Share

Kabanata 183

Author: Chu
”Mr. Sparks!” Sumigaw si Rolf, halos tumalon palabas ng lalamunan niya ang puso niya.

Namutla din sa takot ang kanyang mga tagapagsilbi, habang nanatili namang kalmado si Frank.

Biglang bumaling ang atensyon ni Rolf kay Frank noong sandaling iyon, puno ng galit ang kanyang ekspresyon habang nagtatanong siya, “Ikaw! Anong pinainom mo sa tito ko?! Bakit bigla siyang sumuka ng dugo?!”

“Normal lang ‘yun.” kalmadong sumagot si Frank. “Matanda na si Mr. Jenson, at gagamutin siya ng Ichor Pill sa pamamagitan ng pagsira sa kanyang cultivation at muling pagbuo dito. Magiging maayos din ang kondisyon niya maya-maya lang.”

Pagkatapos nun, nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto. “Aalis na ako kung wala na kayong kailangan.”

“Sinusubukan mo bang tumakas?! Pigilan niyo siya!” Sumigaw si Rolf, hindi niya pinaniwalaan si Frank.

Agad na sumunod sa utos niya ang marami sa mga apprentice ng dojo, hinarangan nila ang daanan ni Frank.

Kumunot ang noo ni Frank habang mabagal siyang humarap kay Ro
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 184

    ”Hindi lang ako basta gumaling. Napalakas din ng pakiramdam ko!” Sumigaw si Jenson, nag-flex siya ng kanyang mga braso habang tumatango siya. “Talagang kamangha-mangha ang Ichor Pill ni Mr. Lawrence.”“Haha! Gaya ng sinabi ko, si Mr. Lawrence ang pinakamahusay na miracle worker ng Riverton.” Tumawa si Kenny at humarap siya kay Rolf. “At talagang inutusan mo ang mga apprentice natin para saktan siya. Isa kang hangal.”“Ano?!” Sinigawan ni Jenson si Rolf noong sandaling iyon. “Inatake mo si Mr. Lawrence?!”“Hindi, ang ibig kong sabihin…” Bumulong si Rolf, napakamot siya ng kanyang ulo sa hiya. “Sumuka ka ng dugo pagkatapos mong inumin yung gamot, at akala ko nalason ka…”“Kalokohan!” Sumigaw si Jenson at nagmadaling lumabas.Buti na lang, hindi pa nakakaalis si Frank, at agad siyang tinawag ni Jenson. “Pasensya na talaga sa ginawa ni Rolf, Mr. Lawrence. Pakiusap huwag mo itong personalin…”Kahit na hindi nila magawang kaibiganin si Frank, hindi nila siya dapat maging kaaway.Hindi

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 185

    Ang isang gamot na kasing husay ng Ichor Pill ay siguradong sisikat ng husto sa oras na lumabas ito sa merkado, at nakahanda ang pamilya ni Kenny na mag-invest dito.Kahit na sampung porsyento lang ng shares ay sapat na!“Kung ganun, ‘yun pala ang dahilan kung bakit ka nandito.” Ngumiti si Frank. “Kung ganun, tatapatin kita—imposibleng makagawa ng Ichor Pill ng maramihan, dahil ang bawat kaldero ng mga pill ay nangangailangan ng isang patak ng essence ng isang martial elite.”“Talaga?!” Ang sabi ni Kenny, at may napagtanto siya. “Oh, ‘yun pala ang dahilan kung bakit hindi mo ito ipinagbibili para sa pera… Hindi ko alam na ganun pala kalaki ang kapalit ng paggawa ng isang pill.”Yung totoo, hindi ganun kahalaga ang tingin ni Frank sa kanyang essence.Subalit, para sa mga martial artist na hindi pa naperpekto ang kanilang vigor, ito ay isang kayamanan—at saan naman sila kukuha ng essence ng mga martial elite kahit na nasa kanila ang recipe?Pagkatapos nilang mag-usap tungkol sa mar

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 186

    Ilang sandali ang lumipas bago nagising ang diwa ni Helen. “Cindy? Kailan ka bumalik sa bansa?”Dapat ay nag-aaral sa ibang bansa si Cindy at sa susunod na taon pa dapat ang balik niya.Gayunpaman, ngumiti ng matamis si Cindy noong sandaling iyon, “Yung totoo, nagsimula ako ng isang kumpanya kasama ang isang partner, at balak naming pasukin ang Riverton market. Kailangan mo akong tulungan, Helen—maganda ang takbo ng Lane Holdings, kaya hindi mo kami pwedeng kalimutan.”“Oh, anong sinasabi mo?” Ang sabi ni Gina. “Kung gusto mong magsimula ng business, pwedeng ibigay sayo ni Helen ang isa sa mga subsidiary namin. Bakit ka pa makikipag-partner sa iba?”“Mom.” Agad siyang pinatahimik ni Helen. “Malamang may sariling mga plano si Cindy kaya nakipag-partner siya sa mga kaibigan niya.”Maging ang Lane Holdings ay nangangailangan ng pera ngayon, at ang ipamigay ang isa sa kanilang mga subsidiary ngayon ay walang pinagkaiba sa pagputol ng isang piraso ng katawan nila. Higit pa rito, alam n

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 187

    Nagulat si Kenny na ganun kasikat ang panacea polypore. At dahil nangako siya kay Frank na kukunin niya ito para sa kanya, nakakahiya kapag may ibang taong nakabili nito. Gayunpaman, lumapit si Frank sa empleyado at sinabing, “Pwede ba naming makita ang may-ari ng store? Nakahanda akong bilhin ito sa mataas na halaga.”“Oo… Oo!” Tumango si Kenny bilang tugon, naglabas siya ng tumpok ng pera at iniabot niya ito sa empleyado. “Sayo na ‘to—dalhin mo kami sa may-ari ng store ngayon din.”Tinitigan ng empleyado ang tumpok ng pera sa harap niya, agad na napalitan ng ngiti ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. “Sumunod kayo sa'kin, mga ginoo.”-Sa likod ng Vintagers, nagsalita si Cindy ng may pananabik, “Mr. Wicker, ipakita mo sa'min ang panacea polypore!”Si Johnny Wicker, ang medyo may kaliitang may-ari ng Vintagers, ay nakangiti habang kinukuha niya ang isang kahon na gawa sa kahoy. “Huminahon ka, miss—ito na ‘yun, ang panacea polypore. Limang milyong dolyar, wala nang tawad.”A

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 188

    Ang sabi ni Frank, “Wala ring kwenta kahit bilhin mo ang polypore, Cindy. Matutulungan kita sa kahit anong kondisyon na mayroon ka at babayaran pa kita.”Suminghal si Cindy. “Ikaw, tutulungan ako? Sino ka ba sa akala mo?! Tsaka, wala akong sakit!”Noon pa man ay minamaliit na niya si Frank dahil wala siyang kahit ano at iniisip niya na bulag si Helen noong pinakasalan niya si Frank. Talagang napakatalino ni Helen para hiwalayan si Frank! Sa kabilang banda, walang masabi si Frank. “Bakit mo ito bibilhin kung wala kang sakit?”Pinagmataasan siya ni Cindy. “Ibibigay ko ‘tong regalo para kay Ms. Salazar. Kailangan niya ito, at baka gawin niya akong direct broker kapag sinimulan na ng pamilya niya na ibenta ang Beauty Pill.”“Hindi ‘yun bebenta.” Tumawa si Frank. “Ibenta mo sa’kin ang polypore, at gagawin kitang broker ng isang pill na magiging mas mabenta.”Hindi siya nagbibiro—siguradong mas magiging mabili ang kanyang Reinvigoration Pill kaysa sa Beauty Pill, o baka nga mawalan

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 189

    Ayaw na ayaw ni Gina na mapahiya sa harap ng kanyang pamangkin, kahit na masakit para sa kanya na magbayad ng apatnapung milyon para sa isang halaman.Maging si Johnny ay nagulat.Naibenta niya ang isang panacea polypore sa halagang apatnapung milyong dolyar? Malamang ay hindi na mauulit ito!Agad siyang humarap sa kanila Frank at Kenny. “Mga ginoo, tataasan niyo ba ang bid?”Parehong nakasimangot ang dalawang lalaki.Tataasan? Mayroon lang silang tatlumpung milyong dolyar.Gayunpaman, hindi nila inasahan na ganito katanga si Gina at ang pamangkan niya para bumili ng isang polypore sa halagang apatnapung milyong dolyar!At dahil walang umimik sa dalawang lalaki, humarap si Johnny kay Gina at Cindy ng nakangiti. “Sa inyo na ito, Ms. Zonda.”Inilabas ni Gina ang kanyang card habang nakatingin siya kay Frank ng may tuwa at tagumpay sa kabila ng nagdurugo niyang puso.At nang makapagbayad na sila, nakuha ni Cindy ang kanyang kahilingan at kinuha niya ang kahon na gawa sa kahoy na

