"Bakit?" tanong ni Kerk sa apo at wala na sa kaniya ang atensyon nito."Lolo, alis na po muna ako. Kayo na po ang bahala kay Tanya." Nagmamadaling paalam niya sa abuelo.Napangiti si Kerk habang sinusundan ng tingin ang apo. Mukhang nasagot na ang tanong niya rito.Nagulat si Roger nang makitang lumabas na agad ng bahay ang amo habang naka dikit sa tainga ang cellphone nito."Damn, bakit naka off ang cellphone mo!" "Cellphone ko po ba, sir?" Nag aalinlangang tanong ni Roger nang marinig ang galit na boses ng binata.Natigilan si Rafael at napatingin kay Roger. Para siyang nahimasmasan nang mapansing nasa harapan na siya ng sasakyan. "Hindi ko makuntak si Jenny, may iba ka bang alam na gamit niyang numero?"Mabilis na umiling si Roger, "wala na po sir. May problema po ba kayo ni Ms. Jenny?""Hindi makuntak ang numero niya." Mukhang naiinip na dinayal niyang muli ang numero ni Jenny."Baka po naitapon na naman niya ang cellphone dahil sa selos?"Natigilan si Rafael at muling inisip ang
"Takot sa rejection si Jenny lalo na ang umamin ng sarili niyang damdamin. Kung lumalalim na ang relasyon ninyo ay baka iyan ang isa sa iniiwasan niya ngayon." Namura ni Rafael ang sarili sa isipan lamang nang makuha ang ibig sabihin ng ginang. Ngunit hindi niya masabi dito ang kagaguhang ginawa kagabi kaya biglang nag iba ang pakitungo sa kaniya ni Jenny. "Ang akala ko ay ikaw na ang makagamot sa sa puso niya," nalungkot bigla si Stella at mukhang lumayo na ang anak niya upang takasan si Rafael. "Ma'am, maari ko po ba siyang makausap?" Pakiusap ni Rafael. Sinisisi niya ang sarili ngayon dahil sarilinh damdamin lang ang naisip kagabi nang bigkasin ng dalaga ang tatlong salitang iyon. "I'm sorry, hijo, pero kahit ako ay hindi alam kung nasaan siya ngayon. Dati na niyang ginagawa ang umalis at walang paramdam ng ilang araw. Hindi kami nag aalala dahil trabaho ang pinaglilibangan niya at ayaw may isturbo." Bumagsak ang mga balikat ni Rafael sa narinig. Pero nagkaroon siya nang k
"Manang, bakit po ganiyan kayo kung maningin?" tanong ni Tanya sa ginang."Alam mo naman sigurong ayaw ni Rafael ang maging laman ng pahayagan?" tanong ni Alice habang nang aarok ang tingin sa dalagang nanatiling nakahiga sa kama.Mabilis na nag iwas ng tingin si Tanya sa ginang. Kanina pa siya malungkot nang hindi na makita ang binata pagkalabas ng banyo. Sobra siyang dissapoint at parang bigla inabanduna siya ng taong gustong sandalan sa ganitong sitwasyon."Nabasa na ni Rafael ang balita at galit na galit siya."Bahagyang nanalaki ang mga mata ni Tanya at kinabahan. Galing sa labas ang ginang kaya tiyak na may nasagap itong masamang balita para sa kaniya."Narinig kong pinag uusapan ng bodyguard na iniwan sa labas ng pinto na pinahahanap ni Rafael ang taong nagpakalat ng malisyusong balita." Pagpatuloy ni Alice habang hindi inihiwalaya ang tingin kay Tanya."A-ano po ang gagawin kapag nahuli?" Kabadong tanong ni Tanya sa ginang."Sa tingin ko ay kakasuhan niya. Wala ka naman siguro
Mabilis na tumayo si Alice nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rafael. Kumabog ang dibdib niya nang makita sa mukha nito ang galit. Pagtingin niya kay Tanya ay bakas din sa mukha nito ang pagkabahala.Nakagat ni Tanya ang loob ng bibig nang masalubong ang galit na mga titig ng binata sa kaniya. Hindi pa man ito nagsasalita ay nahulaan na niya kung ano ang ikinagagalit nito sa kaniya."Bakit nagsinungaling ka tungkol sa tirahan mo?" malamig na tanong ni Rafael kay Tanya.Nagyuko ng ulo si Alice at takot na madamay dahil sa ginawa ni Tanya. Dumistansya rin siya at tumayo lang sa isang tabi."Ra-Rafael, please let me explain!" Kabado at gumaralgal na ang boses niya. "At nilagay mo pa ang sarili mo sa kapahamakan para lang manatili ako sa tabi mo?"Nanlaki ang mga mata ni Tanya at umiling. Hindi magawang ibuka ang bibig upang magpaliwanag sa binata at itanggi ang nasa isip nito."Ngayon pa lang ay umamin ka na habang maaga pa kung ayaw mong lalo along ma dissapoint sa iyo." Hind
"Huwag kang magpakatanga sa kaniya, Rafael! Niloloko ka lang niya at isang laruan ang tingin niya sa iyo!" Ngumiti siya sa binata at naaawang tingin ang ipinukol dito."What do you mean?" malamig na tanong ni Rafael."Pinagpustahan ka lamang ng babaeng iyon, Rafael." Pagsisiwalat niya sa katotohanan upang gisingin ang binata."Iyan lang?" Natigilan si Tanya at hindi makapaniwalang napatitig kay Rafael. Mukhang hindi big deal sa binata ang mga sinabi niya. "Hindi ka naniniwala? Then, watch this!" Napamulagat si Alice na kanina pa tahimik lang sa kinatayuan niya nang marinig ang nasa video.Napangisi si Tanya nang matigilan ang binata habang nakatingin sa video. "Pinagpustahan ka lang ni Jenny at ng pinsan niya. Hindi lang siya manggagamit, wala rin siyang puso!" ani Tanya."Kung wala ka nang ibang sasabihin pa ay aalis na ako." Muling tumalikod si Rafael."What? Hindi ka manlang ba nagagalit sa ginawa ng babaeng iyon, Rafael?" hindi makapaniwalang tanong niya sa binata."Hindi mo kil
"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa."Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog
Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya. "Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan. Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila. Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks pregnant na pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya."Ipapaalam ko na po ba—" Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari
Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abuelo ko. Kunin mo ang perang habol mo sa akin kaya mo ako pinakasalan kapalit ng kalayaan ko.Pilit na sinupil ni Stella ang paghulma ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya masisi ang asawa kung iyon ang nasa isip hanggang ngayon. Wala siyang maidahilan noong tinanong siya kung bakit gusto niyang magpakasal dito. Naidahilan niya ay noon pa niya pangarap makapag-asawa ng mayaman. Isa pa ay kahit hindi iyon ang isagot niya noon ay talagang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya. Pero sobra siyang nasasaktan ngayon dahil hindi manlang siya nagawang mahalin ni Charles sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Mahinang buntonghininga ang pinakawalan niya at marahang tumango sa asawa."Kun