Hindi ko binanggit kay Thauce ang magiging pag-uusap namin ni Kit. Alam ko naman kasi na hindi rin siya papayagan kung sakaling ipaalam ko. Seloso siya, lalo pa at pinagselosan na niya ang kaibigan niya na 'yon.Umalis na rin ako ng silid ni Lianna nang makatapos kami sa pagkain, hindi pa nga pinatay ni Thauce ang video call. Nakaharap sa akin ang screen at sinabayan niya ako sa pagkain dahil patapos na rin non si Lianna. Nakangiti pa nga ang huli sa amin, at nang matapos ang tawag ni Thauce at pagkabalik ko ng cellphone kay Lianna ay sinabi niya na sobrang laki raw ng pinagbago nito."He's doing a lot of new things and it's because of you, Zehra. Nakakagulat, at hindi ko alam na gugustuhin niya pang magsabay kayong kumain thru video call. That's so sweet!"Ako rin naman. Paano ay nang sabihin ko na kumain na rin siya at papatayin ko na, hindi siya pumayag. Siya na ang nagsabi na sabay kaming kumain. Iyon nga, bumaba siya ng kusina ng bahay niya at nakita ko pa kung paano siya magprep
Iniiwas ko ang tingin at pwersahan na binawi ang kamay ko nang maalala si Thauce. Lumayo rin ako kay Kit at sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na natigilan siya at nagsalubong ang mga kilay niya."Zehra?"Nasabi na sa akin ni Lianna na interesado sa akin si Kit sa tingin pa lang na binibigay nito, hindi ako naniwala noong una pero... totoo nga."Pasensiya ka na, Kit," pagkaharap ko ay iyon ang mga salita na binitiwan ko."W-What? why?""Pero hindi pwede..."Mas kumunot ang noo niya, napahakbang rin siya palapit sa akin at nang muli niya akong hahawakan ay mabilis ang pagkilos na inilayo ko ang aking sarili sa kaniya."Y-You said wala kang nararamdaman kay Errol? wait, is it because of what I did earlier? nakikita mo na ako ngayon na masamang tao?""Hindi... h-hindi sa ganoon, Kit," tanggi ko kaagad. Ang bilis ng pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Pero walang galit doon, ngayon ay pagkabigo ang nakikita ko."I just did that to save you, Zehra. Hindi ko naman alam na--""Hindi
Hindi ako masyadong nakatulog sa mga sinabi ni Rita kagabi sa akin. Naiintindihan ko na nagseselos siya pero sa tingin ko ay hindi niya binitiwan ang mga salitang 'yon para lang layuan ko si Kit. "Zehra, are you okay? you are spacing out." Palabas na kami ngayon ni Lianna sa resthouse, hindi na ako nakatulong sa kanila sa pag-aasikaso ng mga pagkain na dadalhin kanina dahil tinanghali ako ng gising. Hiyang-hiya pa ako, ang usapan ay alas siyete lalabas na pero halos mag-a-alas siyete nang magising ako. "Ayos lang, huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga ang dapat tinatanong ko kung ayos ka lang ba?" Sinabi niya sa akin kanina na siya daw ang nagluto ng almusal, tinulungan rin daw siya ni Tristan na maghanda ng mga pagkain na dadalhin. Ang sabi ko ay bakit hindi niya ako ginising, hindi na raw niya ginawa dahil puro na lang daw ako ang nag-aasikaso sa kanila at naging tagapagluto. Wala naman kaso sa akin. "I am okay! Maganda naman ang tulog ko, and actually last night Kit went to my r
Nang malapit na kami sa kubo ay napahinto ako at sinuri kong maigi ang mukha ni Lianna dahil na rin sa pagbanggit niya ng pangalan ni Errol. Kahit mahina lang ay mukhang hindi naman siya apektado doon 'di tulad ng dati na pag binabanggit ang pangalan ni Errol, nasa mukha niya ang lungkot."Sinabi ko naman agad na hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya, Lianna. Dahil alam mo naman kung sino talaga ang minamahal ko... p-pero nang tanungin ako ni Kit kung bakit ay hindi ko pa sinasabi sa kaniya na may relasyon kami nii Thauce.""That... bakit nga ba, Zehra? why are you two keeping it a secret?" nagtatakang tanong niya.Napabuntong hininga naman ako. "Ayoko kasi na maging masama ang tingin sa akin ng mga kaibigan ninyo. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag pero... h-hindi ba at akala nila ay okay kami ni Errol? na gusto namin ang isa't-isa.""That's what I thought also before, Zehra. Kaya sobrang natakot ako at nainggit."Nakita ko naman kung paano niya ako tingnan noon. Pati sa mga sa
"Sa gitna raw tayo manananghalian, Lianna. Doon sa malaking kubo. Tutulong ako maghanda kila Tristan. Ikaw? dito ka ba muna?" tanong ko.Katatapos ko lang magtali ng buhok. Mahangin kasi. Siya naman ay simula makapasok kami dito nahiga na sa kama, nakatulog pagkatapos niyang sabihin na inaantok raw siya. Kaya naman yung mga gamit niya ay ako na ang naglagay sa cabinet."Hmm... anong oras na ba?" garalgal pa ang boses na tanong niya. Tumingin ako sa orasan sa loob ng kubo."Alas diyes."Mag-iihaw sila ng mga bagong huli na isda at ibang mga seafood. May baon rin kaming cooler at naroon ang mga manok na minarinate pala nila Wayne kagabi. Pinlano nila ito talaga at wala rin naman kaming alam. Nang lumabas ako sandali kanina para kuhanan ng larawan ang paligid ay binati ako ni Wayne at sinabi niya na puro kami na lang daw ni Liannna ang nag-aasikaso kaya sila na ang nagplano sa last day ng bakasyon.Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit sila umalis kagabi, at hindi totoo na uminom kagaya
"Are you okay, Zehra?"Kababalik lang namin sa resthouse nang kausapin akong muli ni Lianna. Nakita ko sa mga mata niya ang awa habang bitbit pa rin ang handbag niya. Hindi pa nga niya 'yon binibitiwan, pagkarating namin ay dito siya sa silid ko dumiretso."Ayos lang, maraming salamat, ha? saka pasensya ka na rin at nagkaroon pa ng tensyon kanina. Sana umiwas na lang ako at hindi na pinatulan pa si Rita."Iyon naman rin ang dapat pero nang marinig ko kung paano niya binanggit si Seya ay nawalan ako ng pasensiya. Alam ng Diyos kung paano ko ipinaglaban ang buhay namin ng kapatid ko sa hirap, ang buhay ni Seya sa sakit niya na dumating ako sa puntong nakagawa ako ng kasalanan sa kapwa ko.Masakit lang rin dahil kung may iba akong pagpipilian ay sa maayos na paraan ko pa rin gustong kumita ng pera pero wala akong nagawa. Sobrang hirap, itong bigat sa dibdib ko dala ko pa rin dahil kahit kay Lianna alam kong malaki ang kasalanan ko dahil sa kasunduan namin ni Thauce."Rita is a btch so it
Nang bumalik si Lianna sa silid niya ay inilagay ko na lahat sa maleta ang mga gamit ko. Wala na akong iniwan kahit isa. Naupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin ko. Sa isang buwan na pananatili ko rito sa resthouse masasabi ko naman na nag-enjoy talaga ako. Unang araw man na nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin ni Thauce na akala ko mauuwi sa hindi na talaga namin pagpapansinan.Pero hindi ko inaasahan na 'yon pala ang magiging dahilan para mabigyan ng sagot yung nararamdaman ko rin para sa kaniya.Hindi ko inaasahan na minamahal na rin pala niya ako. Gusto kong marinig ng paulit-ulit kung kailan, ano ang dahilan at paano niya nalaman sa sarili niya na ako na pala yung mahal niya at hindi si Lianna.Kasi parang kahit ngayon? ang hirap pa rin paniwalaan... ang taas ni Thauce, eh. Para sa akin napakahirap niyang abutin na hindi ko inasam na mamahalin niya rin ako. Tapos sa isang iiglap ito na kami... ipinaparamdam niya na lahat gagawin niya para sa akin.Ang huling pag-uusa
"Talagang hihintayin ko na humingi ng tawad sa 'yo si Rita, Zehra. I don't think that btch would do it, eh. Nung sinabi sa akin ni Wayne nagulat ako at sa isip-isip ko na imposible na gawin niya 'yon." Ngumiti ako ng tipid kay Lianna, katatapos lang namin na kumain na dalawa. Nakaupo siya sa giilid ng kama at ako naman ay nasa gilid sa may pang-isahang sofa. Ang totoo ay okupado ang isipan ko ng nangyari kanina sa kusina nang makasalubong ko si Kit. Kung totoong pinanigan niya si Rita ay ayos lang, magkaibigan sila at mas matagal nang magkakilala. Pero kinakailangan ko na kausapin siya. Gusto ko na maipaliwanag rin sa kaniya kung ano ang nangyari kanina at bilang karapatan rin niya na makakuha ng dahilan sa akin kung bakit hindi ko kayang matanggap ang nararamdaman niya. "Hindi na lang ako kikibo at wala akong gagawin sakaling may marinig na naman ako sa kaniya, Lianna. Uuwi na rin naman ako ngayong gabi, eh. Hihintayin ko na lang si Thauce." Matitiis ko pa, kakayanin ko na la
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a
Nagising ako sa naramdaman kong kiliti sa aking leeg at aking mukha. Nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko ay sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Thauce. Nakaupo siya sa gilid ng kama, habang hawak ang isang kamay ko."Good morning, wife."Napapikit ako at nag-inat, nakangiti ng malawak. "Good morning..." paos kong sabi. Nang bumangon ako ay napatitig ako kay Thauce, nang iangat niya ang kamay ko na hawak niya at patakan ng halik 'yon. Napansin ko rin na nakaligo na siya, at naka office suit na."Hindi mo ako ginising? hindi kita tuloy naipaghanda ng almusal.""I made our breakfast already, I know you're tired."Eh paanong hindi ako mapapagod? sobrang ganado niya kagabi! ang aga pa non pero anong oras kaming natapos dahil sa mga gusto niyang gawin! pero ang swerte ko talaga sa kaniya... bukod sa ramdam ko ang pagmamahal niya ay napakamaalaga rin."Kasalanan mo..." nakasimangot ko sabi. Tumawa naman siya at binuhat ako. "Thauce, magugusot ang suot mo! maglalakad na lang ako!
"Thauce, ha!" sita ko na ikinatawa naman niya. Sabay na kaming dalawa na umakyat pero dahil ime-message ko si Lianna. "Maaga na lang tayong magdinner." "Alright, baby." At pagkarating naman sa silid namin ay kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Lianna. Nakita ko pa ang limang missed calls ni Thauce at ilang mensahe. "So, Errol confessed everything to you?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya, wala na siyang damit pang-itaas at may hawak na siyang itim na sando. "Hmm... ako ang nagsabi na mag-usap kami, Thauce. Ibang-iba nga si Errol kaysa dati. Yung yung napansin ko." Pagkasend ko ng mensahe kay Lianna na nakauwi na ako at kanina pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table. Lumapit ako sa kaniya pagkakita. Nakapagbihis na siya. Naka itim na sando at itim na sweatpants. "Maybe because he is having a hard time now and he regrets a lot of things..." sagot niya at hinawakan ako sa aking siko para mas ilapit. Tumaas naman ang mga kilay ko sa kaniya. "Bak
Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Errol ay umuwi na rin ako kaagad. Hindi na ako bumalik sa mall. At ngayon habang papasok nga ako sa bahay ay nakailang buntong hininga na ako."Ma'am Zehra, hindi po kayo tumawag para magpasundo."Sinalubong ako ng tanong ni Adriano. Ngumiti naman ako ng tipid sa kaniya. 'Yon rin kasi ang bilin ni Thauce, na kung uuwi ako ay tawagan ko si Ariano pero nag-taxi na lang rin ako."Ako na lang ang bahala kay Thauce, huwag kang mag-alala."Yumuko naman siya"Sige po, Ma'am Zehra."Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad papasok."Alam na pala niya non..." bulong ko, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang naging usapan namin ni Errol.Naging maayos naman iyon. Nagpaalam ako kay Errol na nasabi ko ang lahat ng nais ko at naipagtapat naman niya sa akin ang totoong naramdaman niya. Pati nga ang kay Lianna, dahil sinabi ko na nagalit ako sa kaniya sa ginawa niya nang maospital ito at 'yon daw ay hindi niya sinasadya... hindi niya alam na buntis ito.At napan