Sa trauma na pinagdaanan ko hindi ko akalain na kaya ko pala iyon malampasan. Na kaya kong mabuhay ulit ng payapa at walang takot na nararamdaman. Akala ko habang buhay na ang trauma na dinulot niya sa akin pero laki ng pasasalamat ko at nalabanan ko iyon. “Hey, you look very tired, ah?” “Ay pagod ka!” Napatili ako ng may bigla na lang may nagsalita sa may gilid ko. Natawa siya kaya hinampas ko siya. “Bwisit ka! Bakit mo ba ako ginugulat?”“Sorry,” anas niya sabay inabutan niya ako ng kape. “Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo tapos mukha ka ring pagod.”Tinanggap ko ang kapeng inabot niya at humigop doon. Ang sarap ng pagkatimpla niya. Saktong-sakto lang ang lasa. “Ang sarap ng kape mo. Pwede ka ng mag-asawa.”“Sige, mag-aasawa lang ako kapag ikaw ang magiging misis ko,” anas niya kaya nasamid ako.Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Mahilig pa rin siyang magbiro ng hindi nakakatuwang biro. Sarap niyang bigwasan kung wala lang talaga akong utang na loob sa kaniya ay pinalayas ko
Last Updated : 2024-01-20 Read more