Tinanong ni Harold, “Hindi ka niya sinama sa party?”Tumango si Joseph na para bang nagrereklamo siya doon pero hindi niya napansin ang pag uugali niya.Mapanlait na tiningnan ni Harold si Chloe. “Chloe, kasal na kayo at isa na kayong team ngayon. Magtataka ang mga kaibigan mo kapag mag isa kang dumalo sa mga gathering. Pagmumukhain mo pang tanga ang sarili mo. Kung may problema kayong dalawa, pag-usapan niyo nang pribado.”“Okay, Lolo, hindi ko na gagawin yun ulit.” Pinaglalaruan ni Chloe ang kuko niya habang nakatayo sa gilid. Mukha siyang masunurin na batang nakagawa ng mali pero palihim niyang minumura si Joseph sa loob niya.Dahil sa pag aalala, pinagsabihan sila ni Harold sandali bago sila pinakawalan.Habang paakyat si Chloe, plano niyang bumalik sa sarili niyang kwarto pero hinila siya ni Joseph sa master bedroom. Mapagkumbaba niyang tiningnan si Chloe. “Ganoon mo ba kagusto na malaman ni lolo na may mali?”Alam ni Chloe na nasa mali siya kaya sumagot siya, “Pasensya na,
“Ah! Daddy! Nasasaktan ako!”Hindi alam ni Ava ang nangyayari. Habang hinihila, sumisigaw siya. Kahit na hindi niya alam ang sitwasyon, may isang bagay siyang naintindihan. May kakaiba sigurong nangyari kaya galit na galit ang dad niya habang mahigpit ang yakap sa kaniya ng mom niya at ayaw siyang bitawan.Kaya naman, hindi siya pumayag sa hospital kasama si Benjamin, at sa ilang saglit, wala silang magawang tatlo.“Sige. Ayaw mong pumasok? Maghintay ka dito!” Kabadong pumasok si Benjamin sa hospital at humingi ng tulong sa dalawang doktor. Pwersahan nilang hinila si Karen at Ava sa loob ng hospital habang hindi pinapansin ang pagpupumiglas nila.Nakita ni Chloe ang eksena mula sa cafe sa harap ng private ng hospital. Binaba niya ang mata niya para itago ang emosyon niya. “Gaano katagal bago makuha ang resulta ng paternity test?”“Isang linggo. Sa tingin ko specialize ang hospital na ‘to sa paggawa ng paternity test kaya magiging mabilis lang.”“Tapos na ang palabas ngayon?”Mis
Naawa ang babae at ang boyfriend niya kay Joseph.‘Mas lumalala lang ang mga bagay.’ Mahigpit na nakakuyom ang kamao ni Chloe. Gusto niyang turuan ng leksyon si Joseph. ‘Siguro gumaganti siya sa akin. Bakit hindi ko napansin ang kababawan niya noon?’Dismayado na tumingin ang babae kay Chloe, nagpapakita ng panlalait. “Miss, maganda ka at siguro maraming humahanga sa'yo, pero kasal ka na ngayon. Kailangan mong lumayo sa ibang lalaki. At saka, good catch ang mister mo. Gwapo siya at mukhang successful na lalaki. Sana ingatan mo ang mayroon ka ngayon. Habang buhay na pagsisisi kapag pinakawalan mo pa siya.”Walang magawang nagpaliwanag si Chloe. “Hindi yun katulad ng iniisip niyo…”Suminghal ang boyfriend ng babae. Katulad niya gusto rin niya bigyan ng hustisya si Joseph. “Mas malala pa ba sa iniisip namin? Mister, marami pang isda sa dagat. Kung kakapit ka sa luma, hindi ka makakakuha ng bago. Single ang ate ko. Kung hindi kayo magiging maayos, ipapakilala kita sa kapatid ko.”Tuma
Nagpipigil si Benjamin na bugbugin at patayin si Karen. “Hindi ko anak ang bastardong ito. Magdi-divorce tayo bukas. Pwede niya maging tatay ang kahit sino. Ayaw ko na maging tanga.”Pagkatapos non, umalis si Benjamin. Wala siyang intensyon na gumawa ng kahit ano sa kanila.Habang nakahinto sa pwesto niya, tinanong ni Ava, “Mom, hindi ba ako anak ni Daddy?”Nagngalit ng ngipin si Karen. “Nagawa ko sanang itago ang problema na ito habambuhay pero may nagbunyag sa atin.”“May nagbunyag sa akin… Sino?”“Hindi ko alam pero hindi na tayo pwedeng manatili sa Johnson family. Kailangan mong kumapit agad jay Calvin at huwag mo siyang biguin!”“Isusko ba natin ang family property? Kanino naman niya ibibigay bukod sa akin maliban na lang kung i-donate?” Hawak ni Karen ang namamaga niyang mukha, makikita ang kadiliman doon. “Syempre, sa malanding si Chloe. Anak niya pa rin naman siya. Babalik siya kay Chloe pagkatapos makipaghiwalay sa akin.”Kilalang kilala niya si Benjamin. Kadalasan, i