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 190

    Agad na nakuha ng gulong ginagawa ni Gina ang atensyon ng mga customer sa Vintagers, ngunit hindi isang baguhan si Johnny, ilang taon na niyang pinapatakbo ang negosyong ito!Dahil alam niyang sinusubukan ni Gina na magpaawa sa mga tao, sumigaw si Johnny, “Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo sa teritoryo ko! Guards!”Nagmadaling lumapit ang mga security officer nang marinig nila ang utos niya!Nang makita ni Helen na lumalala na ang sitwasyon, agad sinabi ni Helen na, “Huminahon ka, Mr. Wicker. Hindi na kami hihingi ng refund, okay?”Imposibleng manalo ang tatlong babae laban sa isang dosenang security guard, higit pa rito ay agad na tumahimik si Gina noong dumating sila.“Kung ganun, talian mo ‘yang nanay mo,” galit na nagsalita si Johnny. “Siraan niyo pa ako ulit at tingnan natin kung ano ang mangyayari.”Sa malapit, halos humalakhak ng malakas si Frank.Kahit na totoong isang kaduda-dudang negosyante si Johnny, natutuwa pa rin siyang makita na nagdurusa si Gina.Apanapung

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 191

    Mayroong kulay dugong parte sa loob ng panacea polypore—isa itong maliit at kulay dugong polypore na tumutubo mula sa loob nito!Ang lahat ng nanonood sa paligid ni Frank ay hindi makapaniwala.“Ano?!”“Hindi ba isang bloody polypore ‘yun?”“Buhay din ito…”“Kaya pala namamatay na yung polypore. May humihigop ng buhay nito mula sa loob!”Takang-taka si Gina.Wala siyang kahit anong alam tungkol sa herbology, kaya tinanong niya si Cindy, “Ano ang isang bloody polypore?”Napuno ng inggit ang mga mata ni Cindy. “Isa itong parasitic polypore na tumutubo sa loob ng mga normal na polypore. Hinihigop nito ang buhay ng polypore sa labas, na dahilan kung bakit ito itinuturing na isang kayamanan sa mga polypore.”Sa tabi ni Frank, lumiwanag ang mga mata ni Kenny habang pinagmamasdan niya ang bloody polypore. “Diyos ko… kasing talas talaga ng pag-iisip mo ang mga mata mo, Mr. Lawrence! Nakita mo agad ang isang bloody polypore na nakatago sa loob nito!”Siguradong-sigurado siya na napans

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1171

    “Kung ganun, kayo ang may gusto nito!”Kuminang nang malamig ang mga mata ni Frank habang umatake rin siya gamit ng nakaunat na palad niya, at nadurog kaagad ang kamao ni Vin. "Huh?!"Malinaw na naramdaman ni Frank na nabasag ang mga buto niya at nakatulala siyang tumitig sa palad niya habang sumigaw si Vin. Hindi naman siya masyadong gumamit ng lakas, di ba?Binalak niyang gamitin ang palad niya para salagin ang paparating na suntok ni Vin, bago niya suntukin at during ang ulo ni Vin sa isang suntok para mapatay siya. Natural na hindi niya inasahang madudurog ng palad niya ang kamao ni Vin, nang parang giniling!Ang totoo, sa sobrang gulat niya ay natulala siya sa kinatatayuan niya, nakalimutan niyang ipagpatuloy ang atake niya at hindi siya nahimasmasan. “Pareho lang ang pure vigor ko, kaya ang lakas lang ng katawan ko ang nagbago. Anong nangyayari rito?!”Doon sumigaw si Mos, “Anong ginawa mo?!”Bumagsak ang ekspresyon niya nang nakita niyang nadurog ni Frank ang kamao n

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1170

    Napakunot din ang noo ni Larry sa tanong ng Hansen brothers, at lumingon siya kay Peter. “Sigurado ka bang siya si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Oo!”Nakatitig ang mga mata ni Peter kay Frank habang ngumisi siya. “Wag kang mag-alala, Mr. Jameson. Makikilala ko siya kahit saan.”“Siguraduhin mo lang, kundi ay malalaman mo kung anong mangyayari.” Malamig na tumawa si Larry. Napangiwi si Peter sa sandaling iyon ngunit mabilis siyang ngumiti nang nambobola. “Anong sinasabi mo, Mr. Jameson? Bakit ako magsisinungaling sa'yo? Ibig kong sabihin, may utang pa akong ninety million dollars sa'yo! Hindi ako magsisinungaling sa'yo kahit na ibig sabihin nito ay isusuko ko ang Lanecorp bilang collateral, di ba?”Narinig nila si Frank kahit na napalibutan siya—mukhang trinaydor ni Peter sila ni Helen dahil sa utang niya kay Larry. Basura…” Sumama ang ekspresyon niya. Para bang mas mababa pa sa tao ang pamilya ni Helen, at balak nilang ubusin ang pera niya. “Nasaan si Helen?” T

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1169

    Tumalon si Peter palabas ng kotse sa sandaling iyon nang sumisigaw habang tumakbo siya papunta sa isang abandonadong pabrika. “Mr. Jameson! Mr. Jameson! Nadala ko na si Frank Lawrence—sabihan mo ang mga tao mong patayin siya!”"Hehe…"Isang lalaking nasa animnapung taong gulang ang lumabas mula sa pabrika kagat ang isang tabako sa bibig niya at nakasuot ng isang pinstripe suit. Kaagad siyang nakilala ni Frank—si Larry Jameson ito. Kausap niya si Helen noon sa Zamri lease bid, at kasama niya si Juno noon. Naalala rin ni Frank na sinabi ni Helen na isa siya sa Three Bears ng Zamri. At ngayon, bumuga ng usok si Larry habang pinanood niyang bumaba si Frank, nang tumatawa. “Ikaw alam si Frank Lawrence, ang asawa ni Helen Lane?”“Tama ka.” Naglakad si Frank at tumayo sa harap ni Larry habang umiiling kay Peter na mabilis na nagtago sa likod ni Larry. “Akala ko inayos mo na ang sarili mo pagkatapos mong umalis sa Riverton, pero lumalabas na nakakadiri ka pa rin pala.”“Nakakadiri? D

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1168

    Sumigaw si Frank, “Nasaan ang kapatid mo, Peter Lane?!”Nang napatalon at muntik mabitawan ang phone niya, sumama ang ekspresyon ni Peter nang nakita niyang si Frank iyon. “Malay ko! Wag mo kong tanungin!” Naiinis na sigaw ni Peter at bumalik siya sa laro niya. Nainis si Frank habang nanood siya, lalo na't dahil nakapatong ang paa niya sa mesa ni Helen. Nag-iwan ng marka ang mga sapatos niya sa dokumento sa ibaba nito. "Mr. Lawrence?" Pumasok si Lily sa sandaling iyon at napansin niya si Frank. Siya ang sekretarya ni Helen na lumipat mula sa Lane Holdings ng Riverton, at hinila niya si Frank sa tabi habang bumulong siya, “Nawala ang phone ni Ms. Lane kagabi, at hindi namin ito mahanap magdamag. Kakaalis niya lang papunta sa ospital para bisitahin ang nanay niya, at sinabihan niya akong ipaalam ito sa'yo pag bumalik ka nang wala siya.”Nakinig si Frank, ngunit napansin niyang nakasilip si Peter sa kanya. Nang lumingon siya kay Peter, bumalik si Peter sa phone niya at dumal

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1167

    Pagod si Frank nang umalis siya sa cafe at nagpasyang tatanggihan na niya si Helen kapag may iba pa siyang ganitong pakiusap sa hinaharap. Kahit na ganun, tinitigan niya ang itim na Maserati convertible na nakaparada sa labas habang umalingawngaw ang mga salita ni Juno sa isipan niya: “Walang maitutulong sa'yo kung magiging kalaban mo ako. Tanggapin mo ko nang parang isang mabuting bata, at ibibigay ko sa'yo ang impormasyon sa Draconia na gusto mo. Tanggapin mo ang impormasyong ito bilang pagpapakita ng sinseridad ko—mayroong hindi tapos na construction project na nasa labasan ng Zamri. Gayunpaman, pwede mong sabihin si Ms. Lane na kunin ito, dahil babawiin ito ng gobyerno para gibain sa susunod na ilang araw. Sa mga panahong iyon, lalaki nang sampung beses ang halaga nito!”Saan mo nakuha ang impormasyong iyan?” Tanong ni Frank. Misteryosong ngumiti si Juno sa kanya. “Sikreto yan, maliban na lang kung umoo ka…”Dahil dito, pagkaalis niya sa cafe kinuha ni Frank ang phone niya

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1166

    Sinara niya ang laptop at tinitigan nang masama ni Frank si Clarity. “Ano ba talagang gusto mo?!”“Wala. Gusto kita, yun lang!” Ngumiti si Clarity at mas lalong nainis si Frank. "Hmph." Hindi siya pinansin ni Frank at tumalikod para umalis. “Hoy, teka!”Hinablot ni Clarity ang braso niya at mapagpaumanhing ngumiti. “Kalma ka lang. Hindi mo ba gustong malaman kung sino ako, Donn Lawrence?”“Ano?!” Lumingon si Frank. “Alam mo ang pangalan ko?! Magsalita ka! Sino ka?!”“Ano…”Misteryosong umiling si Clarity. “Isa akong palaboy kagaya mo.”Pinagana ni Frank ang Five-Peat Archaeus niya sa sandaling iyon at handang umatake—dahil tumanggi siyang magtino nang nagpakabait siya, kailangan niya lang magpakatatag!Pero kahit na umatras si Clarity, makarisma siyang nakangiti. “Oh, kalma ka lang! Gaano ba kaiksi ang pasensya mo? Pwes, dahil gusto mo talagang malaman, siguro pwede kong sabihin sa'yo… Marami akong pangalan, kaya alin ang dapat kong sabihin sa'yo? Oh, tama.”Bigla na lang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1165

    Gayunpaman, narinig ni Helen ang malanding boses ni Clarity sa kabilang linya at sumigaw siya, “Ano?! Anong ginagawa mo diyan, Frank?”“Sandali, ikaw yun?!”Napangiwi si Frank nang naalala niya—kaya pala pamilyar si Clarity sa kanya. Siya ang kasama ng isa sa mga importanteng taong dumalo sa bid event sa Zamri!Inimbitahan niya siya sa masquerade ball, pero hindi niya ito inisip dahil hindi siya interesado. At ngayon, nagpakita talaga siya rito sa Morhen…“Ano bang gusto mo?” sigaw niya nang nakatitig nang masama kay Clarity habang nasalo niya ang paa niya. Napabulalas si Clarity. “Oh, nasasaktan ako… Hindi naman sa ayaw ko, pero talaga bang gagawin natin to sa harapan ng napakaraming tao?”Habang tumuro siya, lumingon si Frank para makita ang ibang panauhing dumating sa cafe at nakatitig sa kanila. Mukha talagang naglalandian sila habang hawak ni Frank ang binti niya. “Tsk, tsk… Mga baboy talaga ang mga lalaki ngayon…”“Hala, sa pampublikong lugar pa talaga? Napakabastos

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1164

    Nakadagdag lang sa karisma ni Clarity ang nunal sa ilalim ng mata niya. Ang totoo, maraming lalaki ang hindi makakatiis sa kanya. “Anong problema, Frank?” Para bang naramdaman ni Helen na may mali sa screen at bahagyang kumunot ang noo niya. “Wala lang.” Umiling si Frank nang nag-aalangang bumitaw kundi ay tiyak na magseselos at magkakamali ng akala si Helen. Ngunit sa kanila ng kaba niya, hindi siya sasayaw sa tono ni Clarity. Naintindihan niyang habang mas maganda ang babae, mas lalo silang mapanganib. Kagaya nito, tiyak na may binabalak siya kapag mukha siyang intresado sa isang tao. At nilinaw ng pagpunta sa kanya ni Clarity nang dalawang beses na hindi ito nagkataon lang, at may binabalak siya. Samantala, binuksan ni Helen ang presentation file sa kabilang linya at pinakilala ang proyekto nang may propesyonal na script. “Ms. Clarity, gumuhit kami ng mga plano at blueprint para sa resort na hinihiling mo. Tignan niyo…”Inabot nang mas mababa sa sampung minuto ang u

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1163

    Umubo si Helen at nagsabing, “Ipapadala ko sa'yo ang address. Pwede ka nang pumunta roon. Tandaan mo, pipirma ka ng kontrata, pero pagkatapos lang ng video conference. Naiintindihan mo?”“Oo,” tango ni Frank, pagkatapos ay lumingon sa mapayapang mansyon at bumuntong-hininga. Lumabas na bumiyahe siya nang ganito kalayo para ang sa tsaa…Kahit na ganun, hindi siya nagpaligoy-ligoy at nagmaneho papunta sa address na binigay sa kanya ni Helen sakay ng Maybach niya. Nang pumasok siya sa itinakdang café kalahating oras ang nakalipas, nakita niya ang isang pamilya na mukha roon at nagulat siya. “Ikaw yung nasa Waver Street…”Si Clarity nga iyon. Nakasuot siya ng hapit na itim na palda at blouse na may mababang kwelyo at eleganteng umiinom ng kape niya. Ngumiti ang mga pulang labi niya nang nakita niya si Frank, tapos dinilaan niya ang mga daliri niya habang makarisma siyang nagsabi, “Nagulat akong ang aga nating nagkita, pogi.”Hindi napaatras si Frank, kundi nagulat lang siya. Tu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status