Tumango si Chloe, nakikita ang determinasyon niya. “Kaya ko harapin ang mga susunod mag isa. Hindi na kita guguluhin at saka, gusto ko na umalis sa villa.”Lumaki ang pagkairita ni Joseph, kumukulo ang galit sa loob niya. Lumapit siya at kaswal na kinuha ang gamit na malapit, sinasadyang abutin yun sa kaniyang makakaya. Pero nang mahawakan niya ang bagay, binitawan niya yon. Kumunot ang kilay niya, napagtanto niya na muntik niya na mapigilan ang emosyon niya. Ayaw niyang isipin na nawawala siya sa sarili niya para sa iba.Sa wakas, may lumabas na ilang salita sa ilalim ng hininga niya at umakyat pataas. “Hindi, gusto ni Lolo bigla-biglang tumitingin. Kailangan mo manatili dito.”Nang lumabas si Chloe sa sasakyan at umakyat siya sa taas, nalaman niyang umalis na si Harold. Nakahinga siya ng maluwag at bumuntong hininga siya bago bumalik sa maliit niyang kwarto.Samantala, isang pader lang malayo sa master bedroom, nakaramdam si Joseph nang pagkainis habang tina-type ang message sa
“Huh? Pero bakit pinili mo ako sa halip na celebrity?” Agad na tanong ni Chloe at nang walang pagda-dalawang isip. Mas pinipili ng malalaking brand ang mga celebrity bilang brand ambassador, kaya kakaiba na pumili sila ng ordinaryong tao tulad niya.“Dahil sa ugali at imahe mo mas bagay ka para i-represent ang Exotic Star,” kalmado na ipinaliwanag ni Noah at mahina ang tono.Napalitan ng excitement ang gulat ni Chloe. “Yung renowned designer ba na si Santiago Hart?!” tili niya.Malaki ang bigat na dala ng pangalan ni Santiago sa fashion industry, kilala bilang totoong titan na may kakaibang personalidad at kakaibang tingin sa detail. Para makuha ang atensyon niya ay isang karangalan na, na kadalasan ay naka-reserve sa mga malalaking actor at model. Sa fashion circle, may sikat na kasabihan: “Kung dumapo sa'yo ang tinginnni Santiago Hart, parang pinapaulanan ka na mismo ng langit ng biyaya.”“Kapag nakapasa ka sa audition, tatlong taon ang kontrata, at may endorsement fee na 30 mill
“Sige, bibigyan kita ng 10 percent,” nagdadalawang isip na pumayag si Benjamin.Nanatiling seryoso si Chloe. “Hindi sapat yon. Gusto ko 20 percent.”Nagbago ang ekspresyon ni Benjamin. “Sobra na ang 20.”Hindi nagpatinag si Chloe at pinilit niya. “Kung tutuusin, ibibigay mo rin naman sa akin yon—para pigilan si Ava sa pagpupumilit na kunin yon.”May natamaan ang salita niya at si Benjamin na niloko ng dalawang dekada ay naintindihan ang katwiran niya. Hindi dapat maliitin si Karen. Sa future, susubukan niyang bawiin ang ilang asset mula sa kaniya.“Sige, aayusin natin yan, pero ang ilang shares ay nakapangalan pa rin sa dalawang yon. Kailangan natin ilipat bago ko maibigay sa'yo.”Kumislap ang tingin ni Chloe bago sumagot, “Sige. Kung ganoon, sa Fairlight muna ako ngayon. Maraming mahalagang koneksyon dito, at magagamit ko yon para mapakinabangan ng pamilya natin sa future. Oh, Dad, kahit na nakipag-divorce ka na kay Karen, kailangan mo pa rin legal na tapusin ang father-daughter
Pinanatili ni Xavia ang hindi nagbabago niyang ekspresyon, nangibabaw ang kilay at mata niya sa maganda niyang make up na nagbigay sa kaniya ng mapulang balat. Pero, iba ang pagkaputi ng kamay niyang nakahawak sa kubyertos.Bumuntong hininga si Nathan at sinadyang gumawa ng malakas na ingay, “Well, well. May himala talaga. Alam ni Joe kung paano mag alaga.”Nakaramdam ng kahihiyan si Chloe at hindi na siya sigurado sa sitwasyon niya. Hindi niya alam ang sasabihin, hindi sigurado kung ano ang sasabihin niya.Nang matapos sila kumain, binaba ni Joseph ang kubyertos niya at tinuon ang atensyon niya kay Xavia. “May nalaman ako kagabi. Maraming freeze-dried snack ang malapit sa spot kung saan nawala ang aso na para bang intensyon niyang dalhin sila doon. Posible na si Oreo at Toto, katulad ng sinabi ni Chloe, ay naudyok sila.Bahagyang nanginig ang pilikmata ni Chloe at kuminang ang mata niya sa gulat habang diretso ang tingin sa lalaki sa gilid niya. May kakaibang ideya ang sumagi sa i
Pinigilan ni Chloe ang galit niya, napagtanto niya na ang babaw kapag nagsimula siya ng verbal battle o mang insulto. Nagsimula niyang tingnan nang masama si Joseph, walang intimidasyon ang boses niya. “Kapag hinawakan mo ako ulit, magsisisi ka!”Sa front seat, hindi napigilan ni Lucas na tumawa. Ang kakaibang pagkakaiba ni Joseph at Chloe ay nakakadala.Pagkabalik sa villa, pagkatapos iparada ni Lucas ang sasakyan at umalis, nanatiling tahimik si Joseph sa loob. Dumapo ang tingin niya kay Chloe na napakurap sa pag iisip. Nalaman niya na ang punto ng sitwasyon kanina at tinanong, “Inimbita mo si Xavia para pag usapan yung pagkawala ng mga aso, ano?”Hindi siya umamin o tumanggi, may pinaparating lang siya nang sinabi niyang, “Kung may hindi pagkakaintindihan, kailangan bigyang linaw,” sabi niya.Ang insidente kasama si Totoo at Oreo na nawawala ang naging dahilan para magduda siya na may gumagawa non. Pagkatapos tingnan ang surveillance footage, mukhang napatunayan non ang sinasabi
“Huwag ka nang magpanggap. Matagal mo ng gustong makuha ang shares.”“So? Ang dahilan ng pagpunta mo dito ay hindi para makakuha ng shares?”“Wala akong pakialam sa kakarampot na pera. Mga talunan lang na tulad mo ang gugustuhin yun.” Mayabang na sabi ni Ava sabay ngisi.Ngumisi si Chloe at nanatiling tahimik, hinihintay ang susunod na sasabihin ni Ava.“Gusto ko nang tuluyan putulin ang relasyon ko kay Benjamin para kapag nagtagumpay na ako, hindi na niya ako aabalahin pa,” Sabi ni Ava.Kahit wala si Benjamin, mayroon pa rin siyang maimpluwensyang benefactor na mas makapangyarihan kay Benjamin, dadalhin pa siya nito sa Docwood. Pero bago siya umalis sa Aesper, gusto niya munang makapaghiganti kay Chloe.“Hindi ba’t legal mo na siyang itinakwil?” Tanong ni Chloe.“Hindi yun sapat. Kailangan namin pumirma ng kontrata,” Sabi niya, pinakita ang hawak na kontrata bago umakyat sa hagdanan.Pinagmasdan ni Chloe si Ava, punong-puno ng pagtataka ang mga mata niya. Mas lalo siyang naiin
Kumunot ang noo ni Chloe. “Tinatapon mo sa toilet ang kape? Hindi ba nakakarating kay Mr. Joseph ang kape?”Naguluhan si Lucas. “Matagal ng hindi nagkakape si Mr. Joseph.”‘Chamomile tea na ang iniinom niya simula nang mag-away kayo, at ngayon, mas marami pang tsaa ang kailangan niya ngayong nagkaayos na kayo.’“Pero araw-araw dinadalhan ni Fia si Mr. Joseph ng kape, at ang sabi niya ay tinatanggap niya yun…”“Hindi, isang beses lang siyang nagdala nun, at hinarang ko yun. Pagkatapos nun, magdadala lang siya ng kape araw-araw at saka pumupunta sa banyo.”Naintindihan na ni Chloe ang buong istorya. Namula nang sobra ang mukha ni Sophia. Hindi na siya nakatiis at tumakbo na pabalik sa elevator. Pagkasara ng pinto ng elevator, nakita niyang lumabas si Joseph sa opisina nito. Ang malaki nitong kamay ay lumapat sa baywang ni Chloe na para bang maraming beses na niya itong ginawa.Mahigpit na napahawak si Sophia sa tasang dala niya. ‘Totoo nga, nagde-date sina Chloe at Mr. Joseph!’Hi
“Ahh….”Napasinghap si Tania, gusto na niya na lang maglaho dahil sa sobrang kahihiyan. Tsismosa lang siya at wala siyang masamang intensyon kay Chloe.Kahihiyan ang masangkot sa isang eskandalosong relasyon, pero ang magkaroon ng relasyon sa isang lalaking katulad ni Joseph ay maituturing na isang pambihirang oportunidad.“Ahem, ahem, ahem…. Chloe, pasensya na. Pwede bang palampasin mo ‘to? May mga anak akong sinusuportahan, at sugalero ang mister ko. Dumadaldal lang ako para maibsan ang inip ko. Sana huwag mong masamain.”“Well, minamasama ko.”Halos maiyak na si Tania. “Please, wala akong balak na masama. Iisipin mo na lang na normal na komento ko lang yun.”Sumagot si Chloe, “Kapag mayroong taong nagsabi ng mga ganung salita sa iyo, babalewalain mo lang din ba?”Mahinang sumagot si Tania, “Hindi..”“May tanong ako sa iyo, at kailangan mo akong sagutin nang totoo. Hindi kita sisisihin.”“Walang problema! Sige lang.”“Sino ang nagsabi sa iyo na niyayakap ako ni Mr. Joseph?”
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti