Hindi ako nakapag focus sa trabaho ko buong araw. Pagkatapos ng nangyari, tumakbo si Hira sa labas na sinundan naman ni Rius. I saw a ring on their fingers, my god what the hell is going on?
"Hoy!" Napapitlag ako sa gulat ng sigawan ako ni Sany na anak ng kumpare ni papa. "Kanina ka pa tulala dyan, ang dami mong pagkakamali kanina sa order. Kilala mo ba yung mag asawa na yun, binanggit nila pangalan mo eh." Nanlaki ang mga mata ko at napatayo."Mag asawa?""Oo, Kapatid ni sir Alius si sir Rius kaya kilala namin sila." Sabi nito at sinenyasan akong lumapit."Palaging may babaeng dala yang si Sir Rius dito, palagi rin syang sinusundan ni Mam Hira dito kaya palaging huli si Sir, pero yang si Sir naku! todo deny, kesyo business partners lang daw pero ang sweet sweet nya sa mga babae nya." Kwento ni Sany sa akin.Mag asawa? Alam kong crush noon ni Hira si Rius pero.... oh my god! Don't overthink Zertyl hindi mo alam ang nangyare. Hindi mo alam. Inagaw ba nya si Rius?"Mama are you okay?" Napatingin ako kay Aera na umakyat sa kandungan ko at umupo. Hinawakan nito ang mukha ko at pinaharap sa kanya."Im fine anak, did you enjoy your class today?" Tanong ko."You don't look okay mama but i wont ask na. My teacher said na pwede na daw po ako sa grade one kasi Im smart." Nakangiting sabi nito kaya kinurot ko ito sa pisngi."Magfa-five ka palang anak, di ka pa pwede sa grade one. Next month na pala birthday mo. Anong gusto ni Aera?" Nakangiting tanong ko."Toys! A lot of toys mama!""Sige sa unang sweldo ni mama bibili tayo ng maraming toys, laruan lahat hindi na tayo bibili ng pagkain." Biro ko na ikinahagikhik nito.DALAWANG linggo na ang nakalipas simula ng makita ko sina Hira At Rius. Plano kong mag resign sana kaya lang mahirap maghanap ng trabaho sa manila lalo na pag walang tinapusan. Wala akong kaalam alam na si Alius pala yung may ari ng restaurant, buti na lang hindi ito dumadalaw rito."Good morning Sir!" Napalingon ako ng marinig ang bati ng lahat sa lalaking dumating."What the hell! Kakasabi ko lang eh." Bulong ko ng makita si Alius na pumasok ng restaurant. Agad akong tumalikod at lumayo sa kanila."Zertyl pinapatawag ka ni sir." Sabi ni Sany na ikinatingin ng lahat sa akin."B-bakit daw?" Mahina kong tanong kay Sany."Aba malay ko, puntahan mo na para malaman mo." Napakagat ako ng labi at dahan dahang umalis. Nakita ko pa bulungan ng kasamahan ko bago ako umalis.Huminga muna ako ng malalim bago kumatok."Come in.""S-sir......pinapatawag nyu daw p-po ako." Kinakabahan kong sabi."God it's really you!" Napaatras ako ng lumapit ito at yakapin ako."S-sir." Alanganin kong sambit sa pangalan nito. Kumalas ito sa yakap at ngumisi."Come on were friends don't call me Sir, just call me Alius." Nakangising savi nito."Rius mention that you're working here. So i went here to confirm it." Sabi nito at tumalikod. Sinenyasan ako nitong umupo sa harap ng table nya."Why working here Zertyl when you can get a stable job in a big companies?" Nakakunit noo nitong tanong."Mataas naman yung sweldo dito, but if you don't want me he—""What the fvck! That's not what i mean, okay?"I can't understand him. I mean lahat sila. Kinakausap nila ako na para bang matalik nila akong kaibigan na bigla na lang nawala. Nakalimutan na ba nila ang ginawa nila noon?"I didn't finish college." Straight kong sabi na nagpawaang ng nga labi nito."Are you fvcking kidding me? Hira said na nagtransfer ka ng school. Karic was about to......" hindi nito tinapos ang sinabi nito, biglang nag ring ang phone nito."Sh!t" mura nito at nagmamadaling lumabas ng opisina nya."Anong pinag usapan nyu ni sir dai?" Tanong ni Sany, habang papauwi kami."About work." Walang ganang sagot ko."About work!? Simula ng makapagtrabaho ako dai ni minsan hindi dinalaw ni sir yung restaurant nya para magtanong tungkol sa trabaho namin.""Ah basta! Mauuna na ako." Sabi ko at sumakay na ng jeep."Mama pagkain!?" Napatigil ako sa paghuhubad ng sapatos at napatampal ng noo."Baby gabi na, wala nang open na fastfood." Pagdadahilan ko.Kumunot ang noo nito at namewang. "Why are you lying mama? Some fastfood are 24hours open right?" Malditang tanong nito."I dont know baby wala akong nakita eh." Pagsisinungaling ko."Hmp!" Tumakbo ito papasok ng room ni papa. Pagod na humilata ako sa sofa at tumititig sa kawalan."Anak." Napabangon ako at nakitang naghuhugas ng kamay si papa mula sa kusina."Day off mo bukas diba? Pwede bang maextend yan, wag ka na lang magday off sa susunod.""May day off bang nae-extend pa?" Natatawa kong sabi."Magabsent ka na lang muna, mabait naman yang boss diba. Kailangan kasi naming mag stay-in ng tatlong araw." Umupo ito sa kaharap ng sofa at niligpit ang mga papel ni Aera."Tatawagan ko mamaya si miss Alina pero sa tingin ko okay lang naman sa kanya." Kaya lang pag uusapan naman ako ng mga katrabaho ko.... hayss!"Hindi ka raw nakabili ng pagkain?" Tanong ni papa at tumingin sa kwarto nito."Nakalimutan ko at saka kailangan rin nating magtipid muna pa, malayo pa yung sweldo ko, kakasimula ko pa lang at saka nag iipon rin ako para sa birthday ni Aera." Stress kong sabi."Isa lang tanong ko eh ang dami mong sinabi." Rinig kong bulong ni papa."O sige na masyado ng gabi, matulog na tayo." Sabi ni papa at nanglock ng pinto at bintana.Hinanda ko yung mga kakailanganin ni papa para sa stay in nya bago matulog. Pagdating ng alas tres ng umaga ay nagising na ako para tulungan si papa. Maarte si papa ayaw nyang gumamit ng gamit ng iba, lalo na yung mga kutsara at baso kaya kahit tatlong araw lang binaonan ko lahat sya ng gamit na kailangan nya. Gulat na gulat yung kasamahan nito ng makita ang bag na dala ni papa."Pre di tayo pupunta ng beach ah!" Natawa ako sa sinabi ni Mang Ardon. Malinis si papa sa katawan kaya marami syang dalang damit. Nagpaalam na ako kay papa at saka umakyat ulit sa kwarto.Hindi na ako natulog ulit at hinintay na lang na lumabas yung araw para ihatid sa paaralan si Aera. Ginamit ko yung laptop ni papa para mag aral at magbasa tungkol sa kurso ko. Kapag may pagkakataon gusto kong mag aral ulit."Mama wait mo na lang ako, wala ka namang trabaho eh." Sabi ni Aera ng ihatid ko ito sa room nito. Tumango ako kaya ngumiti ito malapad at binigyan ako ng flying kiss.Nasa labas ako ng room at pinapanood lang si Aera kung paano ito magparticipate sa mga activities nila. Napangiti ako dahil napakabibo nito."Hi!" Gulat na napaatras ako may biglang tumabi sa akin."Rigon." Nakangiting pakilala nito sa akin. Alanganin kong tinanggap ang kamay nito pero di ko binigay ang pangalan ko."Hinihintay mo yung kapatid mo?" Napataas ako ng kilay sa sinabi nito."No, she 's my daughter." Sabi ko ikinawala ng ngiti nito."You're too young to be a mother, i guess you don't have a husband." Hindi ako nakasagot."Hah! So i'm right. Lahat naman ng kakabaihan nabubuntis ng maaga na walang asawa so it's okay. Pwede ka namang maghanap ng mas matanda ng konti." Nakangising sabi nito at kinandatan ako. Para akong kinilabutan at umalis sa tabi nito."By the way this is my number. Ako yung nagspo-sponsor ng feeding dito. I have a restaurant, if you have some time you can eat there for free, you can bring your daughter too." Hindi ako sumagot at awkward na nginitian lang ito.Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa lalaking iyon hanggat sa uwian na ni Aera. Hindi sya umalis sa tabi ko at pinagmayabang nya sa akin yung pera nya at mga kotse nya."Oh is she your daughter? So lovely..." napatingin ang anak ko rito at saka nagtatakang tumingin sa akin."You're so pretty you know that?" Nakangiting puri nito kay Aera."Thank you po lolo!" Napakagat ako ng labi para pigilan yung ngiti ko. Napaubo naman yung ale na nasa tabi lang namin."Im not a lolo, you can call me papa rigon if you want." Lihim akong napangiwi at agad na nag excuse para maakalis na kami."He is the same age as lolo right? Hmp! Feeling....." umirap ito sa hangin at nagpakarga sa akin."Mama let's eat!" Excited nitong sabi ng makalabas kami ng paaralan."You're always thinking about food that's why you're always hungry pero hindi ka naman masyadong tumataba but you're cute anyway." Sabi ko at kinurot ang pisngi nito. Humahikhik ito naglalambing na yumakap sa leeg ko."I have fast metabolism, I guess....""Wow! Fast metabolism." Natatawa kong sabi. Tumango ako, since day off ko naman, magbo-bonding na lang kami ng anak ko."Saan mo gustong kumain?" Tanong ko habang nag aabang ng jeep."Gusto ko pong maglibot muna ng mall before kumain mama. Can we do that?""I wanna come back here kapag birthday ko na mama, maraming toys!" Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa mga laruan. Nawala yung ngiti ko habang nakatingin sa anak ko. Kung may pera lang ako anak. Ibibili kita ng maraming laruan hanggat magsawa ka.Mas lalo akong nalungkot ng hilahin ako nito sa loob ng damit pambata. Tuwang tuwa ito habang sinusukat ang mga damit. Tumatalon talon ito habang tumatakbo sa mga nakahilerang magagandang dress. Pinigilan kong wag mapaiyak habang pinapanood ang anak ko."Anak, hindi ka pa ba gutom? Come on let's eat na...." hindi ako pinansin nito at busy na naman ito sa kakatingin ng mga sapatos sa kabilang store."Mama their shoes here is so so so pretty. Wala naman ganito doon sa atin." Curious nitong tanong. "Look kumikinang sya mama! Real diamond po ba sila?" Walang tigil ito sa kakatanong habang tumitingin."Mama look, kapag nag grade one po ako pwede po bang ganyan bag ko? Ganyan po yung bag ni Jalin ngayon may gulong din." Nakangusong sabi nito.Ilang oras pa bago kami nakakain sa paborito nitong Kfc."Baby here." Sinubuan ko ito ng ice cream for dessert pero malayo ang tingin nito sa likod ko. Napalingon ako at nakita ang pamilya sa likod lang table namin.Napabuntong hininga ako at binitawan ang ice cream na hawak ko. Tumingin ako sa anak ko at nakitang bumalik na ito sa pagkain."Mama ano po yung kinakain ng DADDY nila. It looks delicious po" napakagat ako ng labi at pinigilang tumulo ang luha ko. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti."Gutom ka pa ba anak? You still want to eat?" Tanong ko dahil marami naman na itong nakain. Tumingin ito sa akin at tumitig."Can I have that mama?" Mahinang tanong nito.In the end tinake out na lang namin dahil kakainin na lang daw nya pagkauwi namin.Madilim na ng makauwi kami ni Aera, at dahil siguro sa pagod agad itong nakatulog. Hindi na nakapaglinis ng katawan at nakapagtoothbrush.Kinabukasan tumawag si papa, kinakamusta si Aera. Hindi ito sanay na ilang araw na wala sa tabi namin kaya maya't maya ang tawag nito."Mama punta ulit tayo ng mall after ng class ko ah!" Napabuntong hininga ako at tumango. Noon hanggang sa kapit bahay lang ito ngayon paboritong tambayan na ang mall."Oh my god." Nakairap kong sabi ng makita yung lalaki kahapon."Hi! Good morning." Malapad pa sa dagat ang ngiti nito habang binibigay ang chocolates."Mama don't likes sweet." Nakangusong sabi ni Aera habang nakakunot ng noo. Nawala ang ngiti nung lalaki."Oh.. ahm.. i'm sorry i didn't know. Here flowers." Nagulat ako ng biglang nagtakip ng bibig ang anak ko na parang nagulat."No! Ilayo nyu po! Mama's allergic with flowers." Nataranta yung lalaki at naitapon ang bulaklak sa malayo. Lihim akong napangiti kahit na nagsisingungaling lamang si Aera."Oh god.... I'm really sorry. I don't know." Napahilamos ito ng mukha na para bang nastress ito. "How about this baby..." nakangiting pinakita nito ang malaking doll sa anak ko."Excuse me sir. Papasok na ho yung anak ko." Sabi ko at hinila na papuntang room si Aera. Nakita kong nakanguso ito habang nakahawak sa kamay ko."Anak babalikan ka ni mama pagkatapos ng class mo. Behave ka okay?" Tumango ito tumakbo papasok ng room. Nakita kong hinihintay ako nung lalaki kaya sa iba ako dumaan.Tumawag si Sany kaninang umaga at kailangan daw nila ng waitress kahit sa umaga lang dahil yung dalawang gumimik kagabi umabsent.Lumiwanag yung mukha ni Miss Alina ng makita ako. Dali dali ako nitong pinagpalot para makatulong agad ako."Naku girl! Buti na lang dumating ka, naku lagot talaga ang dalawang yun kay Miss Alina." Stress na sabi ni Sany at pagod na umupo sa tabi ko. "Nagkataon pa talaga na halos day off ng iba." Dagdag nito at napailing."It's okay, may trabaho naman talaga ako ngayon kahapon pa yung day off ko eh." Sagot ko."Anong okay? Eh walang kasama yung anak mo.""Okay lang talaga kapag umaga wag lang sa hapon kasi gabi na yung out, hindi ko masusundo anak ko.""Zertyl!" Agad akong napatayo dahil ready na yung ise-serve ko.Nakangiting naglakad ako sa table pero agad ring nawala ng makita kong sino yung kasama ng lalaki. Napahinto ako at agad na tumalikod. Binundol ng kaba yung dibdib ko.Relax Zertyl. Bakit ka nga ba naman kakabahan? Wala ka namang atraso o kasalanan. Just act normal. Yes! Yes! Act normal. Huminga ako ng malalim at nagalakad doon sa table.Nakangiting nilapag ko yung order nila sa table, pero nagulat ako ng hawakan nung lalaki yung kamay ko kaya nabitawan ko yung wine."Oh my god! Im sorry Im sorry...." nagpapanic kong sabi at kinuha lahat ng tissue para punasan yung natapon na wine."No, no it's okay." Napatigil ako ng magsalita ito at hawakan ang kamay ko. Kinuha nito ang tissue sa kamay ko at tinapon iyon at tumawag ng janitress."Oh no, sir Karic!" Napakagat ako ng labi at umatras ng konti. Mabait si Miss Alina sa kahit na sino kaya kinabahan ako ng tingnan ako nito ng masama. Todo asikaso ito kay Karic.Napalingon ako ng hilahin ako ni Sany sa gilid. "Lagot ka girl. Alam mo bang napakasungit nyang si Sir Karic. Yung dating waitress na natapunan sya ng kape nasisante at hindi na nakahanap ng trabaho." Namutla ako at di alam ang gagawin."H-hindi naman sya n-natapunan d-diba?" Kinakabahan kong sabi at napatingin sa pwesto nila, pero agad ring napaiwas ng tingin ng makitang nakatingin ito sa akin."Magpalit ka na ng damit girl, Malapit na rin naman matapos shift mo." Bulong ni Sany. Tumango ako at agad na umalis.God.... why is he looking at me like that?"Zertyl." Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Miss alina sa labas. Dali daling nagbihis ako at lumbas ng dressing room."Next time please becareful. Buti na lang hindi nagalit si sir Karic ngayon which is weird. Sir Karic said na hindi mo naman daw kasalanan." Sabi ni Miss Alina at tinaasan ako ng kilay. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at saka ito tumalikod."Kay bago bago ang dami nang eksena." Rinig kong bulongan nina Rikay."Nakita ko namang sya yung humawak sa kamay nung ka meeting ni sir eh. Inunuuna pa kasi yung kalandian kesa sa trabaho nya. Naku! Dapat pinapaalis na yan dito." Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang sarili na wag sumabat."Hay naku girl! Pumuti lang yung mata mo hindi mangyayari yan. Alam nyu naman yung nangyare sa office ni Sir Alius diba?" Sabi ni Kasan at saka sila nagtawanan."Hindi naman sya kagandahan! Mukha lang naman syang cheap na manika na gustong idisplay sa mga mamahaling mall!" Agad akong tumalikod at pinigilang tumulo ang mga luha ko.Dire-diretso akong lumabas ng restaurant ay hindi na pinansin si Sany na tinawag ako."Hey!" Napatigil ako ng may humablot ng kamay ko. "Hi! Im Ren, Im sorry sa nangyare kanina. Kinausap ko naman si Alina na kasalanan ko yung nangyare. A thank you kiss would do." Para akong natameme sa huling sinabi nito."By the way this is my number. I will apologize in advance kapag di ko agad nasagot yung tawag o text mo. You know I have so many business to take care. But you can come at my condo anytime." Nakangiting sabi nito at may binigay ulit na card sa akin. Napaawang ang mga labi ko at di alam ang sasabihin. Like what the hell!Napaatras ako ng yakapin ako nito, hindi agad ako nakareact."What are you doing?" Napakalas ng yakap yung lalaki at nilingon si Karic. Hindi ko alam pero parang umirap ito at inis na tiningnan si Karic."After you reject my proposal, you don't have any business with me Mr. Williams." Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit si Karic sa akin at akbyan ako."You're talking to my girlfriend, Mr Amson." Malamig na sagot ni Karic. Hindi ako nakagalaw at napabalik balik lang ang tingin ko sa kanila."You know what will happen to your business if you still don't want to walk your ass out of here." Sumama ang timpla ng mukha nito at pinanlisikan ng mata si Karic bago umalis."Let's go!" Malamig nitong sabi at hinila ako papasok ng kotse nya.Hindi ako nakareact at parang bato na nakaupo sa tabi ni Karic."G-girlfriend?" Nauutal kong tanong."Why Zertyl? Did we break up?""Mama you're spacing out again!" Reklamo ni Aera habang nagdra-drawing ito ng kung anu ano. "I kept asking and asking! But you're not responding. Am i talking to the air?" Malditang sabi nito."You should help me with the colors. That's what you promise....." walang tigil ito sa kakasermon habang nagdra-drawing. Napangiti ako at niyakap ito."May iniisip lang si mama baby, sorry. Here let me help you." Kinuha ko yung mga colors nito at nilabas lahat para makapili sya ng gusto nya.Napatigil ako sa ginagawa ko at napatitig sa anak ko."Break up!? Are you kidding me? Ni hindi nga naging tayo bakit natin kailangan magbreak up?" His brow furrowed while looking at me."Hindi naging tayo?" He ask with his deep baritone voice. Umigting ang panga nito. "I court you and you fucking answered yes! We celebrate our first month ""Don't you dare raise your voice at me. You court me because there was a bet!" Mas lalong kumunot ang noo nito."Do you think i won't know?
"Mama....." Napatingin ako kay Aera na hinawakan ang pisngi ko at pinaharap sa kanya. "Its weekend hindi po ba tayo pupunta ng mall?" Nakangiting sabi nito at nagpacute pa talaga sa akin."Mama we need to go out, kasi palagi ka na lang pong tulala. Stress ka po sa trabaho? You need to unwind mama! Let's go!" Hinatak ako nito sa loob ng kwarto at binuksan ang cabinet namin.Wala akong nagawa at nagbihis na lang dahil excited itong lumabas."Oh saan punta nyu?" Tanong ni Papa na may inaayos na cellphone. "We're going to mall lolo. Do you want to go with us?" Agad na umiling si papa at pumasok ito ng kwarto."Zertyl anak!" Tawag ni papa mula sa kwarto, nang makapasok ako sa kwarto nito may inabot itong pera sa akin."Pa wag na, magtitingin lang naman kami doon at mamasyal. May pera naman po ako kung sakaling gutomin si Aera." Umiling iling si papa at pilit na pinahawak sa akin ang pera. "Bilhan mo ng kahit isang laruan lang si Aera anak, matagal na nyang gusto
Napakunot noo ako ng makitang namumutla si Karic, agad na lumapit ako dito at hinawakan ang noo nito.Nilalagnat pa rin ito?"Karic....." tinampal ko ng mahina ang pisngi nito. Agad itong nagmulat ng mata at napakunot ng noo."B-babe...." paos nitong sambit at pilit na bumango kaya pinigilan ko ito."W-what are you doing here. I m-mean...." tumayo ako at kumuha ng tubig sa labas para makainom ito."Here." Inalalayan ko itong makaupo para makainom ito ng tubig."Your cousin is crazy.""Sinama nya paalis si Aer— i mean sinabihan nya akong pumunta sa condo nya at ito ang binigay nyang adress yun pala condo mo." Paliwanag ko rito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatitig lang ito sa akin."W-why are you sick again?" Tanong ko nang di tumitingin dito. Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinaplos iyon. Agad ko iyong inalis sa gulat. Nakita ko ang sakit sa mata nito ng bawiin ko ang kamay ko."K-karic, i-ill
"Sinasabi ko sayo bro, dito nakatira yung bata!" Nanlaki ang mata ko ng marinig yung boses ni Dyson sa labas ng pintuan. Umiling iling si Veyra at sinabing wag buksan ang pintuan.Napaigtad ako nang may malakas na kumatok sa pintuan.Hinila ko yung dalawa sa loob ng kwarto ko. Napatingin sa amin si Aera at hindi kami pinansin nagpatuloy lang ito sa paglalaro."Hintayin na lang natin na makaalis sila." Suggest ni Ashna na kinakabahan na rin."Sabihin na nating aalis sila, pero naisip nyu ba na baka bumalik balik sila dito para icheck kung kaninong anak si Aera." Inis kong sabi. Stress na umupo ako sa kama at tinignan ang dalawa."Babantayan ko si Alius, tapos babantayan ni Veyra si Dyson." Napataas ako ng kilay at hinihintay ang kadugtong nito pero wala na."How about Karic?" Tanong ko. Napasimangot si Ashna at umupo sa tabi ko."Hindi ko alam, eh ang sungit sungit nun." Nakasimangot na sabi nito."Busy naman si
Napaawang ang mga labi ko ng makita ang maliliit na sugat sa katawan ni Karic. Parang tumalon ito sa glass window dahil nakita kong may benda rin yung paa nya."Zertyl, you're here?" Gulat na sabi ni Ashna at niyakap ako."Sakto patapos na rin sila. Oh gosh kanina pa dapat ako aalis eh, kaya lang hindi naman nila gagamutin si Karic kapag wala ako, you know naman." Sabi nito habang inaayos ang laman ng bag ko. "Gosh... super late na talaga ako. I have to go na bye!" Sabi nito at dali daling lumabas ng pinto."Ash." Tawag ko rito."Yes?" Tinuro ko ang kamay nito."What happened to your hand?" Tanong ko."Ah... hahahaha i accidentally punch my mirror out of anger." Sabi nito at pilit na ngumiti at saka nagpaalam na umalis.Accidentally? Sa lahat ng susuntukin nito salamin pa talaga?Napatingin ako sa mga nurse na nagmamadaling ligpitin ang mga gamit nito. Nginitian ko ang mga ito at saka umupo sa tabi ng kama
I am so nervous habang papunta sa condo ni Karic. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may sumusunod sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa building pero parang gusto kong bumalik ng bahay ng makita ang nakakainis na pilyong ngiti ni Karic ng makapasok ako ng condo nya."Ang bilis gumaling ah!" Sabi ko ng makitang wala ng benda yung paa nya."Nakakalakad kana pala, babalik na ako." Biro ko at aalis na sana ng mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ito sa akin at pinigilan ako."Morning." Malanding sabi nito at matagal na hinalikan ako sa pisngi."Karic! Kapag ginawa mo pa ulit iyon. I swear hinding hindi na ako babalik dito." Inis kong sabi at tinalikuran ito. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sariling ngumiti."Hubad!" Galit kong sabi at hinanda ang first aid kit nito."Damn! Why it's sound so hot babe?" Tiningnan ko ito ng masama kaya agad itong naghubad ng t-shirt."Should i undress
"Good morning. Happy birthday baby!" Bati ko rito ng magising ito. Agad na ngumiti ito at niyakap ako."Happy birthday!" Sigaw ni Veyra at Ashna na hindi pa sumisikat yung araw nandito na sa bahay."Tita!" Tumayo ito at tumakbo sa mga tita nya. Ang dalawang to hindi papayag na simple lang yung birthday ni Aera. Naghire ang mga ito ng party organizer. Binayaran pa ng mga ito ang principal para walang klase yung buong kinder at preparatory.Gusto sana nila na sa hotel na lang ni Ashna kaya lang gusto ni Aera sa paaralan."Look baby! This will be your outfit today!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang limang gown sa sala na nakasuot sa manequin.Tuwang tuwa naman ang anak ko at tumakbo ito doon."Hiyang hiya ang ambag ko anak." Napatingin ako kay papa ng bumulong ito sa akin."Ilan ba binigay mo pa?" Tanong ko"Wala na anak, sayang naman kung ibibigay ko pa. Ise-savings ko na lang to. Mayayaman naman yang mga kaibigan
Ilang araw na ang lumipas ng hindi ko nakikita si Karic, pero dumadalaw naman ito kay Aera kapag wala ako. Alam kong busy ang mga ito na irescue si Veyra dahil nalaman nilang dinala ng mga sindikato si Veyra sa isla."Anak." Oh shit! Nahiwa ko ang kamay ko sa gulat ng tawagin ako ni papa."Mama...!" Agad na tinakpan ni Aera ng Tissue yung kamay kong dumudugo."Wala ka na naman sa sarili mo. Anong problema anak?" Kinuha nito ang kutsilyo at mansanas sa kamay ko at tinignan ako ng seryoso."Dahil ba to sa ama ng apo ko?" Agad na napailing ako at saka pumasok ng banyo para linisan ang sugat ko.Dumating ang araw na pwede ng umuwi si papa dahil hindi naman masyadong nadamage ang mga paa nito. Nagpapasalamat ako na walang masyadong naapektuhan sa pagsabog. Ilang ulit akong humingi ng tawad sa mga nanay ng bata dahil sa nangyare."Iha may kaarawan man o wala. Pupuntahan pa rin nila ang eskwelahan dahil doon maraming bata. Gawain na ni
"Congratulations!" Sigaw naming lahat ng makapasok si Ruan sa bahay galing sa graduation nya."Luh gagi kaya pala di ka sumama ate akala ko di ka masaya at proud sa akin eh!" Pagda-drama nito habang nanunubig ang mata. Natawa ako at nilapitan ito.Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi nandiri pa ito at pabirong pinunasan ang pisngi kaya kinurot ko ito."Congrats tito Ruan! Kina and I have a gift for you!" Excited na sabi ni Aera at hinila si Ruan."Mamaya na anak let's celebrate muna." Pigil ko rito. Nakangiting binati ng lahat si Ruan. May pa party hat pa si Alius at sinuotan ng isa si Ruan na ikinasimangot nito."Magco-college ka na wag munang asawa huh!" Sigaw ni Zeryna habang kumakain ng lumpia."Girlfriend ate.""Wag kang mag alala Zeryna wala namang papatol dyan!" Biro ni Alius."Aba magkamukhang magkamukha kami ni Ate ibig sabihin pangit si Ate ganun!?" Napailing na lang ako at inasikaso ang ibang bisita.
"Kumatok ka na." Sinamaan ko ng tingin si Ashna dahil kanina pa ito."Baka kasi tulog pa, ang aga aga pa kasi." Napairap si Ashna at parang gusto na akong sabunotan.Hindi pa ako nagigising kanina nandoon na sila sa bahay. Mas excited pa silang makilala ang pamilya ko kesa sa akin eh."Anak ng! Tatayo lang ba tayo dito? Ako na ang kakatok." Agad akong kinabahan at pinigilan si Dyson."Bakit ba—" Pareho kaming napatigil ng makarinig ng katok."Tao po!" Sigaw ni Aera habang kumakatok. Nagkatinginan silang lahat at napangisi na tumingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala na rin naman akong magagawa."Tao po Tao po! NAMAMASKO PO!" "Tapos na ang pasko maldita baka pagkamalan ka nilang baliw naku ikakaila talaga naming di ka kilala.""ILABAS NYU NA ANG IYONG TAMB—" Lahat kami natahimik ng bumukas iyong pintuan at bunungad sa amin ang lalaking kumukusot pa ng mata."Sisingil ba kayo ng utang? Wal
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat kung maramdaman sa oras na to. Gusto ko syang paalisin pero masaya akong nandito sya parang anytime ay gagaling ako kapag manatili pa sya dito.Hindi ito umiimik habang inaalagaan ako. Nakatulog ulit ako at hapon na ng magising."Tumahimik nga kayo ako na! Ako ang kakausap sa kanya!" Napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Ashna sa labas ng kwarto."Bakit ikaw? Pabida ka na naman." May narinig akong bagay na natumba at ilang beses na mura."Ang tagal ni Karic eh! Ilang araw na syang walang tulog sa kakahanap kay Zertyl tapos ngayon nakita na nya ayaw naman makipag usap!" Ramdam ko na ang inis ni Ashna ngayon."Hindi ba pwedeng magtampo yung tao? Kasi hindi nya nagawa iyon ng ilang araw, yang si Zertyl naman kasi konting impormasyon lang ang marinig aalis agad! Bigla na lang mawawala naku kapag nagising talaga yan makakatikim s
Hindi ko alam kung anong nangyare at bigla na lang nawalan ng tao sa bahay. Nablanko na rin ang isip ko at nakalimutan ko ng hanapin si Karic. Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto at hinihintay na bumalik si Karic. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko.Napabuntong hininga ako ng unknown number na naman iyon.Uh oh! Naningkit ang mata ko dahil yun alng text nito pero tumunog ulit ito at nakitang picture ang sinend nito kaya binuksan ko iyon. Agad kong nabitawan ang phone ko ng makita yung picture.Nanginig ang kamay ko at unti unting tumula ang luha ko. It's a picture of Karic kissing someone at mukhang nasa bar ito dahil sa background.Napahilamos ako ng mukha at sinabunotan ang sarili ko."Fuck you! Akala ko ba mahal mo ako!?" Sigaw ko at tinapon ng malakas yung phone ko.No stop it Zertyl kumalma ka. Hindi sya nagtagumpay sa mga edits nya tungkol sa akin kaya si Karic naman ang ginagawan nya ngayon. "That's
"Good morning Happy birthday babe.""HAPPY BIRTHDAY DADDY!" Umakyat si Aera sa kama at pumatong sa itaas ni Karic. Ngumiti ito kahit na hindi pa ito nagmumulat ng mata."Daddy wake up, open your eyes na get up get up blow the candle!" Excited na sabi ni Aera at pinipilit na minumulat ng kamay nya ang talukap ng mata ni Karic."Aera stop that, umalis ka dyan para makabangon si Daddy." Napanguso ito at umalis sa ibabaw ni Karic."Happy birthday Babe." Nakangiting bati ko rito ng makabangon na ito. Ngumiti ito at hinipan ang kandila na nasa ibabaw ng cake na dala dala ko."Yucks! Hindi ka pa nagwa-wash ng mouth mo Daddy!" Natawa ako at nilapag ang cake sa bedside table."Really? Do i have a bad breath?""Noooo....! Stop it!" Maarteng sigaw ng anak ko ng paulanan ito ng halik ni Karic sa pisngi. Napahagikgik ito ng kilitiin ito ni Karic.Lumabas na kaming tatlo sa kwarto at agad ko nakita sina Ashna na tumutulong sa pagd
Ilang araw ng di maganda ang relasyon namin ni Karic. Hindi kami makakapag usap ng maayos dahil ang bilis kong mainis, kapag galit sya mas magagalit ako at di ko sya papansinin."Anak." Isa pa tong si Papa palaging wala at simpleng tanong di ako masagot. Hindi ko ito pinansin at naglakad paalis.Napatigil ako ng makita si Karic na may kausap sa garden na babae at isang matandang lalaki. Ang laki pa ng ngiti ng gago."Sino yan?" Masungit kong tanong ng makalapit ako."Mr. De Fuza this is my wife, Zertyl." Sabi nito sa matandang lalaki."Im not his wife." Sabat ko agad na ikinangisi ng babae."Yeah i can see that, no ring." Nanunuyang sabi nito. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Karic."And who are you? Another whore who wants to flirt with my boyfriend?" Napatikhim yung matandang lalaki at alanganing ngumiti."Zertyl." Malamig na banta ni Karic"Excuse me Ms. Zertyl but this is my daughter Ariaha, Sh
Nagising ako na mukha agad ni Karic ang bumungad sa akin. Nakaangat ang katawan nito habang nakatukod ang siko sa unan nito. Titig na titig ito sa akin at ayaw pakawalan sa paningin nya."What?" Paos kong sabi. Ngumiti ito at inayos ang buhok ko papunta sa gilid at saka ako hinalikan sa noo, sa tungki ng ilong ko at sa labi ko."Hindi pa ako nakakapagtoothbrush." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang ito at humiga sa dibdib ko."Your boobs are much more bigger than hers." Napakunot noo ako sa sinabi nito kaya tinulak ko ito ng mahina pero niyakap ako nito ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg ko."She's texting you right?""Who?" Tanong ko. Gusto ko na sanang bumangon pero ayaw namn nitong umalis sa ibabaw ko."That girl." Nag angat ito ng tingin at nakipagtitigan sa akin. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin kaya napatakip ako ng bibig.Tinulak ko ito ng malakas at tumakbo sa banyo. Narinig ko pang tumawa ito at s
I remember when we broke up, the first time Saying, "this is it, I've had enough" 'Cause like, we hadn't seen each other in a month When you said you needed space "WHAT!?" Napatingin ako kay Aera ng sumigaw ito sa harap ng salamin habang sumasayaw."Why are you asking about Alius?" Tanong ni Karic at tinignan ako ng masama. Pinagtaasan ko ito ng kilay at marahas na binato ko sa kanya ang t-shirt."Wala akong sinabing ganun. Ang sabi ko kung pwede ko bang makausap si Alius?" Sabi ko.Then you come around again and say "Baby, I miss you and I swear I'm gonna change, trust me" Remember how that lasted for a day? I say, "I HATE YOU, WE BREAK UP YOU CALL ME I LOVE YOU! OOH OOH OOH""Why?""May itatanong lang ako okay? Gago kasi yang kaibigan mo." Inis kong sabi. Napakunot noo ito at umupo sa tabi ko."Did he do something—""Wala! Kakausapin ko lang sya kasi may itatanong ako."We are never ever, e
Kinabukasan late na akong nagising dahil nga nagising ako ng madaling araw. Pagdilat ko ng mata wala na ang mag ama sa loob ng kwarto. Nagtoothbrush ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Tinatali ko pa ang buhok ko habang bumababa ng makita ko si Aera sa labas na nakikipaghabulan sa aso nito."Babe!?" Sigaw ko. Naningkit ang mata ko at agad na lumabas ng bahay."Aera stop that." Seryosong sabi ko. Napatigil naman ito at kinakabahang tumingin sa akin. 10 na ng umaga at dapat nasa klase sya ngayon pero mukhang pina-absent mo na sya ni Karic."Where's your dad?" Tanong ko."Im here why?" Tanong ni Karic na papalapit sa amin. Agad na hinampas ko ito ng malakas ng makalapit na sya."What?" Naguguluhang sabi nito."Gago ka ba? Alam mo namang nilagnat yan kagabi. Sabihin na nating okay na sya ngayon umaga pero hindi mo dapat pinalaro at pinatakbo at baka mabinat. I swear kapag bumalik ang lagnat nya mamaya lagot ka talaga sa akin."