Hindi ako nakapag focus sa trabaho ko buong araw. Pagkatapos ng nangyari, tumakbo si Hira sa labas na sinundan naman ni Rius. I saw a ring on their fingers, my god what the hell is going on?"Hoy!" Napapitlag ako sa gulat ng sigawan ako ni Sany na anak ng kumpare ni papa. "Kanina ka pa tulala dyan, ang dami mong pagkakamali kanina sa order. Kilala mo ba yung mag asawa na yun, binanggit nila pangalan mo eh." Nanlaki ang mga mata ko at napatayo."Mag asawa?""Oo, Kapatid ni sir Alius si sir Rius kaya kilala namin sila." Sabi nito at sinenyasan akong lumapit."Palaging may babaeng dala yang si Sir Rius dito, palagi rin syang sinusundan ni Mam Hira dito kaya palaging huli si Sir, pero yang si Sir naku! todo deny, kesyo business partners lang daw pero ang sweet sweet nya sa mga babae nya." Kwento ni Sany sa akin.Mag asawa? Alam kong crush noon ni Hira si Rius pero.... oh my god! Don't overthink Zertyl hindi mo alam ang nangyare. Hindi mo alam. Inagaw ba nya si Rius?
Last Updated : 2023-11-20 Read more