"Ano ang kailangan mo?" mataray na tanong ni Tanya sa taong tumatawag."Mukhang hindi maganda ang gising mo, dahil ba kay Jenny?" nang aasar na tanong ni Jinky mula sa kabilang linya. Maaga niyang nagising dahil napanaginipan niya ang babae at hindi mawala ang galit na nadarama. Si Tanya ang naisip niya agad upang may karamay siya sa mainis ngayon. "Puwede ba, huwag mong banggitin ang babaeng iyon at lalo lang kumukulo ang dugo ko! Ano ang kailangan mo at napatawag ka?" mataray niyang tanong kay Jinky. Kahapon pa ito gustong makipagkita ngunit tumanggi siya dahil naging abal sa kusina at sinira iyon ni Jenny."Alam ko kung paano nagkakilala sina Rafael at Jenny."Biglang napatuwid ng upo sa kama si Tanya at naging interesado bigla sa kadaldalan nito. "Totoo ba iyang mga sinasabi mo?""Yes, Ms. Tanya. May e-send akong video sa iyo bilang patunay na hindi lamang ako gumagawa nang kuwento." Nakangising tugon ni Jinky. Napangiti na rin si Tanya at agad na binuksan ang video na send sa
Mabilis ba lumabas ng kusina si Alice nang marinig ang tawag sa kaniya ni Rafael. "Hijo, may kailangan ka?"nakangiti niyang tanong sa binata at ang tingin ay sa babaeng buhat pa nito.Dahan-dahang ibinaba ni Rafael ang dalaga sa sofa at nilingon si Alice. "Manang, maghanda ka ng meryenda at may parating akong bisita."Ilan hijo at sino?""Dalawa po. Nasaan nga po pala si Tanya?" tanong ni Rafael habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala."Nagkukulong sa silid niya, hijo, hindi rin niya naubos ang pagkain at nawalan umano nang ganang kumain."Pumalatak sa isipan si Jenny habang pinapakiggan ang sinasani ng ginang. Hindi talaga maaring walang paawa ang mga sinasabi nito kay Rafae tungkol kay Tanya."Baka po inaantok pa siya kaya hayaan na munang makapagpahinga. Pakihanada na ang kailangang ihain sa kapatid at hipag ni Jenny."Biglang umasim ang mukha ni Alice nang malaman na kapamilya ni Jenny anv parating. Tingin niya ay abusado ang babae at nagpapabuhat pa pagbaba sa hagdan.Muli
"Kauuwi niya lang din galing sa ibang bansa at walang ibang matuluyan. Dumito siya pansamantala." Hindi na niya kailangang idetalye kay Zion ang lahat dahil alam nito ang history nila ng babaeng nakaraan niya."Hi, masaya ako sa kaalamang nakilala mo ako noon sa kuwento lamang ni Rafael." Bati ni Tanya sa guwapong lalaki. Kahit kapatid ito ni Jenny ay natuwa siya rito at gustong maging kaibigan."Wala kang bahay? Kawawa ka naman."Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Tanya nang marinig ang tanong ng babaing katabi ng lalaking gusto niyang maging kaibigan. Napatingin siya sa tiyan nito at kamay na nakakapit sa braso ng lalaki.Pinigilan ni Jenny ang matawa dahil sa sinabi ng hipag. Pareho silang matalas manalita ni Alexa pero iba ang hasa ng tabas ng dila ng kaniyang hipag kaysa kaniya."Ang akala ko pa naman ang isang modelo sa ibang bansa ay malaki ang sahod at mapera." Pagpatuloy ni Alexa kahit sinasaway siya ng asawa sa pamamagitan ng tingin.Pilit na ngumiti si Tanya sa babaeng bu
"Ang tinutukoy ba niya ang tungkol sa pustahan ninyo ni Mark?" naninugurong pabulong na tanong ni Alexa sa hipag. Tumango si Jenny habang pigil ang sariling tumawa. Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Tanya nang makita ang reaction sa mukha ng dalawa. Sa halip na kabahan at makiusap sa kaniya na huwag ibunyag kay Rafael ang lahat ay mukhang naaaliw pa sa kaniya. Biglang napabunghalit ng tawa si Alexa nang mabura ang ngiti sa labi ni Tanya. Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa dahil ang akala ng babae ay may malaking pasabog na ito laban sa hipag niya."Tingnan ko lang kung makatawa pa kayo kapag napanood ni Rafael ang video." Inis na panghahamon ni Tanya sa dalawa.Unti-unting humupa ang tawa ni Alexa at tumingin kay Jenny. "May scandal ka bang itinatago sa amin?" eksahiradong tanong ni Alexa sa hipag.Si Jenny naman ang natawa dahil sa tanong ng hipag. "Anong klaseng tanong iyan? Alam mong kagabi lang ako nagpagalaw kay —"Mabilis na tinakpan ni Alexa ang bibig ni Jenny
"Manang Alice, huwag ka nang mag-imbento pa dahil alam kong ang garden ay bulaklak nang namayapa nang ina ni Rafael." Mataray na sita ni Jenny sa ginang.Napahiya si Alice pero hindi niya ipinakita iyon sa dalaga. "Pero si Tanya pa rin ang nasa isip ni Rafael nang ipatayo ang bahay na ito. Pagtataray pa rin niya."May ebedensya ka manang? Kung wala ay mabuti pang tumahimik ka na lang at baka bigla kang mawalan ng trabaho. Matanda ka na pero antribida ka sa buhay ng amo mo. Kaano-ano ka ba ni Rafael para magpanggap na kontrabida dito?" Walang awa na sita ni Alexa sa ginang."Huwag mong pagsalitaan nang ganyan si Manang dahil parang ina na ang turing sa kaniya ni Rafael!" Galit na pagtatangol ni Tanya kay Alice."Baka siya talaga ang tunay na ina ni Tanya kaya gustong-gusto niyang maikasal iyan kay Rafael." Natatawang biro ni Jenny.Namula ang pisngi ni Tanya at hindi matanggap ang hindi magandang biro ni Jenny. "Wala kaming relasyon ni Manang Alice at malabong maging ina ko siya dahil
Apologitic na tumingin si Tanya kay Zion, mga tingin na nagpapahiwatig na naawa dito dahil nakapag asawa ng isang walang kuwentang babae."How dare you to tell that to my wife!" Daig pa ni Tanya ang nasampal sa masakit na salita muka kay Zion. Ang talim din ng tingin nito sa kaniya. Ang akala pa naman niya ay mapahiya sa kaniya ito dahil hindi maipagmalaki sa tulad niya ang asawa nito. Pagtingin niya kay Jenny at halatang napipigil ito ng tawa at ang tingin sa kaniya ipinahihiwatig na lagot siya. Pagtingin niya kay Rafael ay halatang hindi rin ito natuwa sa kaniyang inakto.Mabilis na niyakap ni Zion ang asawa at inalo ito. "Babe, hindi totoong wala kang pakinabang at hindi maipagmalaki. Hindi iyan ang basihan ng isang lalaking tapat kung magmahal tulad ko. Marahil ang hanap ni Tanya ay lalaking walang prinsipyo sa buhay.""Zion, I'm so—""Huwag ka nang magsalita pa, Tanya!" Malamig na putol ni Rafael sa pagsasalita ng dalaga. Ang ayaw niya sa lahat ay mayabang at minamaliit ang kaka
"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa."Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog
Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya. "Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan. Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila. Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks pregnant na pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya."Ipapaalam ko na po ba—" Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari