Napangiti ako ng makita ang nakasimangot na mukha ng anak ko habang papalapit ako sa bahay.
"Bakit ngayon ka lang?" Malditang tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay kaya natawa ako."Ang strict naman!" Reklamo ko at kinurot ang pisngi nito. "Nagovertime ng konti si mama kasi kulang ng tao yung restaurant." Paliwanag ko at binuhat ito."Hmp! Did you buy me food!?" Malakas nitong sabi at mahigpit na yumakap sa leeg ko."Mamaya anak, hintayin muna natin si lolo okay?" Tumango ito at nagpababa. Pagod na umupo ako sa maliit naming sofa at pinanood na tumakbo si Thaeryxia papuntang kwarto namin. Pumikit ako ng konti para magpahinga, maya maya pa'y naramdaman ko ng umaakyat sa kandungan ko si Aera."Mama look!" Napadilat ako at tiningnan ang papel na hawak nito."Pwede na po kong magschool?" Tanong nito. Napangiti ako dahil marunong na itong magsulat ng pangalan nito."Tambay po ako kay teacher Arina kaya tinuturuan nya akong magwrite ng name ko." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Masyado na ba akong busy sa trabaho na yung obligasyon ko bilang ina hindi ko na nagagawa."Lolo!" Nabaling ang atensyon ko ng biglang sumigaw si Aera at tumakbo kay papa na kakarating lang."Aba, ang bigat bigat na ng Aera ko ah!" Napangiti ako at lumapit para kunin ang mga dala ni papa.Napakunot noo ako ng makita na dala na nito ang lahat nitong gamit sa trabaho."Pa, ano na naman to? Sisante na naman po kayo?" Napatingin ito sa akin at binaba muna si Aera bago kinuha sa akin ang mga gamit nito."May magandang offer yung kumpare ko sa manila." Napasapo ako ng noo at mabigat na pabagsak na umupo sa sofa."Ayan na naman po kayo pa, kapag hindi nyu na nagustuhan yung trabaho aalis kayo tapos lilipat na naman tayo." Reklamo ko."Hindi anak, maganda yung offer at saka malaki yung sweldo. Malapit ng mag aral yung apo ko kaya kailangan natin ng malaking pera, masyadong maliit yung sweldo dito sa probinsya." Paliwanag nito."Paano kung kayo na lang pumunta ng manila pa, tapos magpapadala na lang po kayo dito." Suggest ko na ikinakunot ng noo nito."Iiwan ko kayo dito!? Aba'y di pwede Zertyl pareho kayong babae dito. Hindi ako mapanatag na iwan kayo, masyadong malayo ang manila hindi ako basta bastang makallipad agad kapag may nangyaring masama sa inyo." Natawa ako ng mahina dahil nanlalaki ang mga nito habang nagsasalita.Napatingin ako sa gilid ng biglang may tumikhim. Napangiti ako ng makita ang anak ko na nakapamewang habang nakatingin sa amin ni papa."Pakainin nyu po muna ako bago po kayo mag away dyan, hmp!" Sabi nito at tumalikod saka dumiretso ng kusina. Nagkatingin kami ni papa at natawa.Pagkatapos ng dalawang linggo naiayos na rin lahat ni papa ang pag alis namin. Nag barko na lang kami para makatipid si papa, kaya lang hirap na hirap naman ako dahil sa kaartehan ng anak ko."Anak malapit na tayo sa manila, bibilhan kita agad ng masarap na ice cream wag ka lang malikot okay?" Pakiusap ko dito dahil napakakulit nito. Nakasimangot na ito at malapit ng dumikit ang mga kilay nito. Iniirapan nito lahat ng tumitingin sa amin."I wanna go home now!" Nagpapadyak na ito at tumalon talon sa inis. Nagpapaumanhin na tumingin ako sa mga tao na nasa paligid namin."Baby come here." Binuhat ko ito at inayos ang buhok. Malapit ng dumaong yung barko kaya bumalik na ako sa pwesto ni papa. "Ako ng bahala sa lahat ng gamit anak." Sabi ni papa na ikinatango ko. Yumakap sa leeg ko si Aera at binaon ang mukha nito. Hindi pa ito nakakain at natutulog kaya ang sungit sungit.Nakatulog na si Aera habang bumabyahe kami sa apartment na titirahan namin. Pero gumising rin ng makarating na kami. Inorderan ko ito ng pasta at ice cream para tumahimik na, akala ko matutulog na ito pagkatapos kumain pero nakikulit pa ito at tumakbo ng tumakbo sa loob ng apartment."Anak nagtatrabaho na waitres yung anak ng kumpare ko sa malaking restaurant kaya lang masyadong malayo, tatlong sakayan pa mula dito, malaki laki rin yung sweldo." Sabi ni papa habang kumakain kami ng hapunan."Kaya ko pong bumyahe pa kahit malayo pero hindi muna ako magtatrabaho hangga't di ko pa naeenroll si Aera. Kapag nagtrabaho agad ako, maiiwan dito si Aera ng mag isa mas mabuti ng nandun sya sa paaralan habang nagtatrabaho ako." Napatango si papa at napatingin sa anak na nakatulog na sa sala dahil sa pagod.Kinabukasan maagang umalis si papa dahil nagsimula na itong magtrabaho, nag iwan ito ng pera para ipang grocery namin ni Aera."Anak wag malikot okay? Masyadong malaking supermarket yung pupuntahan natin. Marami rin ang tao dun kapag nawala ka, bahala ka sa buhay mo." Babala ko dito na ikinanguso lang nito."So many jeep mama, di ba sila magbabanggaan?" Natawa ako at inalalayan itong tumawid. Kapit na kapit ito sa akin, takot na masagasaan dahil sa dami ng sasakyan.Nang makapasok kami ng supermarket ay halos humaba ang leeg nito sa kakatingin sa paligid."Wow mama toys!" Excited nitong sabi at napatalon, halos hilahin ako nito papunta doon."No no no baby, oh my god!" Stress kong sabi at hinila ito sa tabi."Baby we don't have money para magbuy ng toys." Kausap ko dito, napaiwas ito ng tingin at ngumuso, napakagat ako ng labi ng makitang naiiyak ito."I never had a toy." Mahinang sabi nito. Natigilan ako at di nakasagot. Napabuntong hininga ako ng makita yung pera, saktong sakto lang talaga iyon para sa groceries kapag bumili pa kami ng laruan wala na kaming pamasahe pauwi."Ganito na lang anak, kapag nagkatrabaho na si mama bibilhan kita ng maraming toys, kaya hintay lang muna anak, okay?" Mahinang pakiusap ko dito. Malungkot na tumango ito.Ng makaalis kami roon hindi na ulit umimik si Aera. Tahimik lang itong sumusunod sa akin habang bumibili kami. Binilisan ko na lang para makauwi na kami kaagad."Zertyl!?" Napalingon ako ng marinig ko yung pangalan ko."Oh my god bitch! It's really you oh my god, I miss you!" Hindi agad ako nakareact ng bigla akong yakapin ni Ashna. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang wala doon si Aera."A-ashna.""Hey! You just disappeard 5 years ago. What happened?" Napakunot noo ako sa sinabi nito. Nagpapanggap ba itong inosente? I can still remember what you did Ashna. Damn! Bakit di man lang pumasok sa isip ko na magcro-cross ulit ang mga landas namin dito."Ahm.... Ashna, I'm really busy right now. Nice to see you again, I have to go now, bye." Hindi ko na hinintay na sumagot ito at umalis na agad ako.Shit! Aera where are you!? Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito na nakaupo sa bench na may hawak na teddy bear."Thaeryxia Kane Gomez." Galit kong sabi ng makalapit ako dito. Napatingin ito sa akin at agad na ngumiti."Mama look! May isang guy na naglaro doon!" May tinuro ito sa malayo at pinakita sa akin ang teddy bear. "He don't like his prize so he gave it to me! Isn't it cute mama?" Napatitig ako sa anak ko at nakita yung kislap sa mga mata nya habang nakatinginsa teddy bear. Napabuntong hininga ako at binuhat na ito para makauwi na kami."He told me that he own this building. Is it true mama?""I don't know anak, pero sa susunod wag kang makipag usap sa hindi mo kilala, okay?" Sabi ko."But he is so kind kaya!" Sabat pa nito."Aera please don't forget na may kasalanan ka pa kay mama, you want me to get mad at you?" Ngumuso ito umiling iling saka niyakap ang teddy bear nito."I'm hungry na, can we buy a food?" Pag iiba nito ng usapan na ikinangiti ko."Sa bahay na anak, magluluto si mama." Sabi ko pero hindi ito sumagot kaya napatingin ako dito at nakitang may kinakawayan ito sa malayo. Napalingon ako at tiningnan ang kinakawayan nito."Sino yun baby?" Tanong ko."The stranger mama but he's gone na pagkatapos syang sapukin ng kasama nya.""W-what...." natawa ito ng mahina at yumakap sa leeg ko.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong umalis si Aera sa tabi ko at hindi sya nakita ni Ashna o sisihin yung sarili ko dahil hindi ko namalayan na wala na yung anak ko sa tabi ko.HINDI naging mahirap sa akin ang paglipat namin dito sa manila since ilang years rin akong tumira dito noon. Si Aera nahirapang mag adjust dahil lumaki ito sa probinsya, kaya natatakot akong iwanan ito ngayon sa paaralan kaya sasamahan ko muna sya at first day naman nya."Anak, will you be okay kung di na sasama si mama bukas sayo dito?" Napatingin ito sa akin."I will be alone here tomorrow!?" Sabi nito sa mataas na boses."Ihahatid ka ni mama, tapos mag wowork si mama and then susunduin ka ni lolo pagkatapos ng school mo since sobrang gabi na yung out ni mama sa trabaho." Paliwanag ko dito. Napalabi ito at tumingin sa mga kaklase nito."But, I don't know them. I don't have friends here, baka iiyak ako." Natawa ako at kinurot ang pisngi nito."You won't anak, sila rin naman wala pang friends kasi first day pa lang.""So, i need to say hi to make friends?" Inosenteng tanong nito. Ngumiti ako at tumango.Natapos yung araw na wala akong problema kay Aera dahil masyado itong bibo at makulit. Ang sabi ni Mrs. Aram masyadong matalino daw si Aera para sa edad nya."Lolo look! I got all the perfect score!" Tuwang tuwa na pinakita nito kay papa ang mga gawa nila kanina. 100 yung score nya dahil nagandahan ang teacher nito sa gawa nya."Wow so brilliant! Sino nagdraw nito? Malakas na nag- Me! si Aera na ikinatingin ni papa sa akin."W-wow..." di makapaniwalang sabi ni papa at tumingin ulit sa akin. Ganun ba ako kabusy at seryoso sa trabaho na ngayon ko lang nalaman na magaling sa arts ang anak ko."Engineer ba yung tatay ng apo ko?" Pagbibiro ni papa. Para akong nanlamig at di nakagalaw sa pwesto ko. Kahit kailan hindi binanggit ni papa yung tungkol sa tatay ng anak ko. Hindi ito nagtanong kailanman."P-pa....""Technician ako, pagluluto yung kurso mo noon. Wala sa lahi natin ang magaling magdrawing. Ang alam ko lang yung stick stick na tao eh." Pagbibiro ulit nito. Hindi ako nakaimik at napatitig lamang ako kay papa."Biro lang anak, matulog kana may trabaho ka pa bukas." Sabi nito at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Nanghihinang napaupo ako sa kama at napatingin sa anak ko na kanina pa natutulog. Hindi ko alam pero never rin syang nagtanong tungkol sa papa nya.Hindi ako nakatulog kaya medyo hagard ako ng makarating sa trabaho."Hi Im Alina ako yung ga-guide sayo ngayon." Napanatag ako ng mabait si Alina at hindi masyadong strikto."Basta yung tatandaan mo talaga yung mga plates at baso, mamahalin silang lahat kulang na kulang yung sweldo natin sa isang baso lang. Wag mong alalahanin yung mga masungit na customer hindi sila tinotolerate ng may ari dito. Kapag may problema tawagin mo lang agad ako, okay?" Napatango ako. Hindi naman na problema sa akin ang trabahong to. Ang pagkakaiba lang restaurant to ng mayayaman. Hindi ko ata afford kahit isang tinapay man lang.So far wala namang naging problema sa unang araw ko, pwera na lang sa mga lalaking hinihingi ang number ko. Pinagtitinginan ako ng kasama ko at pinag uusapan pero dedma lang ako.8 na nang gabi ng matapos yung shift ko. Dumaan pa ako sa dunkin donut para bilhan anak ko. Pagkain palagi ang hanap nun kapag umuuwi ako."Mama!" Kumislap ang mga mata nito ng makita ang dala ko. Agad itong tumakbo sa akin at niyakap ako bago kunin ang pagkain sa kamay ko."Where's your lolo?" Tanong ko dito na di rin ako pinansim dahil busy ito sa donut nya. Kumatok ako sa kwarto ni papa."Aera wag makulit may ginagawa si lolo." Rinig kong sabi nito mula sa loob. Binuksan ko yung pintuan na kinalingon ni papa."Oh anak ikaw pala, kamusta trabaho?" Tanong nito at bumalik ulit sa pagtatrabaho. Lumapit ako rito at nakitang may inaayos itong laptop."Saan galing yan, pa?" Tanong ko"Ah bumili ng bagong laptop yung amo namin. Hiningi ko ito kasi itatapon na rin naman nya. Hay naku mga mayayaman nga naman, hindi pa naman masyadong sira to konting ayos lang magagamit na ulit." Napatango ako at nagpaalam ng umalis para hindi ito maistorbo sa ginagawa nito."Anak kumain ba kayo ng hapunan ni papa?" Tanong ko at umupo sa tabi nito. Tumango ito habang nanonood ng tv habang kumakain. Inayos ko yung buhok ito at tinalian."How's school anak?" Tanong ko ulit."Boring...." nakairap nitong sabi at sumimangot. Napakunot noo ako at pinaharap ito sa akin."Nagcolor lang po kami eh and then we sing some idiotic songs." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at mahinang tinampal ang bibig nito."Baby where did you learn that word?" Strikto kong tanong."Is it a bad word? I just heard lang naman po sa DADDY ng classmate ko. He said na mukha po kaming idiots while singing and dancing and i agree! I saw my classmates dancing like this, like a monkey. It looks ugly!" Maarteng sabi nito. Napatampal ako ng noo dahil di ko alam kung saan nagmana ito."Anak its a bad word don't say it again okay?" Tumango ito at bumalik na ulit sa panonood ng tv.10 na ng makatulog si Aera kaya hirap gisingin nito kinabukasan. Late na ito ng makapasok ng school at sobrang late na rin ako sa trabaho."Shocks sana di ako mapagalitan." Kinakabahan kong sambit habang papalapit sa restaurant. Papasok pa lang ako sa loob ng marinig ang sigawan sa loob. Binati ako ng guard ng pumasok ako.Napatigil ako sa paglalakad ng saktong pagsampal ng lalaki sa babae. Wait.... HIRA?Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mata ko. A-anong.......Nanginginig nitong hinawakan ang pisngi nito at napaiyak."Oh my god." Bulong ko ng makita yung mukha ng lalaki."Rius...."sambit ko sa pangalan nito. Damn! Boyfriend sya noon ni Ashna or sila pa rin ba ngayon? Sabay na napatingin ang mga ito sa akin."Z-zertyl?"Hindi ako nakapag focus sa trabaho ko buong araw. Pagkatapos ng nangyari, tumakbo si Hira sa labas na sinundan naman ni Rius. I saw a ring on their fingers, my god what the hell is going on?"Hoy!" Napapitlag ako sa gulat ng sigawan ako ni Sany na anak ng kumpare ni papa. "Kanina ka pa tulala dyan, ang dami mong pagkakamali kanina sa order. Kilala mo ba yung mag asawa na yun, binanggit nila pangalan mo eh." Nanlaki ang mga mata ko at napatayo."Mag asawa?""Oo, Kapatid ni sir Alius si sir Rius kaya kilala namin sila." Sabi nito at sinenyasan akong lumapit."Palaging may babaeng dala yang si Sir Rius dito, palagi rin syang sinusundan ni Mam Hira dito kaya palaging huli si Sir, pero yang si Sir naku! todo deny, kesyo business partners lang daw pero ang sweet sweet nya sa mga babae nya." Kwento ni Sany sa akin.Mag asawa? Alam kong crush noon ni Hira si Rius pero.... oh my god! Don't overthink Zertyl hindi mo alam ang nangyare. Hindi mo alam. Inagaw ba nya si Rius?
"Mama you're spacing out again!" Reklamo ni Aera habang nagdra-drawing ito ng kung anu ano. "I kept asking and asking! But you're not responding. Am i talking to the air?" Malditang sabi nito."You should help me with the colors. That's what you promise....." walang tigil ito sa kakasermon habang nagdra-drawing. Napangiti ako at niyakap ito."May iniisip lang si mama baby, sorry. Here let me help you." Kinuha ko yung mga colors nito at nilabas lahat para makapili sya ng gusto nya.Napatigil ako sa ginagawa ko at napatitig sa anak ko."Break up!? Are you kidding me? Ni hindi nga naging tayo bakit natin kailangan magbreak up?" His brow furrowed while looking at me."Hindi naging tayo?" He ask with his deep baritone voice. Umigting ang panga nito. "I court you and you fucking answered yes! We celebrate our first month ""Don't you dare raise your voice at me. You court me because there was a bet!" Mas lalong kumunot ang noo nito."Do you think i won't know?
"Mama....." Napatingin ako kay Aera na hinawakan ang pisngi ko at pinaharap sa kanya. "Its weekend hindi po ba tayo pupunta ng mall?" Nakangiting sabi nito at nagpacute pa talaga sa akin."Mama we need to go out, kasi palagi ka na lang pong tulala. Stress ka po sa trabaho? You need to unwind mama! Let's go!" Hinatak ako nito sa loob ng kwarto at binuksan ang cabinet namin.Wala akong nagawa at nagbihis na lang dahil excited itong lumabas."Oh saan punta nyu?" Tanong ni Papa na may inaayos na cellphone. "We're going to mall lolo. Do you want to go with us?" Agad na umiling si papa at pumasok ito ng kwarto."Zertyl anak!" Tawag ni papa mula sa kwarto, nang makapasok ako sa kwarto nito may inabot itong pera sa akin."Pa wag na, magtitingin lang naman kami doon at mamasyal. May pera naman po ako kung sakaling gutomin si Aera." Umiling iling si papa at pilit na pinahawak sa akin ang pera. "Bilhan mo ng kahit isang laruan lang si Aera anak, matagal na nyang gusto
Napakunot noo ako ng makitang namumutla si Karic, agad na lumapit ako dito at hinawakan ang noo nito.Nilalagnat pa rin ito?"Karic....." tinampal ko ng mahina ang pisngi nito. Agad itong nagmulat ng mata at napakunot ng noo."B-babe...." paos nitong sambit at pilit na bumango kaya pinigilan ko ito."W-what are you doing here. I m-mean...." tumayo ako at kumuha ng tubig sa labas para makainom ito."Here." Inalalayan ko itong makaupo para makainom ito ng tubig."Your cousin is crazy.""Sinama nya paalis si Aer— i mean sinabihan nya akong pumunta sa condo nya at ito ang binigay nyang adress yun pala condo mo." Paliwanag ko rito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakatitig lang ito sa akin."W-why are you sick again?" Tanong ko nang di tumitingin dito. Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hinaplos iyon. Agad ko iyong inalis sa gulat. Nakita ko ang sakit sa mata nito ng bawiin ko ang kamay ko."K-karic, i-ill
"Sinasabi ko sayo bro, dito nakatira yung bata!" Nanlaki ang mata ko ng marinig yung boses ni Dyson sa labas ng pintuan. Umiling iling si Veyra at sinabing wag buksan ang pintuan.Napaigtad ako nang may malakas na kumatok sa pintuan.Hinila ko yung dalawa sa loob ng kwarto ko. Napatingin sa amin si Aera at hindi kami pinansin nagpatuloy lang ito sa paglalaro."Hintayin na lang natin na makaalis sila." Suggest ni Ashna na kinakabahan na rin."Sabihin na nating aalis sila, pero naisip nyu ba na baka bumalik balik sila dito para icheck kung kaninong anak si Aera." Inis kong sabi. Stress na umupo ako sa kama at tinignan ang dalawa."Babantayan ko si Alius, tapos babantayan ni Veyra si Dyson." Napataas ako ng kilay at hinihintay ang kadugtong nito pero wala na."How about Karic?" Tanong ko. Napasimangot si Ashna at umupo sa tabi ko."Hindi ko alam, eh ang sungit sungit nun." Nakasimangot na sabi nito."Busy naman si
