Electra POV “Bakit ka nandito, Hija?” Napayuko ako, tumitig sa paa ko. Ramdam ko ang mga nananantiya niyang tingin sa akin. Maging ang kasama niyang matandang lalaki, narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. “Kailangan siguro magamot iyang paa mo. Baka ma-impeksyon pa.” Inis-slide niya ang kanyang tungkod, tinuro ang isang paa ko gamit ito. Mabilis akong umiling sa hiya. “H-hindi na po! Nakisakay na nga ako sa inyo nang walang paalam. Pasenya na po! Nakakahiya talaga.” Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng malalim. Hindi ko naramdaman ang pagpasok nila dito. Maging ang sikat ng araw na tumatatama sa ‘king balat. Sa sobrang pagod, naging kumportable ako pagkasyahin ang sarili ko sa likod ng mga sako. Nakakahiya! Dagdag pa na parang hinihile ako dahil sa mga alon. Naglalayag na pala ang yateng ‘to sa dagat. Base sa sikat ng araw, magtatanghali na. Amoy mga sariwang gulay at prutas ang buong kwarto. Pinaghalong matamis at maasim. Ang balak ko naman talaga gumising b
Danie POV Tumayo ako sa pintuan pagkapasok ko sa magiging kwarto ko. Nilibot ng tingin ko ang apat na sulok nito. Mula sa carpeted na malaabo. Sa kama na katerno ng kulay abong carpet. Ang apat na pillows na kulay puti. Ang side table na may digital clock, lampshade at vase na may mga sariwang puting bulaklak. Sa dulo ng kwarto, tinatangay ng sariwang hangin ang kurtinang puti. Natatanaw ko ang papalubong ng araw sa kulay kahel na kalangitan. Nandito ako sa hasyenda. Sa probinsya namin. Sa mga Hidalgo. Sa kung saan nagsimula ang masaya at puno ng pangarap na kabataan ko, na dito rin nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Pumatak ang panibagong luha sa mga mata ko. Sinalat ko sa mga paa ang malambot na mabalahibong carpet. Umupo ako doon dahan-dahan at niyakap ang mga tuhod ko. Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko sa aking pisngi. Dumaan na kami sa puntod ng mga magulang ko, sinamahan ako ng Don doon kanina. Hindi ko lubos maisip na hinahaplos ko ang mga pangalan nilang niluma na ng p
Danie POV “Danie, may pasok ka?” “Wala naman po. Kailangan ko lang pumunta sa bayan para sa mga pinapaayos na bagong makinarya.” Sagot ko habang may hinahanap sa bulsa ng bag ko. “Ay, ganoon ba ga? Ito oh— baunin mo para nang ikay may makain habang naghihintay.” “Salamat ‘ho. Sige ‘ho alis na ako. Baka kunin pa ni Popoy ang baon ko.” Inilabas ko ang maliit na notebook na pinaglalagyan ko ng mga contact informations na kailangan ko. Nagtawanan kaming lahat. Si Popoy ang nakatokang driver ko pag-aalis ako ng hasyenda. Napakamot siya sa kanyang batok at dinepensahan ang sarili. Hindi pa ako ganoon kahusay magmaneho at— takot pa sa mga naglalakihang mga sasakyan. Ewan ba, ninenerbyos ako sa tuwing may bubusina sa kalsada. Pakiramdam ko, pinapatabi nila ako dahil sa sagabal ako at mabagal pa. “Ako Manang, wala? Kasama din naman ako ni ma’am Danie, ah.” Nguso niya sa hawak ko. “Ano? Pakiulit nga nang madagukan kita d’yan. Kanina ka pa kumakain, kung hindi pa ako naghiwalay ng manok, w
Danie POV “Mabuti naagapan. It could lead to mild stroke or worse pa.” Nakatayo kami sa labas ng pintuan kasama ang inaanak niyang doctor. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga gamot at ilang dapat gawin. Nasa ‘di kalayuan si Manang. Sinenyasan ko siya at dali-dali itong lumapit sa amin. Para bang naghihintay lang siyang tawagin ko para makibalita. Lahat naman ‘ata, nag-aalala sa naging kalagayan ng Don. “Sa ngayon, pahinga muna siya. Make sure na nakakainom siya ng gamot niya, sapat na tubig, at pahinga. Makakatulong din na hindi muna siya lumabas ng kwarto. Mag-stay sa malamig na lugar, makakatulong ‘yon para hindi siya hingalin. Sa init kasi ng panahon ngayon, marami talagang inaatake bata man ‘yan, ano pa kaya ang edad ng Ninong, 67 na siya.” Huminga ako ng malalim at nagpasalamat sa kaniya. Iginapayan siya ni Manang palabas ng mansion. Tumayo lang ako sa harapan ng nakasaradong pintuan. Tinititigan iyon na parang nakikita ko ang loob lalo na ang nakahiga niyang katawan sa malapad
Danie POV“What’s that face?”Huminga ako ng malalim, ngumiti ng pilit at inayos ang mga papeles sa harapan ko. Naghalo na ang mga lecture, mga documents sa hasyenda at ilang pang mga bills receipt na kailangan ko i-dokumento para sa monthly financial report ng hasyenda.“Wala naman.” Mababang energy na sagot ko. Umupo siya sa harapan ko, ibinaba ang hawak na tungkod sa kabilang upuan kaharap niya.Maayos na ang lagay niya pero may paminsan-minsan na tumataas ang kanyang BP. Mas mabilis na din siyang mapagod ngayon. Natuwa siya sa kanyang bagong improved na office/ bedroom. I made sure na kung may meeting kami sa office niya o sa zoom, hindi siya maaabala sa kanyang pagtulog. O minsan, sa garden na namin iyon ginagawa o sa taas sa living room para hindi siya maistorbo. Hindi na niya kailangan akyat panaog pa na talaga namang nakakapagod.“You look exhausted.” Aniya sa pabirong paraan.Tinignan ko siya mula sa pagpapantay ng mga papel. Tinayo ko ito at ti-nap sa lamesa. Ang tunog na ‘y
Danie POV Katatapos lang ng klase ko ngayong araw sa university. Natanaw ko ang sasakyan at sa gilid nito nakaupo si Popoy, todo ngiti sa hawak na cellphone. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ako sa harap niya. Dumukwang ako para makita kung ano ba ang tinitignan niya at iyon na nga— may ka-chat na babae. Malamang ito ‘yung babae sa coffee shop na minsan naming tinambayan para makagawa ng thesis. “Tsk! Sinagot ka na ba?” tanong ko, naniningkit ang mga matang binabasa ko ang ginagawa niya. “Hindi pa naman pero gusto niya daw ako.” Kinilig ang totoy! Patuloy siyang nagta-type ng isang. . . gumagawa ba siya ng poem o kanta? Ang haba, eh. “Kung ako ang babae, hindi ko babasahin ang ganyang kahabang text.” Napataas ang kilay na saad ko. Hindi niya ba ako napapansin? “Pinagawa niya ako ng poem para daw sa subject nila sa Filipino. Oh, irog ko, pag-ibig ko’y damhin mo. . . madam!” gulat na napaangat ang tingin niya sa akin. Napatayo siya, tinago ang cellphone sa kanyang likuran. “
Danie POVGumegewang ang balakang niyang papalapit sa amin. Sumasabay sa hakbang niya ang kanyang mamahaling handbag. Lumalaylay ang scarf nito sa sementadong sahig.“Dear, kamusta ka na?” Tumayo siya sa harapan namin. Bahagyang sumulyap kila Sita, may pagtatanong sa mga mata niya.“Lucinda,”Bineso niya ang Don sa likod ko, dahil nasa harap ako nito, humakbang ako pagilid, iniwasan na matamaan sila. Pinagmasdan ko ang ekpresyon ng Don, walang gulat sa mga mata niya. Takot ang nakikita ko doon— kung tama ako.“Ah! Nakakapagod ang biyahe dito. Ang init and I can’t breathe properly; para bang may mabaho sa paligid.” Umakto siyang nababahuan. Tinakpan ang ilong niya ng kanyang mga nakatikwas na mga daliri.Umusog ang dalawa sa tabi ko, pa-simple nilang inamoy ang mga damit at kili-kili nila.“Hindi ako. Ikaw ‘ata ‘yon.” Ani ni Sita.“Lucinda, bakit ka nandito?” tanong ng Don pagkahiwalay ng mga pisngi nila.“Hello! Nice seeing you again ex-husband for— how many years again? 15 years?” U
Danie POVSa mga sumunod na araw maaga akong pumapasok sa eskwela, as in madilim pa! At halos sa labas na nagta-trabaho sa farm. Hangga’t maaari hindi ako sa hasyenda maglalagi, kung nasaan ang pamilya ng Don. Pakiramdam ko kasi, intruder ako.Huminga ako ng malalalim, antok na antok. Mag-uumaga ko nang natapos ang thesis ko! At ngayon, kailangan ko gumawa ng report sa kinita ng hasyenda sa buong buwan. Pagod. . . puyat pa ang buong pagkatao ko. Humikab ako. Para na akong zombie sa ayos ko. Naligo naman ako pero pakiramdam ko, ang lagkit-lagkit ko, nag-o-oily masyado ang mukha ko, walang maayos na ayos ang buhok, pinusod ko lang ‘to pataas, palayo sa mukha ko. Maluwag na shirts at pantalon na hindi ko alam kung bakit ko binili.“Arhmm. . .”Yumuko ako sa lamesang puno ng mga resibo at documents. Dinaganan ko ito kasama ang calculator. Sa laptop ko nagpa-play ang Spotify para malibang naman at hindi magmukhang sabungan ang paligid ko.Yes, nandito ako sa kulungan ng mga manok. Mga tuka
Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em
Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da
Danie POV Paglabas ko ng kwarto ng Don, nakasalubong ko ang Donya paakyat ng hagdan, looking so elegant and young at her age. Mayroon na naman siyang dalang mga paper bags na hindi mabilang sa dami. Nakangiti siya habang naglalakad, sayang-saya, ngunit nang makita ako, para bang nilipad ito ng hangin at napalitan ng kung ano. Bahagya akong yumuko bilang paggalang sa kanya. “Nandito ka pala. I heard nagpatawag si Samuel ng party para sa graduation mo. Wow! Magsasayang pa ang matanda para lang sa palamunin niyang scholar.” Tumawa siya matapos sabihin iyon. Hirap na hirap siyang pinaglipat sa kabilang kamay ang mga paper bag na dala. I wonder kung hindi pa napupuno ang kwarto niya sa dami ng mga pinagbibili simula ng umuwi sila dito. “Oh, by the way! Kamusta pala ang mga investors? Nagpadala ka na ba ng mga bagong contracts?” Excited siyang humarap sa akin. May mga ningning ang mga mata niya na parang sigurado na sa isasagot ko. “Yes, ma’am. But some of them hindi pa nakakapirma. Baka
Danie POV“Bakit ang baho dito?”Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina.“Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko.“Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha.“Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang karne.” Mahinang saad niya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan kami. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kalan, itago o itapon ang niluluto ko para hindi na siya mabahuan.Pero hindi naman mabaho! Ang sarap nga ng amoy. Sa sarap nito, hindi na namin mahintay maluto pa. Sinigurado din ni Manang na maraming kanin para hindi magkulang
Danie POVNangyari na nga ang kinakatakutan ko.Hindi ako handa. Walang may handa sa ganitong problema.Lumalala ang kundisyon ng Don. Makailang beses kaming pabalik-balik sa hospital. At ngayon, nandito na naman ako sa labas ng malaking salamin. Sarado. Tanging kulay blue-ng kurtina ang makikita sa loob. ICU. Tatlong letra. Sa tuwing madadako ang mga mata ko sa taas ng pinto, itong mga letrang ito ang nakikita ko. Yumuko ako’t muling nagdaos ng dasal.Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking baba. “Iligtas mo po siya. H’wag mo po muna siyang kukunin sa akin. Siya na lang po ang meron ako. Sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob sa araw-araw.” Usal ko. Pumikit ako’t mas lalong kinausap ang D’yos para magmakaawa.“Danie, uminom ka muna.”Tinapik niya ang balikat ko. Inabot sa akin ang isang boteng mineral water. Ayaw ko man, hindi man ako nakakaramdam ng uhaw, kinuha ko na lang ito. Inipit ko sa dalawang kamay ko ang bote. Nakaka-relax kahit papaano ang kaunting lamig nito sa k
Danie POV“Son . . .”Nilibot ng mata ko ang buong kwarto, iba’t ibang ekspresyon ang nakikita ko sa mga mukha nila. Si Manang, ngumiting nakakaintindi sa kanyang kaibigan, walang nang pagkabigla sa kanyang mukha. Ang isang kasambahay, gulat pati na rin ang doctor. Ang abugado tumango lang siya sa Don, hindi na nagulat sa sinabi nito. Nagtagal ang tingin ko kay Liam na hindi pa rin ma-proseso ang sinabi ng kanyang ama.Maging ako, hindi ko akalaing— akala ko, mahal niya ang Donya. Na kahit may iba na siya, hindi niya magawang maghanap ng iba.“The fvck! Totoo ba ‘to?”Hindi malaman ni Liam kung kanina niya itatanong. Panay ang taas ng kamay n’ya at maingay na ibaba ito sa kanyang tagiliran. Magpapamaywang at muling magsasalita ngunit naiipit ito sa kanyang lalamunan.Walang sign akong nakita. Aware ako sa mga baklabush na kilusan at salitaan sa bar noon. Ngunit sa Don, wala akong nakita. Maliban sa gusto n’yang malinis lagi. Maging organize lagi na tinuro niya sa akin na nadadala ko
Danie POV“Hindi ako papayag! Kailangan matanggal mga— bastos mong empleyado. Hahayaan mo na lang bang gano’n nila ako sagot-sagutin, Samuel?”Nanggagalaiting n’yang winaksi ang kamay ni Liam. Pinapatigil niya ‘to sa pagwawala. Hindi s’ya nagpapaawat. Mula kaninang nagkagulo, nagsisigaw na s’ya, hanggang sa kailangan na siyang matignan ng doctor. Mabuti na lang araw ng check-up ngayon ng Don at nandito ang kaibigan nilang doctor, inaanak pa.Nalaman ng Don ang nangyari, pinapunta niya kaming lahat dito sa opisina niya. Si Liam, ang nanay niya at ang bago nitong asawa na si Berdon. Halos mabugbog nito si Mang Gaston kanina. Mabuti na lang naawat ng iba pang mga tauhan na— sa ‘di sinasadya, nasuntok siya nang akmang susuntukin niya si Mang Gaston na nasa likod ko, umalalay sa akin para makatayo. Mabilis ang mga pangyayari, napapahiyaw ako, hindi ko alam kung aawat ba.Mas lalong lumaki ang gulo. Magsasampa ng demanda ang pamilya para sa mga tauhan namin. Nakakapanlumo ang nangyayari. S
Danie POV “Hija, kumain ka na muna.” Ibinaba ni Manang ang sinangag sa lamesang pahaba. Kasunod niya ang isa pangkasambahay na may hawak naman ng mga piniritong hotdog at itlog. “Papasok ka ba ngayon?” tumayo siya ng tuwid, may pag-aalala sa kanyang mga mata. Umiling ako. “Hindi po. Papa-set ko sana ang naudlot na meeting kahapon. Kailangan ko rin bisitahin ang slaughterhouse ngayon.” “Kumain ka muna. Kamusta pala ang Don?” “Ayos naman na po Manang. Sasabayan ko po siyang kumain ng almusal.” “Mabuti naman kung ganoon para madami siyang makain.” Tumango ako. Tinulungan silang maghanda ng pagkain. “Sa t’wing magsasabay ang tatlo, wala silang ginawa kung hindi magbangayan sa hapag. Ayun, hindi na sila makakain ng maayos.” Tipid akong ngumiti sa kumento niya. Napansin ako ang mga aluminum tray na inilabas ng isang katulong. “Manang, may mga tira pa kagabi?” Diniretso niya ang mga laman nito sa timbang nasa ibaba saka tinakpan. Diniretso naman niya ang mga nagamit sa isang trans bag n
Danie POV “Why not? Siya naman—” Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa likod ko. Ilang sandaling walang nakaimik sa gulat. Lumapit siya sa pagitan namin ng Don at doon tumayo. Binalingan niya kami ng tingin bago balingan ang nagsalita. He tilted his head and smirked. Tripled na naman ang takbo ng puso ko. Parang sasabog ang mga ugat ko sa katawan. Mula kanina, ang tension mas dumoble pa ngayong nandito siya. Binitawan ng Don ang hawak na fork and knife. While me, yumuko. I was about to hold Don’s hand near me para pakalmahin siya. Nakikita ko sa mga mata niyang may— galit. Kung kanino, hindi ko alam. Kung bakit, mas hindi ko alam. “Fonso.” Babala ng isa nilang kaibigan. “Son—” tawag niya sa anak ngunit parang tunog bitin ‘to. “Yes, Dad? Hindi ka pa rin ba nakakapag-decide?” Nagsukatan sila ng tingin. Pinaglipat ko ang tingin sa lamesa namin. Lahat sila nag-aabang sa isasagot ng Don. Ang ibang mga bisita’y, napapalingon na rin sa amin. Malakas ang boses ni Liam, halatang pinap