Share

CHAPTER 5

Author: Thaeryzxia
last update Huling Na-update: 2023-11-27 17:36:26

Napakunot noo ako ng makitang namumutla si Karic, agad na lumapit ako dito at hinawakan ang noo nito.

Nilalagnat pa rin ito?

"Karic....." tinampal ko ng mahina ang pisngi nito. Agad itong nagmulat ng mata at napakunot ng noo.

"B-babe...." paos nitong sambit at pilit na bumango kaya pinigilan ko ito.

"W-what are you doing here. I m-mean...." tumayo ako at kumuha ng tubig sa labas para makainom ito.

"Here." Inalalayan ko itong makaupo para makainom ito ng tubig.

"Your cousin is crazy."

"Sinama nya paalis si Aer— i mean sinabihan nya akong pumunta sa condo nya at ito ang binigay nyang adress yun pala condo mo." Paliwanag ko rito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatitig lang ito sa akin.

"W-why are you sick again?" Tanong ko nang di tumitingin dito. Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinaplos iyon. Agad ko iyong inalis sa gulat. Nakita ko ang sakit sa mata nito ng bawiin ko ang kamay ko.

"K-karic, i-ill just cook you some soup para makakain ka at makainom ng gamot." Sabi ko at tumalikod na pero pinigilan ako nito ang braso ko kaya nilingon ko ito.

"Just stay here please...." umiling ako at inalis ang kamay nito.

"Magluluto lang ako." Simpleng sabi ko at lumabas ng kwarto nito.

Pagkatapos kong magluto, hinanap ko yung lalagyan ng mga gamot bago pumunta sa taas.

"Karic." Tawag ko dito dahil nakapikit ito baka natutulog na naman ng nakaupo. It's so awkward to feed him because he is staring too much.

Napaigtad ako ng maramdaman ang kamay nito sa bewang ko at sinandal ang ulo sa balikat ko. Nanigas ako at di alam ang gagawin.

"K-karic."

"We never break up. You're still my girlfriend right?" Mahinang sabi nito

"N-no...." humigpit ang hawak nito sa bewang ko. I don't know what to do, How to react in this kind of situation.

"Then.....I will court you again."

"Tita, can you call mama for me?" Napangiti ako at agad na pinunasan ang  labi nito dahil makalat itong kumain ng pasta. "Your mama will kill me after this." Sagot ko na ikinanlaki ng mata nito.

"Why!?" She exclaim with a horror in her eyes.  Natawa ako at kinurot ang pisngi nito.

"Sana ako na lang naging kamukha mo baby, para mas maganda ka— ouch!"

"Ouch!" Veyra mock me and make a face. "So you're saying na pangit ako?" Malditang sabi ni Veyra.

"Sinabi ko ba? Ikaw naman inamin mo agad." Pinaningkitan ako nito ng mata at kukurutin sana pero umiwas ako.

"Excuse me lang huh. Kung hindi lang ako kulang sa height sasali pa ako ng Miss universe!" Agad na nag thumbs up si Aera kaya nakipag apir si Veyra dito. Napairap ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Ash?" Napalingon kaming tatlo at nakita si Dyson. Nagkatinginan kami ni Veyra.

Napakunot noo ito habang papalapit saamin.

"Kaninong anak yan?" Tanong nito at napatingin kay Veyra." May anak kana?" Agad na napailing si Veyra.

"Hindi ko alam! Kanino ka nga ba anak?" Nagpapanic na sabi ni Veyra kaya sinapok ko ito.

"Anak ng friend namin, pinabantay muna sa amin kasi may importanteng lakad." Pagdadahilan ko.

"Saan pumunta si Mama tita?" Tanong ni Aera. Lumapit si Dyson sa amin at tinitigan si Aera. Natakot naman yung bata kaya napaatras at napahawak sa akin. Hinampas ko sa likod si Dyson dahil masyadong malapit ang mukha nito Kay Aera.

"Who's friend of yours, Ash?" Tanong nito at umupo sa tabi ni Veyra. "She looks like you. Am i already late?" Tanong nito kay Veyra. Nanlaki ang mga mata ni Veyra at napatingin sa akin.

"Iniisip mo bang may anak na si Veyra? Ganun ba yung tingin mo sa kanya?" Agad na nagbago ang expression nito.

"N-no, i mean...."

"Kakabalik mo pa nga lang galing states tapos ganyan ka na?" Pinandilatan ako ng mata ni Veyra at umiling.

She mouth me, Shut up'

"Ni hindi nga yan nagkaroon ng boyfriend para hintayin ka tapos ganun lang yung iisipin mo nang makita mo lang na kamukha nang bata si Veyra?"

"Tita, don't fight po." Bulong ni Aera sa akin. Patagong nginitian ko si Aera at nag-shush sa kanya.

"I-im sorry. That's not what i mean, okay? If it's not your child then, it's Karic?" Tiningnan nito si Veyra at hinihintay ang sagot.

"Who's Karic po?" Tanong ni Aera.

"Oh! Do you want to eat ice cream baby? Then, let's go!" Tumayo ako at kinarga si Aera palabas ng Restaurant. I look at Veyra at tumango ito na parang naiintindihan ang tinging binibigay ko dito.

"Tita who is he po?" Tanong nito at nagpababa sa akin.

"Some idiots baby, wag mo ng tanungin hindi naman sya importante." Sabi ko. Napatingin ako rito at nakitang nakati gin ito sa malayo.

"What are you looking baby?" Tinuro nito sa akin ang lalaki na nakatalikod habang namimili ng mga sapatos.

"There's a weird guy po tita. May nilagay po syang bagay sa loob." Turo nito sa loob ng Men' Section

"Anong suot nya baby?" Kinakabahan kong tanong.

"He's wearing all black, nakacap po sya na black  at nakamask din." Kinarga ko si Aera at bumalik sa loob ng restaurant.

"Veyra call Alius and Rius. Dyson can you please take care of her. Mabilis kang tumakbo palabas." Nakakunot noong tinanggap ni Dyson si Aera.

"Baby sama ka muna kay tito Dyson, okay?"

"But hindi ko po sya kilala!" Napangiwi si Dyson sa lakas ng pagsasalita ni Aera.

"He is tita Veyra future boyfriend at daddy's bestfriend—" napatigil ako at napatakip ng bibig.

"What!?" Nakakunot noong sabi ni Dyson.

"What the hell is going on, Ash?" Naguguluhang tanong ni Veyra.

"Baby cover your ears." Utos ni Ashna na agad namamg sinunod ni Aera.

"Panthom." Nanlaki ang mga mata ni Veyra at agad na tumingin kay Aera. Sumeryoso ang mukha ni Dyson at binuhat ng mabuti si Aera.

"Dyson, please take care of her." Tumango ito at agad na lumabas.

"Let's separate, you already know what to do. Wag mong kalimutan na tawagan yung kambal." Tumango si Veyra at agad ring lumabas.

Nagising ako na masakit ang leeg ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin pala ako. Inayos ko yung pwesto ni Karic dahil baka mangalay rin ang leeg at ulo nito sa kakasandal sa balikat ko. Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong to?

Napatitig ako rito ng maayos ko ang pwesto nito. Kamukhang kamukha mo nga si Aera.

Napailing na lang ako at niligpit ko yung pinagkainan nito at nilinis ang kwarto nito. Ilang ulit kong tinawagan si Ashna pero hindi pa rin ito sumasagot.

Kumuha ako ng maliit na palanggana at pinuno ito ng tubig at nilagyan ng konting mainit at saka pumunta sa taas.

Should i change his clothes? Binuksan ko yung cabinet nya at nalula ako sa puro branded na t-shirts.

God...! bakit ko nga ba ginagawa to?

Huminga muna ako ng malalim at saka hinubad ang t-shirt nito.

"Oh my god!" Napaatras ako sa gulat ng makita yung malaking sugat nito sa dibdib. Punong puno na ng dugo yung bandage na nakapalibot dito. Nanginginig na hinanap ko yung first aid kit nito.

"Oh my god. What the hell is that?" Napatigil ako ng makitang nagising ito. Napatingin ito sa akin at napamura at saka tinakpan ang sugat nito.

"It's just a small cut." Hindi ako nagsalita at lumapit dito para linisin ang sugat nito. Buti na lang at kompleto ang nasa loob ng first aid kit.

Napaawang ang mga labi ko ng makita yung sugat nito ng maialis ko na yung bandage.

"Babe......"

"Hindi pa magaling yung sugat mo hindi ba dapat nasa hospital ka pa?" Kalmadong tanong ko

"I hate the scent." Sabi nito na tinutukoy ang amoy ng hospital. Matalim ko itong tinignan at sinimulang linisin ang sugat nito.

"That's why you're sick, akala ko lagnat lang." Ito rin ba ang dahilan kung bakit nahospital sya? Tapos ako pa ang sinisi ni Ashna kung bakit nahospital si Karic.

Napatigil ako sa paglalagay ng bandage ng makita ulit yung tattoo nito sa tagiliran may nakita rin akong ganito sa palasingsingan ni Ashna.

"Can i open the tv?" Tanong ko dahil nabibingi ako sa katahimikan.

"You can do whatever you want babe. You can even live here." Sabi nito at pumikit na parang nagpapahinga.

Live here my ass!

Umupo ako sa sofa at nanood ng tv. What am i gonna do here? Or maybe i'll just go home na kanina ko pa dapat ginawa.

"Karic." Tawag ko dito, nagmulat ito ng mata at nilingon ako. "Uuwi na ako." Agad itong napabangon

"What? Why? I mean.... can you stay a little longer?"

"Can you call Ash or Veyra?" Tumango ito at kinuha ang phone nito.

"Hey Ash, Zertyl wants to— what!?" Napalapit ako at tumabi kay Karic para marinig si Ashna. Pero lumayo naman sa Karic at pumunta ng terasa.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil parang may problema.

"I'll be there in 5 minutes." Huling sabi nito at nagmamadaling nagbihis.

"Saan ka pupunta? Anong sabi ni Ash?" Kinakabahang tanong ko.

"Karic your wounds." Paalala ko rito, dahil nagmamadali itong nagbihis at may kinuhang maliit na bagay sa drawer. "Ihahatid kita pauwi may problem lang sa kompanya." Sabi nito at kinuha ang susi ng kotse nito.

"I can go home alone." Sabi ko pero umiling ito at hinawakan ang kamay ko palabas ng condo.

Nagmamadaling pinaandar nito ang kotse at nagmaneho. "Karic ihatid mo na lang ako sa restaurant may kailangan rin kasi akong kunin doon." Pasgsisinungaling ko. Ayokong malaman nito kung saan ako nakatira.

Tumango ito, walang sinabi. Mukhang nagmamadali nga ito.

Nagulat ako ng halikan ako nito sa pisngi ng maihatid ako sa restaurant bago umalis. Agad akong napalingon sa loob ng restaurant kung may nakakita ba, then naalala ko na iba pala ang mga waitress na nagtatrabaho kapag weekend.

Agad akong umuwi ng apartment dahil nakatanggap ako ng text kay Ashna na naihatid na nila si Aera pero may sorry sa huli ng text nito.

"Aera!" Sigaw ko ng makapasok sa pinto. Agad na bumukas ang pintuan ng kwarto ni papa at umiiyak na tumakbo ang anak ko sa akin.

"Mama... i don't want to go outside again." Hikbi nito at yumakap ng mahigpit sa mga paa ko. Binuhat ko ito at pinunasan ang pisngi nito.

"Shh.... tell me what happened baby." Napatingin ako kay papa na kakalabas lang din ng kwarto nya.

"Patulugin mo na muna." Utos ni papa na ikinatango ko. Pumasok ako sa kwarto at nahirapang ilagay ito sa kama dahil ayaw nitong kumalas ng yakap sa akin.

Nahirapan akong patulugin ito dahil iyak ito iyak at sobrang higpit ng hawak sa akin.

"Pa..." tawag ko rito ng makalabas ako ng kwarto.

"Nabalita sa tv yung nangyare ko kanina, saktong nandito yung kumpare ko kanina at pinaliwanag sa akin ang nangyayare kapag may sabugan na nagaganap." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Sabog!?"

"Sabi ng kumpare ko, matagal na daw nangyayare ang mga ganun, may sumasabog na bomba tapos may mga nawawalang bata." Napaawang ang mga labi ko at biglang nakaramdam ng takot.

"Mabuti na lang at may kasamang lalaki yung mga kaibigan mo at naitakbo ng mabilis si Aera palabas ng mall. Naibalita kaagad kanina sa tv yung nangyare. Punong puno ng usok yung mall kaya hindi na nakakapagtaka at mabilis nilang nakukuha yung mga bata." Napailing iling si papa. Pero nakikita kong hindi man lang ito naapektuhan sa nangyare.

Kinagabihan binalita sa tv na napigilan ng isang grupo ang dalawang van na punong puno ng bata sa loob.

"Sayang nakatakas yung isa, pero bukas alam kong maililigtas rin yung naiwan." Napakunot noo ako sa inaakto ni papa.

"Pa pinagalitan mo man lang ba sina Ash, dahil kung hindi nila kinuha si Aera hindi mararanasan ni Aera yun." Natahimik si papa at tumingin sa akin.

"Magpasalamat na lang tayo anak at naiuwi nila ng ligtas ang apo ko at wag mo silang sisihin dahil hindi naman nila alam na ngayong araw magpapasabog yung mga sindikato." Napabuntong hininga ako at napailing. Pumasok ako ng kwarto at tinabihan ang anak ko. Lunes na bukas hindu ko alam kung makakapasok ba ito.

Kinabukasan hindi nga nagkamali dahil ayaw nitong pumasok ng school. Iyak ito ng iyak. Kahit lumabas ng kwarto ayaw na nya. Pinigilan kong wag mapaiyak sa harap ng anak ko.

"Baby ganito na lang, hindi na si mama papasok sa trabaho at sasamahan kita doon sa school mo hanggang uwian." Umiling iling at tumakbo sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"I don't want to go out! It's loud outside mama! It's so loud!" Napakagat ako ng labi at pinigilang tumulo ang luha ko. Nilapitan ko ito at niyakap.

"I saw what they did mama" umiiyak nitong sabi.

"Anak." Napatingin ako kay na pumasok ng kwarto. Malungkot na ngumiti ito at nilapitan kami.

"Aera apo, sasamahan ka ni lolo sa school. Walang kukuha sayo doon kasi nandyan si lolo." Agad itong umiling at humigpit ang yakap sa akin.

Kahit na anong gawin namin. Ayaw talaga nitong pumasok kaya tinawagan ko ang teacher nito para iexcuse si Aera, agad naman nitong naintindihan at sinabing konti rin nga yung pumasok ngayon.

Tanghali na ng umalis si papa, ayaw pa nga sana nitong magtrabaho pero pinilit ko ito. Pero pumayag lang ito na umalis ng dumating sina Ashna hindi dahil sa pinilit ko ito.

Kahit na nagpaliwanag na sa akin ang dalawa hindi pa rin mawala ang galit ko sa mga ito.

"Sinong lalaki yung kasama nyu kahapon?" Seryoso kong tanong habang nakatingin ng matalim sa dalawa.

"Si Dyson." Mahinang sagot ni Veyra. Tiningnan ko si Ashna na ngayon ay nakaiwas na ng tingin.

"Why did you do it, Ash?" Napakagat ito ng labi at tumingin sa akin, kinakabahan.

"You know naman na ang sungit sungit ng pinsan kong yun. Ayaw nyang may nag aalaga sa kanya kasi mukha daw syang kaawa awa. Ayaw nya ng hinahawakan sya kaya hindi agad gumagaling eh. Naisipan kong papuntahin ka doon since patay na patay naman yun sayo." Paliwanag nito. Napairap ako sa hangin at napatingin sa anak ko na tahimik na naglalaro sa loob ng kwarto namin.

"Ano nang gagawin ko. Ayaw nang lumabas ni Aera."

"Im really sorry Zertyl, kung alam ko lang talaga hindi ko na dinala si Aera sa mall." Malungkot na sabi ni Ashna.

Kung tutuusin, wala naman talaga silang kasalanan, pinasyal lang nila ang anak ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang magalit sa hindi ko alam na dahilan. Kasi kung hindi nila dinala ang anak ko..... ah ewan!

Plano ko pa namang magsimba kanina at saka ko ipapasyal ang anak ko. Pupunta at pupunta pa rin kami ng mall dahil yun ang paboritong tambayan ni Aera. Should i say thank you kasi sila ang kasama ni Aera at hindi ako, kasama nila si Dyson. Pero mapapanatag pa rin ako kung kasama ako

"Alam ba ni Dyson?" Tanong ko

"P-parang?" Napakunot noo ako dahil hindi ito sigurado.

"What do you mean?" Napatingin si Veyra kay Ashna at nakita kong napakagat ito ng mga kuko nya.

"I think i slip something." Guilty nitong sabi.

"You think!?" Napatampal ako ng noo at stress na napasandal sa sofa.

"My god bestfriend ni Karic si Dyson paano kung sabihin nya kay Karic."

"Edi masaya, wala ka ng prob—" napatigil ito at tingnan ko ito ng masama.

"Sorry na huhu... pwede naman nating pakiusapan si Dyson. Veyra akitin mo na lang." Nanlaki ang mga mata ni Veyra at agad na hinampas si Ashna.

"Kadiri ka! Ipapagawa mo pa sa akin ang ginawa mo kay Gulf" napatakip ako ng bibig at di makapaniwalang tiningnan si Ashna.

"Gulf!? Yung nerd na kakompetensya ko noon?" Nakangising tumango si Ashna na para bang proud ito sa ginawa nya.

"Anong nangyare?" Curious kong tanong. Agad na napasimangot ito na ikanahalakhak naman ni Veyra.

"Hindi sya bet ni Gulf, hahahahaha......." sabi ni Veyra at malakas na tumawa.

"Well he is like you naman kasi. Mas priorities nya yung studies nya at ayaw nyang tumanggap ng flirtings kahit kanino. Hindi ko alam kung bakit ka napasagot ni Karic eh." Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Ashna.

Sinagot mo sya kasi curious ka lang! Sigaw ng isip ko

"Mga ganung tao, feeling ko magkakapamilya sila kapag 40 na sila, kasi masyado silang seryoso sa buhay ang daming gustong marating. Yun bang uunahin ang lahat na pangarap at ichachapwera yung lovelife, celebrity yarn?" Sabi ni Veyra.

"Tulad nong mga artista yung iba lagpas 40 na pero wala pang asawa't anak!"

"Di mo sure sis." Kontra ni Ashna.

"Totoo naman, yung iba na nalunod na sa passion nila hindi madaling makapasok sa lovelife dahil mas pipiliin nila yung priorities nila." Napakunot noo ako dahil parang nag iba na yung topic nito or may connect pa ba? Ewan..!

"By the way—" napatigil sa pagsasalita si Veyra ng tumunog ang phone nito.

"Why are you........"hindi ko na narinig ang karugtong dahil agad nitong hininaan ang boses ng makita yung buong text.

"Oh my god! We're doom." Napatakip ito ng bibig at tumingin kay Ashna.

"Tinatanong ni Dyson kung bakit daw nasa malapit tayo sa skwaters area. They might think na we're in dangers kaya pupunta sila dito." Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo.

"Oh god! Tawagan mo dali!" Nagpapanic na sabi ni Ashna.

"Bakit minomonitor ni Dyson location mo? That's too much you know." Sabi ko rito.

"Si Dyson lang naman diba?" Tanong ni Ashna. Napakibit balikat si Veyra at sinabing hindi nito alam.

"Hindi sinasagot girl."

"Umalis na kaya kayo at salubungin nyu na lang sila. Kayo na ang bahalang magdahilan." Sabi ko at hinila na ang mga ito palabas.

"Oh god! Bakit ang bilis nila." Nanlaki ang mga mata ko ng makita sa baba si Dyson, Alius at Karic." Agad na hinila ko sa loob ang dalawa at sinarado ang pintuan.

Pinaningkitan ko ng tingin ang dalawa. "Ano nang gagawin natin?" Stress kong tanong.

Kaugnay na kabanata

  • Unspoken Longing   CHAPTER 6

    "Sinasabi ko sayo bro, dito nakatira yung bata!" Nanlaki ang mata ko ng marinig yung boses ni Dyson sa labas ng pintuan. Umiling iling si Veyra at sinabing wag buksan ang pintuan.Napaigtad ako nang may malakas na kumatok sa pintuan.Hinila ko yung dalawa sa loob ng kwarto ko. Napatingin sa amin si Aera at hindi kami pinansin nagpatuloy lang ito sa paglalaro."Hintayin na lang natin na makaalis sila." Suggest ni Ashna na kinakabahan na rin."Sabihin na nating aalis sila, pero naisip nyu ba na baka bumalik balik sila dito para icheck kung kaninong anak si Aera." Inis kong sabi. Stress na umupo ako sa kama at tinignan ang dalawa."Babantayan ko si Alius, tapos babantayan ni Veyra si Dyson." Napataas ako ng kilay at hinihintay ang kadugtong nito pero wala na."How about Karic?" Tanong ko. Napasimangot si Ashna at umupo sa tabi ko."Hindi ko alam, eh ang sungit sungit nun." Nakasimangot na sabi nito."Busy naman si

    Huling Na-update : 2023-11-27
  • Unspoken Longing   CHAPTER 7

    Napaawang ang mga labi ko ng makita ang maliliit na sugat sa katawan ni Karic. Parang tumalon ito sa glass window dahil nakita kong may benda rin yung paa nya."Zertyl, you're here?" Gulat na sabi ni Ashna at niyakap ako."Sakto patapos na rin sila. Oh gosh kanina pa dapat ako aalis eh, kaya lang hindi naman nila gagamutin si Karic kapag wala ako, you know naman." Sabi nito habang inaayos ang laman ng bag ko. "Gosh... super late na talaga ako. I have to go na bye!" Sabi nito at dali daling lumabas ng pinto."Ash." Tawag ko rito."Yes?" Tinuro ko ang kamay nito."What happened to your hand?" Tanong ko."Ah... hahahaha i accidentally punch my mirror out of anger." Sabi nito at pilit na ngumiti at saka nagpaalam na umalis.Accidentally? Sa lahat ng susuntukin nito salamin pa talaga?Napatingin ako sa mga nurse na nagmamadaling ligpitin ang mga gamit nito. Nginitian ko ang mga ito at saka umupo sa tabi ng kama

    Huling Na-update : 2023-11-28
  • Unspoken Longing   CHAPTER 8

    I am so nervous habang papunta sa condo ni Karic. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may sumusunod sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa building pero parang gusto kong bumalik ng bahay ng makita ang nakakainis na pilyong ngiti ni Karic ng makapasok ako ng condo nya."Ang bilis gumaling ah!" Sabi ko ng makitang wala ng benda yung paa nya."Nakakalakad kana pala, babalik na ako." Biro ko at aalis na sana ng mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ito sa akin at pinigilan ako."Morning." Malanding sabi nito at matagal na hinalikan ako sa pisngi."Karic! Kapag ginawa mo pa ulit iyon. I swear hinding hindi na ako babalik dito." Inis kong sabi at tinalikuran ito. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sariling ngumiti."Hubad!" Galit kong sabi at hinanda ang first aid kit nito."Damn! Why it's sound so hot babe?" Tiningnan ko ito ng masama kaya agad itong naghubad ng t-shirt."Should i undress

    Huling Na-update : 2023-11-28
  • Unspoken Longing   CHAPTER 9

    "Good morning. Happy birthday baby!" Bati ko rito ng magising ito. Agad na ngumiti ito at niyakap ako."Happy birthday!" Sigaw ni Veyra at Ashna na hindi pa sumisikat yung araw nandito na sa bahay."Tita!" Tumayo ito at tumakbo sa mga tita nya. Ang dalawang to hindi papayag na simple lang yung birthday ni Aera. Naghire ang mga ito ng party organizer. Binayaran pa ng mga ito ang principal para walang klase yung buong kinder at preparatory.Gusto sana nila na sa hotel na lang ni Ashna kaya lang gusto ni Aera sa paaralan."Look baby! This will be your outfit today!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang limang gown sa sala na nakasuot sa manequin.Tuwang tuwa naman ang anak ko at tumakbo ito doon."Hiyang hiya ang ambag ko anak." Napatingin ako kay papa ng bumulong ito sa akin."Ilan ba binigay mo pa?" Tanong ko"Wala na anak, sayang naman kung ibibigay ko pa. Ise-savings ko na lang to. Mayayaman naman yang mga kaibigan

    Huling Na-update : 2023-11-28
  • Unspoken Longing   CHAPYER 10

    Ilang araw na ang lumipas ng hindi ko nakikita si Karic, pero dumadalaw naman ito kay Aera kapag wala ako. Alam kong busy ang mga ito na irescue si Veyra dahil nalaman nilang dinala ng mga  sindikato si Veyra sa isla."Anak." Oh shit! Nahiwa ko ang kamay ko sa gulat ng tawagin ako ni papa."Mama...!" Agad na tinakpan ni Aera ng Tissue yung kamay kong dumudugo."Wala ka na naman sa sarili mo. Anong problema anak?" Kinuha nito ang kutsilyo at mansanas sa kamay ko at tinignan ako ng seryoso."Dahil ba to sa ama ng apo ko?" Agad na napailing ako at saka pumasok ng banyo para linisan ang sugat ko.Dumating ang araw na pwede ng umuwi si papa dahil hindi naman masyadong nadamage ang mga paa nito. Nagpapasalamat ako na walang masyadong naapektuhan sa pagsabog. Ilang ulit akong humingi ng tawad sa mga nanay ng bata dahil sa nangyare."Iha may kaarawan man o wala. Pupuntahan pa rin nila ang eskwelahan dahil doon maraming bata. Gawain na ni

    Huling Na-update : 2023-11-28
  • Unspoken Longing   CHAPTER 11

    "You turn down the proposal!?" Gulat na sabi ni Ashna. Nandito kami ngayon sa hospital binibisita si Veyra pagkatapos nitong mailigtas mula sa isla."Don't you think it's too fast? Magiging magulo lang yung relasyon namin kapag nagpakasal kami kaagad. Ni wala nga kaming relasyon tapos magpapakasal na kaagad?""Wala kayong relasyon pero nagsasama na kayo no, tapos magkatabi pa sa kama. If i know baka sinasakyan ka pa tuwing gabi!" Nanlaki ang mata ko at agad na hinampas ito."Sorry to say this pero hindi mangyayare yun." Inis kong sabi."Sureeeee! Naalala ko sabi mo hindi ka rin matutulog sa master's bedroom eh." Natigilan ako at napaiwas ng tingin."Pero don't worry agree naman ako sayo na wag munang magpakasal kasi kakabalikan nyu pa lan- ouch! Hey you bitch." Hinampas ako nito pabalik at pinagtaasan ng kilay."Sige kunwari na lang......." Napahilamos ako ng mukha at napairap sa hangin at saka nagbibingihan sa sinasabi nito.

    Huling Na-update : 2023-11-30
  • Unspoken Longing   CHAPTER 12

    "Anak, saan ka galing?" Napatingin ako kay papa ng pumasok ito ng sala habang bitbit ang aso ni Aera. Ginabi na ako ng uwi dahil pinuntahan ko po yung school kung saan ko ieenroll ng taekwondo class si Aera. Mabuti na lang at may night class yung mga teenager at kahit gabi na nakaabot pa ako dahil bukas pa sila."Bakit nasayo yan pa? Nasaan si Aera?" Tanong ko."Ako yung unang nagtanong diba? Bakit di mo kaya sagutin muna yung tanong ko bago ka magtanong." Napangiwi ako dahil mukhang bad mood si papa."Anyare pa, bakit parang bad mood ka?" "Oh kita mo na. Nagtanong pa nga ulit." Napakunot ako ng noo. Napakaseryoso ng mukha nito."Pa, what's wrong? May nangyare ba?" Nagaalala kong tanong. Napatingin ito sa akin at walang sinabi pero maya maya natawa ito."Ang hirap palang gayahin yung hilaw kong manugang." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nito. Napailing iling ito."What's going on, Pa?""Wala anak, sinunod ko lang

    Huling Na-update : 2023-11-30
  • Unspoken Longing   CHAPTER 13

    "I promise this will be the last one." Sabi nito at niyakap ako."Yeah right. I still can remember na yan rin ang sinabi mo ng bumili ka ng hamster and then guinea pigs. Alam ko namang gusto mo lang bumawi kay Aera sa mga taong wala ka sa tabi nya. But, this is already too much Karic." Hindi ito sumagot at humigpit lang ang yakap nito sa akin. Inis na kinalas ko ito at tinulak ng mahina.Hindi ko kinausap ang dalawa hanggang gabi. Natulog ako sa kabilang guestroom pero nagising ako ng nasa kwarto na ako ni Karic."Mama don't be mad na please..... I promise, promise ,promise super promise na last na talaga po yung cat." Nagmamakaawang sabi nito. Hindi naman talaga ako galit pero gusto ko ng matigil ang kabaliwan nilang mag ama kaya ako nag-galit galitan.Panay ang bili ng mga hayop hindi naman nila inaalagaan. Palagi naman itong nakaharap sa Ipad nito pagkatapos ng klase samantalang yung isa busy sa trabaho. Binibigyan lang nila ng panibagong gawai

    Huling Na-update : 2023-12-01

Pinakabagong kabanata

  • Unspoken Longing   FINAL CHAPTER

    "Congratulations!" Sigaw naming lahat ng makapasok si Ruan sa bahay galing sa graduation nya."Luh gagi kaya pala di ka sumama ate akala ko di ka masaya at proud sa akin eh!" Pagda-drama nito habang nanunubig ang mata. Natawa ako at nilapitan ito.Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi nandiri pa ito at pabirong pinunasan ang pisngi kaya kinurot ko ito."Congrats tito Ruan! Kina and I have a gift for you!" Excited na sabi ni Aera at hinila si Ruan."Mamaya na anak let's celebrate muna." Pigil ko rito. Nakangiting binati ng lahat si Ruan. May pa party hat pa si Alius at sinuotan ng isa si Ruan na ikinasimangot nito."Magco-college ka na wag munang asawa huh!" Sigaw ni Zeryna habang kumakain ng lumpia."Girlfriend ate.""Wag kang mag alala Zeryna wala namang papatol dyan!" Biro ni Alius."Aba magkamukhang magkamukha kami ni Ate ibig sabihin pangit si Ate ganun!?" Napailing na lang ako at inasikaso ang ibang bisita.

  • Unspoken Longing   CHAPTER 40

    "Kumatok ka na." Sinamaan ko ng tingin si Ashna dahil kanina pa ito."Baka kasi tulog pa, ang aga aga pa kasi." Napairap si Ashna at parang gusto na akong sabunotan.Hindi pa ako nagigising kanina nandoon na sila sa bahay. Mas excited pa silang makilala ang pamilya ko kesa sa akin eh."Anak ng! Tatayo lang ba tayo dito? Ako na ang kakatok." Agad akong kinabahan at pinigilan si Dyson."Bakit ba—" Pareho kaming napatigil ng makarinig ng katok."Tao po!" Sigaw ni Aera habang kumakatok. Nagkatinginan silang lahat at napangisi na tumingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala na rin naman akong magagawa."Tao po Tao po! NAMAMASKO PO!" "Tapos na ang pasko maldita baka pagkamalan ka nilang baliw naku ikakaila talaga naming di ka kilala.""ILABAS NYU NA ANG IYONG TAMB—" Lahat kami natahimik ng bumukas iyong pintuan at bunungad sa amin ang lalaking kumukusot pa ng mata."Sisingil ba kayo ng utang? Wal

  • Unspoken Longing   CHAPTER 39

    Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat kung maramdaman sa oras na to. Gusto ko syang paalisin pero masaya akong nandito sya parang anytime ay gagaling ako kapag manatili pa sya dito.Hindi ito umiimik habang inaalagaan ako. Nakatulog ulit ako at hapon na ng magising."Tumahimik nga kayo ako na! Ako ang kakausap sa kanya!" Napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Ashna sa labas ng kwarto."Bakit ikaw? Pabida ka na naman." May narinig akong bagay na natumba at ilang beses na mura."Ang tagal ni Karic eh! Ilang araw na syang walang tulog sa kakahanap kay Zertyl tapos ngayon nakita na nya ayaw naman makipag usap!" Ramdam ko na ang inis ni Ashna ngayon."Hindi ba pwedeng magtampo yung tao? Kasi hindi nya nagawa iyon ng ilang araw, yang si Zertyl naman kasi konting impormasyon lang ang marinig aalis agad! Bigla na lang mawawala naku kapag nagising talaga yan makakatikim s

  • Unspoken Longing   CHAPTER 38

    Hindi ko alam kung anong nangyare at bigla na lang nawalan ng tao sa bahay. Nablanko na rin ang isip ko at nakalimutan ko ng hanapin si Karic. Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto at hinihintay na bumalik si Karic. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko.Napabuntong hininga ako ng unknown number na naman iyon.Uh oh! Naningkit ang mata ko dahil yun alng text nito pero tumunog ulit ito at nakitang picture ang sinend nito kaya binuksan ko iyon. Agad kong nabitawan ang phone ko ng makita yung picture.Nanginig ang kamay ko at unti unting tumula ang luha ko. It's a picture of Karic kissing someone at mukhang nasa bar ito dahil sa background.Napahilamos ako ng mukha at sinabunotan ang sarili ko."Fuck you! Akala ko ba mahal mo ako!?" Sigaw ko at tinapon ng malakas yung phone ko.No stop it Zertyl kumalma ka. Hindi sya nagtagumpay sa mga edits nya tungkol sa akin kaya si Karic naman ang ginagawan nya ngayon. "That's

  • Unspoken Longing   CHAPTER 37

    "Good morning Happy birthday babe.""HAPPY BIRTHDAY DADDY!" Umakyat si Aera sa kama at pumatong sa itaas ni Karic. Ngumiti ito kahit na hindi pa ito nagmumulat ng mata."Daddy wake up, open your eyes na get up get up blow the candle!" Excited na sabi ni Aera at pinipilit na minumulat ng kamay nya ang talukap ng mata ni Karic."Aera stop that, umalis ka dyan para makabangon si Daddy." Napanguso ito at umalis sa ibabaw ni Karic."Happy birthday Babe." Nakangiting bati ko rito ng makabangon na ito. Ngumiti ito at hinipan ang kandila na nasa ibabaw ng cake na dala dala ko."Yucks! Hindi ka pa nagwa-wash ng mouth mo Daddy!" Natawa ako at nilapag ang cake sa bedside table."Really? Do i have a bad breath?""Noooo....! Stop it!" Maarteng sigaw ng anak ko ng paulanan ito ng halik ni Karic sa pisngi. Napahagikgik ito ng kilitiin ito ni Karic.Lumabas na kaming tatlo sa kwarto at agad ko nakita sina Ashna na tumutulong sa pagd

  • Unspoken Longing   CHAPTER 36

    Ilang araw ng di maganda ang relasyon namin ni Karic. Hindi kami makakapag usap ng maayos dahil ang bilis kong mainis, kapag galit sya mas magagalit ako at di ko sya papansinin."Anak." Isa pa tong si Papa palaging wala at simpleng tanong di ako masagot. Hindi ko ito pinansin at naglakad paalis.Napatigil ako ng makita si Karic na may kausap sa garden na babae at isang matandang lalaki. Ang laki pa ng ngiti ng gago."Sino yan?" Masungit kong tanong ng makalapit ako."Mr. De Fuza this is my wife, Zertyl." Sabi nito sa matandang lalaki."Im not his wife." Sabat ko agad na ikinangisi ng babae."Yeah i can see that, no ring." Nanunuyang sabi nito. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Karic."And who are you? Another whore who wants to flirt with my boyfriend?" Napatikhim yung matandang lalaki at alanganing ngumiti."Zertyl." Malamig na banta ni Karic"Excuse me Ms. Zertyl but this is my daughter Ariaha, Sh

  • Unspoken Longing   CHAPTER 35

    Nagising ako na mukha agad ni Karic ang bumungad sa akin. Nakaangat ang katawan nito habang nakatukod ang siko sa unan nito. Titig na titig ito sa akin at ayaw pakawalan sa paningin nya."What?" Paos kong sabi. Ngumiti ito at inayos ang buhok ko papunta sa gilid at saka ako hinalikan sa noo, sa tungki ng ilong ko at sa labi ko."Hindi pa ako nakakapagtoothbrush." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang ito at humiga sa dibdib ko."Your boobs are much more bigger than hers." Napakunot noo ako sa sinabi nito kaya tinulak ko ito ng mahina pero niyakap ako nito ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg ko."She's texting you right?""Who?" Tanong ko. Gusto ko na sanang bumangon pero ayaw namn nitong umalis sa ibabaw ko."That girl." Nag angat ito ng tingin at nakipagtitigan sa akin. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin kaya napatakip ako ng bibig.Tinulak ko ito ng malakas at tumakbo sa banyo. Narinig ko pang tumawa ito at s

  • Unspoken Longing   CHAPTER 34

    I remember when we broke up, the first time Saying, "this is it, I've had enough" 'Cause like, we hadn't seen each other in a month When you said you needed space "WHAT!?" Napatingin ako kay Aera ng sumigaw ito sa harap ng salamin habang sumasayaw."Why are you asking about Alius?" Tanong ni Karic at tinignan ako ng masama. Pinagtaasan ko ito ng kilay at marahas na binato ko sa kanya ang t-shirt."Wala akong sinabing ganun. Ang sabi ko kung pwede ko bang makausap si Alius?" Sabi ko.Then you come around again and say "Baby, I miss you and I swear I'm gonna change, trust me" Remember how that lasted for a day? I say, "I HATE YOU, WE BREAK UP YOU CALL ME I LOVE YOU! OOH OOH OOH""Why?""May itatanong lang ako okay? Gago kasi yang kaibigan mo." Inis kong sabi. Napakunot noo ito at umupo sa tabi ko."Did he do something—""Wala! Kakausapin ko lang sya kasi may itatanong ako."We are never ever, e

  • Unspoken Longing   CHAPTER 33

    Kinabukasan late na akong nagising dahil nga nagising ako ng madaling araw. Pagdilat ko ng mata wala na ang mag ama sa loob ng kwarto. Nagtoothbrush ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Tinatali ko pa ang buhok ko  habang bumababa ng makita ko si Aera sa labas na nakikipaghabulan sa aso nito."Babe!?" Sigaw ko. Naningkit ang mata ko at agad na lumabas ng bahay."Aera stop that." Seryosong sabi ko. Napatigil naman ito at kinakabahang tumingin sa akin. 10 na ng umaga at dapat nasa klase sya ngayon pero mukhang pina-absent mo na sya ni Karic."Where's your dad?" Tanong ko."Im here why?" Tanong ni Karic na papalapit sa amin. Agad na hinampas ko ito ng malakas ng makalapit na sya."What?" Naguguluhang sabi nito."Gago ka ba? Alam mo namang nilagnat yan kagabi. Sabihin na nating okay na sya ngayon umaga pero hindi mo dapat pinalaro at pinatakbo at baka mabinat. I swear kapag bumalik ang lagnat nya mamaya lagot ka talaga sa akin."

DMCA.com Protection Status