Napaawang ang mga labi ko ng makita ang maliliit na sugat sa katawan ni Karic. Parang tumalon ito sa glass window dahil nakita kong may benda rin yung paa nya."Zertyl, you're here?" Gulat na sabi ni Ashna at niyakap ako."Sakto patapos na rin sila. Oh gosh kanina pa dapat ako aalis eh, kaya lang hindi naman nila gagamutin si Karic kapag wala ako, you know naman." Sabi nito habang inaayos ang laman ng bag ko. "Gosh... super late na talaga ako. I have to go na bye!" Sabi nito at dali daling lumabas ng pinto."Ash." Tawag ko rito."Yes?" Tinuro ko ang kamay nito."What happened to your hand?" Tanong ko."Ah... hahahaha i accidentally punch my mirror out of anger." Sabi nito at pilit na ngumiti at saka nagpaalam na umalis.Accidentally? Sa lahat ng susuntukin nito salamin pa talaga?Napatingin ako sa mga nurse na nagmamadaling ligpitin ang mga gamit nito. Nginitian ko ang mga ito at saka umupo sa tabi ng kama
I am so nervous habang papunta sa condo ni Karic. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may sumusunod sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa building pero parang gusto kong bumalik ng bahay ng makita ang nakakainis na pilyong ngiti ni Karic ng makapasok ako ng condo nya."Ang bilis gumaling ah!" Sabi ko ng makitang wala ng benda yung paa nya."Nakakalakad kana pala, babalik na ako." Biro ko at aalis na sana ng mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ito sa akin at pinigilan ako."Morning." Malanding sabi nito at matagal na hinalikan ako sa pisngi."Karic! Kapag ginawa mo pa ulit iyon. I swear hinding hindi na ako babalik dito." Inis kong sabi at tinalikuran ito. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sariling ngumiti."Hubad!" Galit kong sabi at hinanda ang first aid kit nito."Damn! Why it's sound so hot babe?" Tiningnan ko ito ng masama kaya agad itong naghubad ng t-shirt."Should i undress
"Good morning. Happy birthday baby!" Bati ko rito ng magising ito. Agad na ngumiti ito at niyakap ako."Happy birthday!" Sigaw ni Veyra at Ashna na hindi pa sumisikat yung araw nandito na sa bahay."Tita!" Tumayo ito at tumakbo sa mga tita nya. Ang dalawang to hindi papayag na simple lang yung birthday ni Aera. Naghire ang mga ito ng party organizer. Binayaran pa ng mga ito ang principal para walang klase yung buong kinder at preparatory.Gusto sana nila na sa hotel na lang ni Ashna kaya lang gusto ni Aera sa paaralan."Look baby! This will be your outfit today!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang limang gown sa sala na nakasuot sa manequin.Tuwang tuwa naman ang anak ko at tumakbo ito doon."Hiyang hiya ang ambag ko anak." Napatingin ako kay papa ng bumulong ito sa akin."Ilan ba binigay mo pa?" Tanong ko"Wala na anak, sayang naman kung ibibigay ko pa. Ise-savings ko na lang to. Mayayaman naman yang mga kaibigan
"Congratulations!" Sigaw naming lahat ng makapasok si Ruan sa bahay galing sa graduation nya."Luh gagi kaya pala di ka sumama ate akala ko di ka masaya at proud sa akin eh!" Pagda-drama nito habang nanunubig ang mata. Natawa ako at nilapitan ito.Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi nandiri pa ito at pabirong pinunasan ang pisngi kaya kinurot ko ito."Congrats tito Ruan! Kina and I have a gift for you!" Excited na sabi ni Aera at hinila si Ruan."Mamaya na anak let's celebrate muna." Pigil ko rito. Nakangiting binati ng lahat si Ruan. May pa party hat pa si Alius at sinuotan ng isa si Ruan na ikinasimangot nito."Magco-college ka na wag munang asawa huh!" Sigaw ni Zeryna habang kumakain ng lumpia."Girlfriend ate.""Wag kang mag alala Zeryna wala namang papatol dyan!" Biro ni Alius."Aba magkamukhang magkamukha kami ni Ate ibig sabihin pangit si Ate ganun!?" Napailing na lang ako at inasikaso ang ibang bisita.
"Kumatok ka na." Sinamaan ko ng tingin si Ashna dahil kanina pa ito."Baka kasi tulog pa, ang aga aga pa kasi." Napairap si Ashna at parang gusto na akong sabunotan.Hindi pa ako nagigising kanina nandoon na sila sa bahay. Mas excited pa silang makilala ang pamilya ko kesa sa akin eh."Anak ng! Tatayo lang ba tayo dito? Ako na ang kakatok." Agad akong kinabahan at pinigilan si Dyson."Bakit ba—" Pareho kaming napatigil ng makarinig ng katok."Tao po!" Sigaw ni Aera habang kumakatok. Nagkatinginan silang lahat at napangisi na tumingin sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala na rin naman akong magagawa."Tao po Tao po! NAMAMASKO PO!" "Tapos na ang pasko maldita baka pagkamalan ka nilang baliw naku ikakaila talaga naming di ka kilala.""ILABAS NYU NA ANG IYONG TAMB—" Lahat kami natahimik ng bumukas iyong pintuan at bunungad sa amin ang lalaking kumukusot pa ng mata."Sisingil ba kayo ng utang? Wal
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat kung maramdaman sa oras na to. Gusto ko syang paalisin pero masaya akong nandito sya parang anytime ay gagaling ako kapag manatili pa sya dito.Hindi ito umiimik habang inaalagaan ako. Nakatulog ulit ako at hapon na ng magising."Tumahimik nga kayo ako na! Ako ang kakausap sa kanya!" Napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Ashna sa labas ng kwarto."Bakit ikaw? Pabida ka na naman." May narinig akong bagay na natumba at ilang beses na mura."Ang tagal ni Karic eh! Ilang araw na syang walang tulog sa kakahanap kay Zertyl tapos ngayon nakita na nya ayaw naman makipag usap!" Ramdam ko na ang inis ni Ashna ngayon."Hindi ba pwedeng magtampo yung tao? Kasi hindi nya nagawa iyon ng ilang araw, yang si Zertyl naman kasi konting impormasyon lang ang marinig aalis agad! Bigla na lang mawawala naku kapag nagising talaga yan makakatikim s
Hindi ko alam kung anong nangyare at bigla na lang nawalan ng tao sa bahay. Nablanko na rin ang isip ko at nakalimutan ko ng hanapin si Karic. Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto at hinihintay na bumalik si Karic. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko.Napabuntong hininga ako ng unknown number na naman iyon.Uh oh! Naningkit ang mata ko dahil yun alng text nito pero tumunog ulit ito at nakitang picture ang sinend nito kaya binuksan ko iyon. Agad kong nabitawan ang phone ko ng makita yung picture.Nanginig ang kamay ko at unti unting tumula ang luha ko. It's a picture of Karic kissing someone at mukhang nasa bar ito dahil sa background.Napahilamos ako ng mukha at sinabunotan ang sarili ko."Fuck you! Akala ko ba mahal mo ako!?" Sigaw ko at tinapon ng malakas yung phone ko.No stop it Zertyl kumalma ka. Hindi sya nagtagumpay sa mga edits nya tungkol sa akin kaya si Karic naman ang ginagawan nya ngayon. "That's
"Good morning Happy birthday babe.""HAPPY BIRTHDAY DADDY!" Umakyat si Aera sa kama at pumatong sa itaas ni Karic. Ngumiti ito kahit na hindi pa ito nagmumulat ng mata."Daddy wake up, open your eyes na get up get up blow the candle!" Excited na sabi ni Aera at pinipilit na minumulat ng kamay nya ang talukap ng mata ni Karic."Aera stop that, umalis ka dyan para makabangon si Daddy." Napanguso ito at umalis sa ibabaw ni Karic."Happy birthday Babe." Nakangiting bati ko rito ng makabangon na ito. Ngumiti ito at hinipan ang kandila na nasa ibabaw ng cake na dala dala ko."Yucks! Hindi ka pa nagwa-wash ng mouth mo Daddy!" Natawa ako at nilapag ang cake sa bedside table."Really? Do i have a bad breath?""Noooo....! Stop it!" Maarteng sigaw ng anak ko ng paulanan ito ng halik ni Karic sa pisngi. Napahagikgik ito ng kilitiin ito ni Karic.Lumabas na kaming tatlo sa kwarto at agad ko nakita sina Ashna na tumutulong sa pagd
Ilang araw ng di maganda ang relasyon namin ni Karic. Hindi kami makakapag usap ng maayos dahil ang bilis kong mainis, kapag galit sya mas magagalit ako at di ko sya papansinin."Anak." Isa pa tong si Papa palaging wala at simpleng tanong di ako masagot. Hindi ko ito pinansin at naglakad paalis.Napatigil ako ng makita si Karic na may kausap sa garden na babae at isang matandang lalaki. Ang laki pa ng ngiti ng gago."Sino yan?" Masungit kong tanong ng makalapit ako."Mr. De Fuza this is my wife, Zertyl." Sabi nito sa matandang lalaki."Im not his wife." Sabat ko agad na ikinangisi ng babae."Yeah i can see that, no ring." Nanunuyang sabi nito. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Karic."And who are you? Another whore who wants to flirt with my boyfriend?" Napatikhim yung matandang lalaki at alanganing ngumiti."Zertyl." Malamig na banta ni Karic"Excuse me Ms. Zertyl but this is my daughter Ariaha, Sh
Nagising ako na mukha agad ni Karic ang bumungad sa akin. Nakaangat ang katawan nito habang nakatukod ang siko sa unan nito. Titig na titig ito sa akin at ayaw pakawalan sa paningin nya."What?" Paos kong sabi. Ngumiti ito at inayos ang buhok ko papunta sa gilid at saka ako hinalikan sa noo, sa tungki ng ilong ko at sa labi ko."Hindi pa ako nakakapagtoothbrush." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang ito at humiga sa dibdib ko."Your boobs are much more bigger than hers." Napakunot noo ako sa sinabi nito kaya tinulak ko ito ng mahina pero niyakap ako nito ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg ko."She's texting you right?""Who?" Tanong ko. Gusto ko na sanang bumangon pero ayaw namn nitong umalis sa ibabaw ko."That girl." Nag angat ito ng tingin at nakipagtitigan sa akin. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin kaya napatakip ako ng bibig.Tinulak ko ito ng malakas at tumakbo sa banyo. Narinig ko pang tumawa ito at s
I remember when we broke up, the first time Saying, "this is it, I've had enough" 'Cause like, we hadn't seen each other in a month When you said you needed space "WHAT!?" Napatingin ako kay Aera ng sumigaw ito sa harap ng salamin habang sumasayaw."Why are you asking about Alius?" Tanong ni Karic at tinignan ako ng masama. Pinagtaasan ko ito ng kilay at marahas na binato ko sa kanya ang t-shirt."Wala akong sinabing ganun. Ang sabi ko kung pwede ko bang makausap si Alius?" Sabi ko.Then you come around again and say "Baby, I miss you and I swear I'm gonna change, trust me" Remember how that lasted for a day? I say, "I HATE YOU, WE BREAK UP YOU CALL ME I LOVE YOU! OOH OOH OOH""Why?""May itatanong lang ako okay? Gago kasi yang kaibigan mo." Inis kong sabi. Napakunot noo ito at umupo sa tabi ko."Did he do something—""Wala! Kakausapin ko lang sya kasi may itatanong ako."We are never ever, e
Kinabukasan late na akong nagising dahil nga nagising ako ng madaling araw. Pagdilat ko ng mata wala na ang mag ama sa loob ng kwarto. Nagtoothbrush ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Tinatali ko pa ang buhok ko habang bumababa ng makita ko si Aera sa labas na nakikipaghabulan sa aso nito."Babe!?" Sigaw ko. Naningkit ang mata ko at agad na lumabas ng bahay."Aera stop that." Seryosong sabi ko. Napatigil naman ito at kinakabahang tumingin sa akin. 10 na ng umaga at dapat nasa klase sya ngayon pero mukhang pina-absent mo na sya ni Karic."Where's your dad?" Tanong ko."Im here why?" Tanong ni Karic na papalapit sa amin. Agad na hinampas ko ito ng malakas ng makalapit na sya."What?" Naguguluhang sabi nito."Gago ka ba? Alam mo namang nilagnat yan kagabi. Sabihin na nating okay na sya ngayon umaga pero hindi mo dapat pinalaro at pinatakbo at baka mabinat. I swear kapag bumalik ang lagnat nya mamaya lagot ka talaga sa akin."