Natatawang umiling si Rafael. "Hindi rin pumasok sa isip ko na kapatid mo siya.""Well, alam ko na may mga kailangan ka pang ayusin sa nakaraang mong relasyon. Pero umaasa ako na hindi maagrabyado ang kapatid ko sa bandang huli." Bigla nagseryuso si Zion sa kaibigan."Kilala mo ako, hindi ko aangkinin ang hindi maging akin." Makahulugang tugon ni Rafael."Naniniguro lang." Ngumisi si Zion habang nakatingin sa kaibigan."Anong klasing tingin iyan?" sita ni Rafael pero natatawa sa kaibigan."Yung totoo, ano ang ginawa mo sa kapatid ko at biglang gusto na maging babae?" Nagdududa naman ang tingin ni Zion sa kaibigan."Bro, siya ang namimikot sa akin.""Ikaw, nagpapakipot?" nang aasar na buskq ni Zion sa kaibigan."Tsk, ano ang imposible roon? Ikaw nga ay nakatagpo ng isang tulad ni Alexa." Gumanti din siya nang pang aasar sa kaibigan."Pare, iba si Alexa. Ang kapatid ko ay babae ang gusto niyan noon." Tonong dini-discourage ni Zion ang kapatid.Pumalatak na lamang si Rafael. Kung alam la
Magbasa pa