Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 961 - Chapter 970

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 961 - Chapter 970

1219 Chapters

Kabanata 961

Nang papunta na si Zuko sa huling store, nakarinig siya ng kaguluhan sa kabila ng kalye. Hindi nagtagal, pinagbabato palabas ang mga shelf at paninda ng maliit na supermarket na “Jazzy Mint”. Nabigla si Zuko. Narinig niya ang isang babaeng sumisigaw sa galit at isang grupong nagmamataas sa kanya, pagkatapos, nakita niya ang aroganteng si Violet na nakatayo sa pintuan ng tindahan nang may malamig at malisyosong ngiti. “Lina Jenner, maliit na babala lang to para sa'yo!” Mapagmalaking tinignan ni Violet ang kalat. “Kapag nagsabi ka pa ng kalokohan at siraan mo ulit kaming mga Grist, may mga paraan ako para pahirapan ka!”“Kailangan ba ko ng mga Grist para siraan ka ngayong ginagawa mo ang lahat ng kalokohang to?” Tinitigan siya nang masama ni Lina. “Violet, mag-ingat ka. Kakarmahin ang buong pamilya mo!”“P*ta ka, ang kapal ng mukha mong sumpain ang pamilya ko?” sagot ni Violet. Hindi siya pinansin ni Lina at niligpit ang mga bagay na nasa lapag. Napisat ang mga prutas at gulay sa
last updateLast Updated : 2024-03-12
Read more

Kabanata 962

“Violet, baliw ka ba!?” Nanginig si Lina sa galit. Nang tumayo si Zuko sa harapan niya, napaatras si Lina nang ilang hakbang. “Kayong lahat… lumayas kayo! Kundi tatawag ako ng pulis!”“Wag mo kong takutin gamit ng pulis!” Sigaw ni Violet. “Lina, kapag di ko nakita ang marriage certificate mo sa tangang to sa loob ng tatlong araw, babalik ako para durugin ang tindahan mo!“Kahit na tumawag ka ng pulis, pagbabayarin lang nila ako ng danyos para sa'yo! Hindi kulang sa pera ang mga Grist. Iisipin ko lang nagpapakain lang ako ng aso!”Malamig na ngumisi si Violet at kumulot ang mga labi niya. “Pero ibang usapan ang mga magulang mo. Kung gusto mong makita nila kung paano ko durugin ang pinaghirapan nila buong buhay gamit ng sarili nilang mga mata, sige lang at labanan mo ko!”“Ikaw!” Biglang tinaas ni Lina ang kamay niya, pero di lumapag ang sampal. Alam niyang may kapangyarihan at impluwensiya ang mga Grist kaya iikot pa rin sa merkado ang mga produkto ng Grist Group kahit na magsum
last updateLast Updated : 2024-03-13
Read more

Kabanata 963

Pakiramdam ni Lina ay may dapat siyang sabihin, pero di niya alam kung ano. Sa bawat isang beses na naiisip niya si Zuko, para bang kinakagat ng mga langgam ang puso niya at nagsanhi ng matinding sakit. Gayunpaman, kung wala rito si Zuko, mahihirapan siyang harapin ito nang mag-isa. Kinagat ni Lina ang labi niya, at sa isipan niya, lumitaw ang mga salitang ito sa na parang kidlat—tatlong araw, marriage certificate, pagsira sa tindahan. Huminga siya nang malalim at lumitaw ang isang matapang na kaisipan sa utak niya. “Z-Zeke,” sinubukan niyang tawagin ang pangalan niya, “Zeke ang pangalan mo, tama?”Nanigas ang likod ni Zuko at huminto siya sa pag-aayos ng shelf. Kahit na nakatalikod siya sa kanya, naramdaman niya pa ring nanginginig siya. “Zeke, paano kung… tumira tayo sa iisang bahay?” tanong niya. “Ano?” Nagbago ang tono ni Zuko habang bigla siyang lumingon. Tumitig ang malalim niyang mga mata sa kanya. Anong kalokohan ang sinasabi ng babaeng ito!?Tinulungan lang niya
last updateLast Updated : 2024-03-14
Read more

Kabanata 964

“Ako si Linna Jenner,” binulong ni Lina ang pangalan niya pagkatapos ng isang sandali at nagpatuloy na tumalikod para maglinis ng istante. Medyo nagulat si Zuko. “Isa ka ring Jenner?”Tumingin si Lina sa kanya. “Anong problema?”Bahagyang umiling si Zuko. Ang malamig at striktong mukha niya ay may bakas ng ngiti. ‘Nagkataon nga naman, isa rin siyang Jenner.'Gayunpaman, ginamit lang ng nanay ni Zuko ang apelyidong Jenner sa unang kalahati ng buhay niya. Para sa espesyal na dahilang ito, hindi napigilan ni Zuko na tumingin kay Lina nang ilan pang beses. Hindi kagaya ng magulong itsura niya noong gabing iyon, mayroon siya ngayong pakiramdam ng kalinawan at kadalisayan. Kahit na suot ang pangkaraniwang puting shirt at maong na pantalon, pambihira ang itsura niya. Higit pa roon, ang ganda niya. Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Zuko, isang ngiting kahit siya ay di nakapansin. ...Pinagsang-ayunan nila Lina at Zuko na uuwi muna siya at mag-iimpake ngayong gabi at lilipat s
last updateLast Updated : 2024-03-15
Read more

Kabanata 965

“Wag kang mag-alala, mama!” sabi ni Lina. “Pupunta siya sa bahay natin at walang ibang kwarto para sa kanya, kaya matutulog siya sa sala, sa lapag!”“Pero…” Sabi ni Melissa nang nagngingitngit ang ngipin, “At wag mong asahang magpapakita ako sa kanya ng kabutihan!”Napatalon ang puso ni Lina at niyakap niya ang nanay niya para marahang tapikin ang likod niya. “Mama, ang totoo… meron naman siyang magandang katangian,” nakangiti niyang sabi. Pero tumulo ang luha sa mukha niya habang sinubukan niyang magsabi ng mga positibong bagay lamang, “Tignan niyo kung gaano kalakas at katibay ang itsura niya! Magiging ligtas ang pakiramdam natin sa bahay! Kung di niyo siya matiis, tratuhin niyo na lang siya bilang gwardyang inimbitahan ko.“Kapag naroon siya para bantayan ang pintuan, hindi magtatangkang gumawa ng gulo si Violet!”Naging ngiti ang mga luha ni Melissa nang tumango siya sa mga salita ni Lina, sabay bumuntong-hininga. Sa gabing iyon, natulog ang buong pamilya maliban kay Meliss
last updateLast Updated : 2024-03-16
Read more

Kabanata 966

Sa sumunod na araw, dumating si Zuko sa mga Jenner dala ang mga gamit niya at naranasan niya ang malamig na pagtratong di pa niya nararanasan noon. Kailangang manatili ni Lina sa school para tapusin ang paper niya bago umuwi kaya pinadala niya sa kanya ang address at sinabihan siyang pumunta roon nang mag-isa. Sinundan ni Zuko ang address at dumating sa maliit na eskinita kung saan nakatira ang mga Jenner. Mukhang luma na ang bahay na may lumalangitngit na kahoy na lapag. Mabuti na lang at hindi masikip ang tirahan nila. Isa itong maliit na bahay na may dalawang palapag, at nakatira ang mga Jenner sa kaliwang bahagi. Nasa baba ang sala, kusina, banyo, master bedroom, at kwarto ni Dave. Sa taas ay isang malawak na attic na nakaharap sa timog na nasisinagan ng araw. Sa labas ng pinto ay isang maliit at marikit na balkonaheng may itim na railings na may disenyong mga rosas. Kaagad na naakit si Zuko sa tanawin at nagtanong, “Ito ay...”Mahina itong pinakilala ni Dave, “Ito ang kwart
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 967

Ngumisi si Zuko. Iniisip niyang hindi magaling umarte ang mga aktor na ito!“Hoy, anong tinatawa-tawa mo diyan?” Tinitigan siya nang masama ni Melissa. “Nakakatawa ba? Seryosohin mo to!”Tinitigan sila ni Zuko nang may malalalim na mata na para bang nakatingin siya sa mga tanga. Nagpasya si Melissa na kumilos mag-isa dahil masyadong malambot ang asawa niya. Dinilaan niya ang labi niya at tinaas ang boses niya sa pinakamalakas na tono habang malinaw na binanggit ang bawat isang salita. “Ngayong titira ka na sa bahay na'to, kailangan naming maglagay ng patakaran para sa'yo! May reklamo ka ba?”Umiling si Zuko. “Ang unang patakaran ay wala kang ibang lugar na tutulugan maliban sa lapag ng sala!”Mahina siyang pinaalalahanan ni Dave, “Mama, binili siya ni Lina ng folding bed kaninang umaga. Ito—”“Kalimutan na yang folding bed!” Sigaw ni Melissa, “Kapag sinabi kong sa lapag siya matutulog, sa lapag siya matutulog!”Natawa si Zuko. Wala siyang pakialam kung saan siya matutulog, pe
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 968

Ang matinding aura ni Zuko, na nakakatakot kahit walang galit, ay nagpahinto ng lahat ng nasa kwarto sa takot na makagawa ng ingay. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtapang si Melissa. “Ikaw… Ano pa bang gusto mo?” tanong niya nang may nanginginig na boses. Tumingin si Zuko sa kanya. Isang pangkaraniwang may edad na babae lang si Melissa. Mataba siya at hindi mukhang sopistikado. Kumpara sa nanay niya, mukang mas matanda ang babaeng ito ng sampung taon. Sa kabila ng takot niya, hinarap niya siya na parang matandang maya na pinoprotektahan ang batang maya gamit ng maliliit na pakpak nito. Biglang naalala ni Zuko ang kasabihan tungkol sa pagmamahal ng isang ina. Ang pagmamahal ni Melissa para kay Lina ay hindi naiiba sa pagmamahal ng nanay niya sa kanya. “Oh, honey…” Marahang hinila ni Jesse si Melissa at mukhang kinakabahan nang bumulong siya, “Wag mo siyang galitin. Hindi mo siya kaya—”“Manahimik ka!” Tinitigan siya nang masama ni Melissa, pagkatapos ay binalik ang nag-iingat n
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 969

Ngayong maganda ang panahon, komportableng matulog sa labas, pero maraming mga lamok. Tahimik na lumapit si Lina. Masyadong maikli ang folding bed na binili niya at nakalawit ang mahahabang binti ni Zuko. Hindi rin sapat ang lapad nito. Sa kabuuan, mukha siyang isang magandang natutulog sa kama ng bata. Medyo natawa si Lina at tumalikod. Naghihintay pa rin si Dave sa sala. “Bakit di ka pa natutulog?” tanong niya. Tinuro ni Dave si Zuko at bumulong, “Di mo siya pinapasok?”“Lumabas ba siya nang kusa? O pinalayas siya ng mga magulang natin?” “Kusa siyang lumabas,” sagot ni Dave. “Oo nga pala, gutom ka ba? Bibigyan kita ng makakain!”Pagkatapos itong sabihin, tumalikod siya at nagpunta sa kusina. Kumuha siya ng isang plato ng lobster risotto.“Pinainit to sa palayok!” sabi niya. Nabigla si Lina at tumingin kay Dave. Para bang hindi ganito ang luto ng nanay niya at mahal ang lobster. Kahit bumili ng lobster ang nanay niya, iluluto niya iyon nang buo, at hindi lang hihimayin
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 970

“Uy, Lina, takot na takot talaga si Mama sa door guardian kanina!” Natawa si Dave. “Higit sampung taon na niyang ginagamit ang feather duster na yan, tapos bigla nitong narating ang katapusan nito!” Nabigla si Lina. “Ano? Sinubukan bang saktan ni Zeke si Mama?”“Hindi!” Pinaliwanag ni Dave ang sitwasyon sa kanya. “Nagalit si Mama kasi masyadong makalat ang kusina. Kinuha niya ang feather duster para gumawa ng punto, pero nadala siya at aksidente niya siyang nahampas nang malakas…“At nabali sa dalawa ang feather duster.”Nanlaki ang mga mata ni Lina. Tumingin si Dave sa porch at hininaan ang boses niya. “Ate, hindi siya door guardian kundi isang Ironman, ano?”Hindi napigilan ni Lina na tumawa at sinabihan ang kapatid niyang bumalik sa pagtulog. Tumingin siya sandali sa plato ng risotto sa mesa, pagkatapos ay pumunta sa beranda nang walang dahilan. Maingat ang posisyon sa pagtulog ni Zuko. Nakatagilid ang katawan niya, nakapatong ang mga braso niya sa dibdib niya, at natata
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more
PREV
1
...
9596979899
...
122
DMCA.com Protection Status