Sandaling natulala si Lina. Nakita niya ang mga mata ni Zuko na may nangingibabaw na bakas ng rebelyon at pagkamuhi sa lahat. Sa isang iglap, hindi lang siya nakaramdam ng kaligtasan, napuno rin siya ng tapang. Basta't nasa tabi niya siya, para bang kaya niyang maglakad nang walang pag-aalinlangan, kahit na puno ng tinik ang daan. “Zeke!” Nagwawalang sumigaw si Victoria, “Sino ka ba sa tingin mo? Ang kapal ng mukha mong tulungan ang p*tang to laban sa'kin? Naisip mo na ba ang kahihinatnan nito?”“Kahihinatnan?” Ngumisi si Zuko. “Ms. Grist, di ako masyadong nakapag-aral kaya di ko alam kung paano isulat ang salitang ‘kahihinatanan’. Pwede mo bang ituro sa'kin?”“Ikaw—”“Tapos!” Dumilim ang titig ni Zuko habang nilapitan niya siya nang dahan-dahan. “Kapag sinubukan mo ulit na bastusin si Lina gamit ng maduming bibig mo, wag mo kong sisihin kapag naging bastos ako!”Ang mapagmataas at aroganteng si Violet ay hindi pa binantaan nang ganito noon. Galit na galit siya, nanginginig nang
Sandaling natulala si Zuko at aksidenteng nasamid sa inumin niya. Pagkatapos isara ang supermarket, sinara ni Lina ang pinto at umuwi kasama ni Zuko. Natulog na ang buong pamilya. Ililipat na sana ni Zuko ang folding bed sa beranda nang pinigilan siya ni Lina. “Um…” “Anong problema?” tanong niya. “Ano, gustong ka ba?” Yumuko si Lina. “Paghahandaan kita ng makakain bago ka matulog.” Nang sinabi niya iyon, tumalikod siya at pumasok sa kusina. Mag-isang tumayo si Zuko sa beranda at nakaramdam siya ng marahang ihip ng hangin. Para bang may bakas ng tamis sa ere. Pagkatapos ng isang sandali, lumabas ng kusina si Lina dala ang isang late-night snack. Nang naamoy ni Zuko ang bango nito, hindi napigilang kumalam ng sikmura niya. “Halika, kain ka!” Ngumiti si Lina at nag-abot sa kanya ng kutsara. Ang late-night snack ay lobster risotto. Huminto sandali si Zuko at nagpaliwanag si Lina, “Yung lobster na binili mo noon, hindi ito kinain ng tatay ko at nasa ref lang ito.”Tumang
Walang nasabi si Lina. “Mama, marami tayong utang na loob ngayon kay Zeke… Marami siyang ginawa buong araw at di siya masyadong kumain, kaya—”“Maghintay ka lang. Sasanayin siya ng Mama mo!”"Huh?"Bago makapagsalita si Lina, biglang binuksan ni Melissa ang pinto ng kusina nang may malakas na kalabog at striktong nagsabi, “Zeke! Ipasok mo rito ang plato!”Nabigla si Zuko at napalingon siya kay Lina. Lumayo ng tingin ang babae sa inis. “Zeke, dalian mo!” pagtawag ni Melissa. Nag-aalangang pumasok si Zuko sa kusina hawak ang plato at kutsara. Nakangiti si Melissa at tinaas ang mga kilay niya habang tumingin siya sa lababo. “Ilagay mo yan diyan!”Ginawa ni Zuko ang sinabi niya. “Hugasan mo ang mga plato at linisin mo rin ang mga palayok!” utos ni Melissa. Tumulala sa kanya si Zuko. Simula nang dumating siya, para bang hindi pa siya nakagawa ng gawaing-bahay. Sa huling beses na nagluto siya para kay Lina, parang nagkagiyera sa kusina at si Melissa rin ang naglinis nito s
Umiling si Zuko na parang rattle drum at tumakbo palabas ng sala sa pagkataranta. May misteryosong ngiti si Melissa habang pinapanood ang kinakabahang itsura niya. “Oh, honey!” Kinusot ni Jesse ang mga mata niya at lumabas. Nabigla siya na nakatayo si Melissa sa pintuan ng kwarto. “Tinatawag mo ba ang mga espiritu rito kapag di ka natutulog sa gitna ng gabi?”“Layas!” Pinalo ni Melissa ang ulo niya gamit ng palad niya at umirap.Mas lalong nagising si Jesse. Nakita niya ang anino sa beranda at tumingin sa misteryosong ngiti ng asawa niya, pagkatapos ay may bigla siyang naunawaan. Hinila niya siya pabalik sa kwarto at hininaan niya ang boses niya. “Ano, hindi mo naman talaga siya pipiliin bilang asawa ng anak natin, tama?”“Bakit naman hindi?” Tumaas ang isang kilay ni Melissa nang mukhang natutuwa. “Tinanong ko siya tungkol sa pamilya niya! Hindi man masyadong maganda ang pamilyang pinagmulan niya, pero kung gusto nating maghanap ng son-in-law para kay Lina, nababagay siya!”“A
Kasama si Zuko sa ilang gawain kasama ng pamilyang iyon. Hinahatid-sundo niya si Lina sa unibersidad at tutulong siya sa tindahan. Kakausapin siya ni Melissa, habang bibigyan naman siya ng wine ni Jesse tuwing umiinom siya. Tinitingala siya ni Dave at minsan ay nakakatanggap siya ng fighting lessons mula sa kanya. Sa kabuuan, pakiramdam niya ay konektado siya sa pamilya. Gayunpaman, napansin ni Zuko na di siya pinapansin ni Lina kamakailan. Hindi siya nililingon ng babae para makita siya kapag pumapasok siya sa university gate di kagaya noon. Higit pa roon, nagsimula siyang umuwi nang mas huli at mabilis siyang naglakad sa unahan niya nang nakayuko. Sa bahay, umaasta siyang parang wala siya roon, at kahit pati sa tindahan, nagpapanggap siyang wala siya paligid. Malinaw na sinasadya niya siyang iwasan. Nagtaka rito si Zuko. Ayos lang sila dalawang araw ang nakaraan, kaya bakit niya siya tinutulak palayo ngayon? Hindi kaya lahat ng babae ay pabago-bago ng isip?Dahil sanay siyan
Mukhang malungkot at at nag-aalala si Lina sa daan niya pauwi. Hindi niya gustong sumali sa university activity. Napuno ng kalendaryo ang utak niya—15th na ngayon, ngunit nahuli ng dalawang linggo ang regla niya. Hindi alam ni Lina kung anong nangyayari. Ilang araw ang nakaraan…Nagkataong narinig ni Lina ang tungkol sa isang kapwa estudyante niyang nabuntis ng boyfriend niya ilang araw ang nakaraan. Wala siyang magawa at gusto niyang magpalaglag sa ospital. Sa sandaling iyon, nanginig si Lina habang lumitaw sa isipan niya ang kakaibang gabing nakasama niya si Zeke! Nanghina ang braso't binti niya kaya bumili siya ng pregnancy test stick. Kinakabahang nagtest si Lina at nakahinga lang siya nang maluwag nang nakita niyang may isang linya lang dito. Gayunpaman, nabasa niya sa internet na maraming nagsabing pwedeng magkamali ang resulta kung isang test lang ang ginawa niya. Dahil dito, sobra siyang namroblema at halos bumagsak siya. …Tinatrato ni Lina si Zuko na parang
“Oh, ito?”Pinakita ni Zuko ang hawak niya. Isa itong perang papel. Nabigla si Lina sa umpisa. Napansin niya lang na hindi ito tunay na perang papel, kundi ginuhit lang!Masyado lang makatotohanan ang mga disenyo at linya nito!Kaya talagang maloko ni Zuko ang iba gamit nito. Natulala si Lina at tumulala sa kanya. Napansin ni Zuko ang kumplikadong emosyong lumitaw sa mga mata niya sa sandaling iyon. Iniisip ba niyang namemeke siya ng pera?Tumawa si Zuko. “Tinanong ako ng tatay mo kung kaya kong gumawa ng pekeng pera. Hindi ko kaya, pero kaya ko itong iguhit. Ako ang gumuhit nito para sa'yo.”“Para sa'kin?” tanong ni Lina. “Mm-hmm.” Senyas niya at sabing, “Tignan mo yung likod.”Itinaob ito ni Lina nang walang pag-aalinlangan. Ang mga pangkaraniwang perang papel ay dapat na may lokasyon ng bangko na nakatatak sa gitnang kanang bahagi nito, ngunit sa halip ay may dalawang letrang nakalagay dito—LJ.Nagtaka si Lina sa umpisa, pagkatapos ay nabigla siya. Bigla siyang tumi
Nabigla si Zuko. “8:30 am ang simula ng klase ko, at 8:20 am na.” Namroblema si Lina. “Kailangan ko to para sa third period. Ako—”Tumalikod si Zuko at umalis nang walang sabi-sabi at naiwan siya roon nang mag-isa. Nakatayo si Lina roon nang nakatulala. Hindi niya maintindihan ang intensyon ng lalaking ito… Pagkatapos dumating sa classroom, may limang minuto pa siya. Kinagat niya ang granola bar at napansin niyang may asukal ito, ngunit hindi ito naging matamis. Habang papalapit ang third period, nahirapang magpokus si Lina. Para bang rocket science ang mga salita ng lecturer para sa kanya. Pinuno niya ang isip niya ng mga palusot kapag hindi niya naipasa sa oras ang homework niya. Nang dumating ang break, sandali siyang pumunta sa banyo. Pagbalik niya, hinarangan siya ni Gia sa labas ng classroom. “Lina!”“Hmm?” Nabigla si Lina. “Anong problema?”“Wag… ka munang pumasok.” Mukhang kakaiba ang kinikilos ni Gia. Sumilip si Lina sa classroom. Nagsasabi ng kalokohan si Vio
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala