“Tandre, let go of me!” sikmat ni Arwena. Pinipilit nitong alisin ang mga kamay ni Tandre na mahigpit na yumakap sa kanya. Hindi niya akalain na maiisahan na naman siya ni Tandre. “Wena, just hear me out, please.” Pakiusap naman ni Tandre, at mas humigpit pa ang yakap nito kay Arwena. Ayaw niya na muli pang mahampas. Pinaghahampas kasi siya ni Arwena kanina nang makawala ang mga kamay nito na hinawakan niya. Ayaw siyang tigilan, ayaw makinig sa paliwanag niya. Alam ni Tandre na deserve naman niya 'yon. Alam niya na may karapatan si Arwena na magalit. Kaya lang, iyon lang ang paraan para hindi na muling mawala sa kanya ang mag-ina niya. “Paulit-ulit na lang tayo, Tandre! Nakakainis ka!” dismayang sabi na naman ni Arwena. Hindi nito mapigil ang makaramdam ng inis. Wala na kasing ibang ginawa si Tandre, kundi ang e-take advantage siya. E-take advantage ang sitwasyon nila. “Wena, ‘wag ka na magalit, please. I’m sorry, hindi ko naman gusto na idaan sa gano’n ang marriage natin.
Huling Na-update : 2024-04-13 Magbasa pa