"Rafael, hijo, pasensya na kung nabulahaw ang pagtulog mo. Hindi ko na napigilan sa pangungulit si Tanya dahil sa kalasingan at gusto ka niyang makita." Naawang tumingin si Alice sa dalaga.Salubong pa rin ang mga kilay na tumitig si Rafael sa dalagang inaalayan ng katulong. "Gabi na at dapat pong nagpapahinga na siya kaya dalhin niyo na sa kaniyang silid."Pero, hijo, ikaw ang gustong—""Manang, please. Lalo mo lamang siyang pinahihirapan." Makahulugan niyang pakiusap sa ginang.Nasasaktan si Alice para kay Tanya at ramdam niyang hindi nito alam ang sasabihin dahil sa nakikita. "Rafael, I miss you!" Yumakap si Tanya sa binata at pinanindigan ang pagiging lasing at hindi alam ang ginagawa. Balak niyang halikan ito ngunit mabilis na pumaling pakaliwa ang ulo nito.Natigilan si Rafael at nabigla sa pagyakap sa kaniya ni Tanya. Babae pa rin ito at ayaw niyang makasakit."Mahal, antok na ako." Tawag ni Jenny sa binata nang makita ang ginawa ni Tanya. Bumangon na rin siya at sumandal sa h
Read more