Hindi naman mataas ang pangarap ko para sa amin ni Seya. Simpleng buhay lang na kasama siya, may maayos na tirahan, yung mapagtapos ko siya ng pag-aaral at ang maging masaya kaming dalawa na magkasama..."Ate!"S-Seya...Itinaguyod ko siya mag-isa, iginapang kahit ang hirap ng buhay, siya ang naging inspirasyon ko, ang pinaka dahilan noon kung bakit kahit sobrang hirap, kahit hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa amin patuloy pa rin akong nagsusumikap."Ate, Zehra!""Masayang-masaya ako, ate..."Napangiti ako nang makita ang mukha niya. Tama... okay na si Seya, nagampanan ko na rin ang tungkulin ko sa kaniya. Masasabi ko na naging mabuti akong ate sa kaniya na lahat... l-lahat ibinigay ko para lamang maging maayos siya."Magpahinga ka naman, ate! puro na lang ikaw ang napapagod sa pagtatrabaho, malaki na ako! Huwag mo na akong intindihin!"Nasa harapan ko si Seya, hawak niya ako sa pisngi habang may luha sa mga mata niya. N-Nananaginip ba ako? nasa ibang bansa siya. Anong..."At
Last Updated : 2023-10-27 Read more