Iniiwas ko ang tingin at pwersahan na binawi ang kamay ko nang maalala si Thauce. Lumayo rin ako kay Kit at sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na natigilan siya at nagsalubong ang mga kilay niya."Zehra?"Nasabi na sa akin ni Lianna na interesado sa akin si Kit sa tingin pa lang na binibigay nito, hindi ako naniwala noong una pero... totoo nga."Pasensiya ka na, Kit," pagkaharap ko ay iyon ang mga salita na binitiwan ko."W-What? why?""Pero hindi pwede..."Mas kumunot ang noo niya, napahakbang rin siya palapit sa akin at nang muli niya akong hahawakan ay mabilis ang pagkilos na inilayo ko ang aking sarili sa kaniya."Y-You said wala kang nararamdaman kay Errol? wait, is it because of what I did earlier? nakikita mo na ako ngayon na masamang tao?""Hindi... h-hindi sa ganoon, Kit," tanggi ko kaagad. Ang bilis ng pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Pero walang galit doon, ngayon ay pagkabigo ang nakikita ko."I just did that to save you, Zehra. Hindi ko naman alam na--""Hindi
Hindi ako masyadong nakatulog sa mga sinabi ni Rita kagabi sa akin. Naiintindihan ko na nagseselos siya pero sa tingin ko ay hindi niya binitiwan ang mga salitang 'yon para lang layuan ko si Kit."Zehra, are you okay? you are spacing out."Palabas na kami ngayon ni Lianna sa resthouse, hindi na ako nakatulong sa kanila sa pag-aasikaso ng mga pagkain na dadalhin kanina dahil tinanghali ako ng gising. Hiyang-hiya pa ako, ang usapan ay alas siyete lalabas na pero halos mag-a-alas siyete nang magising ako."Ayos lang, huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga ang dapat tinatanong ko kung ayos ka lang ba?"Sinabi niya sa akin kanina na siya daw ang nagluto ng almusal, tinulungan rin daw siya ni Tristan na maghanda ng mga pagkain na dadalhin. Ang sabi ko ay bakit hindi niya ako ginising, hindi na raw niya ginawa dahil puro na lang daw ako ang nag-aasikaso sa kanila at naging tagapagluto.Wala naman kaso sa akin."I am okay! Maganda naman ang tulog ko, and actually last night Kit went to my room b
Nang malapit na kami sa kubo ay napahinto ako at sinuri kong maigi ang mukha ni Lianna dahil na rin sa pagbanggit niya ng pangalan ni Errol. Kahit mahina lang ay mukhang hindi naman siya apektado doon 'di tulad ng dati na pag binabanggit ang pangalan ni Errol, nasa mukha niya ang lungkot."Sinabi ko naman agad na hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya, Lianna. Dahil alam mo naman kung sino talaga ang minamahal ko... p-pero nang tanungin ako ni Kit kung bakit ay hindi ko pa sinasabi sa kaniya na may relasyon kami nii Thauce.""That... bakit nga ba, Zehra? why are you two keeping it a secret?" nagtatakang tanong niya.Napabuntong hininga naman ako. "Ayoko kasi na maging masama ang tingin sa akin ng mga kaibigan ninyo. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag pero... h-hindi ba at akala nila ay okay kami ni Errol? na gusto namin ang isa't-isa.""That's what I thought also before, Zehra. Kaya sobrang natakot ako at nainggit."Nakita ko naman kung paano niya ako tingnan noon. Pati sa mga sa
"Sa gitna raw tayo manananghalian, Lianna. Doon sa malaking kubo. Tutulong ako maghanda kila Tristan. Ikaw? dito ka ba muna?" tanong ko.Katatapos ko lang magtali ng buhok. Mahangin kasi. Siya naman ay simula makapasok kami dito nahiga na sa kama, nakatulog pagkatapos niyang sabihin na inaantok raw siya. Kaya naman yung mga gamit niya ay ako na ang naglagay sa cabinet."Hmm... anong oras na ba?" garalgal pa ang boses na tanong niya. Tumingin ako sa orasan sa loob ng kubo."Alas diyes."Mag-iihaw sila ng mga bagong huli na isda at ibang mga seafood. May baon rin kaming cooler at naroon ang mga manok na minarinate pala nila Wayne kagabi. Pinlano nila ito talaga at wala rin naman kaming alam. Nang lumabas ako sandali kanina para kuhanan ng larawan ang paligid ay binati ako ni Wayne at sinabi niya na puro kami na lang daw ni Liannna ang nag-aasikaso kaya sila na ang nagplano sa last day ng bakasyon.Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit sila umalis kagabi, at hindi totoo na uminom kagaya
"Are you okay, Zehra?"Kababalik lang namin sa resthouse nang kausapin akong muli ni Lianna. Nakita ko sa mga mata niya ang awa habang bitbit pa rin ang handbag niya. Hindi pa nga niya 'yon binibitiwan, pagkarating namin ay dito siya sa silid ko dumiretso."Ayos lang, maraming salamat, ha? saka pasensya ka na rin at nagkaroon pa ng tensyon kanina. Sana umiwas na lang ako at hindi na pinatulan pa si Rita."Iyon naman rin ang dapat pero nang marinig ko kung paano niya binanggit si Seya ay nawalan ako ng pasensiya. Alam ng Diyos kung paano ko ipinaglaban ang buhay namin ng kapatid ko sa hirap, ang buhay ni Seya sa sakit niya na dumating ako sa puntong nakagawa ako ng kasalanan sa kapwa ko.Masakit lang rin dahil kung may iba akong pagpipilian ay sa maayos na paraan ko pa rin gustong kumita ng pera pero wala akong nagawa. Sobrang hirap, itong bigat sa dibdib ko dala ko pa rin dahil kahit kay Lianna alam kong malaki ang kasalanan ko dahil sa kasunduan namin ni Thauce."Rita is a btch so it
Nang bumalik si Lianna sa silid niya ay inilagay ko na lahat sa maleta ang mga gamit ko. Wala na akong iniwan kahit isa. Naupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin ko. Sa isang buwan na pananatili ko rito sa resthouse masasabi ko naman na nag-enjoy talaga ako. Unang araw man na nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin ni Thauce na akala ko mauuwi sa hindi na talaga namin pagpapansinan.Pero hindi ko inaasahan na 'yon pala ang magiging dahilan para mabigyan ng sagot yung nararamdaman ko rin para sa kaniya.Hindi ko inaasahan na minamahal na rin pala niya ako. Gusto kong marinig ng paulit-ulit kung kailan, ano ang dahilan at paano niya nalaman sa sarili niya na ako na pala yung mahal niya at hindi si Lianna.Kasi parang kahit ngayon? ang hirap pa rin paniwalaan... ang taas ni Thauce, eh. Para sa akin napakahirap niyang abutin na hindi ko inasam na mamahalin niya rin ako. Tapos sa isang iiglap ito na kami... ipinaparamdam niya na lahat gagawin niya para sa akin.Ang huling pag-uusa
"Talagang hihintayin ko na humingi ng tawad sa 'yo si Rita, Zehra. I don't think that btch would do it, eh. Nung sinabi sa akin ni Wayne nagulat ako at sa isip-isip ko na imposible na gawin niya 'yon." Ngumiti ako ng tipid kay Lianna, katatapos lang namin na kumain na dalawa. Nakaupo siya sa giilid ng kama at ako naman ay nasa gilid sa may pang-isahang sofa. Ang totoo ay okupado ang isipan ko ng nangyari kanina sa kusina nang makasalubong ko si Kit. Kung totoong pinanigan niya si Rita ay ayos lang, magkaibigan sila at mas matagal nang magkakilala. Pero kinakailangan ko na kausapin siya. Gusto ko na maipaliwanag rin sa kaniya kung ano ang nangyari kanina at bilang karapatan rin niya na makakuha ng dahilan sa akin kung bakit hindi ko kayang matanggap ang nararamdaman niya. "Hindi na lang ako kikibo at wala akong gagawin sakaling may marinig na naman ako sa kaniya, Lianna. Uuwi na rin naman ako ngayong gabi, eh. Hihintayin ko na lang si Thauce." Matitiis ko pa, kakayanin ko na la
"It's near. Why? you don't trust me, Zehra?" bigla ay tanong niya. Naglumikot ang mga mata ko at hindi ko natagalan ang tingin ni Kit. Napalingon pa ako sa likod ko sa may resthouse. "H-Hindi naman sa ganoon, hindi pa kasi ako tapos sa pag-aayos ng mga gamit ko at--" "Sandali lang na pag-uusap, I also want to show you the place, Zehra. Pagkatapos ay babalik na tayo dito." Hindi ako ulit nakasagot agad. Nakita ko na napailing si Kit, nakita ko ang disappointment sa mukha niya. "Okay, if you don't trust me then--" "S-Sige, pero sandali lang. Hindi na rin kasi ako pwedeng magtagal." Tumango naman siya at may kinuha sa bulsa niya. Susi ng kotse. Nang umilaw ang sasakyan hindi kalayuan sa amin ay naglakad na si Kit, ganoon rin ako. Hindi ko alam pero alam ko na mapagkakatiwalaan naman siya, galing na rin kay Lianna na mabuting tao si Kit ngunit ano itong bigat sa dibdib ko? Nang makasakay na ako sa kotse at lisanin namin ang resthouse ay medyo madilim na, sa gilid ng mga mata ko ay