng makita ang isa pang nakaupo sa maluwag na restaurant.Ito ay isang babae, nakasuot ng form-fitting T-shirt, isang pares ng skinny jeans, at isang pares ng itim na takong.Ang kanyang pigura ay masigla at sapat at balingkinitan kung saan siya dapat naroroon.Maging ang mga mata ni Vicky ay tumirik, talagang humanga sa perpektong anyo ng babae. "My goodness... Ganun ba talag
”Tigil!”Ibinagsak ni Vicky ang kamay sa mesa habang tumatalon sa kanyang mga paa at siniko si Dustin, "Bitiwan mo yang babaeng yan!"Natigilan ang lahat dahil sa kanyang pagsabog, habang si Dustin naman ay dahan-dahang lumingon sa kanya at umungol ng nagbabantang, "Buzz off, girlie. This ain't any of your business.""Bakit hindi?" Vicky snapped, nakatayo akimbo. "Siya ang aking hipag!"Lumingon kaagad kay Frank, sinabi niya, "Sige, Frankie. Ninanakaw nila ang babae mo!""Bleurgh." Nabulunan si Frank sa kanyang inumin.Anong deal ni Vicky, nag-init tapos itinapon sa kanya?!Kumunot ang noo ni Dustin. "Hindi ko alam na may boyfriend ka, Ms. York..."Sinamaan ng tingin ng babae si Frank. "Hindi ko nga sila kilala eh."Inilibot ni Dustin ang kanyang mga mata. Hindi na nag-abala pang mag-aksaya ng oras dito, sinenyasan niya ang dalawa niyang kaibigang thug na harapin si Vicky.Habang naglalakad sila palapit sa kanya, handang hampasin siya, nagbabala si Frank, "Ayokong makisali sa
Para kay Frank, walang mas madali kaysa sa pakikitungo sa mga thug na iyon!Hinubad ni Dustin ang shades niya noon at sinabihan si Bravo, "Mr. Lambert, ako ito, Dustin!""Oh, Dustin?" gulat na bulalas ni Bravo. "Sino ang gumawa nito sayo?""Ang liit na yon! Siya na!" Itinuro ni Dustin si Frank kaagad, kumikislap ang mga mata nito habang nakatitig sa lalaki. "Come on, boy! Hindi ka ba napakaganda ngayon? Bakit hindi mo na ulitin?"Gayunpaman, nag-double take si Bravo nang lumingon siya kung saan itinuro ni Dustin."Hindi ba siya ang batang nagligtas sa amo?" Napalunok siya.Ang amo ni Bravo, si Kurt Stinson, ay muntik nang mamatay sa Flora Hall, ngunit halos walang kahirap-hirap na nailigtas siya ni Frank.Sinabi rin ni Kurt kay Bravo na huwag pukawin ang lalaki...Dahil dito, sa isang banda ay si Dustin, isang paminsan-minsang kainuman, habang sa kabilang banda ay si Frank, ang lalaking nagligtas sa buhay ng kanyang amo.Tiyak na alam ni Bravo kung sino sa dalawang iyon ang hi
Pagkatapos ay nagpasa si Clarity ng papel kay Frank, at may dala ring natatanging pabango ang maliit na piraso ng papel. “Heto ang address,” sabi niya. Pumunta ka roon at ikaw mismo ang tumingin, pero depende ito sa kakayahan mo kung mahahanap mo ang kailangan mo.”“Bakit mo ko tinutulungan?” Tanong ni Frank habang nakatitig nang malamig at nagdududa kung talagang gusto lang ba talaga siya nito. “Oh, bakit ayaw mong maniwala sa'kin? Matagal na panahon na kitang mahal,” mapang-akit na tumawa si Clarity. “Natural na baka may hingiin akong pabor sa'yo sa hinaharap… Kaya pwede mo tong isipin na investment ko, Mr. Lawrence. Isipin mo na lang na may utang na loob ka sa'kin.”Sandaling nanahimik si Frank bago nagtanong, “Sigurado ka ba talagang ibabalik ko ang pabor na'to?”“Hehe. Tumutupad ka sa pangako mo, pogi. Alam ko yun higit sa kahit na sino.”“Hmm. Kung ganun…”Dinampot ni Frank ang baso ng wine at ininom ito. “May utang na loob ako sa'yo ngayon at babayaran ko yan sa ibang
“Huminahon ka. Bantayan mo ang sinasabi mo, Clarity,” mahinang sabi ng lider. “Si Ms. Lionheart ay isang heiress ng direktang lahi. Magdurusa ka sa mga bastos na salita mo kapag narinig ng mga Lionheart ang sinabi mo.”Sa ikinagulat niya, para bang walang pakialam si Clarity. “Heh…” Suminghal siya, sabay kinawayan siya sa inis. “Tama na yan. Maganda ang timpla ko, kaya hindi ko pa dadamdamin ang pagpasok niyo. Gayunpaman, gusto ko ang lalaking ito, at nagpasya akong walang pwedeng humawak sa kanya basta't nasa Waver Street siya. Ngayon, lumayas na kayo.”“Ano?” Nagdalawang-isip ang lider, na halatang natakot kay Clarity. Bakit pa sila magtitinginan ng mga tao niya at halatang nag-aalangan tungkol sa susunod nilang hakbang?"Hah!"Lumapit ang isa sa mga tauhan—na nasa peak Birthright rank—habang nakaturo kay Clarity nang sumigaw siya, “Talnamese ka, kaya wag kang magpumilit! Makukuha namin si Frank Lawrence, at walang pwedeng tumanggi sa mga Lionheart!”“Oo nga! Kung gusto mo
Kahit na ganun, aaminin ni Frank na kahit na nakatago ang mukha niya, ang katawan ng babaeng ito ay kayang makalamang kina Helen at Vicky. Nakadekwatro ang mahahaba at mapuputing binti niya sa ilalim ng mesa habang patag ang nakalabas na tiyan niya at makinis ang balat niya. Kahit ang lakad niya ay magpapainit na sa ibabang bahagi ng lalaki at walang pangkaraniwang lalaki ang kayang tiisin ang karisma niya—mahuhulog sila sa kanya agad-agad. Gayunpaman, kahit na mahilig sa babae si Frank at hindi pinigilang magtagal ang titig niya sa kanya, wala siyang pwedeng sayanging oras ngayon, lalo na't hindi sigurado ang kung ligtas si Vicky. “Ano ba. Alam kong marami kang tanong, pero dapat mo tong inumin kundi ay hindi ako sasagot.”Tumingin ang babae sa baso ng wine na iniabot niya kay Frank habang lumitaw ang mapanganib na pagnanasa sa mga mata niya. Bigla na lang, para bang napuno ng mistikal na kapangyarihan ang boses niya nang inulit niya, “Uminom ka.”Iniunat ni Frank ang kamay
Matapos ang mga salitang iyon, lumingon si Glen kay Jet at nagsabing, “Tawagin mo ang blackguards at pumunta kayo sa Waver Street kasama ni Frank. Kailangan nating maging seryoso tungkol dito.”Mas gusto ni Frank na magtrabaho nang mag-isa, ngunit hindi siya pamilyar sa Morhen at kinailangan niyang pumayag sa suhestiyon ni Glen. Hindi nagtagal, nagtipon na ang blackguards at umalis. Gayunpaman, napakalayo ng Waver Street mula sa Turnbull Estate, at gabi na sa oras na dumating sila. Isa talaga itong masiglang lugar kung saan malayang nakikipagsalamuha ang mga tao, ang iba pa nga ay may ginagawa na sa eskinita. Narinig sa bawat isang sulok ang mga mura, kasayahan, at kantyawan, at para bang naliligaw si Frank. Humiwalay siya kina Jet bago naglakad sa kalsada kagaya ng napagkasunduan. “Uy, pogi. Gusto mo ba akong samahan?” Isang babaeng may pansining kasuotan ang nangibabaw sa daan, na kumindat kay Frank habang may hawak na sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri. “Pasok ka
Walang kaalam-alam ang mga miyembro ng Martial Alliance kung anong pinag-uusapan nina Frank at Silverbell, pero narinig nila ang huling parte kung saan pumayag si Silverbell sa pakiusap ni Frank na protektahan si Walter nang dalawang araw. Imposible ito sa kapangyarihang mayroon ang mayor ng Morhen. Minolestiya ang anak niya sa harapan ng publiko, at hindi siya maghihintay ng dalawang para maghiganti!Baka nga patayin si Walter sa sandaling ipadala nila siya sa bahay ng mayor. Kahit na may pagrespeto at awtoridad sa posisyon ni Silverbell, bilang guardian ng Morhen—ang puso ng Draconia—isa lang siyang pinabangong bodyguard. Paparusahan rin siya kapag ininsulto niya ang mayor ng Morhen, kung kaya't mabilis siyang pinigilan ng mga miyembro ng Martial Alliance. “Hinding-hindi, Lady Silverbell!”“Iinsultuhin mo ang mayor ng Morhen kapag ginawa mo yan… Masisira ang kinabukasan mo!”Gayunpaman, mas alam ni Silverbell higit sa kahit na sino ang magiging kapalit kapag prinotektahan
Kahit na walang nagawa ang mga Turnbull kundi manood habang lumapit ang dalawang miyembro ng Martial Alliance at hinila si Walter paalis, hinabol sila ni Susan habang sumisigaw, “Walter!”Pinigilan siya ni Glen nang may nanlulumong ekspresyon at hindi nakakakumbinsing mga salita, “Alam kong masakit, Susan… Pero kailangan mong magpakatatag. Makakahanap din kami kaagad ng ebidensya…”Gayunpaman, ang hindi napansin ng mga Turnbull ay nagmadaling lumabas si Frank habang sumisigaw, “Silverbell!”Huminto si Silverbell sa paglalakad at matigas na ngumiti habang lumingon siya. Hindi niya talaga gustong makita si Frank sa ganitong sitwasyon, dahil walang dudang malamig siyang tignan. Ayaw na ayaw niyang mag-iwan ng masamang impresyon sa kanya pagkatapos magkahiwalay nang pagkatagal-tagal. “Frank… Lawrence. May iba ka pa bang sasabihin?”“Na-set up siya, at walang duda roon.” Tinuro ni Frank si Walter nang may striktong tono. “Isang nerve agent ang ginamit sa kanya, at hindi niya makontr
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s