May lumabas na malamig na tawa sa labi ni Chloe. “Bakit hindi mo sinabi yan noong pinagbintangan mo akong nagnakaw ng pera noon?”Bukod pa yon doon at nagsisimula lang ang mga bagay.Nagdilim ang mukha ni Karen. Kung nakakapatay ang tingin niya, namatay na siguro si Chloe sa malalang pagkamatay.Humawak si Chloe sa braso ni Chloe at malambing na sinabing, “Tara na. Baliw lang sila at maingay.”Dahil hindi matanggap yon, sumigaw si Ava sa likod ni Joseph, “Tinanggihan ng Cooper family si Chloe. Nakipag relasyon pa siya sa matandang lalaki bago nadawit sa tito ni Jake. Hindi ka ba natatakot na makakuha ng sakit?”Nang mabanggit si Icarus, kinabahan si Chloe at natataranta na tiningnan ang lalaki sa gilid niya.“Mamatay ako para sa maganda, pero ikaw…” Tiningnan ni Joseph si Ava at agad na sinabing, “Hindi ka pwede umasa sa lalaki. Sarili mo na lang ang asahan mo.”*Nakahinga ng maluwag si Chloe. Nang makabalik siya sa sasakyan, lahat ng galit na nasa kaniya ay nawala. Masaya siy
Tumango si Chloe, nakikita ang determinasyon niya. “Kaya ko harapin ang mga susunod mag isa. Hindi na kita guguluhin at saka, gusto ko na umalis sa villa.”Lumaki ang pagkairita ni Joseph, kumukulo ang galit sa loob niya. Lumapit siya at kaswal na kinuha ang gamit na malapit, sinasadyang abutin yun sa kaniyang makakaya. Pero nang mahawakan niya ang bagay, binitawan niya yon. Kumunot ang kilay niya, napagtanto niya na muntik niya na mapigilan ang emosyon niya. Ayaw niyang isipin na nawawala siya sa sarili niya para sa iba.Sa wakas, may lumabas na ilang salita sa ilalim ng hininga niya at umakyat pataas. “Hindi, gusto ni Lolo bigla-biglang tumitingin. Kailangan mo manatili dito.”Nang lumabas si Chloe sa sasakyan at umakyat siya sa taas, nalaman niyang umalis na si Harold. Nakahinga siya ng maluwag at bumuntong hininga siya bago bumalik sa maliit niyang kwarto.Samantala, isang pader lang malayo sa master bedroom, nakaramdam si Joseph nang pagkainis habang tina-type ang message sa
“Huh? Pero bakit pinili mo ako sa halip na celebrity?” Agad na tanong ni Chloe at nang walang pagda-dalawang isip. Mas pinipili ng malalaking brand ang mga celebrity bilang brand ambassador, kaya kakaiba na pumili sila ng ordinaryong tao tulad niya.“Dahil sa ugali at imahe mo mas bagay ka para i-represent ang Exotic Star,” kalmado na ipinaliwanag ni Noah at mahina ang tono.Napalitan ng excitement ang gulat ni Chloe. “Yung renowned designer ba na si Santiago Hart?!” tili niya.Malaki ang bigat na dala ng pangalan ni Santiago sa fashion industry, kilala bilang totoong titan na may kakaibang personalidad at kakaibang tingin sa detail. Para makuha ang atensyon niya ay isang karangalan na, na kadalasan ay naka-reserve sa mga malalaking actor at model. Sa fashion circle, may sikat na kasabihan: “Kung dumapo sa'yo ang tinginnni Santiago Hart, parang pinapaulanan ka na mismo ng langit ng biyaya.”“Kapag nakapasa ka sa audition, tatlong taon ang kontrata, at may endorsement fee na 30 mill
“Sige, bibigyan kita ng 10 percent,” nagdadalawang isip na pumayag si Benjamin.Nanatiling seryoso si Chloe. “Hindi sapat yon. Gusto ko 20 percent.”Nagbago ang ekspresyon ni Benjamin. “Sobra na ang 20.”Hindi nagpatinag si Chloe at pinilit niya. “Kung tutuusin, ibibigay mo rin naman sa akin yon—para pigilan si Ava sa pagpupumilit na kunin yon.”May natamaan ang salita niya at si Benjamin na niloko ng dalawang dekada ay naintindihan ang katwiran niya. Hindi dapat maliitin si Karen. Sa future, susubukan niyang bawiin ang ilang asset mula sa kaniya.“Sige, aayusin natin yan, pero ang ilang shares ay nakapangalan pa rin sa dalawang yon. Kailangan natin ilipat bago ko maibigay sa'yo.”Kumislap ang tingin ni Chloe bago sumagot, “Sige. Kung ganoon, sa Fairlight muna ako ngayon. Maraming mahalagang koneksyon dito, at magagamit ko yon para mapakinabangan ng pamilya natin sa future. Oh, Dad, kahit na nakipag-divorce ka na kay Karen, kailangan mo pa rin legal na tapusin ang father-daughter
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti