"Diana will not agree to this, Thauce."Napabaling kami pareho nang marinig ang mga sinabi na 'yon ni Errol. Hindi ko naman na nakita sa mga mata niya ang pagpupumilit sa gusto. Napailing rin siya at humalukipkip. Sa tingin niya na ngayon ay parang wala lang iyong muntikan na nilang pagtatalo kanina ni Thauce."And do you think I care--""She would succeed in taking your company if you stay here longer. Doon rin ay wala kang pakialam? sa oras na malaman niya ang tungkol kay Zehra mas manggagalaiti si Diana, your stepmother is an evil incarnate."Ikinalunok ko 'yon. Natandaan ko ang pag-uusap ni Thauce at Dok Ariq sa telepono bago kami pumunta dito sa Isla. Na may ipinagkasundo nga ang step-mother niya na babae na pakakasalanan niya. Paano... paano kung ganoon nga ang mangyari?"I don't care about her or the company, Errol. And get your ass out of this, tell your father also to stop doing shits behind my back. Once I get back and see all of them, there will be hell to pay for ruining m
"They're always fighting, Zehra. Kahit ako ay hindi ko na sila mapigil, hindi naman dating ganito. But ever since I came back I noticed a lot changed between that two."Nabasa ko ang aking mga labi sa narinig kong sinabi ni Lianna. Nakatingin kami sa papalayong sasakyan ni Thauce at Errol. Kami na lang ang naiwan dito dahil pumasok na ang mga kasama namin sa loob ng resthouse. Mayroon ata silang balak na mag island-hopping."Baka dahil sa... kumpanya."Sa totoo lang inaasahan ko na kukomprontahin ako ni Lianna sa kung ano ang nadatnan niya kahapon pero hanggang ngayon ay wala siyang sinasabi, o binabanggit tungkol doon. Pati ang nalaman ni Errol, hinanda ko na rin ang sarili ko ngayon umaga sakaling tanungin ako ng mga kasama namin sa relasyon namin ni Thauce pero wala akong narinig kahit ano.Walang sinabi sa mga ito si Errol, at pakiramdam ko ay kahit kay Lianna hindi niya rin 'yon sinabi."I don't think so, Zehra. They never fight about it. Arzen doesn't like when someone is interf
"Hmm, not a lot knows about this but, higit sa lahat ng narito ay ikaw ang mas nakakaalam ng totoo. Hindi ba, Lianna?"Biglang nagkaroon ng tensyon sa kusina. Naramdaman ko ang pagdiin ng kapit ng mga kamay ni Lianna sa akin. Nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hawak ako at dahan-dahan na tumingin sa kaniya ay nakita kong naging seryoso ang reaksyon sa mukha niya."Kit," may pagbabanta sa boses nang sumagot siya."Why? hindi pa ba alam ni Zehra ang totoo? ang dahilan ng paghihiwalayan ninyo ni Errol? I thought you two are close, Lianna. Nakakapagtaka nga, akala ko ay masama ang motibo mo sa paglapit kay Zehra pero totoo pala ang malasakit mo sa kaniya."Ano ba ang... mga sinasabi niya? magkaibigan sila, hindi siya dapat ganito."Kit, are you drunk?" nang hinawakan ni Wayne ito sa braso ay pinalis lang 'yon ni Kit na diretso ang tingin kay Lianna na nasa tabi ko."Come on, save the woman. Why don't you tell her that Errol and you broke up because he cheated? that you saw him fck
Hindi ko iniwan si Lianna hanggang hindi siya kumakalma. Pagkatapos ng mga nangyari kanina sa kusina, mula sa mga sinabi ni Kit hanggang sa pagtatapat ni Lianna sa akin ng totoo sa pagkatao ni Errol at sa ginawa niya ay mas pinili ko pa rin ngayon ang manatili sa tabi niya.Nakita ko kasi sa mga mata niya yung takot habang humihingi ng tawad sa akin, kahit nang patulog na siya ay huling binanggit niya ay salitang, 'I'm sorry.' Naniniwala ako na mabuti siyang tao, sa mga sinabi niya sa akin naramdaman ko ang sinserida sa bawat salita ng paghingi niya ng tawad."D-Don't... leave me... E-Errol."Napabuga ako ng hangin at hinimas ko ang kaniyang buhok. Mahal na mahal nga niyang talaga si Errol na kahit ilang taon na, kahit nalaman niya ang mga masasamang ginawa nito ay narito pa rin siya at umaasa.Nakakaramdam ako ng awa para sa kaniya, lalo na sa hirap niya sa pagkukwento dahil pakiramdam ko ay kahit ayaw niyang maalala ang masakit na nakaraan ay pinili niya pa rin para maipaliwanag sa
Hindi ko binanggit kay Thauce ang magiging pag-uusap namin ni Kit. Alam ko naman kasi na hindi rin siya papayagan kung sakaling ipaalam ko. Seloso siya, lalo pa at pinagselosan na niya ang kaibigan niya na 'yon.Umalis na rin ako ng silid ni Lianna nang makatapos kami sa pagkain, hindi pa nga pinatay ni Thauce ang video call. Nakaharap sa akin ang screen at sinabayan niya ako sa pagkain dahil patapos na rin non si Lianna. Nakangiti pa nga ang huli sa amin, at nang matapos ang tawag ni Thauce at pagkabalik ko ng cellphone kay Lianna ay sinabi niya na sobrang laki raw ng pinagbago nito."He's doing a lot of new things and it's because of you, Zehra. Nakakagulat, at hindi ko alam na gugustuhin niya pang magsabay kayong kumain thru video call. That's so sweet!"Ako rin naman. Paano ay nang sabihin ko na kumain na rin siya at papatayin ko na, hindi siya pumayag. Siya na ang nagsabi na sabay kaming kumain. Iyon nga, bumaba siya ng kusina ng bahay niya at nakita ko pa kung paano siya magprep
Iniiwas ko ang tingin at pwersahan na binawi ang kamay ko nang maalala si Thauce. Lumayo rin ako kay Kit at sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na natigilan siya at nagsalubong ang mga kilay niya."Zehra?"Nasabi na sa akin ni Lianna na interesado sa akin si Kit sa tingin pa lang na binibigay nito, hindi ako naniwala noong una pero... totoo nga."Pasensiya ka na, Kit," pagkaharap ko ay iyon ang mga salita na binitiwan ko."W-What? why?""Pero hindi pwede..."Mas kumunot ang noo niya, napahakbang rin siya palapit sa akin at nang muli niya akong hahawakan ay mabilis ang pagkilos na inilayo ko ang aking sarili sa kaniya."Y-You said wala kang nararamdaman kay Errol? wait, is it because of what I did earlier? nakikita mo na ako ngayon na masamang tao?""Hindi... h-hindi sa ganoon, Kit," tanggi ko kaagad. Ang bilis ng pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Pero walang galit doon, ngayon ay pagkabigo ang nakikita ko."I just did that to save you, Zehra. Hindi ko naman alam na--""Hindi
Hindi ako masyadong nakatulog sa mga sinabi ni Rita kagabi sa akin. Naiintindihan ko na nagseselos siya pero sa tingin ko ay hindi niya binitiwan ang mga salitang 'yon para lang layuan ko si Kit. "Zehra, are you okay? you are spacing out." Palabas na kami ngayon ni Lianna sa resthouse, hindi na ako nakatulong sa kanila sa pag-aasikaso ng mga pagkain na dadalhin kanina dahil tinanghali ako ng gising. Hiyang-hiya pa ako, ang usapan ay alas siyete lalabas na pero halos mag-a-alas siyete nang magising ako. "Ayos lang, huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga ang dapat tinatanong ko kung ayos ka lang ba?" Sinabi niya sa akin kanina na siya daw ang nagluto ng almusal, tinulungan rin daw siya ni Tristan na maghanda ng mga pagkain na dadalhin. Ang sabi ko ay bakit hindi niya ako ginising, hindi na raw niya ginawa dahil puro na lang daw ako ang nag-aasikaso sa kanila at naging tagapagluto. Wala naman kaso sa akin. "I am okay! Maganda naman ang tulog ko, and actually last night Kit went to my r
Nang malapit na kami sa kubo ay napahinto ako at sinuri kong maigi ang mukha ni Lianna dahil na rin sa pagbanggit niya ng pangalan ni Errol. Kahit mahina lang ay mukhang hindi naman siya apektado doon 'di tulad ng dati na pag binabanggit ang pangalan ni Errol, nasa mukha niya ang lungkot."Sinabi ko naman agad na hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya, Lianna. Dahil alam mo naman kung sino talaga ang minamahal ko... p-pero nang tanungin ako ni Kit kung bakit ay hindi ko pa sinasabi sa kaniya na may relasyon kami nii Thauce.""That... bakit nga ba, Zehra? why are you two keeping it a secret?" nagtatakang tanong niya.Napabuntong hininga naman ako. "Ayoko kasi na maging masama ang tingin sa akin ng mga kaibigan ninyo. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag pero... h-hindi ba at akala nila ay okay kami ni Errol? na gusto namin ang isa't-isa.""That's what I thought also before, Zehra. Kaya sobrang natakot ako at nainggit."Nakita ko naman kung paano niya ako tingnan noon. Pati sa mga sa
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan