Nawala na sa kontrol si Sophia. “Bakit….Wala ka bang kahihiyan?”“Kahihiyan? Oo, wala akong kahihiyan. Talagang pumasok nga ako sa backdoor ng Fairlight at pinapaburan nga ako ni Joseph. Bulungan ko lang siya nang kaunti, at tatanggalin ka na niya. Alam ng mga matatalinong tao kung paano ako pasiyahin, pero lagi mo akong pinupuntirya. Gaano ka ba katanga?”Dahil sa inis na kumalat na ang tsismis, nagdesisyon si Chloe na hindi na magpigil. Hindi pa naman middle-aged na lalaki si Joseph. Gwapo siya at napakayaman. Kaya naman, kahit na masangkot siya sa ganitong klaseng relasyon, hindi yun magiging dahilan ng isang kahihiyan.Pumasok si Lucas sa department para mag-anunsyo tungkol sa team-building, pero nadatnan niya ang mainit na sagutan nina Chloe at Sophia. Sandali siyang natigilan at hindi alam kung mangingialam ba siya o aatras.Dahil desperada, nakita ni Sophia si Lucas at agad na kumapit sa braso nito, nagsumbong siya agad. “Mr. Lucas, sinampal ako ni Chloe at binantaan ako na
Tuesday ngayon, at masaya ang lahat dahil pupunta sila sa isang all-expenses-paid-team-building trip.Galante lagi si Joseph sa mga empleyado niya, nagbigay siya ng malaking pondo para sa event. Nabook nila ang Graceville Estate na may offer na mga amenities tulad ng hot springs, horse stable, archery, at mga game room para sa entertainment.Excited ang lahat, pero ang ilan ay mayroong family matters na kailangang puntahan at nagpaiwan para magtrabaho sa opisina. Ang mga sumama sa trip ay dinala ang kanilang mga laptop kung sakaling mayroon silang urgent na trabahong kailangan na gawin.Sumabay si Chloe sa pagsakay ng bus. Habang nasa biyahe, isang babae mula sa administration department ang namigay ng hotel key cards.Noong una, ang plano ay dalawang tao ang maghahati sa isang room. Pero, nang si Chloe na, binigyan siya ng isang key card para sa isang single deluxe room. Nagpaliwanag ang staff member, “Naubusan na kami ng double rooms, kaya ikaw at isa mo pang colleague ay nasa ma
Pinigilan ni Chloe ang sensasyong nararamdaman niya at namula ang kaniyang mukha.“Ayos….ayos lang ako,” Nagawa niyang makasagot.Nang marinig ang sagot niya, hinawakan ni Joseph ang baywang niya, dahan-dahang tinataas ang kamay habang mas lalong dinidiinan ang kaniyang halik. Nakiliti ang maselas niyang balat sa hawak ni Joseph, namula ito dahil sa mga labi niya.“Sigurado ka bang ayos ka lang? Biglang namula ang mukha mo….Nilalagnat ka ba?” Nag-alinlangan ang colleague niya at pinahayag ang pag-aalala.Nang makaramdam ng sakit sa likod ng leeg niya, hindi mapigilan ni Chloe na mapasinghap. Pareho silang natigilan ng colleague niya.Napapikit si Chloe dahil sa hiya, hinihiling niyang maglaho na lang. ‘Bwisit! Ano yun? Bakit ganoon ang lumabas sa bibig ko? Nasaktan ako pero ganun ang lumabas na tunog sa bibig ko? Aakalain ng iba na nakikipag-sex ako ngayon!’Namula rin ang mukha ng colleague niya. Dahil medyo natakot, nauutal siyang nagbigay ng rason bago mabilis na umalis.Nang
Agad na nagalit ang lalaki nang marinig ang sinabi ni Chloe at pwersahang hinila ang damit niya at at hinila siya papunta sa kalapit na mga damuhan.Napasigaw si Chloe sa takot, umalingawngaw sa paligid ang boses niya. Sumugod sa eksena ang mga colleague niyang naglalaro ng cards nang marinig nila ang sigaw niya.“Hoy! Sino ka?! Bitawan mo siya!” Isa sa mga colleague niya ang sumigaw.“Lumayo ka sa kaniya! Tatawag kami ng pulis kung hindi mo siya bibitawan!” Banta ng isa.Nang makitang dumarami ang tao sa paligid, ngumisi na lang ang lalaki. “Gusto ko lang magsaya kami. Malay kong ganito ang magiging reaksyon niya? Halata naman na malandi siya dahil sa mga hickeys sa leeg niya.”Hindi napakali ang mga colleague ni Chloe na nasa game room nang hindi na siya bumalik, kaya lumabas sila para maglakad. Nagkataon naman na narinig nila ang sigaw ni Chloe.“Baliw ka! Sinumang normal na tao ay iisipin na galing ito sa boyfriend ko. Isang manyakis na tulad mo lang ang magsasabi nang ganiya
“Mas mabuti kung si Ms. Chloe mismo ang magsabi sa akin,” Sabi ni Noah, nanatiling kampante at magalang ang boses niya.Ngumisi si Joseph, seryoso ang boses niya. “Imbes na maghanap ng endorsements para sa promotion, mas mabuting ituon ng kumpanya mo ang atensyon sa mga empleyado niyo. Walang anumang promotion ang makakabura sa malinaw na mga mata ng publiko. Ang karakter ng isang tao ay ang kaniya rin prinsipyo. Dahil jewelry industry ang hawak mo kung saan karamihan ng mga customer ay mga babae, hindi ba dapat ay magpakita ng respeto ang mga empleyado mo sa mga babae?”Naningkit ang mga mata ni Noah. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo, Mr. Joseph.”“Kung hindi mo naiintindihan, mag-online ka at mahahanap mo ang sagot,” Malamig na sagot ni Joseph.*Dahil sa maraming bilang ng empleyado ng Fairlight, hindi nila mapagkasya ang lahat sa dining hall, kaya dinaos ang dinner sa labas. Umiihip ang malamig na hangin sa gabi, at maganda ang paligid dahil sa mga ilaw.Nang dumatin
Nararamdaman ni Joseph ang titig ni Chloe sa kaniya. Binaba niya ang tingin at sumibol ang ngiti sa sulok ng mga labi niya. Puno ng pagmamahal ang mga mata niya bago yumuko at bumulong, “Ito ba ang gusto mo?”Para sa kaniya, hindi mahalaga kung ianunsyo man nila sa lahat ang relasyon nila o hindi. Ayaw niya lang na hinuhusgahan ang personal niyang buhay. Pero kung ibig sabihin nun ay mawawalan ng sense of security si Chloe at lagi niya itong aalalahanin, mas gusto niyang umiwas na lang sa gulo.Hindi na makapagpigil si Chloe, niyakap niya si Joseph, puno ng kasiyahan ang mga mata niya. “Jojo, ang cool mo! I love you!”Nagkaroon na rin ng reaksyon ang mga tao sa baba, sabay-sabay silang sumigaw, “Congratulations kay Mr. Joseph at Ms. Chloe!”“Magtagal sana at maging masaya ang buhay mag-asawa ninyo!”May ilan pang naglakas loob na sumigaw, “Kiss! Kiss! Kiss!”Sumali naman ang lahat sa excitement. May naunang sumigaw at sumunod na ang iba…Sa huli, sumali na lahat ng empleyado.Na
“Hindi mo kailangang pumunta sa audition,” Sabi ni Joseph.Dahil sa impluwensya ng alak, parang isang mabangis na predator na lumapit si Joseph.Kinilabutan si Chloe, pero nakita niyang napunit na ang damit niya. Nakaramdam siya ng hiya at kaba habang nagmamakaawa, “Jojo, please! Bigyan mo ako ng ilang araw!”Mas lalong bumilis ang paghinga ni Joseph. Hinaplos niya ang mukha ni Chloe gamit ang malaki niyang kamay habang nakatitig sa mga mata nito, “Hindi ba’t matagal mo na akong gusto? Naghubad ka na rin sa harapan ko noon. Bakit ka nahihiya?”Gustong umiyak ni Chloe. Ginawa niya lang yun noon dahil desperado na siya, dala ng pag-aakala niyang si Joseph ang tito ni Jake. Kung alam niya lang ang totoo, hindi niya hahayaang gawin niya yun.Hindi siya pinansin ni Joseph at tumangging huminto. Walang silbi ang pagpupumiglas ni Chloe, kaya sumuko na siya at hinayaan na lang ang nangyayari.Gayunpaman, tila laging mayroong biglang nangyayari sa ganitong sitwasyon.Biglang nag-ring ang
Hindi nagtagal pagkaalis ni Chloe, may dumating na waiter para magsalin ng tsaa.Binigyan ni Joseph si Lucas ng holiday para magpahinga, kaya hindi kailangan mangialam ni Lucas sa ganiyang maliliit na bagay.*Nagsasaya ang mga katrabaho ni Chloe habang kumakanta sa karaoke lounge. Nangibabaw ang tugtog dahilan para makisabay si Chloe. Nagsaya siya hanggang nine o’clock ng gabi halos makalimutan na niya ang kaniyang audition.Pagkatapos niya magpaalam sa mga katrabaho niya, bumalik siya sa kwarto niya para ayusin ang gamit niya. Nang pumunta siya sa elevator, naalala niya na hindi niya pa nasasabi kay Joseph ang pag alis niya. Kaya naman, pinindot niya ang button sa presidential suite floor at pumunta doon.May keycard si Chloe. Nang pumunta siya sa kwarto, madilim at wala siyang makita. Naisip niya na wala si Joseph sa kwarto at aalis na sana nang maramdaman niya ang mainit na kamay na papalapit sa kaniya.Pagkatapos non, dumiretso ang tao sa labi niya.Nang maamoy ni Chloe ang
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti