All Chapters of Jojo and Coco's Unexpected Love: Chapter 251 - Chapter 260

366 Chapters

Kabanata 251 Puno ng Kalungkutan

Gayunpaman, agad niyang winaksi ang ideyang yun. Lalo at parang imposible yun. Kahit na ayaw ni Xavia kay Toto, pinalaki naman nito si Oreo. Hindi lang niya alaga si Oreo pero kasama niya rin ito.Mabigat ang puso ni Chloe nang bumalik sa villa, gusto niyang magtanong sa progress na nagawa nila. Pero bago pa siya makapagsalita, natusok na siya ng matalim na tingin ni Joseph. “Bakit napaka walang-puso mo, Chloe?”Naguguluhan si Chloe at hindi maintindihan ang nangyari.Lumapit si Lucas at nilapag ang isang litrato sa mesa. Hindi siya makapaniwala habang sinasabu, “Ms. Chloe, nakuhanan ito ng isang taong dumadaan lang.”Sa litrato, makikita sina Toto at Oreo na naglalakad sa gitna ng abalang kalsada. Umikot ang isip ni Chloe, hindi siya makapaniwala, “Imposible. Nakita ko mismo na tinurukan sila ng anaesthesia.”Tinitigan siya ni Joseph, bakas sa boses niya ang inis, “Nakita mo mismo? Hindi ako makapaniwala na hindi ka pa rin umaamin sa amin hanggang ngayon.”“Hindi…hindi ka
Read more

Kabanata 252 Ang Malabong Relasyon Sa Pagitan nina Joseph at Chloe

Nang makita ni Chloe si Sophia, bumugso ang galit niya, “Bakit ka nagpakalat ng false information sa work chat?”Ngumisi si Sophia. “Hindi ko yun ginawa. Paano mo mapapatunayan na gawa-gawa ko lang yun? May recordings ka ba?”Tinitigan siya ni Chloe, malamig ang boses niya habang nagtatanong, “Anong motibo mo sa ginagawa mo? Sinong nag-alok sa iyo ng benefits, o ginagawa mo lang ang lahat para makuha ang atensyon ni Joseph?”May bakas ng pagkataranta sa mga mata ni Sophia, pero agad yun naglaho. “Sinasabi ko lang ang totoo. Wala akong motibo. At saka, hindi mo dapat tinatawag nang ganiyan lang si Mr. Joseph. Wala kang respeto.”“Pwede kong sabihin ang gusto ko. Sino ka para utusan ako? Huwag mong kalimutan na superior mo ako. Ako lang ang pwedeng magalit sa iyo.”“Hindi…hindi mo ako pwedeng-ibully nang ganito.”Tumawa si Chloe dahil sa inis. Sino ba talaga ang bully sa sitwasyon na ‘to? Hindi siya makapaniwala na masasabi ni Sophia ang mga kasinungalingan na yun habang nagpapangg
Read more

Kabanata 253 Humingi ka ng Tawad kay Xavia

“Kahit na sinasabi mong mahalaga ka kay Mr. Joseph, hindi mo ako pwedeng i-bully nang ganito. Baguhan lang ako at walang alam. Kasalanan ko ang nangyari kaninang umaga, pero kinausap mo na lang sana ako imbes na gumamit ka ng dahas.” Pagmamakaawa ni Sophia.Nakita ni Chloe ang intensyon ni Sophia at hindi niya ito tinulungang tumayo. “Ano na namang binabalak mo ngayon?”“Wala akong ibang motibo. Gusto ko lang na lubayan mo ako!” Umiyak si Sophia, walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya. Habang umiiyak siya, gumapang siya sa direksyon kung saan nakatayo si Joseph. “Mr. Joseph, kailangan niyo akong tulungan.”Habang pinagmamasdan ang kalmado at walang emosyon na babae sa harapan niya, malamig na nagsalita si Joseph. “Kapag natumba ang isang colleague sa harapan mo, hindi mo ba naiisip na kailangan mo silang tulungan?”Nang marinig ang boses niya, napalingon agad si Chloe. Pagkatapos, nakita niya si Joseph na inuutusan si Lucas na tulungang makatayo si Sophia. Marahan niyang tin
Read more

Kabanata 254 Gusto Mong Makipaghiwalay

Tinitigan ni Chloe si Joseph, hindi siya makapagsalita dahil naninikip ang lalamunan niya.Habang mas lalong tinititigan ni Joseph si Chloe, mas lalong hindi siya mapakali, kaya umiwas na sya ng tingin. “Papunta na dito si Xavia. Maghintay ka rito,” Utos niya.Mapait na ngumiti si Chloe at sinabing, “Sige, hihingi ako ng tawad katulad ng gusto mo.”Nang marinig yun, gumaan nang kaunti ang ekspresyon ni Joseph. Gayunpaman, nang dumapo ang tingin niya sa namamagang paa ni Chloe, nagsalubong ulit ang mga kilay niya. Pero, nanatili siyang tahimik. Lalo na at naniniwala siyang importante ang paminsan-minsang disiplina para maintindihan ni Chloe kung paano kumilos sa susunod.Paglipas ng sampung minuto, dumating si Xavia. Tiningna niya si Chloe at sinabing, “Nakita si Oreo malapit sa residential area. Ms. Chloe, hindi ka man masaya sa biglaan kong pagdating, pero naniniwala pa rin ako na kahit ano pang dahilan, hindi dapat natin saktan ang mga aso. Inosente sila. Babawiin ko na si Ore
Read more

Kabanata 255 Pinaghalo ang Wine at Beer, Kakaiba Ka

Masakit ang pagkakahawak sa baba ni Chloe, pero nanatili ang ngiti niya. “Anong problema? Hindi ba katanggap-tanggap? Pagkatapos ng lahat, na kay Xavia pa rin ang puso mo, wala sa akin. Tatabi na ako at bibigyan siya ng espasyo, at magiging masaya na ang lahat.”“Bakit?” Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph sa galit, at isang bagyo ang namumuo sa kaniyang mga mata. “Masiyado bang mahirap sa iyo ang paghingi ng tawad?”“Oo,” Sagot niya.Binigay niya ang lahat sa pag-aalaga kina Oreo at Toto, nagluluto pa siya ng homemade snacks para sa kanila. Tinuring niyang kaniya ang dalawang aso at hindi sila pinagalitan kahit na minsan ay makulit ang mga ito. Kahit pagod siya pagkatapos ng trabaho, nilalakad niya pa rin ang mga ito. Pero, sa tuwing may nagiging problema, kasalanan niya lahat.Hindi pa siya pwedeng bigyan ng benefit of the doubt ni Joseph at hintayin munang lumabas ang totoo? Kailangan ba siya nitong ipahiya sa harapan ng ex-girlfriend niya? May pakiramdam din siya, at sobra
Read more

Kabanata 256 Wala ng Interaksyon

Nang makita niya kung gaano kalasing si Chloe, mabilis na kinuha si Icarus si Chloe mula kay Emily at marahan itong sinakay sa kotse niya.Ilang beses na sinubukang magsalita ni Emily, pero nag-alinlangan siya sa huli.Naramdaman ni Icarus ang pag-aalala niya at nagkusa nang magsalita, “Ituro mo sa akin ang daan. Ihahatid ko kayo. Wala akong gagawing masama.”Hinawakan ni Emily ang ilong niya, naiilang. “Hindi yun ang ibig kong sabihin. Naisip ko lang na madalas na nag-aaway sina Coco at Joseph. Ganoon siguro yun ngayon. Huwag mo ituon ang lahat ng atensyon mo kay Coco. Kumilala ka ng ibang babae.”Nagkibit-balikat si Icarus at ngumiti. “Hindi ko ito nakokontrol.”“Well… Tama ka.”Nasa parehong sitwasyon si Chloe. Noong una, ginagamit lang nila ni Joseph ang isa’t-isa para sa kanya-kaniya nilang mga interes, pero nagbago na ang tingin niya sa relasyon nila. Totoong may nararamdaman na talaga si Chloe para kay Joseph.Gayunpaman, siya rin ang dapat sisihin. Kung hindi niya in
Read more

Kabanata 257 Mahal Niya Ako Hanggang Sa Ma-obsess Siya

Tumayo si Emily para sagutin ang pinto, naguluhan siya nang tanggapin ang takeout delivery.“Nag-order ka ba ng pagkain, Coco?” Tanong niya.“Hindi,” Sagot ni Chloe.“Hindi rin naman ako,” Sabi ni Emily.Sa sandaling yun, tumawag si Icarus.“Chloe, nag-order ako ng pagkain para sa inyo. Hindi ako sigurado kung anong gusto mong kainin, pero narinig kong nakakagaan ng pakiramdam ang pagkain ng matamis, kaya binilhan kita,” Paliwanag ni Icarus.Bumulong si Chloe, “Salamat…”“Hindi mo kailangan maging magalang sa akin. Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako,” Sabi ni Icarus sa kaniya.“Okay, goodbye,” Sabi ni Chloe bago ibaba ang tawag.Inabot ni Emily ang cup ng ice cream smoothie kay Chloe habang nakangiti. “Ngayong nakipaghiwalay ka na kay Joseph, bakit hindi mo subukang tanggapin si Icarus? Mukhang okay naman siya.”“Nakipaghiwalay nga ako kay Joseph, pero may kontrata pa rin kami. Kung kailangan, kailangan ko pa rin magpanggap na asawa niya,” Sagot ni Chloe.“Hmm, kung
Read more

Kabanata 258 Mag-isip Kayo Ng Mas Innovative

“Tapusin na natin ang meeting ngayon. Rejected ang proposal, at inaasahan kong makakapag-isip kayo ng mas innovative,” Anunsyo ni Joseph. Pagkatapos nito, tumayo siya sa kinauupuan at naglakad pabalik sa opisina niya, inutusan niya si Lucas na maghanda ng isang tasa ng kape. Gayunpaman, nagbago ang isip niya.“Actually, gawin mo ng tsaa,” Pagtatama niya.Palihim na tiningnan si Lucas si Joseph, inobserbahan ang masungit at malamig nitong kilos na hindi pa rin nagbabago. Gayunpaman, mayroong kaunting nabawas sa tindi ng galit sa mga mata nito, ibig sabihin ay nakausap ni Joseph si Chloe.Hindi mapigilan ni Lucas ang pananabik niya, bumugso ang tuwa sa puso niya na para bang gusto niyang sumigaw na paparating na ang masasaya niyang araw.Habang lumilipas ang gabi at tumapat ang oras sa relo ng alas otso, mas lalong naguluhan si Joseph dahil wala pa rin si Chloe. Habang magkasalubong ang kilay, sinubukan niya itong tawagan para magtanong. Gayunpaman, matapos ang ilang ring, naput
Read more

Kabanata 259 Hindi Patas na Kontrata

Tinitigan ni Samuel ang phone niya. Limang minuto na ang lumipas pero walang sagot si Joseph. Nagdesisyon siyang i-text ulit si Joseph.[Busy ka ba sa trabaho?][Seryoso? Nawawalan ba ng misis ang mga tao dahil masyado silang busy sa trabaho?][Hindi na nakapagtataka kung bakit pinagtataksilan ka ng misis mo,] komento niya.*Ginanap ang birthday party ni Icarus sa isang tagong villa.Tinapakan ni Joseph ang brake, nakatitig siya kay Chloe sa malapit na floor-to-ceiling windows. May hawak itong red wine, may matamis itong ngiti habang nakikipag-usap kay Icarus. Hindi siya mukhang isang babaeng kahihiwalay pa lang sa boyfriend niya.Ang tanga niya. Naniwala talaga siyang binili nito ang suit para sa kaniya.Naging isang ngisi ang galit ni Joseph, nakita ang isang hilera ng puti niyang mga ngipin. Nag-dial siya ng number sa phone niya at pinindot ang call button. “May isang minuto ka para lumabas.”Sa loob ng kwarto, narinig ang nanginginig na boses ni Chloe. “Nasaan ka?
Read more

Kabanata 260 Lumayas Siya Paano Ko Siya Nabully

Dahil nabigla, bumagsak si Icarus sa sahig pero agad na tumayo, hindi pumayag na matalo. Agad siyang gumanti at nakipaglaban kay Joseph.Sa gitna ng kaguluhan, binigyan ng mabilis at malakas na suntok si Icarus sa mukha. Dahil sa gulat at pagkataranta, sumigaw si Chloe at lumapit para pumagitna, sinusubukang pigilan ang gulo.Nakuha ng kaguluhan ang atensyon ng mga taong nasa loob ng kwarto. Mabilis nilang pinaghiwalay ang dalawang lalaki, habang si Icarus ay may marka na ng pasa sa kaniyang mukha. Pero, dahil lugar ito ni Icarus, lahat ng naroon ay kakampi niya. Humingi ng pasensya si Chloe kay Icarus at mabilis na hinila si Joseph papasok sa kotse.Hindi siya nagmamaneho kaya paulit-ulit niyang sinabihan si Joseph na umalis na.Si Joseph na kalmado at mahinahon ay tiningnan si Icarus sa bintana ng kotse at ngumisi.Sa highway, mahigpit siyang nakahawak sa steering wheel, umabot ang bilis niya sa 192 kilometers per hour. Hinigpitan ni Chloe ang seatbelt niya at nagmakaawa, “Bagal
Read more
PREV
1
...
2425262728
...
37
DMCA.com Protection Status