Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Chapter 971 - Chapter 980

All Chapters of Married a Secret Billionaire: Chapter 971 - Chapter 980

1219 Chapters

Kabanata 971

“Renta?” Lumingon sa kanya si Zuko nang nakataas ang isang kilay at may maliit na ngiti sa gilid ng labi niya. “Di ba ‘kinasal’ tayo? Nanghihingi ka pa rin ba ng renta sa asawa mo?”“Ikaw….” Hindi inasahan ni Lina na sasabihin niya iyon at kaagad na namula ang mukha niya. Tinitigan niya siya nang hindi makapagsalita. Mahinang tumawa si Zuko at huminto sa pang-aasar sa kanya. Dinampot niya ang folding bed niya na nakatayo sa labas ng beranda at naghandang ibalik ito sa sulok sa tabi ng pader. Nang nilampasan niya si Lina, napansin niya ang namumula niyang tainga at kitang-kita maski ang maninipis na hibla ng buhok sa mukha niya. Dumaan sa ilong niya ang natural niyang bango. Biglang napatalon ang puso niya at huminto ang mga yabag niya. Mahina niya siyang sinabihan, “Yung kama… Salamat din.”Tumingala si Lina at sinalubong ang titig niya. May kung ano sa kailaliman ng mga mata niya na para bang naglakad papunta sa sikretong lugar sa puso niya na walang nakakaalam. “Oh, siya n
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 972

“Ikaw… Paano mo nakuha to?” Si Melissa ang naunang kumibo at tumitig kay Lina. “Ikaw, bata ka, hindi ka naman umalis para magparehistro kasama niya, ano?”“Mama, anong sinasabi mo!?” Dinepensahan ni Dave ang ate niya. “Hindi umalis ng bahay si Lina buong araw!” “Oo, oo.” Tumango si Jesse. “Nakauwi ako nang tanghali at ginagawa ni Lina ang thesis niya!”“Kayong lahat, wag kayong mataranta,” sabi ni Zuko nang may malalim na boses. “Peke ang dalawang marriage certificate na'to.”“Peke!?” Mas lalong nagulat ang lahat. “Sabi ni Lina natatakot siyang maghahanap na naman ng gulo si Violet. Pinag-isipan ko ito at pumayag na mas mabuting maging handa,” simpleng paliwanag ni Zuko. “Kaya kumuha ako nito.”Nagulat si Lina at dinampot ang marriage certificates para tignan ito nang maigi. Nakita na niya noon ang marriage certificates ng mga magulang niya at kaparehong-kapareho iyon ng mga ito. Mukhang totoong-totoo ang katawan nila ni Zuko at ang sukat nito ay nakaayon sa pamantayan ng isa
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 973

Ngumiti si Melissa at naisip niya sa sarili niya na akala niya noong una ay nakulong si Zuko sa pakikipag-away at pakikipagbugbugan, pero lumabas na dahil pala ito sa pamemeke ng dokumento, na nagdala sa kakayanan niya sa ibang lebel. Kapag may talento ang isang tao, para silang umiilaw. “Zeke, kung ganun, maituturing kang isang kriminal na may talento at kakayahan!” Sabi ni Melissa, “Makakahinga na ako nang maluwag dahil nakulong ka para rito! Mas maganda yun kesa sa pakikipag-away!“Zeke, ayos lang na maligaw ng landas. Ang mahalaga ay ang magbago! Ginawa mong masyadong makatotohanan ang marriage certificate na'to, at pinakita nito ang husay mo! Kailangan mong ilipat ang talento mo sa pamemeke ng dokumento at gamitin ito sa ibang bagay—para makatulong sa lipunan!”“Oo! Sumasang-ayon ako!” Sumingit si Jesse. “Uy, Zeke, kaya mo rin bang mameke ng pera?”Umubo si Zuko at nasamid sa sarili niyang pagkain. Hindi siya nakasagot. Nagpipigil ng tawa si Dave at namula ang mukha niya.
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 974

Tumingin sandali si Lina kay Zuko at mahinang nagtanong, “Masama ang loob ko, pero ano pa bang magagawa ko? Malaking negosyo ang Grist Group, at para lang silang pumapatay ng langgam kapag dinurog nila kami.“Kasalanan ko talaga to.” Mapait siyang ngumiti. “Hindi ako dapat biglang nagsumbong ng problema sa mga produkto nila at di ko dapat tinipon ang mga tindero para wag silang tangkilikin. Hay… Ako tuloy ang nagdusa sa huli, tama? Nagbebenta pa rin ng mga produkto ng Grist Group ang mga tinderong nilapitan ko!”“Mabuti at natutukoy mo ang pagkakamali mo,” sabi ni Zuko nang may kalmadong ekspresyon. Tumingin sa baba si Lina at nanahimik siya. “Sisirain lang ng isang walang konsensyang kumpanyang kagaya ng Grist Group ang kaayusan ng merkado kapag nagpatuloy sila,” tumingin si Zuko sa kanya at nagsabing, “Tama ka sa paghingi ng katarungan, mali lang ang paraan mo.”Kinagat ni Lina ang labi niya. Inisip niyang palagi niyang nililihim ang inisip niya pero ang dami niyang sinabi nga
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 975

Kakatapos lang magsalansan ni Lina ng mga chichirya sa istante nang lumingon siya sa nanay niya. “Magaling talaga kayong dalawa sa ganito, ano?”“Hindi sa ganun ang nanay niyo!” Ngumisi si Jesse. “Wala siyang pakialam kung magsalita ang mga tao, basta't di nila gagalawin ang pera niya. Subukan nilang galawin ang pera niya at malalaman nila!”“Jesse Jenner!” Kaagad nagbato si Melissa ng isang bote ng tubig sa kanya at muntik na siyang tamaan sa ulo. “Seryoso ako,” sabi ni Melissa habang nakatingin kay Zeke na nagbubuhat ng tinda sa labas. “Simula nang dumating siya sa buhay natin, mas naging payapa ang buhay natin!”“Hindi ba sabi ni Dave nakahanap si Lina ng door guardian para sa'tin?“Gaano katagal mananatili ang guardian na'to? May iba ba siyang pamilya?”“Anong ginagawa niyo?” singit ni Lina. “Gusto ko siyang mas makilala!” Nag-isip sandali si Melissa. “Wag kang sasali sa usapang ito. Dahan-dahan ko siyang tatanungin at sasabihin niya sa'kin ang totoo!”Tumingin si Lina sa
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 976

Dumilim ang ekspresyon ni Lina at bumugso ang galit sa loob niya. May sasabihin sana siya nang humakbang si Zuko paharap at hinarangan siya. Sandali siyang natulala. Hinarangan siya ng malapad na likod ni Zuko nang buong-buo na pumigil sa kanyang makita ang malisyosong ngiti ni Violet o ang masasamang mukha ng mga siga. Para siyang isang pader na naghiwalay sa kanya sa kalangitan ng mundo. Uminit ang puso ni Lina at mayroon siyang halos hindi makitang ngiti. Naging malamig ang boses ni Zuko. “Ms. Grist, kung may sasabihin ka, sa'kin mo sabihin.”“Sabihin sa'yo? Sino ka ba sa tingin mo?” Pinagpatong ni Violet ang mga braso niya sa dibdib niya at ngumisi. “Mukhang nagsasaya ka sa buhay may-asawa mo ngayon. Masyado mo naman siyang pinoprotektahan! Magaling ba sa kama ang p*tang to para maging ganito ka katapat sa kanya?”“Violet Grist, ayusin mo yang bibig mo! Ikaw—”Bago natapos ni Lina ang pangungusap niya, diniinan ni Zuko ang ulo niya sa likuran niya. Tinaas ni Lina ang mal
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 977

Sandaling natulala si Lina. Nakita niya ang mga mata ni Zuko na may nangingibabaw na bakas ng rebelyon at pagkamuhi sa lahat. Sa isang iglap, hindi lang siya nakaramdam ng kaligtasan, napuno rin siya ng tapang. Basta't nasa tabi niya siya, para bang kaya niyang maglakad nang walang pag-aalinlangan, kahit na puno ng tinik ang daan. “Zeke!” Nagwawalang sumigaw si Victoria, “Sino ka ba sa tingin mo? Ang kapal ng mukha mong tulungan ang p*tang to laban sa'kin? Naisip mo na ba ang kahihinatnan nito?”“Kahihinatnan?” Ngumisi si Zuko. “Ms. Grist, di ako masyadong nakapag-aral kaya di ko alam kung paano isulat ang salitang ‘kahihinatanan’. Pwede mo bang ituro sa'kin?”“Ikaw—”“Tapos!” Dumilim ang titig ni Zuko habang nilapitan niya siya nang dahan-dahan. “Kapag sinubukan mo ulit na bastusin si Lina gamit ng maduming bibig mo, wag mo kong sisihin kapag naging bastos ako!”Ang mapagmataas at aroganteng si Violet ay hindi pa binantaan nang ganito noon. Galit na galit siya, nanginginig nang
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 978

Sandaling natulala si Zuko at aksidenteng nasamid sa inumin niya. Pagkatapos isara ang supermarket, sinara ni Lina ang pinto at umuwi kasama ni Zuko. Natulog na ang buong pamilya. Ililipat na sana ni Zuko ang folding bed sa beranda nang pinigilan siya ni Lina. “Um…” “Anong problema?” tanong niya. “Ano, gustong ka ba?” Yumuko si Lina. “Paghahandaan kita ng makakain bago ka matulog.” Nang sinabi niya iyon, tumalikod siya at pumasok sa kusina. Mag-isang tumayo si Zuko sa beranda at nakaramdam siya ng marahang ihip ng hangin. Para bang may bakas ng tamis sa ere. Pagkatapos ng isang sandali, lumabas ng kusina si Lina dala ang isang late-night snack. Nang naamoy ni Zuko ang bango nito, hindi napigilang kumalam ng sikmura niya. “Halika, kain ka!” Ngumiti si Lina at nag-abot sa kanya ng kutsara. Ang late-night snack ay lobster risotto. Huminto sandali si Zuko at nagpaliwanag si Lina, “Yung lobster na binili mo noon, hindi ito kinain ng tatay ko at nasa ref lang ito.”Tumang
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 979

Walang nasabi si Lina. “Mama, marami tayong utang na loob ngayon kay Zeke… Marami siyang ginawa buong araw at di siya masyadong kumain, kaya—”“Maghintay ka lang. Sasanayin siya ng Mama mo!”"Huh?"Bago makapagsalita si Lina, biglang binuksan ni Melissa ang pinto ng kusina nang may malakas na kalabog at striktong nagsabi, “Zeke! Ipasok mo rito ang plato!”Nabigla si Zuko at napalingon siya kay Lina. Lumayo ng tingin ang babae sa inis. “Zeke, dalian mo!” pagtawag ni Melissa. Nag-aalangang pumasok si Zuko sa kusina hawak ang plato at kutsara. Nakangiti si Melissa at tinaas ang mga kilay niya habang tumingin siya sa lababo. “Ilagay mo yan diyan!”Ginawa ni Zuko ang sinabi niya. “Hugasan mo ang mga plato at linisin mo rin ang mga palayok!” utos ni Melissa. Tumulala sa kanya si Zuko. Simula nang dumating siya, para bang hindi pa siya nakagawa ng gawaing-bahay. Sa huling beses na nagluto siya para kay Lina, parang nagkagiyera sa kusina at si Melissa rin ang naglinis nito s
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more

Kabanata 980

Umiling si Zuko na parang rattle drum at tumakbo palabas ng sala sa pagkataranta. May misteryosong ngiti si Melissa habang pinapanood ang kinakabahang itsura niya. “Oh, honey!” Kinusot ni Jesse ang mga mata niya at lumabas. Nabigla siya na nakatayo si Melissa sa pintuan ng kwarto. “Tinatawag mo ba ang mga espiritu rito kapag di ka natutulog sa gitna ng gabi?”“Layas!” Pinalo ni Melissa ang ulo niya gamit ng palad niya at umirap.Mas lalong nagising si Jesse. Nakita niya ang anino sa beranda at tumingin sa misteryosong ngiti ng asawa niya, pagkatapos ay may bigla siyang naunawaan. Hinila niya siya pabalik sa kwarto at hininaan niya ang boses niya. “Ano, hindi mo naman talaga siya pipiliin bilang asawa ng anak natin, tama?”“Bakit naman hindi?” Tumaas ang isang kilay ni Melissa nang mukhang natutuwa. “Tinanong ko siya tungkol sa pamilya niya! Hindi man masyadong maganda ang pamilyang pinagmulan niya, pero kung gusto nating maghanap ng son-in-law para kay Lina, nababagay siya!”“A
last updateLast Updated : 2024-03-17
Read more
PREV
1
...
96979899100
...
122
DMCA.com Protection Status