Pilit na ngumiti si Tanya kay Jenny at nagpasalamat. Nainis siya dahil inagawan nito ng papel si Rafael. Ito na ang may hawak sa paa niya at nilapatan ng cream upang hindi na mamaga. "Salamat, ok na ako."Nakangiting binitiwan niya ang paa ni Tanya at tumayo. Baka hindi mo pa kayang maglakad, puwede kitang tulungan hanggang sa silid mo. "No, ayaw ko pang pumasok sa silid ko." Matigas na tanggi ni Tanya. Nagkibit balikat si Jenny. Alam niyang hinihintay talaga ng babae na tutulong dito ay si Rafael. Syempre, hindi niya hahayaan iyon. "Rafael, hijo, ang mabuti pa ay buhatin mo na lang si Tanya at dalhin sa silid niya. Alam ko naman kung gaano katigas ang ulo niya kahit nasasaktan." Utos ni Alice sa binata."Manang, hindi po nalumpo si Tanya para buhatin." Nakangiting kontra ni Jenny sa ginang.Ngumiti rin si Alice sa babae kahkt gusto niya itong bugahan ng apoy kung may apoy lang sa bibig niya. "Hija, kung hindi mo alam ay sobrang mahal ni Rafael si Tanya. Tanda ko pa noon, kaunting
Read more