Nagmamadaling bumaba ng kama si Jenny at lumabas ng silid. Alam niyang gabi na at gusto niyang maiyak sa isiping iniwan na siya doon ni Rafael. "Anak, mabuti naman at gising ka na. Gis—" hindi naituloy ni Stella ang sasabihin nang mapuna ang hitsura ng anak. "What's wrong?" Nilapitan niya ito at sinalat ang noo kung mainit ba dahil nagluluha ang mga mata nito."Iniwan na niya ako!" Umiyak na si Jenny na parang inapi.Sandaling natigilan si Stella at napaisip kung sino ang nang iwan sa anak. "Bakit hindi niya po ako ginising bago umali?" Masama ang loob na paguloy niyang sumbong sa ina."Si Rafael ba ang hinahanap mo, hipag?" tanong ni Alexa habang sumusubo ng chips.Humihibi na tumango si Jenny.Natampal ni Stella ang noo at hindi nahulaan kung sino ang hinahanap ng anak. Mukhang na fall na nang husto ang anak niya kay Rafael at ipinag aalala niya iyon. Hindi ito maaring mabigo."Nasa guest room siya at nilasing ng mabait kong asawa." Turo ni Alexa sa room na katabi ng silid ni Jenn
Nagmamadaling bumaba ng kama si Jenny at lumabas ng silid. Alam niyang gabi na at gusto niyang maiyak sa isiping iniwan na siya doon ni Rafael. "Anak, mabuti naman at gising ka na. Gis—" hindi naituloy ni Stella ang sasabihin nang mapuna ang hitsura ng anak. "What's wrong?" Nilapitan niya ito at sinalat ang noo kung mainit ba dahil nagluluha ang mga mata nito."Iniwan na niya ako!" Umiyak na si Jenny na parang inapi.Sandaling natigilan si Stella at napaisip kung sino ang nang iwan sa anak. "Bakit hindi niya po ako ginising bago umali?" Masama ang loob na paguloy niyang sumbong sa ina."Si Rafael ba ang hinahanap mo, hipag?" tanong ni Alexa habang sumusubo ng chips.Humihibi na tumango si Jenny.Natampal ni Stella ang noo at hindi nahulaan kung sino ang hinahanap ng anak. Mukhang na fall na nang husto ang anak niya kay Rafael at ipinag aalala niya iyon. Hindi ito maaring mabigo."Nasa guest room siya at nilasing ng mabait kong asawa." Turo ni Alexa sa room na katabi ng silid ni Jenn
"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Alexa sa hipag nang mapansin na malayo ang tingin nito at kanina pang tahimik.Sandaling tinapuna niya ng tingin si Alexa at tumango habang nanatiling blangko ang expression sa mukha. "Uuwi na daw si Rafael, hindi mo ba ihahatid?" tanong ni Alexa habang mataman na pinagmamasdan ang hipag. Naninibago siya sa pananahimik nito ngayon. Kanina naman ay masaya pa itong pumasok sa silid na inuukupa ni Rafael. Kanina pa niya napapansin ang pananahimik ng hipag sa hapag kainan. Parang hangin sa paningin nito si Rafael habang kumakain kanina. Ayaw naman niya itong tanungin at ramdam niyang sensitive abg damdamin nito ngayon. Tumanaw muli sa malayo si Jenny habang nakatayo sa balcony. Gusto niya sanang mapag isa ngunit nasundan siya ng hipag. "Ate, pakisabi kay mommy na inaantok na ako."Napabuntong hininga si Alexa, "kung kailangan mo nang kausap ay narito lang ako."Nakayuko ng ulo si Jenny ay pinigilan ang sarili na mapaiyak. "Huwag mong kimkimin ku
Mapait na ngiti ang humulma sa labi ni Jenny nang makita ang balita. Tama nga ang hinala niya na dahil kay Tanya kaya nagmamadaling umalis kagabi si Rafael. Kita niya sa mukha ng binata kagabi ang labis na pag alala kaya alam niyang talo na siya sa puso ni Rafael. Pero gusto niyang bigyan ng last chance ang sarili. Napatingin si Rafael sa kaniyang cellphone. Masakit pa ang ulo niya at walang maayos na tulog. Napilitan siyang sagutin ang tawag nang makita kung sino ang caller. "Hi, are you free today?" tanong ni Jenny mula sa kabilang linya."Sorry, marami akong asikasuhin ngayong araw.""Work?" tanong muli ni Jenny at hindi pinahalata sa binata na dissapoint siya."Yes." Pagsisinungaling ni Rafael. Ayaw niyang malaman ng dalaga na binabantayan niya ngayon si Tanya sa hospital. "Okay, ingat." Hindi na niya hinintay ang sagot ng binata at agad na pinutol ang tawag. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jenny bago nagpasyang maligo na. Oras na para harapin na ang totoong buhay. Ka
"Rafael..."Napatingin si Rafael kay Tanya na bagong gising. Sandaling iniwan niya ang laptop at nilapitan ito. "Kumusta ang pakiramdam mo?"Thank you at hindi mo ako iniwan.""Tanya, alam mong obligasyon ka ng kompanya dahil sa contract. Hindi na sana maulit ito at maging maingat sa susunod lalo na ang paglabas sa gabi."Nasaktan si Tanya sa pormal na pakipag usap sa kaniya ng binata. Dahil sa contract kaya nagkaroon ng oras sa kaniya si Rafael."Sorry, ayaw ko lang kasi na magkaproblema kayo ni Jenny kaya naisip kong umalis kagabi upang maghanap nang matuluyan." "Pinaiimbistigahan ko na ang nangyaring pananambang sa iyo ng kalalakihan."Kinabahan si Tanya pero hindi iyon pinahalata sa binata. "Thank you!"Napatingin si Rafael sa suot na relo at tumayo. "Bumili lamang ng makain mo si Aling Alice.""Rafael, puwede bang dito ka lang muna? I'm scared!" Napabuntong hininga si Rafael ag bumalik sa kinaupuan. Nasabi ng doctor kanina na maaring magkaroon ng phobia ang dalaga dahil sa kam
"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa."Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog
Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya. "Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan. Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila. Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks pregnant na pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya."Ipapaalam ko na po ba—" Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari
Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abuelo ko. Kunin mo ang perang habol mo sa akin kaya mo ako pinakasalan kapalit ng kalayaan ko.Pilit na sinupil ni Stella ang paghulma ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya masisi ang asawa kung iyon ang nasa isip hanggang ngayon. Wala siyang maidahilan noong tinanong siya kung bakit gusto niyang magpakasal dito. Naidahilan niya ay noon pa niya pangarap makapag-asawa ng mayaman. Isa pa ay kahit hindi iyon ang isagot niya noon ay talagang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya. Pero sobra siyang nasasaktan ngayon dahil hindi manlang siya nagawang mahalin ni Charles sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Mahinang buntonghininga ang pinakawalan niya at marahang tumango sa asawa."Kun