Home / Romance / Take Me, ELECTRA / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Take Me, ELECTRA: Chapter 21 - Chapter 30

42 Chapters

Chapter 21

Electra POV Nakaupo kami sa isang pabilog na lamesa. Habang nag-uusap sila patungkol sa politika, nagawa ko naman pag-aralan ang lugar. Hindi ka nga makakapasok basta-basta dito kung hindi ka invited or dating ng member dito. Karamihan mga politiko at mayayamang tao ang mga nandito, pinoprotektahan nila ang ganitong lugar para sa kanilang mga transaction. Ito rin ang nagsisilbi nilang libangan o bakasyunan. Hindi lang mga laro ang nandito, sa pagkakarinig ko, may mga naipapasok rin silang mga illegal na gamot at mga armas. Kaya ganoon na lang ka-higpit ang security. Natatakot ako. Kung mahirap makapasok. Siguradong mas mahirap makalabas. Nagkalat ang mga armadong lalaki sa buong lugar. Sa bawat sulok may mga camera na nagbabantay sa bawat galaw namin. Kinuha ko ang sparkling water na inilapag sa akin ng waiter. Napahawak ang isang kamay ko sa tuhod ko. Ngumiti ng magtawanan sila at dahan-dahang uminom. Hindi ako makapaniwalang may kasama kaming isang anak ng dating president. Isang
Read more

Chapter 22

Electra POV“Shut up!”“Tarantado ka! Ako pa niloko mo!”“Ahhh!”Napatakip ako ng tenga sa sigawan nila. Nagkubli ako sa likod ng pintuan. Sinigurong hindi nila ako makikita. Pinilit ko pagkasyahin ang katawan ko sa masikip na espasyo, iniiwasan makagawa ng kahit na anong ingay.“Nasaan ang pera ko? Don’t you know how much those cost me?”“Wala akong kinukuha sa ‘yo! I swear to God, wala akong kinuha. . .”Hindi niya pa natatapos ang kanyang sasabihin nang udyukan muli siya ng sipa ng lalaki. Nakatalikod siya sa akin. Matangkad siyang lalaki. Itim ang maluwag na t-shirt at isang maong pants ang suot niya. Tumitig ako sa suot niyang sapatos, may bahid iyon ng dugo, naglakad siya sa buong kwarto. Anino ng paa niya ang nakikita ko sa sahig. Sinilip ko sila mula sa awang ng pintuan.Nagmamakaawa ang tauhan ni Senator na nakahandusay sa sahig, pinaninindigan na wala siyang kinuha. Nawala na siya! Hindi ko alam kung nasaan na siya. Maging ang dalawa niyang kaibigan . . .Kinaladkad niya ako
Read more

Chapter 23

Electra POV “Bakit ka nandito, Hija?” Napayuko ako, tumitig sa paa ko. Ramdam ko ang mga nananantiya niyang tingin sa akin. Maging ang kasama niyang matandang lalaki, narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. “Kailangan siguro magamot iyang paa mo. Baka ma-impeksyon pa.” Inis-slide niya ang kanyang tungkod, tinuro ang isang paa ko gamit ito. Mabilis akong umiling sa hiya. “H-hindi na po! Nakisakay na nga ako sa inyo nang walang paalam. Pasenya na po! Nakakahiya talaga.” Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng malalim. Hindi ko naramdaman ang pagpasok nila dito. Maging ang sikat ng araw na tumatatama sa ‘king balat. Sa sobrang pagod, naging kumportable ako pagkasyahin ang sarili ko sa likod ng mga sako. Nakakahiya! Dagdag pa na parang hinihile ako dahil sa mga alon. Naglalayag na pala ang yateng ‘to sa dagat. Base sa sikat ng araw, magtatanghali na. Amoy mga sariwang gulay at prutas ang buong kwarto. Pinaghalong matamis at maasim. Ang balak ko naman talaga gumising b
Read more

Chapter 24

Danie POV Tumayo ako sa pintuan pagkapasok ko sa magiging kwarto ko. Nilibot ng tingin ko ang apat na sulok nito. Mula sa carpeted na malaabo. Sa kama na katerno ng kulay abong carpet. Ang apat na pillows na kulay puti. Ang side table na may digital clock, lampshade at vase na may mga sariwang puting bulaklak. Sa dulo ng kwarto, tinatangay ng sariwang hangin ang kurtinang puti. Natatanaw ko ang papalubong ng araw sa kulay kahel na kalangitan. Nandito ako sa hasyenda. Sa probinsya namin. Sa mga Hidalgo. Sa kung saan nagsimula ang masaya at puno ng pangarap na kabataan ko, na dito rin nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Pumatak ang panibagong luha sa mga mata ko. Sinalat ko sa mga paa ang malambot na mabalahibong carpet. Umupo ako doon dahan-dahan at niyakap ang mga tuhod ko. Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko sa aking pisngi. Dumaan na kami sa puntod ng mga magulang ko, sinamahan ako ng Don doon kanina. Hindi ko lubos maisip na hinahaplos ko ang mga pangalan nilang niluma na ng p
Read more

Chapter 25

Danie POV “Danie, may pasok ka?” “Wala naman po. Kailangan ko lang pumunta sa bayan para sa mga pinapaayos na bagong makinarya.” Sagot ko habang may hinahanap sa bulsa ng bag ko. “Ay, ganoon ba ga? Ito oh— baunin mo para nang ikay may makain habang naghihintay.” “Salamat ‘ho. Sige ‘ho alis na ako. Baka kunin pa ni Popoy ang baon ko.” Inilabas ko ang maliit na notebook na pinaglalagyan ko ng mga contact informations na kailangan ko. Nagtawanan kaming lahat. Si Popoy ang nakatokang driver ko pag-aalis ako ng hasyenda. Napakamot siya sa kanyang batok at dinepensahan ang sarili. Hindi pa ako ganoon kahusay magmaneho at— takot pa sa mga naglalakihang mga sasakyan. Ewan ba, ninenerbyos ako sa tuwing may bubusina sa kalsada. Pakiramdam ko, pinapatabi nila ako dahil sa sagabal ako at mabagal pa. “Ako Manang, wala? Kasama din naman ako ni ma’am Danie, ah.” Nguso niya sa hawak ko. “Ano? Pakiulit nga nang madagukan kita d’yan. Kanina ka pa kumakain, kung hindi pa ako naghiwalay ng manok, w
Read more

Chapter 26

Danie POV “Mabuti naagapan. It could lead to mild stroke or worse pa.” Nakatayo kami sa labas ng pintuan kasama ang inaanak niyang doctor. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga gamot at ilang dapat gawin. Nasa ‘di kalayuan si Manang. Sinenyasan ko siya at dali-dali itong lumapit sa amin. Para bang naghihintay lang siyang tawagin ko para makibalita. Lahat naman ‘ata, nag-aalala sa naging kalagayan ng Don. “Sa ngayon, pahinga muna siya. Make sure na nakakainom siya ng gamot niya, sapat na tubig, at pahinga. Makakatulong din na hindi muna siya lumabas ng kwarto. Mag-stay sa malamig na lugar, makakatulong ‘yon para hindi siya hingalin. Sa init kasi ng panahon ngayon, marami talagang inaatake bata man ‘yan, ano pa kaya ang edad ng Ninong, 67 na siya.” Huminga ako ng malalim at nagpasalamat sa kaniya. Iginapayan siya ni Manang palabas ng mansion. Tumayo lang ako sa harapan ng nakasaradong pintuan. Tinititigan iyon na parang nakikita ko ang loob lalo na ang nakahiga niyang katawan sa malapad
Read more

Chapter 27

Danie POV“What’s that face?”Huminga ako ng malalim, ngumiti ng pilit at inayos ang mga papeles sa harapan ko. Naghalo na ang mga lecture, mga documents sa hasyenda at ilang pang mga bills receipt na kailangan ko i-dokumento para sa monthly financial report ng hasyenda.“Wala naman.” Mababang energy na sagot ko. Umupo siya sa harapan ko, ibinaba ang hawak na tungkod sa kabilang upuan kaharap niya.Maayos na ang lagay niya pero may paminsan-minsan na tumataas ang kanyang BP. Mas mabilis na din siyang mapagod ngayon. Natuwa siya sa kanyang bagong improved na office/ bedroom. I made sure na kung may meeting kami sa office niya o sa zoom, hindi siya maaabala sa kanyang pagtulog. O minsan, sa garden na namin iyon ginagawa o sa taas sa living room para hindi siya maistorbo. Hindi na niya kailangan akyat panaog pa na talaga namang nakakapagod.“You look exhausted.” Aniya sa pabirong paraan.Tinignan ko siya mula sa pagpapantay ng mga papel. Tinayo ko ito at ti-nap sa lamesa. Ang tunog na ‘y
Read more

Chapter 28

Danie POV Katatapos lang ng klase ko ngayong araw sa university. Natanaw ko ang sasakyan at sa gilid nito nakaupo si Popoy, todo ngiti sa hawak na cellphone. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ako sa harap niya. Dumukwang ako para makita kung ano ba ang tinitignan niya at iyon na nga— may ka-chat na babae. Malamang ito ‘yung babae sa coffee shop na minsan naming tinambayan para makagawa ng thesis. “Tsk! Sinagot ka na ba?” tanong ko, naniningkit ang mga matang binabasa ko ang ginagawa niya. “Hindi pa naman pero gusto niya daw ako.” Kinilig ang totoy! Patuloy siyang nagta-type ng isang. . . gumagawa ba siya ng poem o kanta? Ang haba, eh. “Kung ako ang babae, hindi ko babasahin ang ganyang kahabang text.” Napataas ang kilay na saad ko. Hindi niya ba ako napapansin? “Pinagawa niya ako ng poem para daw sa subject nila sa Filipino. Oh, irog ko, pag-ibig ko’y damhin mo. . . madam!” gulat na napaangat ang tingin niya sa akin. Napatayo siya, tinago ang cellphone sa kanyang likuran. “
Read more

Chapter 29

Danie POVGumegewang ang balakang niyang papalapit sa amin. Sumasabay sa hakbang niya ang kanyang mamahaling handbag. Lumalaylay ang scarf nito sa sementadong sahig.“Dear, kamusta ka na?” Tumayo siya sa harapan namin. Bahagyang sumulyap kila Sita, may pagtatanong sa mga mata niya.“Lucinda,”Bineso niya ang Don sa likod ko, dahil nasa harap ako nito, humakbang ako pagilid, iniwasan na matamaan sila. Pinagmasdan ko ang ekpresyon ng Don, walang gulat sa mga mata niya. Takot ang nakikita ko doon— kung tama ako.“Ah! Nakakapagod ang biyahe dito. Ang init and I can’t breathe properly; para bang may mabaho sa paligid.” Umakto siyang nababahuan. Tinakpan ang ilong niya ng kanyang mga nakatikwas na mga daliri.Umusog ang dalawa sa tabi ko, pa-simple nilang inamoy ang mga damit at kili-kili nila.“Hindi ako. Ikaw ‘ata ‘yon.” Ani ni Sita.“Lucinda, bakit ka nandito?” tanong ng Don pagkahiwalay ng mga pisngi nila.“Hello! Nice seeing you again ex-husband for— how many years again? 15 years?” U
Read more

Chapter 30

Danie POVSa mga sumunod na araw maaga akong pumapasok sa eskwela, as in madilim pa! At halos sa labas na nagta-trabaho sa farm. Hangga’t maaari hindi ako sa hasyenda maglalagi, kung nasaan ang pamilya ng Don. Pakiramdam ko kasi, intruder ako.Huminga ako ng malalalim, antok na antok. Mag-uumaga ko nang natapos ang thesis ko! At ngayon, kailangan ko gumawa ng report sa kinita ng hasyenda sa buong buwan. Pagod. . . puyat pa ang buong pagkatao ko. Humikab ako. Para na akong zombie sa ayos ko. Naligo naman ako pero pakiramdam ko, ang lagkit-lagkit ko, nag-o-oily masyado ang mukha ko, walang maayos na ayos ang buhok, pinusod ko lang ‘to pataas, palayo sa mukha ko. Maluwag na shirts at pantalon na hindi ko alam kung bakit ko binili.“Arhmm. . .”Yumuko ako sa lamesang puno ng mga resibo at documents. Dinaganan ko ito kasama ang calculator. Sa laptop ko nagpa-play ang Spotify para malibang naman at hindi magmukhang sabungan ang paligid ko.Yes, nandito ako sa kulungan ng mga manok. Mga tuka
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status