Hmmm. . . tama po ba mga hula niyo kung sino si Don Samuel sa buhay ni Danie?
Danie POV“What’s that face?”Huminga ako ng malalim, ngumiti ng pilit at inayos ang mga papeles sa harapan ko. Naghalo na ang mga lecture, mga documents sa hasyenda at ilang pang mga bills receipt na kailangan ko i-dokumento para sa monthly financial report ng hasyenda.“Wala naman.” Mababang energy na sagot ko. Umupo siya sa harapan ko, ibinaba ang hawak na tungkod sa kabilang upuan kaharap niya.Maayos na ang lagay niya pero may paminsan-minsan na tumataas ang kanyang BP. Mas mabilis na din siyang mapagod ngayon. Natuwa siya sa kanyang bagong improved na office/ bedroom. I made sure na kung may meeting kami sa office niya o sa zoom, hindi siya maaabala sa kanyang pagtulog. O minsan, sa garden na namin iyon ginagawa o sa taas sa living room para hindi siya maistorbo. Hindi na niya kailangan akyat panaog pa na talaga namang nakakapagod.“You look exhausted.” Aniya sa pabirong paraan.Tinignan ko siya mula sa pagpapantay ng mga papel. Tinayo ko ito at ti-nap sa lamesa. Ang tunog na ‘y
Danie POV Katatapos lang ng klase ko ngayong araw sa university. Natanaw ko ang sasakyan at sa gilid nito nakaupo si Popoy, todo ngiti sa hawak na cellphone. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ako sa harap niya. Dumukwang ako para makita kung ano ba ang tinitignan niya at iyon na nga— may ka-chat na babae. Malamang ito ‘yung babae sa coffee shop na minsan naming tinambayan para makagawa ng thesis. “Tsk! Sinagot ka na ba?” tanong ko, naniningkit ang mga matang binabasa ko ang ginagawa niya. “Hindi pa naman pero gusto niya daw ako.” Kinilig ang totoy! Patuloy siyang nagta-type ng isang. . . gumagawa ba siya ng poem o kanta? Ang haba, eh. “Kung ako ang babae, hindi ko babasahin ang ganyang kahabang text.” Napataas ang kilay na saad ko. Hindi niya ba ako napapansin? “Pinagawa niya ako ng poem para daw sa subject nila sa Filipino. Oh, irog ko, pag-ibig ko’y damhin mo. . . madam!” gulat na napaangat ang tingin niya sa akin. Napatayo siya, tinago ang cellphone sa kanyang likuran. “
Danie POVGumegewang ang balakang niyang papalapit sa amin. Sumasabay sa hakbang niya ang kanyang mamahaling handbag. Lumalaylay ang scarf nito sa sementadong sahig.“Dear, kamusta ka na?” Tumayo siya sa harapan namin. Bahagyang sumulyap kila Sita, may pagtatanong sa mga mata niya.“Lucinda,”Bineso niya ang Don sa likod ko, dahil nasa harap ako nito, humakbang ako pagilid, iniwasan na matamaan sila. Pinagmasdan ko ang ekpresyon ng Don, walang gulat sa mga mata niya. Takot ang nakikita ko doon— kung tama ako.“Ah! Nakakapagod ang biyahe dito. Ang init and I can’t breathe properly; para bang may mabaho sa paligid.” Umakto siyang nababahuan. Tinakpan ang ilong niya ng kanyang mga nakatikwas na mga daliri.Umusog ang dalawa sa tabi ko, pa-simple nilang inamoy ang mga damit at kili-kili nila.“Hindi ako. Ikaw ‘ata ‘yon.” Ani ni Sita.“Lucinda, bakit ka nandito?” tanong ng Don pagkahiwalay ng mga pisngi nila.“Hello! Nice seeing you again ex-husband for— how many years again? 15 years?” U
Danie POVSa mga sumunod na araw maaga akong pumapasok sa eskwela, as in madilim pa! At halos sa labas na nagta-trabaho sa farm. Hangga’t maaari hindi ako sa hasyenda maglalagi, kung nasaan ang pamilya ng Don. Pakiramdam ko kasi, intruder ako.Huminga ako ng malalalim, antok na antok. Mag-uumaga ko nang natapos ang thesis ko! At ngayon, kailangan ko gumawa ng report sa kinita ng hasyenda sa buong buwan. Pagod. . . puyat pa ang buong pagkatao ko. Humikab ako. Para na akong zombie sa ayos ko. Naligo naman ako pero pakiramdam ko, ang lagkit-lagkit ko, nag-o-oily masyado ang mukha ko, walang maayos na ayos ang buhok, pinusod ko lang ‘to pataas, palayo sa mukha ko. Maluwag na shirts at pantalon na hindi ko alam kung bakit ko binili.“Arhmm. . .”Yumuko ako sa lamesang puno ng mga resibo at documents. Dinaganan ko ito kasama ang calculator. Sa laptop ko nagpa-play ang Spotify para malibang naman at hindi magmukhang sabungan ang paligid ko.Yes, nandito ako sa kulungan ng mga manok. Mga tuka
Danie POV“Ahm, sa ibang araw na lang siguro. Madami pa akong dapat tapusin at—”“Okay! Meet me at 6 PM sa garage.” Anya. Natulala ako sa sinabi niya at nagulat na lang nang ihagis niya ang itlog sa harap ko. Agad ko itong sinapo gamit ang dalawang kamay.Nanlalaki ang mga mata ko iyong nasapo sa tapat ng dibdib ko, agad ko iyon niyakap para maiwasan ang pagkalat nito kung basag man.Teka! Ano daw?“Hoy! Hindi naman ako nag-oo, ah?” sigaw ko. “Bingi ka ba?”Pambihita ‘to!Itinaas niya ang isang kamay, nakaturo ang hintuturo sa taas. Anong ibig niyang sabihin? Sinigawan ko muli siya. “Hooy!” pero huli na, nawala na siya sa paningin ko. Nakalabas na siya ng pintuan ng kural nang wala man lang lingon-lingon. Tangkang susundan ko siya. “Pumunta ka mag-isa mo! Mukhang manok!” sigaw ko sa inis.Napaka-antipatiko naman! Hindi pa naman ako pumayag may time and where na siya. Huh! Ganyan ba siya talaga? Well, laking America kaya siguro.Tsk!Totoo kayang anak siya ng Don? Maliban sa mata at ka
Danie POV“Hija, alam kong maaga ka kaya ito— pinaghanda na kita ng babaunin mo. May naluto na rin ako baka gusto mo mag-almusal muna?”Napalingon si Manang sa akin pagpasok ko sa kusina. Busy siya sa pagbabalot sa foil nang ipapabaon niya sa aking sandwich. Nandoon na rin ang thermostat tumbler ko na palagi niyang nilalagyan ng yelo at tubig. Inilagay niya sa isang lunch bag ang lahat ng ito, kita ang ulo ng tumbler ko dahil sa laki nitong pang-isang litro. Naglagay din siya ng isang saging doon at may pabaon pang-chocolate. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang nginuso niyang mga pagkain sa hapag.“Hindi na po Manang.” Tangi ko, binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig doon. Kahit na mas gusto ko ang mainit na kape pampagising sa ‘di nakatulog na diwa ko kakaisip sa mga nangyari kagabi.May sinangag doon, piritong itlog, hotdog at ang paboritong almusalan ng Donya— bacon, oats na wala pang-timpla bukod sa slice strawberry, banana and blueberries on top. Nakaparada lang ito sa
Danie POV“Hindi ko akalaing magkikita tayo ulit, Don Samuel. Akalain mo nga naman, parang ang bata pa rin na ‘ting tingnan.” Itinaas niya ang hawak na baso.“Kalabaw lang ang tumatanda.” Sagot ng Don, sinabayan ng tawa.“Hindi na ako magtataka na—”Hindi ko gusto ang baling niyang tingin sa akin. Tumikhim ako’t nag-iwas ng tingin. “Anong sekreto mo?” May ngisi niyang baling sa kausap.“Sekreto ko?” Hinawakan ng Don ang kamay ko na naka-abrisiyente sa kanyang braso. “H’wag maging bastos. Sana magawa mo rin.”Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kumurap-kurap ang dati niyang kaibigan at bumaling sa mga kasama namin, hindi kami makapaniwala sa narinig mula sa Don. Lahat sila natahimik. Apat na mga kalalakihan ang humarang sa aming daraan. Sa pagkakaintindi ko, mga dating katrabaho ito ng Donya sa Manila.Alanganing tumawa ang isa sa kanila na sinundan ng isa pa. Tinapik niya ang lalaki sa balikat.“How about let’s grab a drink? Masasarap daw ang mga inihandang wine ni Lucinda. Let us
Danie POV “Why not? Siya naman—” Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod ko. Ilang sandaling walang nakaimik sa gulat. Lumapit siya sa pagitan namin ng Don at doon tumayo. Binalingan niya kami ng tingin bago balingan ang nagsalita. He tilted his head and smirked. Tripled na naman ang takbo ng puso ko. Parang sasabog ang mga ugat ko sa katawan. Mula kanina, ang tension mas dumoble pa ngayong nandito siya. Binitawan ng Don ang hawak na fork and knife. While me, yumuko. I was about to hold Don’s hand near me para pakalmahin siya. Nakikita ko sa mga mata niyang may— galit. Kung kanino, hindi ko alam. Kung bakit, mas hindi ko alam. “Fonso.” Babala ng isa nilang kaibigan. “Son—” tawag niya sa anak ngunit parang tunog bitin ‘to. “Yes, Dad? Hindi ka pa rin ba nakakapag-decide?” Nagsukatan sila ng tingin. Pinaglipat ko ang tingin sa lamesa namin. Lahat sila nag-aabang sa isasagot ng Don. Ang ibang mga bisita’y, napapalingon na rin sa amin. Malakas ang boses ni Liam, halatang pinap