Wala akong nakuhang kahit na anong sagot nang sabihin ko kay Errol ang totoo. Nanahimik siya pero nakita ko ang galit sa mga mata niya. Masakit para sa akin, mabuti siyang kaibigan pero wala na akong iba pang maibibigay sa kaniya kung hindi hanggang doon na lang. Napabuntong hininga ako, hindi ko alam kung pang ilang beses na ito ngayong tanghali habang narito ako sa tabing dagat.Pagkatapos ko kasi na makausap si Errol ay ako ang unang lumabas ng silid namin, hindi ko rin kayang maiwan doon kasama siya dahil sa mga ipinagtapat ko.Akala ko nga aabutin pa ako na hanggang makauwi kaming lahat, pero sa tingin ko ay ito ang nararapat, ang sabihin sa kaniya ang totoo na minamahal ko si Thauce. Pakiramdam ko iyon ang tamang gawin sa aming sitwasyon.Muli akong napabuga ng hangin. Napatingin ako sa aking cellphone.Ngayon hinihintay ko naman na sagutin ni Seya ang aking tawag. Sinabi niya sa mensahe niya kagabi na gusto daw niyang makita ang lugar kung nasaan ako, ang nais ay sa video chat
Hindi natuloy ang dapat na pag-uusap namin ni Thauce dahil sinamahan ko si Lianna sa bayan noong tanghali. Inaya niya ako na maglibot at iyon nga, nakapamili kami ng mga damit. Ang dami ko na kakong baon na bigay niya mismo pero hindi pa rin siya pumayag at binilihan pa ako.Nang makauwi naman kami ay hindi rin ako nagkaroon ng oras kay Thauce kahit ang itext siya dahil nakatulog ako sa entertainment room habang nanonood ng movie. Nang magising ako kinabukasan ay alas tres na ng madaling araw at nasa tabi ko pa rin si Lianna.Pagtingin ko sa messages ko ay puro sad emoji ang mensahe ni Thauce pero iyong pinakahuli ay larawan ko na mukhang kuha niya nang makita na natutulog ako sa entertainment room."You fell asleep first! Boring ba iyong movie?" tanong ni Lianna sa akin.Ngayon ay nandito kami sa kusina para maghanda ng pananghalian. Sinabi niya sa akin na gusto niya daw ng kaldereta pero hindi niya iyon alam iluto kaya nagprisinta ako na ako na ang magluluto para sa kaniya kaso ay
10:07 pmNagkayayaan ang karamihan na uminom sa isang mini bar sa bayan. Nabanggit kasi ni Lianna na mayroon nga daw doon at dahil na-curious ang iba ay nagpunta sila. Ang naiwan lang ngayon dito sa may resthouse ay ako, si Lianna, Errol si Thauce si Kit at si Tristan. Wala nang energy iyong dalawa napagod dahil nag-surfing ulit nitong hapon.Napaunat ang mga paa ko at napatingin sa langit. Nasa duyan ako ngayon, malapit sa may dagat. Hindi na masyadong malamig kaya napagpasyahan ko na dumito muna. Nakakakalma lang dito. Iyong tunog ng alon, iyong huni ng mga insekto pati ang mga mga dahon na hinahangin. Ang sarap sa pandinig, nakakagaan sa pakiramdam."Sana makasama ko si Seya dito sa susunod..."Kaso matagal pa ang balik ng kapatid ko. Magtitiis pa ako ng kulang dalawang taon."Miss na miss ko na rin siya..."Pero sa nakikita ko ay nakakabawi na ngang talaga ang kapatid ko. Nagkakalaman na ang kaniyang mukha, lumalago na rin ang buhok. Kahit magkalayo kami ay ayos lang, basta malama
Nang bitiwan ni Thauce ang mga labi ko ay pinatakan nya ng halik ang aking noo at ilong. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng diretso."I am sorry, but this is not enough for me. I am losing my patience, baby.""Thauce...""I still get jealous. Nagseselos pa rin ako kay Errol. I want to tell him that he doesn't have a chance, that you are in love with me and--"Ako naman ngayon ang hindi nagpatapos sa kaniya. Ikinulong ko ang kaniyang mukha sa aking mga palad at mabilis na hinalikan ang mga labi niya."Alam na ni Errol, Thauce..."Kumunot ang noo niya."Alam niyang mahal kita... sinabi ko... s-sinabi ko na kahapon ng umaga na ikaw ang minahamal ko at wala na siyang maaasahan sa akin kung hindi pagkakaibigan na lang."Parang tinatambol ang puso ko habang naghihintay ako ng reaksyon sa kaniya. At nang kagatin niya ang pang-ibabang labi at idikit ang noo sa akin ay narinig ko naman ang hindi makapaniwalang tanong niya."Really?"Tumango ako. Ipinalupot ko ang aking mga braso sa kaniyan
Mas naging makulit si Thauce nang mga nakaraang araw pagkatapos na muntik na kaming mahuli na dalawa sa pool. Ang loko rin pala niya. Akala ko noon ay iyong pagiging seryoso at nakakatakot lang ang ugali niya pero hindi pala. Bago sa aking mga mata at pakiramdam ang lahat ng ipinapakita niya ngayon.Ngayon na may relasyon na kaming dalawa."Ate, kanina pa po kita kinakausap hindi ka na sumasagot. May problema ka ba? may sakit ka?"Napatikhim ako nang marinig sa kabilang linya ang boses ni Seya. Narito ako sa silid ko at alas diyes na ng umaga. Kausap ko siya ngayon, ilang minuto pa lang ang nakalipas."Sorry, sorry, Seya. Ano nga ulit iyong sinasabi mo? saan iyong pinuntahan ninyo ni Dr. Ariq?"Nawawala ako masyado sa focus kapag naaalala ang mga huling kaganapan sa pagitan namin ni Thauce. Paano ba naman na hindi? mas sanay ako sa pagsusungit niya, hindi sa malambing, mapaghanap at palaging nakahalik na si Thauce. Mabuti nga at hindi kami nahuhuli.Iyon pa ang isang ikinakakaba ko la
"Nagiging malapit sa iyo si Kit at hindi ko iyon nagugustuhan."Magkasalikop ang mga kamay ko at isang dipa ang layo ko kay Thauce nang marinig ko ang mga sinabi niya. Narito kami ngayon sa may rooftop. Katulad ng dati, kung saan kami nagtatagpo kapag mahimbing na ang tulog ng lahat.Halos gabi na rin nakauwi si Thauce, alas sais trenta y singko na. At nainis ako ng kaunti dahil ang huling mensahe niya sa akin ay iyong pagpapaalam niya na may kakausapin siya."Paano mo nalaman? wala ka naman dito sa buong maghapon," halos bulong iyon nang lumabas sa aking bibig. Nakita ko ang pagtagilid ng bahagya ng ulo niya, nasabayan iyon ng pagtatagis ng bagang.Bigla akong napatikhim at napalunok nang mapagtanto ko na hindi pala tama ang aking sinabi."Not because I haven't been here all day doesn't mean I don't know what's going on, Zehra Clarabelle."Nakagat ko ang loob ng aking pisngi at mahigpit ang naging pagkapit ng aking isang kamay sa dulo ng suot kong damit. Iba talaga kapag tinatawag ni
Wala na akong kahit anong saplot. Pagkaalis ni Thauce ng pang-ibaba kong kasuotan ay ipinatong niya ang kaniyang noo sa aking balikat, ang higpit ng kapit ko sa mga braso niya nang manatili ang kaniyang ulo na nakasandal doon. Mukhang wala pap siyang balak na maligo talaga dahil hinapit pa nga akong palapit."Lumilipas ang oras, Thauce, hindi pa ba tayo maliligo?" tanong ko.Hindi naman siya sumagot. Hmm lang ang narinig ko sa kaniya. Okay sige, kung sa ganitong pwesto muna siya masaya ay ayos lang.Hindi rin nanatili ang mga kamay ko sa kaniyang braso. Umangat ang isa paakyat sa kaniyang batok at nang marating ko ang kaniyang buhok ay hinagod iyon ng aking mga daliri. Nabasa ko ang mga labi ko nang maramdaman kung gaano kalambot at dulas ang hibla non. Makapal ang buhok ni Thauce at itim na itim pa. Sa ginawa ko ay tumagilid ang kaniyang ulo at naramdaman ko ang dahan-dahan na paglapat ng mga labi niya sa aking leeg. Inaamoy-amoy rin niya ang parte na iyon. Nakakakiliti, tumataas ang
"Good morning, baby. I know you will wake up late. Just take all the 'rest' that you need. Alam kong pagod na pagod ka dahil sa nangyari kagabi."Iyon ang mensahe ni Thauce na nabasa ko sampung minuto na ang nakalipas. Maaga niyang ipinadala 'yon, 7:10 am at ngayon ay 10:20 am na. Mayroon pang isa at sinabi niya doon na nasa dagat siya kasama sila Wayne. Kakasend niya lang pagkagising ko."Wala ka pa talagang balak bumangon diyan, ha? Zehra?"Napangiti ako bigla. Kahit nang magising ako ay nanatili pa rin ako sa kama. Hindi ko nga alam kung ilang oras nang nakadilat ang mga mata ko at nakatingin lang sa kisame ng silid pagkabasa ko ng message ni Thauce. Ang paghinga ko rin ay hindi normal habang ang mga naganap kagabi sa pagitan namin ay tuloy-tuloy kong naaalala na parang daloy ng tubig sa ilog na walang tigil sa pag-agos.Aahh, Zehra... gustong-gusto mo rin kasi.Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi ng mariin, sariwa pa rin sa isipan ko na parang katatapos lang ng ginawa namin.Ka