"Hey!"Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Kanina pa niya ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin. Ang tanging kinakausap ko lang dito ay si manang. Si manang lang kasi ang mabait sa akin dito. 'Yung mga iba kasing katulong na babae ay halos patayin na nila ako sa masamang tingin nila sa akin."Pumpkin, kakain na tayo," saad niya.Ramdam kong lumapit pa siya sa akin pero hindi ko pa din siya tinignan. Nag-aayos ako ng damit ko sa closet. Nagulo ko kasi."Pumpkin…." Tawag niya sa akin na para bang nauubusan na siya ng pasensya."Ayaw ko ngang kumain," sambit ko at umirap. "Kung nagugutom ka. Kumain ka na lang. Huwag mo akong kulitin.""Wala ka pang kain mula kanina," naiinis niyang anas."Paki mo ba?"Rinig kong mapabuntong-hininga na lamang siya at wala siyang nagawa kundi ang umalis sa kwarto. Napaawang pa ang bibig ko ng malakas niyang sinara ang pinto.Wow, ah? Siya pa ang galit.Dapat nga ako, eh. Kasi sinigawan niya ako at sa harap pa talaga ng mga kaibigan niya. Wa
Read more