Home / Romance / Three Month Agreement / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Three Month Agreement: Kabanata 51 - Kabanata 60

133 Kabanata

Chapter 50

Pero iba ang nakikita ko sa kaniya sa mga naririnig kong sinasabi niya. Mukhang mapuputol na ang pasensiya niya anumang oras at nilalabanan lang niya iyon. Ikinukubli sa dahilan na magtitiis siya para sa akin."After confessing, I never thought it would be this hard. Kung iisipin ay mas tamang sa kaniya ka, hindi ba? dahil sa lahat ng mga sinabi at ginawa ko sa iyo, mas kapili-pili siya."Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang mga iyon kay Thauce. Ang lahat ng alaala simula noong limang taon na pagkikita namin. Ang galit sa mukha niya, ang mga matatalim na salita na natanggap ko, ang insulto sa pera. Lahat nang luha nang magsimula ang kasunduan.At kahit na ganoon, siya pa rin ang pinili ko. Siya ang mahal ko."Pero... hindi ako nagrereklamo. Hindi naman ako magrereklamo."Umangat ang mga kamay ko at hahawak na sana sa kaniyang mga braso nang mapatigil sa muli niyang pagsasalita."I am sorry. Am I making things hard for you, Zehra Clarabelle? Masyado ba akong demanding na m
last updateHuling Na-update : 2023-10-23
Magbasa pa

Chapter 51

Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos na sagutin ko si Thauce at sa mga araw na iyon ay hindi naman na niya ako kinukulit na ipaalam sa mga kasama namin ang aming relasyon. Mukhang naintindihan na rin niya ako dahil nga sa sitwasyon namin at ni Errol. Pero, iyon ay may kapalit naman."Once we get back, you can't stop me from doing what I want to do to you."Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya."H-Ha?" iyon ang lumabas sa aking bibig kahit nagkaroon ako ng ideya kung ano ang kaniyang sinasabi.Tumaas ang sulok ng labi ni Thauce at lumapat ang kamay niya sa aking leeg, bumaba pa iyon hanggang sa aking braso at nang dumako sa aking tagiliran ay hinapit niya ako sa aking baywang."But I don't know if I can still bear it."Napangiti ako nang maalala iyon, pinaypayan ko rin ang aking sarili nang makaramdam ng pag-iinit ng aking mukha. Hay, Zehra, ang rupok mo naman. Sa tingin ko ay makakatiis naman si Thauce, kasi sumusunod naman rin siya sa mga sinasabi ko pero ipinilit niya iyong pa
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 52

Akala mo sa mga halik niya ay ang tagal namin na hindi nagkita. Akala mo ba sa pagkilos ng mga labi niya at sa paghapit sa akin ay hindi kami kagabi nagtagpo. Napangiti na lang ako at pinagbigyan siya sa halik na gusto niya.Ipinikit ko ang aking mga mata at ikinapit ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok at gumanti sa bawat pagkilos ng kaniyang mga labi sa akin. Sinubukan kong sabayan at gayahin ang ginagawa niya pero nahuhuli ako dahil sa gigil na nararamdaman ko kay Thauce. Nadadala akong lalo sa mainit na halik niya sa akin at nang maglakad siya ay napasunod naman ako."Hmm..."Naupo siya sa gilid ng kama at doon na naghiwalay ang aming mga labi. Nakayuko ako ngayon sa kaniya habang siya ay nakatingala sa akin. Nang makita ko ang mas namulang mga labi ni Thauce ay napalunok ako. Muntik pa akong mawalan ng balanse nang bigla ay hapitin niya ako sa aking baywang. Mabuti na lang at naitukod ko ang aking isang tuhod sa kaniyang gilid."Thauce, hindi ako pwedeng magtagal dito," sabi
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 53

"I noticed that you're always on your phone, Zehra."Bahagya kong ikinagulat nang marinig ang boses na iyon ni Errol sa likod ko. Hindi ko namalayan iyong pagbukas ng pinto at pagpasok niya sa silid namin! Mabilis ko na itinago ang cellphone na aking hawak sa bulsa ng suot kong jacket nang maglakad siya palapit sa akin. Katext ko pa naman si Thauce, sinabi niya na kagigising lang niya at palabas na ng silid. Tinatanong ako kung anong oras ako bababa para mag-almusal.Hindi pa naman ako nakakasagot!"Oh? I am sorry, nagulat ata kita.""A-Ahmm... hindi naman," nakangiti siya sa akin pero ang ngiting iyon ay hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata.Napatingin ako sa hawak niyang tasa, umuusok pa ang laman non.Nang umalis siya kanina at magpaalam ay akala ko magtatagal siya sa kusina. Simula kasi nang dumating kami dito sa resthouse sa tuwing gigising siya ay alam ko na kung saan ang diretso niya. Sa kusina para magtimpla ng kape, nakikita ko pa siya minsan na kausap ang mga kaibigan
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 54

Wala akong nakuhang kahit na anong sagot nang sabihin ko kay Errol ang totoo. Nanahimik siya pero nakita ko ang galit sa mga mata niya. Masakit para sa akin, mabuti siyang kaibigan pero wala na akong iba pang maibibigay sa kaniya kung hindi hanggang doon na lang. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung pang ilang beses na ito ngayong tanghali habang narito ako sa tabing dagat.Pagkatapos ko kasi na makausap si Errol ay ako ang unang lumabas ng silid namin, hindi ko rin kayang maiwan doon kasama siya dahil sa mga ipinagtapat ko.Akala ko nga aabutin pa ako na hanggang makauwi kaming lahat, pero sa tingin ko ay ito ang nararapat, ang sabihin sa kaniya ang totoo na minamahal ko si Thauce. Pakiramdam ko iyon ang tamang gawin sa aming sitwasyon.Muli akong napabuga ng hangin. Napatingin ako sa aking cellphone.Ngayon hinihintay ko naman na sagutin ni Seya ang aking tawag. Sinabi niya sa mensahe niya kagabi na gusto daw niyang makita ang lugar kung nasaan ako, ang nais ay sa video chat
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 55

Hindi natuloy ang dapat na pag-uusap namin ni Thauce dahil sinamahan ko si Lianna sa bayan noong tanghali. Inaya niya ako na maglibot at iyon nga, nakapamili kami ng mga damit. Ang dami ko na kakong baon na bigay niya mismo pero hindi pa rin siya pumayag at binilihan pa ako.Nang makauwi naman kami ay hindi rin ako nagkaroon ng oras kay Thauce kahit ang itext siya dahil nakatulog ako sa entertainment room habang nanonood ng movie. Nang magising ako kinabukasan ay alas tres na ng madaling araw at nasa tabi ko pa rin si Lianna.Pagtingin ko sa messages ko ay puro sad emoji ang mensahe ni Thauce pero iyong pinakahuli ay larawan ko na mukhang kuha niya nang makita na natutulog ako sa entertainment room."You fell asleep first! Boring ba iyong movie?" tanong ni Lianna sa akin.Ngayon ay nandito kami sa kusina para maghanda ng pananghalian. Sinabi niya sa akin na gusto niya daw ng kaldereta pero hindi niya iyon alam iluto kaya nagprisinta ako na ako na ang magluluto para sa kaniya kaso ay
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 56

10:07 pmNagkayayaan ang karamihan na uminom sa isang mini bar sa bayan. Nabanggit kasi ni Lianna na mayroon nga daw doon at dahil na-curious ang iba ay nagpunta sila. Ang naiwan lang ngayon dito sa may resthouse ay ako, si Lianna, Errol si Thauce si Kit at si Tristan. Wala nang energy iyong dalawa napagod dahil nag-surfing ulit nitong hapon.Napaunat ang mga paa ko at napatingin sa langit. Nasa duyan ako ngayon, malapit sa may dagat. Hindi na masyadong malamig kaya napagpasyahan ko na dumito muna. Nakakakalma lang dito. Iyong tunog ng alon, iyong huni ng mga insekto pati ang mga mga dahon na hinahangin. Ang sarap sa pandinig, nakakagaan sa pakiramdam."Sana makasama ko si Seya dito sa susunod..."Kaso matagal pa ang balik ng kapatid ko. Magtitiis pa ako ng kulang dalawang taon."Miss na miss ko na rin siya..."Pero sa nakikita ko ay nakakabawi na ngang talaga ang kapatid ko. Nagkakalaman na ang kaniyang mukha, lumalago na rin ang buhok. Kahit magkalayo kami ay ayos lang, basta malama
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 57

Nang bitiwan ni Thauce ang mga labi ko ay pinatakan nya ng halik ang aking noo at ilong. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng diretso."I am sorry, but this is not enough for me. I am losing my patience, baby.""Thauce...""I still get jealous. Nagseselos pa rin ako kay Errol. I want to tell him that he doesn't have a chance, that you are in love with me and--"Ako naman ngayon ang hindi nagpatapos sa kaniya. Ikinulong ko ang kaniyang mukha sa aking mga palad at mabilis na hinalikan ang mga labi niya."Alam na ni Errol, Thauce..."Kumunot ang noo niya."Alam niyang mahal kita... sinabi ko... s-sinabi ko na kahapon ng umaga na ikaw ang minahamal ko at wala na siyang maaasahan sa akin kung hindi pagkakaibigan na lang."Parang tinatambol ang puso ko habang naghihintay ako ng reaksyon sa kaniya. At nang kagatin niya ang pang-ibabang labi at idikit ang noo sa akin ay narinig ko naman ang hindi makapaniwalang tanong niya."Really?"Tumango ako. Ipinalupot ko ang aking mga braso sa kaniyan
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 58

Mas naging makulit si Thauce nang mga nakaraang araw pagkatapos na muntik na kaming mahuli na dalawa sa pool. Ang loko rin pala niya. Akala ko noon ay iyong pagiging seryoso at nakakatakot lang ang ugali niya pero hindi pala. Bago sa aking mga mata at pakiramdam ang lahat ng ipinapakita niya ngayon.Ngayon na may relasyon na kaming dalawa."Ate, kanina pa po kita kinakausap hindi ka na sumasagot. May problema ka ba? may sakit ka?"Napatikhim ako nang marinig sa kabilang linya ang boses ni Seya. Narito ako sa silid ko at alas diyes na ng umaga. Kausap ko siya ngayon, ilang minuto pa lang ang nakalipas."Sorry, sorry, Seya. Ano nga ulit iyong sinasabi mo? saan iyong pinuntahan ninyo ni Dr. Ariq?"Nawawala ako masyado sa focus kapag naaalala ang mga huling kaganapan sa pagitan namin ni Thauce. Paano ba naman na hindi? mas sanay ako sa pagsusungit niya, hindi sa malambing, mapaghanap at palaging nakahalik na si Thauce. Mabuti nga at hindi kami nahuhuli.Iyon pa ang isang ikinakakaba ko la
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa

Chapter 59

"Nagiging malapit sa iyo si Kit at hindi ko iyon nagugustuhan."Magkasalikop ang mga kamay ko at isang dipa ang layo ko kay Thauce nang marinig ko ang mga sinabi niya. Narito kami ngayon sa may rooftop. Katulad ng dati, kung saan kami nagtatagpo kapag mahimbing na ang tulog ng lahat.Halos gabi na rin nakauwi si Thauce, alas sais trenta y singko na. At nainis ako ng kaunti dahil ang huling mensahe niya sa akin ay iyong pagpapaalam niya na may kakausapin siya."Paano mo nalaman? wala ka naman dito sa buong maghapon," halos bulong iyon nang lumabas sa aking bibig. Nakita ko ang pagtagilid ng bahagya ng ulo niya, nasabayan iyon ng pagtatagis ng bagang.Bigla akong napatikhim at napalunok nang mapagtanto ko na hindi pala tama ang aking sinabi."Not because I haven't been here all day doesn't mean I don't know what's going on, Zehra Clarabelle."Nakagat ko ang loob ng aking pisngi at mahigpit ang naging pagkapit ng aking isang kamay sa dulo ng suot kong damit. Iba talaga kapag tinatawag ni
last updateHuling Na-update : 2023-10-24
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
14
DMCA.com Protection Status