Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 951 - Kabanata 960

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 951 - Kabanata 960

1219 Kabanata

Kabanata 951

Minsan, pupunta si Zuko sa dagat nang mag-isa pagkatapos ng klase. Uupo siya tabi ng pampang at tutulala sa walang katapusang karagatan habang iniisip kung talagang natutulog si Pammy sa dagat. Nabasa niya ang tungkol sa The Little Mermaid at naisip niya ang isang eksena kung saan nahanap siya ng hari ng karagatan at ginawa siyang isang mermaid princess. Gayunpaman, mabilis na naglaho ang ngiti niya at isang sandali ng kalungkutan ang lumitaw sa inosente niyang mukha. Binalak niyang dalhin si Pammy sa Southeast Aciatic para sa kaarawan niya. Bakit siya nauwing natulog sa ilalim ng dagat? Giniginaw ba siya? Natatakot ba siya?Naaalala niya pa kaya ang isang kaibigang kagaya niya?Tumingin siya sa baba at isang malinaw na luha ang tumulo sa pisngi niya. Nawala ito sa ere habang umihip ang hangin. …Lumipas ang maraming taon. Ang batang nasa dagat noon ay isa nang ganap na lalaki ngayon, pero hindi niya binago ang nakagawian niyang tumitig sa dagat. “Gabi na, sir. Umuwi na
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 952

“Wag ka namang masyadong masakit magsalita, dad.” Matigas ang ulo ni Zuko. “Masakit magsalita?” Suminghal si Zephyr. “Totoo lang ang sinasabi ko! Zuko, ikaw ang panganay na anak ng mga Hamerton. Ganito ba ang ehemplong gusto mong ibigay sa kapatid mo? Gusto mong malaman ng nakababatang henerasyon ang kalokohang to mula sa'yo?”“Dad!” Huminga nang malalim si Zuko, sinubukang pigilan ang mga emosyon niya, at maayos na nagpaliwanag, “Unang-una, hindi ko kilala ang babaeng yun. Gabi na nang natapos ang annual meeting. Nabigla ako nang niyakap niya ko!“Pangalawa, hindi ko aaminin ang kahit na anong iskandalo noon!”Tinaas ni Zephyr ang mga kilay niya. “Kung ganun, desperada ang mga babaeng ito?”Kampanteng tumango si Zuko. “Ikaw—”“Dad, may pangatlong punto pa ako.” Huminto sandali si Zuko. Lumitaw ang isang bakas ng kaseryosohan sa mga mata niya nang tumingala siyang muli. “K-Kahit na may nobya talaga ako, walang mali dun!”“Anong sabi mo!?” Nabigla si Zephyr. Inisip ni Zuko n
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 953

“Hoy! Sinong nandiyan? Ang iingay niyo! Buksan niyo ang pinto!”Narinig ang boses ng cleaning lady mula sa labas habang ilulublob na ni Violet ang ulo ni Lina sa timba ng tubig. Mas malaki ang babae at malakas din ang boses niya. Nang napansin niya ang mga estudyanteng nagtitipon sa paligid ng kaguluhang gumagawa ng ingay habang naglilinis siya, kaagad niyang naramdamang may inaapi rito. Sa pangmayamang university na ito, may ilang masasamang batang pakiramdam nila ay kaya nilang gawin ang kahit na ano dahil lang sa mayaman sila. Araw-araw na nangyayari ang pang-aapi sa kapwa nila estudyante. Bilang kasangga ng katarungan, hindi matiis ng babae ang ganitong ugali. Kinuha niya ang walis niya at hinampas ang pinto para mamagitan at tapusin ang pang-aaping ito. Natakot si Violet kaya bumitaw siya. Sa sandaling bumitaw siya, biglang tumayo si Lina, hinawakan ang pulso niya, at pinihit ito. Tumili sa sakit ang huli. Kinuha ni Lina ang pagkakataon para tumakbo. Naririnig pa rin
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 954

Inisip ni Gia na matapang si Lina. “Tama ang ginawa mo, Lina. May nagbuking na kaduda-duda ang inumin nila. Gumamit sila ng mapanganib na kemikal. Kapag nagpatuloy silang ibenta ito, makakasama to sa mga consumer!”“Pero makapangyarihan ang mga Grist. Wala silang ginawa kahit pagkatapos mabuko. Sa halip, pinapahirapan nila tayo.” Namomroblemang pinaglaruan ni Lina ang mabuhok niya. “Wala akong pakialam sa ibang bagay. Nag-aalala lang akong baka madamay ko ang mga magulang ko at ang kapatid ko.”Marahang hinawakan ni Gia ang kamay niya. Ang mga Grist ay makapangyarihan sa business industry ng Jangasas. Mayaman sila at makapangyarihan. Ang beverage company sa ilalim ng Grist Group ay nakakakuha ng No. 1 sa sales sa loob ng maraming tao. Dahan-dahan nilang sinasakop ang merkado at natanggal ang ilang imported na brand. Dahil dito, arogante ang Grist Group at di na sila nag-iingat sa kalidad nila. Ang produktong nabuko kamakailan, ang Rose Dew, ay natagpuang hindi kagaya ng sa pin
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 955

Nakatulala pa rin si Lina. Walang ekspresyon ang lalaki habang nilapag niya ang kahon na hawak niya sa sementong lapag sa labas ng supermarket. “Hoy, ikaw…” Doon lang siya nakakibo. “Dalhin mo yan!”Natigilan ang lalaki at bahagyang lumingon sa kanya. “Ikaw ang driver ng Grist Group, tama?” Pinagpatong niya ang mga braso niya. “Hindi namin ibebenta ang inumin niyo. Kunin niyo lahat ng kahong to!”Tahimik na tumingin sa kanya ang lalaki. May hindi maipaliwanag na emosyon sa malalalim niyang mata. Wala siyang sinabi. “Ano? Di mo ba naiintindihan ang sinasabi ko?” Kumunot ang noo ni Lina. “Nagsasabi sila ng di totoo tungkol sa sangkap ng inumin para kumita ng pera, tapos lumabas ang ganitong iskandalo, pero gusto pa rin nilang itinda ng mga tindahan ang produkto nila? Managinip kayo!”“Sinong hahanapin namin kapag nanghingi ng danyos ang mga customer namin kung may mangyari sa kanila pagkatapos uminom nito?“Kunin niyo yan, kunin niyo yan lahat! Di na kami tatanggap ng produkt
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 956

Natulala si Lina, matagal siyang nakahinto nang may kagat na lollipop. Nagpatuloy si Dave. “Narinig ko kakalabas niya lang sa kulungan. Sabi nila magaling siya sa pakikipagbugbugan. Walang laban sa kanya ang mga pangkaraniwang siga at magaling siya sa pagmamaneho ng trak. Lahat ng produktong pinapadala niya ay may magandang kondisyon. “Pero palagi siyang hindi namamansin! Tuwing may sumusubok na kausapin siya, hindi niya sila pinapansin, kaya sa huli, hindi na sila sumubok. Sabi nila baka tanga o manyak siya!”Tumawa siya at nagdagdag, “Oh, kakaiba rin ang panahon niya. Zeke Mason!” Nagulat siya. “Ano?”“Hindi pala… Zeke Hamerton!”"Zeke Hamerton…"Umiling si Lina at nakalimutan niya ang tungkol sa pangalan pagkatapos ubusin ang lollipop. ...Maituturing na mapayapa sa school sa sumunod na ilang araw. Kahit na araw-araw niyang nakikita si Violet, hindi sila gumawa ng gulo. Hindi ito ang unang beses na mayroong karahasan sa unibersidad. Kadalasang kinakampihan ng uniber
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 957

Tumingin ang ilang tao kay Lina na nasa kama at napalunok. Gayunpaman, nangarap na lang silang magagalaw nila siya sa presensya ng prinsesa ng mga Grist. Nandito lang sila para sa trabaho kaya kailangan nilang sundin ang kung sinong nagbabayad. Ngumisi si Violet sa tuwa bago sila nandidiring tinignan. …Maliligo na si Zuko at matutulog nang dumating ang mga tao mula sa mga Grist para sa kanya. Kumuha si Violet ng mga sigang may masamang intensyon at inatake siya mula sa likuran! Nang narinig niya ang mga yabag na papalapit mula sa likuran, sumipa ang talas ng pakiramdam niya at mabilis siyang lumingon. Pero sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng biglaang bwelo sa likod niya nang hinampas siya ng baston ng isa sa kanila!Lumuhod siya sa lapag at pinilit na hindi tumumba, ngunit tinali nila siya at sinilid siya sa isang lumang van. Tahimik ang buong biyahe nila. Nang hindi nababahala sa sitwasyon, nanatiling seryoso at malamig ang ekspresyon niya. Natakot ang mga siga sa mat
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 958

Walang ekspresyon si Zuko habang lumingon siya sa mga siga at nagtanong, “Pwede kayong kumuha ng video, pero makikita ang mukha ko. Babayaran niyo ba ako o ano?”“Anong sabi mo?” Kumunot ang noo ng lider. “Ha, hindi ka pala tanga!”“Kailangan niyong bumili ng tiket para mapanood ang pelikula,” sabi ni Zuko. “Gawin mo na, binabalaan kita! Kundi lulumpuhin ka namin, tapos iitsa ka namin sa ibabaw niya. Matatapos na ang trabaho ko!” singhal ng lider. Nang di pinapansin ang presensya ng lalaki, direkta siyang tinitigan ni Zuko. Pagkatapos ng isang sandali, isang tawa ang lumabas sa labi niya. Kinilabutan sila sa tawa niya. Nang naghanda silang turuan siya ng leksyon, mabilis niyang iniwasan ng atake nila nang may nakakamanghang liksi. Sa isang mabilis na pag-ikot, malakas niyang sinipa ang tao sa likuran niya sa mismong vital point niya. “Ah!” Gumulong sa lapag ang lider sa sakit. Nang nakita ng iba iyon, hindi sila nagtangkang lumapit at kinakabahang tumingin kay Zuko. Nilaban
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 959

Lumakas ang matining na tunog sa tainga ni Lina at naagaw ang atensyon niya habang tumulala siya sa kisame. Habang hawak nang mahigpit ang kumot, naramdaman niyang kumirot ang puso niya. Umulit ang mga nakakagambalang pangyayari sa isipan niya. Pinagbintangan siya ni Violet at gumamit ng panyong may droga para mawalan siya ng malay. Hindi siya makapaniwala at napuno siya ng galit sa napagtanto niya. Nangilid ang mga luha sa mata ni Lina at tahimik itong tumulo sa unan dahil sa tindi ng bigat ng sitwasyon. Hindi siya nakatulog sa gabing iyon.Nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya niya at kay Gia, pero hindi niya magawang sabihin sa kanila ang totoo. Sa halip, nagpanggap siyang matapang. Sinabi niya sa kanilang ayos lang ang lahat at ginawang dahilan ang pagod at sinat sa pagkawala niya. Nang kinausap na ni Lina si Gia sa wakas, nanginig ang boses niya sa emosyon. Nang hindi na niya ito maitago, nagtapat siya sa kaibigan niya at binuhos ang masasakit na detalye ng mga nangya
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa

Kabanata 960

Isa ring Jenner si Jesse, pero libo-libong milya ang layo niya sa mga Jenner. Noon, hindi man lang tinignan ng mapagmataas na si William ang mga mahihirap na kamag-anak nilang kagaya ni Jesse na isang malayong kamag-anak. Pagkatapos pumalpak ang unang pagsubok ni Jesse na lumapit kay William, nagpasya siyang umasa sa sarili niya. Nagsimula siya sa pagtatayo ng isang stall sa night market street at sa huli ay nakaipon ng sapat na pera para magbukas ng isang shop, na ngayo'y naging ang maliit na supermarket na ito. Isa itong napakahirap na paglalakbay. Nagigising siya nang maaga at natutulog nang gabing-gabi, at ang mga nakaranas lang nito mismo ang tunay na makakaintindi. Mas mahalaga ang maliit na supermarket na ito kausa sa sarili niyang buhay. Ngayon, kailangan niyang pinili sa pagitan ng buhay niya at ng sa anak niya. “Jesse, nawalan ka na ba ng boses?” Niyakap ni Melissa si Lina habang hinahaplos ang ulo niya kagaya noong bata pa siya nang may mga luha sa mukha niya. “Kah
last updateHuling Na-update : 2024-03-11
Magbasa pa
PREV
1
...
9495969798
...
122
DMCA.com Protection Status